Chased (In Luv Series #1)

By chinieanne

27.3K 1.4K 290

CHASED (BTS JIMIN FANFIC) In Luv Series #1 chinieanne's storyline allrights reserved 2016 "You chose to chase... More

Chased (In Luv Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanta 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
a/n
Chinieanne's other stories
FALL (New Story Alert)

Kabanata 20

376 23 1
By chinieanne

Kabanata 20

I love you

Naging seryoso si Niccolo sa kagustuhan niyang manligaw. Ilang beses kong pinilit na hindi pa ako handa. Naging totoo rin ako sa kanya na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Kapatid. Bestfriend. Pero pursigido siya. He even asked my brothers about this. Inasar lang nila ako dahil doon.

Nang magchristmas break ay kanya-kanya kami ng lakad. My parents decided to visit my father's relatives abroad. Kaya doon kami nag-stay for two weeks. Sina Lhieanne naman ay nagbakasyon din. Sina Niccolo ay umuwi sa kanilang probinsya. Adrian is with his childhood bestfriend. Si Rhein at Jazz ay parehong nasa kani-kanilang bahay lang.

Wala kaming naging bonding ng mga panahon na iyon. I missed them so much. Bukas pa ang uwi namin sa Manila at uwing-uwi na ako. Not that I'm not enjoying my stay here. Nagustuhan ko nga ang snow. Pero mas gusto kong makasama ang mga kaibigan ko sa Pilipinas.

Nawala ang pag-iisip ko sa aking mga kaibigan nang marinig ko na tumunog aking phone. Agad kong nakita ang pangalan ni Niccolo na tumatawag!

"Hello?" Napatingin sa akin si mommy na nasa aking harap lamang. Nasa terrace kami habang iniinom ang hot chocolate na hinatid ni daddy kanina.

"Who's that?" Usisa ni mommy. I mouthed Niccolo's name. Ngumisi lang si mommy at nakakalokong tiningnan ako. Umikot ang mata ko sa kawalan.

"I miss you so much..." Napakunot ang noo ko nang iyon ang binungad niya. And he sounds drunk? Or just sleepy? I don't know.

Lumabas ako sa terrace at iniwan si mommy doon. Dumiretso ako sa kwarto habang nasa tenga ko pa rin ang phone.

"Are you drunk?" Tanong ko pagkapasok ko sa kwarto. Hindi inintindi ang kanyang sinabi.

"Hindi mo ba ako namiss?" Umirap ako. Ang kulit. Iniiwas ko nga ang usapan tungkol dito.

"Answer me first. Are you drunk?"

"Hindi. Napainom lang ng konti." Nakarinig ako ng pagbagsak sa kanyang background. Hindi ko alam kung siya iyon o ibang bagay. Konti lang pala anh nainom niya.

"Bakit ka uminom?" Pinanatili ko ang natural kong tono. Ayokong lagyan niya ng kulay ang sinabi ko.

"Nagyaya si Adrian. Broken hearted. Hindi raw siya pinapansin ni Jazz." Narinig ko ang tawa niya. Siraulo. Pagtawanan ba raw ang kaibigan niya.

Bago ako umalis ng Pilipinas ay nabanggit na ni Jazz ang tungkol dito. Kung nasasaktan si Adrian ngayon, mas nasasaktan si Jazz. Si Jazz ang nauna sa totoo lang. Naramdaman niya ang insecurity and jealous noong nag-outing kami sa batangas last september to celebrate Adrian's birthday. Sinama ni Adrian ang childhood bestfriend niyang si Elise. And since noon na lang ulit sila nagkita, sila ang magkasama buong araw at naitsapwera si Jazz. I feel bad for my bestfriend actually. Si Adrian ri ang may kasalanan. Hindi ko masisisi si Jazz kung bakit nagbago ang pakikitungo niya kay Adrian. Adrian is Jazz' crush since first year. Alam kong nasasaktan siya ngayon.

"Sabihin mo kay Adrian, ang manhid niya rin kasi. Parehas lang naman sila ni Jazz e! Batukan mo nga pagnagkita kayo." Bigla akong nainis. Ayoko talagang nasasaktan ang mga kaibigan ko.

"Chill, Claire. Uuwi ka naman na diba? Sasamahan na lang kita pagbinugbog si Adrian."

"Tse! Matulog ka na. Lasing ka pa naman." Hinubad ko ang coat na suot ko at humarap sa salamin. Isa-isa kong tinanggal ang suot kong mga damit. Sobrang lamig sa labas.

"Ikaw rin, Claire. Gusto ko sabay tayong matutulog." Nahimigan ko ang pagkaantok niya nang sabihin niya iyon. He's probably sleepy. Pero dahil sa gusto niyang mangyari ay nagpipigil siya.

Magsho-shower pa sana ako bago mahiga ay pinagbigyan ko na ang sinabi niya. Masyadong mapilit ang taong ito.

"I'm on my bed. Matulog ka na." Niyakap ko ang makapal kong kumot.

"Okay. Basta 'wag mong papatayin ang tawag. I want to hear you snore."

"I don't snore! 'Tsaka mahal ang tawag na ito, Niccolo. Nag-aaksaya ka lang ng load!"

"Hindi pag-aaksaya ang tawag dito, Claire. I'm spending it to talk to you. I just miss you. Two weeks, Claire. Ang tagal na..."

Wala na akong narinig matapos no'n. Marahil ay nakatulog na rin siya. Pinatay ko na ang tawag atsaka muling bumangon para makaligo muna. I need a hot shower, really. May kung anong malamig na bagay ang namamahinga sa tiyan ko.

Maaga ang naging biyahe namin pauwi kaya maaga rin kaming nakarating sa Manila. It's New Year's eve. Inimbitahan kami ni Adrian na mag-stay muna sa kanila. He needs our help. Gusto niyang manghingi ng sorry kay Jazz. Sa wakas ay nalaman niya ring pagkakamali niya ang lahat! Ayoko sana siyang tulungan pero mukhang pursigido naman siya. Si Jazz pa rin naman ang magdedesisyon.

Bago magdilim ay umuwi na ako. Hinatid ako ni Niccolo hanggang sa amin. Hindi kasi papayag si mommy na kina Jazz ako magce-celbrate ng new year gaya ng balak nila Adrian. Hanggang sa loob ng bahay ay sinamahan niya ako.

"May kasalanan ka pa sa akin, Clara." Nakabusangot ang mukha niya nang hinarap ako. Nasa dining kami at hinihintay na mahatag ang iba pang pagkain na pang media noche. The fruits are properly arranged same as the other things and foods that are needed. Nabusog ang mata ko sa katitingin doon.

"Ano na naman?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Sobrang kulit ng lalaking ito.

"Pinatay mo ang tawag ko sa'yo noong isang gabi. Sabi ko 'wag mong papatayin e." Inirapan ko siya.

"'Yan lang ang pinuputok mo? Kusang nag-end ang tawag. Naubusan ka na siguro ng load." Kumuha ako ng kutsara nang ilapag sa hapag ang dalawang maliit na mangkok ng fruit salad. Alam nilang paborito ko ito.

Naging maayos ang exams ko lalo na math. Ilang araw na lang ang bibilangin at magpo-prom na. Pagkatapos ay exam ulit at graduation na.

Like what I always said. Hindi ako excited na grumaduate. The most important to me is to be with my friends when I turned college.

Katatapos lang ng laban between Kroner Academy and Kroner University. Panalo university syempre. Nasa bahay kami nina Rhein para icelebrate ang pagkatalo nila. Tatlo silang kasali sa varsity. Pero hindi na nila inimbitahan si Adrian na maki-celebrate dahil sa sitwasyon nila ni Jazz. Hindi na sila naging maayos. Talagang nasaktan si Jazz. At ang hindi inaasahan dito ay naging maayos na sa pakikitungo sa isa't isa sina Jazz at Rhein. At mukhang hindi 'yun lang ang nangyayari. May napapansin ako...

"Malapit na talaga tayong grumaduate..." Nakangisi si Lhieanne habang nakatingin sa baso niyang may lamang juice. Sina Rhein ay may alak na iniinom. Hindi ko alam kung alam ng daddy ni Rhein na si tito Elijah na umiinom ngayon ang anak niya. Hinayaan ko lang din naman si Niccolo dahil alam ko namang lasingero 'yan.

Ngayon na nabuksan na nila ang topic, mabuti nang itanong ko sila kung anong kukuhanin nilang kurso.

"Ano bang course ang kukunin niyo?" Tumingin silang lahat sa akin. Ginamit ko ang kamay ko para maipatong ang aking baba.

"My dad wants me to take business. Kahit si ate Chi ang tine-train ngayon sa company..." Sagot ni Lhieanne.

"Sigurado na ako sa business. Ako lang ang hahawak ng kumpanya ni daddy." Nagkibit-balikat si Rhein.

"Ikaw, Niccs?" Tinapik ni Lhieanne si Niccolo.

"I really want to pursue music..."

"Hindi ka nakapasa 'diba?" Natatawang sabi ni Rhein. Totoo iyon. Itong nakaraan lang ay nag-exam siya at hindi nakapasa. He looks depressed that time. Tinawanan ko lang din siya.

"Fuck you. Ipamukha mo pa lalo." Nanlilisik ang mata ni Niccolo nang suntukin niya si Rhein sa braso nito.

Sabay-sabay kaming tumingin sa nananahimik na si Jazz.

"Ako? Hindi ko alam... baka tulad na lang rin kay kuya." Mula kay Jazz ay napunta sa akin ang tingin nila. Nagkibit balikat ako.

"Hindi pa ako nakakapili. Walang suggestion sina dad. Wala rin naman akong gusto."

"Mag-army ka na lang din tulad ng daddy't kuya mo." Nginisian nila ako pagkasabi ni Lhieanne no'n. Napairap na lang ako.

Hindi pa rin ako nakakapili ng kurso. Baka mag-army na nga lang siguro ako.

Wala naman akong hilig magluto kung sasama ako kay Jazz. Kung business, wala naman akong mamanahin. Mga kuya ko lang naman ang may business. Napabuntong hininga na lang ako.

"Bunso, anong gusto mong mangyari sa birthday mo?" Napakunot ang noo ko nang tanungin iyon ni kuya.

"Wala nga, kuya. Wala namang concert ngayon. Ipunin mo na lang para sa bilihan ng ticket sa May mayroon tayong pambili." Iiling-iling na ngumisi si kuya Patrick. Alam niya naman ang gusto naming dalawa.

"Are you sure? 'Di kayo magcecelebrate ng mga kaibigan mo?" Tumango lang ako.

Tinatamad akong lumabas nang dumating ang birthday ko. Tinatanong din ako nina Jazz kung anong gagawin namin pero hindi ako sumasagot. I don't want to celebrate. I just want to cuddle with my pillows and sleep all day.

Hapon nang magising ako sa katok mula sa labas ng aking kwarto. Sabi ni ate Gigi ay may naghahanap daw sa akin sa sala. Sinabi ko lang na susunod ako at naghilamos.

Pagbaba ko ay sumalubong sa akin sina Jazz na may hawak na cake at pink balloons. They greeted me happy birthday. Nginitian ko lang sila.

"Bakit ang tahimik mo, Clara? May mali ba?" Tinabihan ako ni Jazz sa sofa habang ang iba naman ay abala sa pag-slice ng cake na dala nila.

"Wala. Wala lang talaga ako sa mood." Sinimangutan ko siya. Lalong nagusot ang mukha ko nang binalingan ako ni Niccolo. This idiot!

"Claire..." Linapitan niya ako. I just stared at him. Si Jazz naman ay nakatingin sa aming dalawa.

"Magka-away kayo?" Takang tanong niya. Umiling lang ako.

"Can you please excuse us, Jazz? Mag-uusap lang kami." Alinlangang tumango si Jazz sa pakiusap ni Niccolo. Nang makaalis na si Jazz ay nakatingin pa rin siya sa akin habang nakatayo. Wala atang balak na magsalita.

Naiinis ako. Psh.

"Pwedeng sa labas tayo mag-usap?" Umirap ako atsaka tumayo. Padabog akong lumabas ng bahay habang narinig ko naman siyang nagpaalam sa iba pa naming kaibigan. Napairap ako. Hindi mawala ang inis ko.

"Mabuti naman at naisipan mong makipag-usap diba?" Nakahalukipkip akong humarap sa kanya.

"Ilang araw ko nang gustong makipag-usap sa'yo. Hindi mo sinasagot ang text at tawag ko. It's not my fault." Magkasalubong ang mga kilay niya. Nakita ko ring nag-igting ang kanyang bagang. Pinaningkitan ko siya ng mata. Siya pa talaga ang may ganang magalit? Seriously?

"Wow! Sino ba kasing tanga ang sasagot sa tanong mo kung galit ba ako? Hindi ba obvious, Niccs?" Umirap muli ako. Pang-ilang beses ko nang umiirap sa araw na ito. Naiinis talaga ako!

"So you really are mad." Hindi ko alam kung bakit sumilay ang ngiti sa kanyang labi! Masaya pa siya na nagagalit ako ngayon?

"Ewan sa'yo..." Binagsak ko ang mata ko sa paanan ko. I don't want to look at his face. Nanatili ang kunot kong noo.

"So it means you're jealous." Agad na napabaling ang tingin ko sa kanya. He's smiling widely! What the fuck?

Imbis na sumagot ay umirap na lang ako 'tsaka tumalikod. Tanga niya naman para hindi mapansin iyon?

Nagulat ako nang naramdaman kong may kamay na bumalot sa aking beywang. Then I feel his presence at my back. Dumampi ang mainit niyang hininga sa aking batok. Kinilabutan ako.

"Nagseselos ka nga. Bakit hindi ko man lang naisip iyon?" Pinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat. Binulong niya ang mga katagang iyon.

Mas lalo akong kinilabutan! May kung anong bagay ang gumapang sa buong katawan ko.

"Hindi ka kasi nag-iisip, Niccolo."

Hindi mo kasi iniisip ang nararamdaman ko.

"I'm sorry, okay? Nagpaturo lang naman si Mae tungkol sa nakaraang exam."

"Malandi." Bulong ko. I don't know if he heard that. But I hope not.

"I'm sorry, Claire. Promise hindi na ako lalapit sa iba. Hindi ko naman alam na sobrang selosa mo pala." I heard him giggle. Halos sikuhin ko siya sa kanyang sinabi.

"Makapagsalita ka a?!" Kinalas ko ang yakap niya sa akin. He's smiling widely.

"Sorry. Nagulat lang talaga ako dahil nagselos ka. Anong ibig sabihin no'n, Claire?" Mapanuring mga mata ang ipinukol niya sa akin.

"Ewan sayo. Bahala ka sa buhay mo!" Tumawa siyang muli at niyakap ulit ako mula sa likod. Naramdaman ko na naman ang bagay na 'yon sa aking sistema.

"Bahala ako? Pwede bang isipin kong nagseselos ka kasi may nararamdaman ka na rin sa akin? Pwede ba iyon, Claire?" Malambing niyang binulong sa aking tenga. Parang may kumiliti sa akin doon. Hindi ako kumibo.

"Pwede bang isipin ko kahit ngayon lang... na mahal mo na rin ako?" Napakagat ako sa aking labi. Ayokong magsalita. Ayokong may kumawala sa aking bibig dahil natatakot ako. Ayoko.

Ilang sandali niya pa akong niyakap bago ako pinakawalan. Nang mawala ang kanyang bisig ay parang may nawala rin sa akin. Pinilig ko ang aking ulo.

"Again, I'm sorry, Claire. And I'm also sorry for what I just said. 'Wag mo na lang isipin iyon. Alam ko namang wala talaga." Nag-iwas siya ng tingin.

Seeing him in pain feels like my heart is also hurting.

This strange feeling is making me crazy for months now. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako.

Hindi kailanman ako naging ganito. Hindi ko kainlanman inisip ang pakiramdam na ito. Alam kong kusa itong mararamdaman at hindi ka magdadalawang isip sa damdaming iyon. Pero bakit ngayon...

"Pero, Claire, kahit na gano'n. Kahit na ilang taon pa akong maghintay. Kahit gaano katagal... maghihintay ako. Happy birthday, Claire. I love you."

Continue Reading

You'll Also Like

24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
2.7M 101K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
14.8K 712 64
[ epistolary #9: bangtwice ] smile chou shared something! in which smile chou accidentally pressed the share contact info in the chat options with ju...
10.4M 566K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."