FIELD TRIP

By cupcakegalaxyy

177K 3.7K 370

Field Trip ⓒ cupcakegalaxyy All Rights Reserved 2014 More

Field Trip
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Note -
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
A/N
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Please read.
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 - Field trip
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
ATTENTION!
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 - She
ATTENTION
Chapter 38 - Revelation

Chapter 1 - The Beginning

16.2K 283 21
By cupcakegalaxyy

Chapter 1



Gayle's POV




"Hoy Jeric akin na yung sapatos ko!"




"Ayoko nga hahaha habulin mo ko kung kaya mo Nhice"




"Ang gulo niyo ho!" sigaw ni Princess.




"Akin na Jeric pasa mo sa akin dali"




"Isa ka pa Daniel 'wag ka na maki gulo"




Nandito ako ngayon sa room namin. Recess na in five minutes. Ayun nagiingay sila Nhice, Daniel, Jeric at Princess. Napaka-gulo talaga ng apat na 'to. Buti nalang at wala kaming teacher ngayon.




Ako nga pala si Gayle, Gayle Smith. Simpleng dalaga at may simpleng buhay. Simpleng estudyante rin na may mataas na pangarap. Masaya ako kasama ng aking barkada, pamilya at isang napaka espesyal na tao sa akin.




"Yes! sa wakas na bawi ko rin." Sigaw ni Nhice nung mabawi niya ang sapatos niya. Natawa nalang kami.





*Riinggg * Ringgg  Tumunog na ang bell kaya naman kanya kanya na kaming ayos ng gamit namin upang magrecess na.





Ewan ko ba? Napakaweird ng feeling ko. Nilalamig ako na ewan. Pero tirik naman yung araw. Parang ewan e no? Pinagpapawisan ako ng malamig. Pilit kong inaalala kung may nakain ba akong kakaiba o hindi kaya'y ginawang nakakapagod. Pakiramdam ko kasi'y magkakasakit ako.





Pansamantala muna akong lumayo sa magugulong to. Pumunta agad akong school garden. Mag-isa lang akong umupo dun sa paburito kong tambayan sa ilalim nung puno ng narra. Kakaunti lang ang tao dito. Tahimik. Nung umihip bigla ang hangin, mas lalo akong nilamig.





(may tumaklob sa mga mata ko)





"Aaaaaahhhhhhh!" Hinawakan ko ang kamay nito.





Teka parang pamilyar? Tinanggal niya ang mga kamay niya sa mga mata ko at humarap sa akin.





Hay! Akala ko naman kung ano! Napahinga ako ng maluwag nung makita ko siya.




"Hello Prinsesa ko "  si Francis  lang pala. Nginitian ko nalang siya.




"Baliw ka! Nagulat ako sa'yo a!" Sabi ko sa kanya. Napakamot siya ng ulo.





"Ikaw naman napaka magugulatin mo" Sabi  niya at pinisil ang  aking pisngi. Bigla siyang natigilan at hinawakan ang noo ko.





"Bakit ang init mo?" Sumunod naman ay ang leeg ko.





"Masama ba pakiramdam mo? Tapos bakit sobrang malamig ng kamay mo?" Pahabol nitong tanong.





Malamig?





"Eh? Siguro nga masama lang pakiramdam ko pero ayos lang ako" Sabi ko at ngumiti.





"Teka lang Gayle" Saan pupunta yun? Iniwan ba naman ako dito? Biglang sumakit ng konti yung ulo ko. Gutom lang to.





Hindi pa yata nakakaraan ang limang minuto ay nakabalik na siya agad.





"Gayle eto oh. Kumain ka muna " Iniabot niya sa akin ang paburito kong tsokolate.





"Bat ka bumili neto?" tanong ko agad sa kanya.





"Alam ko kasing yan lang yung gamot sa katamlayan mo" Hindi man halata, pero kinilig ako sa ginawa niya.




Kukunin ko na sana sa kamay ni Francis kaso bigla na lamang sumakit lalo yung ulo ko.





"A-aray" sabi ko.





Unti unting nanlalabo ang paningin ko





"F-francis na-nahihilo ak--"






"GAYLE!" sigaw niya.





Palabo na ng palabo ang paningin ko hanggang sa dumilim na ang lahat.




--------




Nasan ako? 




Nilibot ko ang aking paningin. A-ano tong lugar na to?




Bakit may train rails?




Teka? Kasama ko si Francis kanina ah?





"Francis?" Pagtawag ko pero walang sumagot





"Ui Francis nasaan ka?" at sa pangalawang pagkakataon, ay walang sumagot.





Na saan ako? 





Ang dilim tas parang may nasirang train doon.





Kinikilabutan ako sa mga nakikita ko. Bigla na lamang ginapang ng kaba ang dibdib ko.





"Hoy Francis, hindi magandang biro 'yan ah?"





Nasaan na ba siy---- Teka?




A-ano yun?





S-si





"F-francis?" Agad ko itong pinuntahan. Tinapik-tapik ko ang mukha nito.




"A-ano nangyari sayo??" Naluluha na ko. "F-Francis parang awa mo na sumagot ka" Nakita ko siyang nakahiga malapit sa train. Duguan, sugatan at puro saksak.




Hindi ko mapigilang humagulgol.




"FRANCIS!" sigaw ko habang umiiyak.




Akap-akap ko siya ng biglang may kumulbit sakin. Naramdaman ko rin ang init ng kanyang hininga sa aking batok. Pagkalingon ko..





"Gusto mo sumunod? HAHAHA"



***




"Aaaaaaaaaah !" Napabalikwas ako bigla pero teka, na saan na ko? Ramdam ko ang pisngi ko na basang-basa sa luha. Halos hindi rin ako makahinga.





Panaginip?




"Gayle? Bakit? Shhh. Nandito na ko." Si Francis. Hinagod nito ang likod ko. Niyakap ko siya agad. Diyos ko, salamat. Nananaginip lang pala ko.




"F-francis. H-hindi. " Tuloy tuloy ang paghikbi ko. Hindi ko kinaya yung nakita ko. Pati yung kumulbit sakin na paglingon ko ay..




"Bakit? Ano bakit ka sumigaw?" niyakap niya ko ng mahigpit.




"N-nanaginip ako. Nakita kitang D-duguan. Niyakap kita p-pero patay ka na. Tapos m-may kumulbit sa akin na bata. F-francis papatayin niya rin ako." Naluluha kong ikinuwento sa kanya.





"Nasobrahan ka ata sa  panonood ng horror eh." pinunasan niya luha ko at sinabi..




"Tama na, di mangyayari 'yon" Hinalikan niya ko sa noo na kadahilanan kung bakit gumaan loob ko.




Bakit ganoon? Parang...




Parang totoo?





Niyakap ko lang siya pero kabado parin talaga ako. Akala ko totoong nangyari. Ramdam ko yung lamig niya. Ramdam ko ang mainit na pulang likido na umaagos sa kanyang katawan. Bakit? Bakit parang totoo?




Maya maya ay dumating na ang barkada.




"Kambal, ano nangyari sayo ?" Si Princess pala. Best friend ko siya pero ang tawag ko sa kanya ay kambal.





"Ayos na ko kambal" Hindi ko padin maintindihan yung panaginip ko.





Ayoko nang mangyari muli ito.

Continue Reading

You'll Also Like

931K 45.4K 17
"Last year he was buried. last week he appeared. Last night he was seen. Today he began to kill. Here comes Dondy and he's coming for you." (Taglish...
9.3M 391K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
2.9K 210 9
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...