Chapter 10: Kare-kare

29.9K 306 5
                                    

Aishna's POV

"Aray naman bessy! Wag masyadong kiligin!" Sabi naman ni Kyla, habang hinihimas ang kanyang ulo. Pano kasi binatukan ko ng pagkalakas lakas dahil sa kilig ko. Kwinento ko kasi sakanya ang nangyare kahapon..

*FLASHBACK*

Kalalabas ko lang ng kwarto, ng makita ko na papasok ang pinto ni Yael sa Gate. Teka, 9:00 pm na ah? Saan kaya siya nagpunta? Hmmm.

Umupo ako sa sala, at inon ung tv. Hihintayin ko siyang pumasok. Teka.. teka.. Pakielam ko dun sa sungit na yon?! Bat ko pa siya hinihintay?!! Arghhh!! Tama, nakokonsensya lang ako. Kasi.. parang kulang ung thank you at pera na binigay ko sakanya para dun sa pagbili niya sakin ng napkin. Nakakatouch kasi eh. Akalain mo, lalaki bibili ng napkin, kahit hindi kayo close? Oh diba. 

Pagpasok niya, dirediretso siyang pumasok sa kwarto niya. Aba't! Hindi man lang ako napansin? Ganon? Invisible? Haiiissstttt! >_________<

Dumiretso ako sa kusina, tama pagluluto ko nalang siya. Magaling naman ako magluto eh! Hihihih. Balak ko nga sanang magHRM. Kaso ayaw ni Mama. Kaya ngayon, gagamitin ko muna ang powers ko sa pagluluto! BWAHAHAH (^____^)

Ang lulutuin ko ay kare-kare, kumuha na ako ng ingredients sa ref. Akalain mo, kumpleto ung sahog at gulay na gagamitin sa ref, pero hindi naman nagluluto si Sungit. Oo nga pla, nagpapaluto nlng kasi siya. (--,)

Narinig ko naman na nagbukas ang pinto sa kwarto niya, hmmm. Siguro lumabas siya, bwahaha! Sabi na nga ba eh! Naamoy niya ang aking niluluto, at alam ko na matatakam siya dito. ^____^ 

Nasense ko naman na papalapit siya sa kusina, ayan na! Hihihihihi. Ano kayang magiging reaction niya? Matutuwa ba siya? Magagalit? Maiinis? O MAGSUSUNGIT NANAMAN?! 

"Ano yan?!" Sabi niya na parang naiinis. Aba ako na nga tong pinagluluto ka, mukha ka pang naiinis! Sabagay hindi naman niya alam na siya ung pinagluluto ko. Well, malalaman din niya yan!

"Kare-kare." Sabi ko, at hinalo ko naman ito. Malapit na din itong matapos. Konting tiis nalang, at matatakam mo to sungit. Wag ka ng pakipot diyan, maraming batang nagugutom.

Umalis na siya at nakita ko namang pumunta na siya sa sala, sabagay kasi puro pangmamahaling dish ang alam niyang kainin! Baka nga, lahat na ng dish sa bansa natikman na niya. Napakayaman kasi. Kaya ayan, sumungit. Teka anong connect nun?

Nilapag ko na sa mesa ung niluto ko, kumuha ako ng isang pinggan. Siya lang naman kasi ang kakain. Hindi naman ako, alam ko na kasi lasa ng luto ko kahit hindi ko tikman, Nasanay na kasi ako.

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon