One Roof with Mr. Sungit

Af seoulwriter

1.4M 14.7K 1.2K

COMPLETED ⓒ AG_LOUISSE 2013-2014 A story that starts with a cheerful scholar student who is studying in Conce... Mere

PROLOGUE
Chapter 1: News
Chapter 2: Meeting him.
Chapter 3: Resisting his CHARMS
Chapter 4: Rain friend. :)
Chapter 5: Bandmates
Chapter 6: Irritated Yael
Chapter 7: Mumu.
Chapter 8: Thief? O_O
Chapter 9: Buy me that!
Chapter 10: Kare-kare
Chapter 11: Clearing things out.
Chapter 12: Dream
Chapter 13: Oh my, baby!
Chapter 13.2: Oh my, baby!
Chapter 14: The so-called-Dinner Date.
Chapter 15
Chapter 15.2
Chapter 16
Chapter 16.2
Chapter 17: Isang Dustpan ka lang!
Chapter 18:
Chapter 18.2: The call
Chapter 19: Here comes Lola!
Chapter 19.2: Grocery.
Chapter 20: BOTHERED!
Chapter 20.2
Chapter 21: Sorry!
Chapter 21.2: Expect the Unexpected.
Chapter 22: There's a Hello in every Goodbye.
Chapter 22.2: Meet the 9-year old conyo girl.
Chapter 23: Maling Akala
Chapter 24: What a awkward day!
Chapter 24.2
Chapter 24.3: The Goldfish
Chapter 25: Behind the goldfish
Chapter 27: Unpredictable
Chapter 28
Chapter 28.2: Pusong lito.
Chapter 29: Mapanuksong Tadhana
Chapter 30: Exchange.
Chapter 31
Chapter 32: Katangahan Overload
Chapter 33: What?!!
Chapter 34: Mall Moment
PANLILIGAW DAYS (FINAL CHAPTER PART 1)
Final Chapter part 2
Last part of the Final Chapter
Epilogue.
BOOK 2.. ? [EXTERNAL LINK FOR THE BOOK2]

Chapter 26

23.1K 256 54
Af seoulwriter

Author's Note: Wag kayong magreklamo kung palaging may author's note! Hahahahaha! Thank you sa comments at votes nyo sa previous chapter! Natutuwa ako sa mga comment ng iba kasi hindi nawawala ang bitin ang sa comment nila. -_____-

At BAKIT BA SI AISHNA AT SI YAEL ANG GUSTO NYO MAGKATULUYAN HA?!

--x


Aishna's POV

Sikat ng araw agad ang bumungad sa maganda kong mata. Ng maalala ko tapos na pala ang pagbabantay ko sa goldfish ni Syrel. At hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang dahilan kung bakit pinabantay sakin yon ni Syrel, tell me. Bakit nga ba? O___O?

Tumayo na ako sa kama at nagsimulang magayos dahil papasok na ako sa school. Kahit na tinatamad pa ako, alam ko kayo din tinatamad pag ganyan. Humarap ako sa salamin at ngumiti. "Ganda mo talaga Aishna, no wonder maraming nakapalibot na gwapo sayo." sabi ko sabay suklay ng buhok na parang sinabunutan ng milyong kabayo.



Pumasok na ako at nagsimulang ibuhos ang malamig na tubig sa napaka sexy kong body. Hindi ko nga alam kung bakit palaging si Marian Rivera o kaya si Sam Pinto palagi ang nababanggit na isa sa mga sexiest women sa Philippines. Eh andito lang naman ako. *iling-iling*

Kinuha ko na ang tuwalya dahil tapos na akong maligo. Hindi ba obvious. Tapos nagayos na ako at bumaba na. Gising na kaya si Sungit? Pagkauwi nya kahapon tahimik lang siya at poker face. Well, what's new diba? Pero... parang lutang siya kahapon eh. 

Pagkababa ko nakita kong naghuhugas na siya ng plato. Nakatayo lang ako at nakatingin sakanya. Mukhang hindi naman nya nahalatang andito ako kaya nanahimik muna ako at hindi muna bumaba ng tuluyan, ang weird kasi nya eh. Parang hindi siya mapakali. Most of the time kasi cool siya o kaya ang sungit. Pero ngayon, nasa ibang lupalop pa ata kaluluwa nya. Kasi naman no, naghuhugas siya ng pinggang pero wala naman sabon sponge nya! Like duh! Nasisiraan na ba siya?!

Nagdecide na akong bumaba. Sayang ung oras, atsaka naaawa na ako sa sponge na kanina pa umiikot sa plato na hindi naman nalilinis dahil walang sabon.

"Baliw ka ba? Walang sabon ung sponge mo oh! Paano malilinis yan?!" sabi ko sabay lapit sakanya. At inagaw ko ang platong hinuhugasan nya tapos ako nalang ang naghugas. Naramdaman ko na nakatingin lang siya sakin.

Nagpunas na ako ng kamay pagkatapos kong hugasan ang plato nya. Habang siya ay abalang inaayos ang gamit nya. Palabas na sana siya ng pinto ng pigilan ko siya. Aba! Hindi man lang magthathank you?!

"Hoy! Thank you ha!" saglit siyang tumigil at lumabas na ng tuluyan. Hayst! Ano bang problema nun?! Bahala siya! Care ko ba sakanya?!

Lumabas na din ako at nagabang ng jeep, tumingin ako sa orasan. Its already 6:30. Medyo maaga ata ako ngayon ah? Sana lang agad may dumaan na jeep!

May dumaan naman na jeep kaya agad naman akong nakaalis ng bahay ni Sungit.

--

"Eh bat parang ikaw ang affected dyan aber?" comment ni Kyla sabay kain ng chips. Alam nyo na kinuwento ko sakanya ang kilos ni Sungit kaninang umaga. Masanay na kayo, bawat nangyayari sa buhay ko sinasabi ko dito sa impokritang to.

"Hindi ako affected!" sabi ko sabay inom ng tubig. Kakatapos lang ng second subj. namin kaya break time na. Actually may event kaming mga graduating kaya maaga kaming nagbreabreak.

Nagbikit balikat nalang siya at itinuon ang atensyon nya sa chips. Samantalang ako.. ewan ko ba! Bat ba ganito nararamdaman ko?! Naiinis ako! 

Pero ano nga bang paki ko kay Sungit diba? Nagulat ako ng magring ang cellphone ko, pag ka tingin ko kung sino tumatawag. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. 

Si Mr. Concepcion..

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Not this time! Ano ng sasabihin ko sakanya?! Hindi ko pa nababago ang ugali ni Sungit!

"H-hello?"

[How are you Ms. Bleza? I want to talk to you personally. Meet me at the office. I'm hanging up now.]

*call ended*

"Bessy sino yun? Anyare sayo?" tanong ni Kyla. 

"S-si Mr. Concepcion." nabitawan ni Kyla ang hawak nyang chips. "Ano?!! Bakit daw?!! Anong sabi?!!"

"Magmeet d-daw kami sa o-office nya. Bessy.. ang tagal ko ng kasama si Sungit. Pero.. wala! Wala ni isa akong nabago sa ugali nya!"

Naging worried naman ang face ni Kyla at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam ang mukha na ihaharap ko kay Mr. Concepcion, although alam ko na maganda na ako pero naman eh!

"Bessy.." humingi ng malalim si Kyla. "Yun ba talaga ang reason mo kaya kinakabahan ka? O baka dahil.. paalisin ka ni Mr. Concepcion sa bahay nila?"

--

Huminga ako ng malalim at kumatok sa pinto ng office ni Mr. Concepcion.  Bahala na. Basta sasabihin ko lahat ng ginawa ko kasama si Sungit. Lahat ng nangyare sa loob ng bahay na iyon. 

"Come in." rinig kong sabi ni Mr. Concepcion kaya binuksan ko na ang pinto. At huminga ulit malalim. Pumasok na ako at nakita ko siyang nagaayos ng papers nya.

Tumingin siya sakin at ngumiti. Medyo nawala ang kaba ko. "Take a sit." sabi nya. At binaba ang papers na hawak nya sabay ngiti ulit sakin. Umupo naman ako. At tumingin sa kanya. Hindi ko alam irereact ko o sasabihin ko.

"Kumusta ang pagbabago sa ugali ng anak ko? Is it successful?" tanong nya. Tumingin ako sa sahig. At nagcrossed fingers.

"A-ahhm. Hi-hindi ko pa po kasi nabago ugali nya." tumingin ako sakanya. Tumaas ng kaunti ang kilay nya. Naman eh! Bat ngayon pa? Bakit kasi pinapatulan ko kasungitan ni Sungit? At bakit ko nakalimutan ang role ko sa buhay nya?

"As I expected. Hindi ko aakalain na ang isang scholar student ay hindi kayang baguhin ang ugali ng anak ko and to think na nalaman ko na bumagsak ka sa exam mo."

Pinipigilan kong huwag umiyak. Tama nga naman.. scholar student lang ako. Wala akong powers para baguhin ang ugali ni Sungit. Akala ko mababago ko. Actually aminado ako nung una eh.. pero nung patagal ng patagal.. bat ganun?

"P-pasensya na po.." pinipilit kong huwag magcrack ang boses ko. Bakit ba ganito ang nirereact ko ngayon? Hindi ba dapat matuwa ako kasi wala ng magsusungit sakin? Wala ng manguutos sakin? Babalik na ako sa normal kong buhay. Buhay na kasama ko si Mama. Buhay na kung saan nagaaral ako ng mabuti para mapanatili akong scholar.

"No, its ok. Thank you. Nakahanap naman ako ng pamalit sayo."

Kuha ng kutsilyo. Saksak sa puso. Ang sakit.

"Mabuti naman po. Sige alis na po ako." paalam ko at tumayo na at lumabas.

Pagkalabas na kalabas ko. Agad tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Ngumiti ako ng mapait. Bakit ba ako umiiyak? Umiiyak para saan? I should be happy! Kasi hindi na ako mauutusan at masusungitan. Wala ng mambubulabog sakin. Wala na kasi tapos na role ko sa buhay nya..

--

Pumunta ako sa classroom namin. Wala ang mga classmates ko. Kasi nga diba may event kaming mga graduating. Kinuha ko na ang bag ko. At linisan ang classroom. Magcucut muna ako. 

Habang naglalakad ako palabas ng school. Para akong nakainom dahil pagewang gewang akong maglakad at wala sa sarili. Dinaig ko pa ang nakasinghot at broken hearted.

Wala sa sariling kong dinala na pala ako ng paa ko sa park. Hindi ko bagay magdrama, alam ko iyon readers. Pero sorry kayo wala akong sapat na yellow pad paper at ballpen para magsulat ng drama ko at ibigay kay charo. Kaya sainyo nalang ako magdadrama.

Umupo ako sa swing at nagsimulang magswing. Malamang, alangan naman umupo ako sa swing at nagsimulang magslide. Ano ba yan! Nakukuha ko pang magpilosopo pagkatapos ng nangyare. Psh.

"Hello!" nagulat ako ng tinawag ako. Ni-- OMG! 

"Mukha kang malungkot ah! Hindi bagay. Ngiti na dyan oh." sabi nya sabay hawak sa magkabilang lips ko at pinagform ito ng smile. Umupo siya sa katabi kong swing at humarap sakin.

"Care to tell what's the problem?" sabi nya sabay swing at tumingin sa langit. Samantalang ako nakatingin lang sakanya. Sa gwapo nyang mukha. Bakit ba ako binibigyan ng chance palagi lumandi?

"Ano.. aalis na kasi ako sa bahay ni Yael." napatigil siya sa pagswing at humarap sakin. Blank expression. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan. Palagi kasi siyang nakangiti. Pero ngayon.

"Gusto mo ba siya?"

Si Sungit?! Psh! Wag na! Yan ang kadalasan sagot ko. Pero bat ngayon, parang may bumubulong sa utak ko at sinasabing 'Gusto mo siya' pero hindi. Malayo. Imposible. Hindi ako magkakagusto sa lalaking ubod ng sungit.

"ANO?! Hindi ah!"

"Eh anong dinadrama mo dyan?"

"Wala. Malungkot ako kasi hindi ko makukuha inaasam ko na reward pag nabago ko ugali ni Yael."

Saglit siyang huminga ng malalim. Napapansin ko lang. Puro hinga ng malalim ah. Ganon ba talaga pag nagdradrama?

"Alam mo.. nature na ni Yael ang pagiging masungit. Hindi maalis un sakanya."

Nature na pala nya yun eh! Halata naman! Pero hindi ba parang siraulo tatay nya at gustong baguhin ang ugali ng anak nya?! I mean hello! Hi! Walang magagawa ang tatay nya kung ganun talaga si Yael, kahit na minsan naiinis ako sa kasungitan nya. Scratch that. Hindi pala minsan. ALL THE TIME.

"Oo nga no! Ha-ha! Tapos na role ko sa buhay nya! Ha-ha! Ye-hey!"

"Pero ang role mo sa buhay ko Aishna, hindi pa tapos. Kasi magsisimula palang." sabi nya sabay luhod sa harap ko at tumingin sa mata ko. Love. Yan ang unang nakita ko sa mga mata nya. 

Hindi ako makahinga. Anong ibig sabihin nya? Role ko sa buhay nya?

"Syrel.." mahinang sabi ko. Hinigpitan nya ang hawak nya sa kamay ko. At linapit ang mukha nya sa mukha ko. Nakatingin lang kami sa isa't-isa. Nararamdaman ko ang paghinga nya. Kinakabahan ako. Parang kabayo sa bilis ang takbo ng puso ko.

"Hindi ko alam kung kelan nagsimula tong nararamdaman ko. Alam ko magugulat ka kasi agad agad. Pero.. mahal kita. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung pumayag ka na makipag date sakin. Hindi mo alam kung ano ang sikreto sa likod ng pagbabantay mo kay Goey. Pero masasabi ko lahat ng iyon.. related sa pagmamahal ko sayo."

Alam nyo okay na eh. Panira lang ung Goey. Like duh. Hindi ko lubos maisip na related un sa pagmamahal nya sakin. Pero cut that out! Kikiligin muna ako! Hihihihih!

Feeling ko ako si Rapunzel, haba ng hair ko te. Mainggit ka!

"Aishna.. liligawan kita. Kilalanin mo ako. Kaya kong maghintay."

And that made my heart go crazy and my tummy go butterflies. 

Hindi ko alam. Pagkatapos kong magdrama, may bagong pumasok sa buhay ko. Hindi ko alam isasagot ko. May dapat ba akong isagot? Hindi naman siya nagtatanong diba?

Ngumiti siya at bumalik sa pagkakaupo nya sa swing. Tumingin ako sakanya saglit at tumingin sa harap ko.

Nanlaki ang mata ko. Parang nawalan ako ng hininga. Parang nagstop ang buong paligid.

"S-sungit.." bulong ko. Nakita ko siyang nakatayo at nakatingin samin. Napatayo ako sa swing. Pero too late. Umalis na siya..

--

Author's Note: Tayo'y umiyak sa chapter na ito! Lol! Tapos na nga ba ang role ni Aishna sa buhay ni Yael? At sino kaya ang ipapalit ni Mr. Concepcion kay Aishna? Magkakaroon na ba ng SYREL-AISHNA lovestory?! ABANGAN!

Comment nyo lahat ng hinanakit nyo dahil alam kong bitin ang chapter na ito! At icocomment nyo nanaman ay "Ate update ka na pls." "Ay bitin." Kabisado ko na kayo! Kaya iba iba din ng comment pag may time ha? 

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

223K 7.7K 57
Prologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mah...
78.5K 2K 57
MinMin couple's fan fiction. Hope you like it! xoxo everyone! -pink
197K 5.7K 26
Nagsimula ito sa panget na simula. Simula na punong-puno ng away,sakit,iyakan,saya,at pagmamahal. Ngunit magtatapos din ba ito sa wakas na puno ng sa...
927K 31.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.