Chapter 31

20.1K 319 88
                                    

Author's Note: Thank you sa paghihintay nyo readers! :)  And sa mga nagcomment na may sense, thank you. Naappreciate ko comment nyo. :)) Sa mga nagmemessage sakin, thank you din. :)) NABITIN KAYO SA LAST UPDATE? PAKI KO! HAHAHA DEJK. 

Dedicated to: iCyren30 | AndreaMayeAFan | rosesy | im_kitty | nikkixxii | AimeeSalanguit | whatsinyourname | akosisy | snow_21 | 4_ever_yuki | JenBLkath | erhiza | chantalheartfaye | reydine | MakeItShinee

--x

continuation..


Aishna's POV

Para akong nastatwa sa sinabi ko sakanya. Hindi ako makapaniwala. Parang.. unbelievable. XD Gusto nya ako at Gusto ko din siya. Sinabi nya ba talaga yun at sinabi ko ba talaga yun?

Nakatayo padin siya at nakaharap sa kotse at nakaharap naman ako sakanya. Walang umiimik samin. Ang tahimik. Kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko lalabas na ung puso ko sa ribcage.

Unti-unti siyang humarap sakin. Nakangiti siya. Nakakainlove ano ba yan!! Ang gwapo nya!! Dahan-dahan siyang naglakad papunta sakin. Nakangiti pa din siya habang naglalakad. Hindi ako sanay. Pakiramdam ko nakadrugs ngayon si Sungit, ang adik nya. Ang adik nya sakin. Ahehehehheheheh.

"Gusto mo ako..?" mahinang tanong ni Sungit habang nakangiti. At unti unti nyang nilapit ang mukha nya sakin. Ano ba itong puso ko! Ang bilis tumibok! 

Tumingin ako sa mata nya, hindi ko mabasa. Parang ang hirap basahin ngayon. Ngumiti ako at tumango habang nakatingin sakanyan. Ngumiti din siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. 

Nakatingin lang kami sa isa't-isa. "S-sungit.." kinakabahan kong sabi. Ngumiti siya. "Hmmm?" 

"Kailan moko nagustuhan? At bakit ako?" tanong ko sakanya. Inalis nya ang dalawa nyang kamay sa pisngi ko. Ay! Bat mo inalis!!

"Nung una talaga ayaw kita, gustong gusto kitang palayasin nun sa bahay. Pero nung umalis ka, parang hindi kumpleto araw ko.Yung bunganga mo namimiss ko, pati yung bangayan naten. Tapos gusto na pala kita, matagal na siguro.. ayaw ko lang aminin sa sarili ko." sabi nya habang nakatingin sakin.

Ako din ba matagal na? Bakit ngayon nya lang sinabi? Kung kelan.. pinili ko si Syrel. Pero si heart naman ang masusunod eh. Bakit kasi utak pinagana ko nun? Hindi puso?

Napahawak ako sa dibdib ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. Sino ba talaga tinitibok mo heart? Yung lalaking kaharap ko o yung lalaking iniwan ko kanina?

"Alam ko naguguluhan ka ngayon. Pero sana pag dumating na ung oras na hindi ka na naguguluhan. Sabihin mo sakin." sabi ni Sungit. At hinawakan ang kamay ko, at sabay kami naglakad sa kotse habang magkahawak kamay.

--

"BRATATATATTATATATATATATAT!!" sabi ng bunganga ng nanay ko pagkagising ko, parang baril na tuloy tuloy ang putok. -_____-

Pinapagalitan nanaman nya ako dahil gabi na ako nakauwi kagabi. Well, hindi nyo ako masisi. Nakipaglandian ako kay Sungit kahapon. Ayaw ko naman palampasin un, sayang.

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon