Chapter 24.3: The Goldfish

23.4K 229 17
                                    

Author's Note: Sorry dahil natagalan ang update. And thank you sa mga comments nyo, may mga nabitin, nagandahan, nagmamadali sa susunod na update pero salamat padin sa pag support nyo sa story na to!

Dedicated to: GeaArra xx Sana magustuhan mo ang chapter na to! :)

--x

Aishna's POV

Nandito ako sa labas ng school namin, hinihintay si Syrel. Tinext nya ako kanina na susunduin nya daw ako kasi hindi ko naman daw alam papunta sa bahay nila kaya ayan. Makakalibre ako ng sakay pero sadly pupunta ako doon dahil magbabantay ako ng goldfish at walang hiya iyon.

May tumigil na kotse sa harap ko kaya ako eto, titignan kung sino iyon. Iba iba naman kasi kotse na tumitigil sa harap ko. Hiya ko naman daw. Hindi naman ako genius para matandaan kung sino may ari ng sasakyan na iyon.

"Tara?" tanong sakin ng napakachinito na si Syrel. Ang gwapo nya talaga *O* 

Syempre ako lalandi muna, inayos ko ang buhok ko at humakbang papunta sa kotse. Dapat pa-Maria Clara tayo mga girls.

Ngumiti ako at binuksan ang pinto ng kotse.

FAST FORWARD (SA BAHAY NI SYREL)


Sabay kaming pumasok sa bahay nya. Namiss ko to! Ahihihi! 

Lumapit kami sa parang may mesa tapos may lalagyanan ng isda doon at nandoon ang putapeteng goldfish. Na mukhang patay dahil hindi gumagalaw.

"Eto si Goey. Siya ung goldfish." HALATA NGA. GOLD EH. ALANGAN NAMAN TILAPIA YAN? PSH!

 Ngumiti ako ng pilit. Ang sarap itabon sa dagat ung goldfish. Pinaglalaruan ba ako ni Syrel? Aber hindi naman gumagalaw ung goldfish nya! 

"Te-teka. Tanong ko lang. Bakit sakin mo pinapabantay yan?" 

"Eh kasi diba sabi mo free ka nun, kaya ikaw. Hindi naman free ung mama ko at papa ko at ako. Kaya ikaw nalang." sagot nya at nakangiti. Oh my shimmering unicorn. Ang gwapo talaga nya. *u*

Kumuha siya ng tubig at upuan. At nilagay sa harap malapit sa mesa kung saan nakapatong ang gagong tilapia. Paspecial kasi tong goldfish na to! Di hamak na magiging tilapia din yan pag dating ng panahon! Pasalamat siya gwapo amo nya kundi hindi ko to babantayan. -.-

"Sige. Alis na ako ha? Basta pag naiinip ka uminom ka ha? Upo ka nalang dyan para hindi ka mangawit. Hehehe. Atsaka wag kang kukurap ah? Bantayan mo ng mabuti. Salamat." Sabi nya at nakangiti siya ng malapad at lumapit sakin at mabilis na hinalikan ang cheeks ko.

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon