Chapter 9: Buy me that!

31.9K 304 7
                                    

Yael's POV

"Grabe naman, so si Aishna pala ung kasama mo sa bahay mo? Wow!" Sabi naman ni Ivan.

Tinanong kasi nila sakin, kung bakit ganun daw kami magbangayan, at kung paano ko siya nakilala. Kaya ayan sinabi ko. -_____- Pero kesa tulungan nila ako paalis ang makulit na babaeng un gamit ang sungit powers ko. Eh pinagtritripan pa nila ako. And I definitely hate this. -________-


"Unfortunately." Sabi ko at saka inayos ko na ang gitara ko. Nasa private room kasi kami ng school, syempre may pasok. Common sense diba? -.-

At hanggang ngayon masakit parin ang sugat na nasa noo dahil sa pagpalo sakin ng walis ng babaeng un, akalain ba daw akong isang magnanakaw? Sa gwapo at talino kong to?! Sus! Napakaimposible naman nun. 

"Ang ganda nga ni Aishna eh, tapos nakakatuwa pa siya." Singit naman ni Syrel, habang tinatago niya ang kanyang drum sticks sa bag niya.

"Seriously? Napakadaldal at kulit nya. At inakala pa niya ako'y isang magnanakaw. Busit!" Sabay tayo ko at kinuha ang gitara ko.

"Kaya ba may sugat ka sa noo dahil sakanya? Wow pare! magsalamin ka nalang, ikaw na si Harry Potter!" Sabi ni Ivan.

At kesa magalala sila sa sugat ko, kinocompare pa nila ako sa isang artista. Di hamak na mas gwapo naman ako dun! Psh! 

"G*go. Ang sakit nga eh!" Sabi ko at binatukan ko si Ivan. That deserves him, first time ko pa man din magkasugat! And unluckily sa may bandang mukha pa! Iniingatan ko pa naman din ang aking napakagwapong mukha!

"Hulaan ko, ginamot niya yan no? Kiniss mo ba pare nung nagkatinginan kayo habang ginagamot niya?! Ayyyiiiiieee!!" Tili naman ni Ivan, at ngayon sinapok ko naman siya. Ang swerte naman nung babaeng un kung makakakuha siya ng halik at galing pa sakin! Huh! Manigas siya!

"Hay!! Makaalis na nga!" Tumawa naman sina Syrel at Ivan, alam nila kasi niyan na naiinis na ako, at kapag nainis ako baka ano pa ang magawa ko sakanila. 

"San punta mo? Class hours pa." Sabi ni Marlo. Napakadalang lang talaga magsalita neto, at ang lamig pa niya magsalita. Kulang nalang magyelo na ang dila niya, pero nakakapagtaka dun hindi napapanis laway niya. -.-"

"Cutting muna ako, punta ako sa Gig place naten mamaya, tutal nakapagpractice na din tayo." Sagot ko at tuluyan ng umalis. Yes, may gig kami mamaya. Sigurado ako mabibingi nanaman ako nyan sa tilian ng mga babae. =.=

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon