Chapter 4: Rain friend. :)

33.7K 348 3
                                    

Aishna's POV

Uwian na namin, at ako naman eh walang payong paano ba naman kasi UMUULAN!! Ayoko pa naman din ang umuulan na panahon, dahil magkakasakit ako!

Tatawid na sana ako sa daan ng may makita ako lalaking papalapit sa shed at basang basa.

Ang gwapo hah infairness, idagdag mo pa wet look nya, kaso baka magkasakit pa nyan siya. Tsk tsk. Kawawa naman na. 

Nagsmile siya sakin, napansin siguro nyang nakatingin ako sakanya. Ang gwapo gwapo kasi niya. Para bang ang lakas ng dating niya.

Aalis na sana ako sa shed ng biglang dumaan ang isang taxi, at nabasa ako. Ang bilis kasi magpatakbo! -___________-

Nakakahiya!! Basang basa na ako, tapos medyo maputik pa mukha ko! Argh! Busit na taxi na yan, dadaan na nga lang, mambabasa pa!!

Narinig ko namang siyang tumawa, at nilapit niya ako.

"Miss, kung gusto mo sumama ka na sakin. Hinihintay ko lang driver ko." Tapos nagsmile siya, laglag panga, tulo laway! Ang bait niya ang gwapo pa niya! ^_________^

"Teka muna, sasama ako sayo pero hindi ko alam pangalan mo." Tumawa siya tapos inilahad ang kamay niya para makipagshake hands sakin.

"Syrel Neon Reyes nga pla, ikaw si?" 

"Aishna Kyuri Bleza nga pala." Tapos nagshakehands kami, nakakahiya naman. Basa na nga ako nakuha pa niyang makipagshake hands sakin!! Huwaaaa! >___<

May kotseng tumigil sa harap namin, tapos binuksan niya ang pinto sa backseat at pinapasok ako. Nakakahiya! >______< Babasahin ko pa kotse niya.

"Pasensya ka na. Nabasa ko pa tuloy loob ng kotse mo! >.<" Sabi ko ng nakayuko, nahihiya kasi ako ehh!!

"Aha, ok lang. Para ngang ang gaan ng loob sayo.." Napablush naman ako don! 

"Ahhh? S-salamat. Hehe." Tapos binaling ko na ang tingin ko sa bintana sa tabi ko, ang lakas talaga ng ulan. Kumusta na kaya si Sungit?

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon