'Yung katabi ko sa Jeep

Por stylistnoona

153K 4K 1.3K

[Do Kyungsoo FF, XOXO Basketball Team Series Part 2] Part 1 - COMPLETED Part 2 - COMPLETED Ang magulong buhay... Más

PART 1
UPDATE 1
UPDATE 2
UPDATE 3
UPDATE 4
UPDATE 5
UPDATE 6
UPDATE 7
UPDATE 8
UPDATE 9
UPDATE 10
UPDATE 11
UPDATE 13
UPDATE 14 (1/2)
UPDATE 14 (2/2)
UPDATE 15
[!!!] MUST READ [!!!]
UPDATE 16
UPDATE 17
UPDATE 18
UPDATE 19
UPDATE 20
UPDATE 21
UPDATE 22
UPDATE 23
UPDATE 24 (1/2)
UPDATE 24 (2/2)
UPDATE 25
END OF PART 1
PART 2
UPDATE A
UPDATE B
UPDATE C
UPDATE D
UPDATE E
UPDATE F
UPDATE G
UPDATE H
UPDATE I
UPDATE J
UPDATE K
UPDATE L
UPDATE M
UPDATE N
UPDATE O
UPDATE P
UPDATE Q
UPDATE R
UPDATE S
UPDATE T
UPDATE U
UPDATE V
UPDATE W
UPDATE X
UPDATE Y
UPDATE Z (1/2)
UPDATE Z (2/2)
END OF PART 2
PROMISE
PROMISE 1.0

UPDATE 12

3.6K 92 14
Por stylistnoona

UPDATE (12)

Jade Carla's Point of View;

Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya, pero hindi pa rin ako makapag-react. Hindi ko alam kung bakit, siguro kasi na-miss ko ang boses niya.

Tumawa naman si Chase at Darius, habang si Venice ay nakangisi lang. "Go on, I was just kidding." Natatawang sabi niya while giving me a hand gesture to go away.

Agad na napakunot ang noo ko, "What the hell?!" Bulalas ko at agad na tumalikod para mag-walkout.

Nakakainis! Ang yabang-yabang niya pa rin. Akala mo kung sinong gwapo! Letse siya, tama pala talaga 'yung desisyon ko kanina. Hindi ko talaga maiwasang mainis, bakit ba ganito ang nararamdaman ko? 'Di ba dapat masaya ako na nagkita na ulit kami? Add the fact na tinanong niya pa ako if ever na pwede pa ba ulit kaming magkita... Hay! Argh.

Dumiretso ako sa mga dapat na ginagawa ko as a Nurse.

I assisted more than a hundred sick people for almost 7 hours now, sa Emergency na kasi ako na-assign dahil umalis pala si Dr. Gines kaya wala akong gagawin ngayon sa office niya.

"Nurse Jade, tapos na ang shift mo sabi ng Head Nurse." Sabi sa akin n'ung isa kong kasamahan na kararating lang (siya 'ata papalit sa shift ko) kaya agad kong tinanggal ang face mask ko.

Ngumiti ako, "Thanks!" Sabi ko sa kanya at inabot ang patient folder sa kanya, iniabot niya naman 'yun at umalis na para mag-log on siguro.

Dumiretso na ako sa locker room para kunin ang mga gamit ko at makapagpalit na.

Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa may itaas nang locker. Alas kuwatro y media na pala nang hapon.

Inayos ko na ang buhok ko at tuluyang lumabas ng hospital.

Today is a tough day for me.

Napabuntong hininga ako ng maalala ko si Darius, bakit gan'un? Kung kailan nagbabalak na akong mamuhay nang normal na wala siya... tsaka pa siya dumating at nagparamdam.

Nasa waiting shed na ako at naghihintay ng masasakyan pauwi ng may huminto na Black Volvo sa harap ko.

Napailing na lang ako, hihinto na nga lang eh sa harap ko pa talaga? Alam ko namang wala akong ganyan kaya sana 'wag nang ipamukha kung sino man ang may-ari ng mamahaling kotse na ito.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at nagbaka sakaling may masakyan na ako pauwi. Halos 30 minutes na akong naghihintay dito eh.

Bumukas ang pinto ng Black Volvo na nakapark sa harapan ko at niluwa ng kotse ang taong ayaw ko na sanang makita ulit.

Pinabayaan ko lang siya at nagpatuloy sa pag-abang ng Jeep.

Naramdaman kong tumabi siya sa akin (one space apart naman), kunyare ay wala akong nakikita at nararamdaman.

Tumikhim siya pero hindi ko pa rin siya nilingon o kung ano man na makakapaghalata na napapansin ko nga siya.

Nakatanaw na ako ng Jeep na parating kaya agad akong tumayo at naglakad palapit sa kung saan ito bahagyang huminto.

Aakyat na sana ako sa Jeep nang makaramdam ako na may humila sa braso ko, muntik na akong masubsob sa kalsada!!!

"What theㅡ ...hell?!" Angil ko at napatingin sa herodes na humila sa braso ko, si D.O na pangahas lang naman ang humila sa akin.

Well, expected ko na 'yun hindi dahil sa assuming ako, expected ko lang na siya ang humila sa akin dahil siya lang naman ang tao d'un sa waiting shed na pinaghintayan ko kanina at siya lang ang pangahas na lalaking kung makahila akala mo super close kami. Psh!

Sinamaan ko siya nang tingin, bahagya lang siyang ngumiti, "Come with me." Halos mapabuga ako ng apoy sa mga naririnig ko, 'di ko alam pero naiirita na talaga ako sa pangungulit niya sa akin.

Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya, "Ano ba?" Angil ko sa kanya at marahas na tiningnan siya nang masama.

Ngumuso naman siya at nagpa-cute!!! Seriously, si Darius ba talaga 'to? Bakit ganito na siya umakto, "Why are you so mean to me?" Hindi ko alam kung nagpapaawa siya o nagpapacute, basta ang alam ko... naiirita ako sa pinaggagawa niya.

Napaawang ang bibig ko sa mga nangyayari, na-shock talaga ako sa mga pinaggagawa niya... THIS IS SO NOT HIM!

"Ano? Sasakay ba kayo o maglalandian pa diyan?!" Singhal n'ung driver kaya napa-igtad ako at napalingon sa Jeep.

Kanina pa pala sila naghihintay.

Sinamantala ni D.O ang pagkakataon at hinila ako papasok sa Jeep. "Opo, sasakay na po kami. Sorry po!" Nagulat ako, at napatigil sa kalagitnaan ng Jeep, nag-tagalog siya... Kailan pa ba 'yung huling rinig ko sa napaka-slang niyang pagtatagalog?

"AYY!!" Tili ko, bigla kasing umandar ang Jeep at nasubsob ako sa... napaangat ako nang tingin... O.O

Sa dibdib pala ni D.O ako nasubsob. Omg!

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko, nakita ko ang unti-unting pagkorte ng bibig niya kaya agad ko siyang natulak at napa-upo nang maayos.

Pakiramdam ko, umakyat lahat ng dugo ko sa mukha at nangangamatis na ang magkabila kong pisngi dahil sa pamumula. Nakakahiya!!! Ang clumsy ko pa rin.

Napatungo ako, baka kasi makita niya ang pamumula ko, mas lalong nakakahiya kaya 'yun! >_<

Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin siya sa akinㅡ hindi pala, sa kamay ko pala na... nakahawak din sa kamay niya! Hahablutin ko sana ang kamay ko kaso hinigpitan niya ang pagkakahawak kaya hindi ko mabawi ang kamay ko. "Let's just stay this way, okay?" Bahagya siyang ngumiti, ako naman ay tumango na lang.

Naiinis ako, sa kanya at lalong lalo na sa sarili ko, kasi hindi ko siya matiis, kasi may gusto pa rin ako sa kanya, kasi hinahayaan ko lang siya napaglaruan lang ako, kasi napaka-paasa niya at ako naman itong si tanga na umaasa.

'Last na talaga 'to!' Sabi nang isipan ko.

Naramdaman ko namang binitawan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, nginitian niya lang ako at inakbay na ang kamay niya, isinandal pa ang ulo ko sa balikat koㅡ tulad noon.

He leaned forward, I can feel his warmth. "Jade, please just let me..." He helplessly uttered, "Maybe one day, I can't do this anymore..." Pagpapatuloy niya, "No, maybe I will never be able to do this again." Mahina niyang sabi.

Napatingin naman ako sa kanya, "Ha?" I confusedly asked, seryosong seryoso ang mukha niya, "What do you mean by that D.O?"

'Yung seryoso niyang mukha ay napalitan na nang matatamis na ngiti, "What I meant is, we will not ride Jeepney anymore, because we will take the wedding car as we go home." He mumbled, it was clearly uttered to me, kahit na pahina nang pahina ang boses niya.

Nanlaki ang mata ko, "Anong wedding car? Anong we go home?!" Shocked na sabi ko, narinig ko namang nagtawanan ang mga nasa Jeep kaya napatahimik ako pero tinititigan ko pa rin siya.

He slightly chuckled and pout his luscious lips afterwards, "Failed." He seriously said, bipolar talaga 'tong buang na ito.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at umupo nang maayos, pero ramdam ko pa rin ang kamay niyang nakapulupot sa baywang ko. Halos lahat pala nang kasakay namin sa jeep ay highschool students, lahat sila ay nakatingin sa akin nang masama!!! Ugh.

Pilit na tinatanggal ko ang kamay niya sa baywang ko pero ang higpit talaga nang pagkakahawak niya sa akin, halos 'di na nga ako makahing eh. Aish.

"Ano ba 'yan, D.O!" Angal ko sa kanya, nakakailang na kasi 'ung kinikilos niya. Hindi naman kami pero maka-asta siya o kaya naman ay 'yung mga pinapakita niya eh parang kami nang dalawa, which is NOT TRUE.

Tumikhim siya, "I told you, I like it this way." Seryosong bigkas nito kaya hindi na lamang ako nagsalita at nanahimik na lamang.







"Para po!" Sigaw ko sa driver, kanina pa kasi ako nagpapara pero hindi niya ako pinapansin kaya lumagpas ako ng dalawang kanto mula sa dapat na babaan.

Bababa na sana kami nang biglang tinawag kami n'ung driver, "Miss, bayad niyo!!!" Malakas na sabi niya kaya agad akong napahinto sa pagbaba, napansin ko namang nagtinginan ang mga tao sa amin. Shit, nakakahiya!!!

Ang alam ko nagbayad na kami, nag-abot pa nga ako ng bente pesos n'un eh. Dahil ang walang hiyang si Darius ay nakatulog. Buti kamo at hindi tumulo ang laway niya.

Tuluyan akong bumaba, narinig ko naman sumigaw nang "HOY!!" Kaya nagpanting ang tainga ko at lumapit na mismo sa Jeepney driver.

Dinuro ko siya, "Hoy ka din, Manong! Nagbayad na ako ng bente sa'yo! Dalawa ho kami n'un!!" Singhal ko sa kanya, nakakainis kasi. Ngayon lang sa tanang buhay ko ako napahiya nang ganito, ngayon pa talaga na nagkatrabaho na ako.

Pinalo n'ung driver ang kamay ko, nanlaki naman ang mata ko. "Basta. miss. Wala pa kayong bayaㅡ" Hindi na siya natapos sa mga sasabihin niya kasi sinampal na siya ni D.O kasama ang dalawang libong piso.

"You can shout at her, glare at her or whatever things that can't harm her. She's a lady, Mister. She don't deserve your treat. That's two thousand bocks, I think that's enough for our fare." Galit na sabi nito at hinila na ako palayo sa Jeep na 'yun.

Ako naman ay natahimik, at na-shock at the same time. Hindi ko kasi talaga maintindihan si Darius kung minsan.

Mali 'yung ginawa niya, kahit na mayaman siya hindi niya dapat isinampal sa driver ang pera na 'yun. Tao lang din 'yun at nagkakamali.

Pero sa kabilang banda, ipinagtanggol niya ako at hindi ko maiwasang masiyahan kahit papaano.

Huminto siya kaya nabunggo ako sa likod niya, "Aww!" Mahinang daing ko habang minamasahe ang ilong kong nabunggo sa likod niyang parang pader.

Hinarap niya ako at nginitian, "Where do you live? I think we're lost." Asiwang sabi niya habang kinakamot ang batok niya.

Napatingin naman ako sa paligid, nandito na pala kami sa block namin at malapit na sa bahay na tinutuluyan ko.

Umiling ako, "'Yung apartment namin nasa kanto na, tara!" Sabi ko sabay hila sa kanya.

Nagpahila naman siya. "I thought we're already lost." Mahinang sabi niya sabay tawa nang bahagya, "Jade, are you happy... to see me?" Tanong niya pero 'di ako sumagot, if he only knew how happy and annoyed at the same time when I saw him again. "Because Jade, I was really happy to see you again..." Sabi niya, napabuntong hininga na lang ako at huminto sa harap ng gate namin.

Gusto kong tumalon sa saya pero ayoko naman na ipakita sa kanya 'yun.

Hinarap ko siya, "We are here, my cousin is inside. I will introduce you to him." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Tumango lang siya at tinitigan ang apartment ko (well, hati kami ng pinsan ko), parang n'ung noon lang, kung paano niya titigan 'yung bahay namin sa Rizal. "Do you still live in Rizal?" Tanong niya out of nowhere.

"Yes but literally no, bad memories are filled that house. I don't wanna remember it so I chose to live here in the City." Sabi ko sabay bukas nang pinto.

Nakita ko namang nakaupo ang pinsan ko sa sofa at seryoso ang tingin. "Oy, Jong. Ayos mukha. may bisita ako." Sabi ko sabay pagpag nang sapatos ko sa basahan.

He hissed, "Baka bwisita kamo."

"Hi, JC!" Napatingin ako sa pamilyar na nagmamay-ari ng boses na iyon.

Nanlaki ang mata ko, "Elvis?!"

"Jade, I thought you like doㅡ" Natigilan din si D.O nang makita niya si Elvis at tiim bagang na tumitig dito.

Oh, no! Nasabi ko na ba sa inyong nililigawan ulit ako ni Elvis?!

🔳 🔳 🔳 🔳 🔳 🔳 🔳 🔳

UPDATED, 130918 8:25 in the morning.

Nag-UD ako kahit late na ako sa school, kahit wala namang nagrequest na mag-UD ako eh nag-UD na lang ako. Huehue.

Anyway, can you check out my cousin's story? It's entitled as "She's mine", you can visit his profile if you want to; http://www.wattpad.com/user/talklikeaboss

Oh, by the way, can I ask you guys a favor? Can you leave a comment and vote? Just for inspiration.

P.S.: Dedication is still open.

XOXO,
stylistnoona

Seguir leyendo

También te gustarán

3.6K 514 31
Ang pangalan niya ay Je'ir,isang matapang at malakas na manlalaro sa larangan ng mahika't pisikal na lakas.Bantog ang pangalan niya sa buong lupain n...
5K 134 7
Siya si Augusteus, ang lalakeng nagpapabaliw sa akin. Hindi kami magkaaway at lalong hindi magkaibigan pero kung makapanira ng araw wagas. Pinakabast...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
209K 11.5K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.