Chapter 5: Bandmates

32.6K 347 5
                                    

Syrel's POV

Hello sa inyong lahat! So kilala nyo naman ako diba? ^_____^ Pinakilala na kasi ako ni Yael, kung naalala niyo.

At nandito ako sa mesa nagaalmusal, tulog pa pala si Aishna! ^______^

Ewan ko ba, nung unang kita ko sakanya, para bang feeling ko nakahanap ako na ate? Alam nyo un? Ang gaan kasi ng loob ko sakanya. Tapos medyo nahihiya pa siya! Ayan tuloy ang cute niya!~

Gisingin ko na kaya siya? Pero teka, hindi ko alam ang school niya. Tapos wala pa siyang uniform. Alangan naman umuwi siya? Nakakapagod kasi yun, at ayaw ko siyang mapagod! :D

Pumasok ako sa guestroom, hindi naman kasi nakalock eh.

Ang himbing ng tulog niya. Ang sarap niyang titigan, para mo kasing tinititigan ang isang anghel..*___*

Lumapit ako, at niyugyog siya.

"Aishna... Aishna. Gising na." Tapos nagulat ako ng biglang siyang tumayo at sumigaw.

"ASAN?! ASAN/!! ASAN UNG SUNOG?!!" Grabe naman to,hahaha! Hindi ko mapigilang tumawa.

"Wala, hindi ka ba papasok?" Tanong at namula naman siya, siguro nahiya siya sa pagsigaw niya! HAHAHAHA. Takte panalo un!

"Hindi na siguro, wala naman kasi akong uniform." Hmmm, eh kung sama ko nalang kaya siya sa school namin? Hihihihih.

"Gusto mong sumama sa school ko?" Tanong ko tapos yumuko siya. Ang cute niya!

"Uhhmm, pwede ba?" Tumango ako tapos umalis na. Bibigyan ko siya ng susuutin niya, actually meron akong ate kaya ayun nabibigyan ko siya ng mga susuutin niya. =)

Pumasok ulet ako sa guestroom, at nakita ko siyang nakatayo sa kama, at akmang tatalon na sana, grabe ha! Patawa siya! HAHAHAHA

"Eto suutin mo" Binigay ko sakanya ang uniform ni ate. Graduate na kasi si ate dun sa school namin at nasa korea siya ngayon at inaayos ang career niya. 

"Salamat ulit." Isinara ko na ang pinto sa guestroom, magbibihis na ako.

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon