Chapter 18.2: The call

25.7K 232 2
                                    

Yael's POV

Kasalukuyan kaming nasa music room ngayon, alam nyo naman ang lokong si Ivan, gustong gusto nagcucut. -_______-

At kasalukuyan din nagaaway ang dalawang kumag na to sa harap ko, kanina pa sila nagaaway. Dahil nagaagawan sila sa isang Brick Game. Napakachildish!

"Teka! Ako muna sabi eh!" sigaw ni Ivan kay Syrel at inagaw nya ang brick game kay Syrel at tinulak nya ito na dahilan upang magpagulong gulong si Syrel.

Sus! Brick game lang pinagaawayan nila. Tignan mo tong si Syrel, nagustuhan ata na magpagulong gulong, hindi na nya pinigilan sarili nya. -_____-a

"Yeah! Woooh! Ang galing ko talaga sa larong to!" enjoy na enjoy si Ivan sa paglalaro nya habang si Syrel kakatigil lang sa pag-gulong at kasalukuyan nyang hinihimas ang ulo nya. Nahilo siguro. -___-

Hay nako, kelan ba titigil tong dalawang to?! Tamad naman akong pigilan sila at saka sayang lang ang laway ko! Hindi naman nila ako papakinggan!

"Leche ka Ivan! Ako naman!!" sigaw ni Syrel at biglang dinamba si Ivan at si Ivan naman, hindi ko alam kung nakakahinga pa siya dahil mukha na siyang tuko na parang prineserved ng ilang taon, nabigatan siguro kay Syrel at hindi na nakahinga pa.

"Salamat! Nakuha ko din! Mehehehe." tuwang tuwa naman si Syrel dahil naagaw na niya ang Brick Game kay Ivan. Habang si Ivan parang wala ng balak huminga, dahil mukha parin syang tuko. Kahit na hindi na nakadamba sakanya si Syrel. =____=

Tumayo ako at kinuha ang guitar. Magpapapractice nalang ako. Prapracticin ko ung fingerstyle medyo nahihirapan pako, pero konti nalang matututunan ko na.

Umupo ulit ako pagkakuha ko ng guitara ko at nagsimulang practicin ang placing ng mga kamay, medyo mahirap pero kaya naman!

"NOOOOOOOO!! TAE KA IVAN! NAGAME OVER TULOY AKO!" at ano pa ba aasahan nyo edi dinamba ulit ni Syrel si Ivan dahil tinabig lang naman ni Ivan ang Brick Game habang naglalaro si Syrel so back to tuko ulet si Ivan.

"H-h-i-ndi a-ak-ko ma-kab-bre-ath-e.." sabi ni Ivan.

"Aba! Leche ka! Sa lahat ng nahihirapan huminga ikaw lang ang kumuconyo!" sabi naman ni Syrel at muling dinampot ang nahulog ang brick game na natabig ni Ivan at naglaro sya habang nakadamba kay Ivan

Binaling ko na ulet ang atensyon ko sa pagaaral ng fingerstyle. 

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon