Chapter 21: Sorry!

25.5K 257 24
                                    

Aishna's POV

"Walang hiya ka pala bessy! Kamuntikan mo ng halayin si Yael! Kawawa naman."  Tignan mo tong si Kyla, kanina pa ako kinokonsensya!

Pasensya naman no! Nadala ako ng sobrang takot sa kidlat! Atsaka malay ko ba na one piece nalang natira sa katawa nya?! Atsaka hindi ko naman alam na tuwalya nahablot ko eh! Akala ko kumot!

"Bessy, maraming namamatay sa maling akala. Ano bibili nanaman ba tayo ulit ng cake?" Tapos mauulit nanaman ung ipagkikiss kami ni Lola? Tapos matutuloy kiss namin tapos happy ending na?!

"Osige!!" ^________^

Pasalamat kayo gumana ang aking coconut! Kailangan maghanda ako ng napakagandang peace offering para mawala na ang galit nya. 

"Pero aminin mo bessy, nagustuhan mo nakita mo kagabi no?" tanong ni Kyla sakin na pinapaamin ako.

Pero nagustuhan ko nga ba?! WAAAAAAAAAAAAAH!! Ung birdie nya! Pinatakip ni Lola paano ko makikita?! Pero.. wala naman talaga akong balak tignan un ah!

"Wala akong nakita.. Madilim kaya nun. Atsaka malay ko ba!" 

Mapanuksong tumingin sakin si Kyla, eto na ba ayaw ko eh. Feeling ko nasa korte ako at pilit nya akong pinapaamin!

"Sure ka bessy? Wala ka man lang bang nahawakan at naramdaman?" 

"PWEDE BA KYLA! TIGILAN MOKO!"

Aish! Magmumukha pa akong guilty neto, eh sa wala talaga akong nakita!

--

Yael's POV

"Pare, ang tahimik ni Yael ngayon ah." bulong ni Syrel kay Ivan pero rinig ko naman. Paano ko ba hindi maririnig eh nasa harapan ko lang sila tapos nakatingin sakin. -_____-

"Oo nga pare, baka may inaalala?" sagot naman ni Ivan. Tsk! Ano naman aalahanin ko? Yung kagabi ba?

Paano ko aalahanin un eh fresh pa sa utak ko! Gusto ko ng sumabog sa hiya at inis kagabi pero pinigilan ko lang! Andyan kasi si Lola!

"Pare baka naman narape?" 

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon