Chapter 27: Unpredictable

22K 259 49
                                    

Author's note: Thank you sa comments nyo. Natutuwa talaga ako! Kasi puro yael at aishna ang gusto nyo na loveteam! Nalulungkot daw si Syrel! Ouch daw! Hahahaha. 

@fire_kristine: Natuwa ako sa ginawa mong name sa loveteam! SUNSHIN! HAHAHA. Anyways, thankyou:>

@violetkpoplover: Dami kong tawa sa comment mo. Ano?! Si mr. Concepcion panot?! SHET! HAHAHAH! Lagot ka sakanya!

@chantalheartfaye: HUHUHU! Idol moko? EM SO TOUCH! Hahahaha lol! O yan na update ha? Enjoy!

Ang dami ko pang gustong imention pero wag na, dahil masyadong madami. Hahahaha!

--x

Aishna's POV

Love is so unpredictable..

Inalis ko na ang earphones sa tenga ko. Pinapakinggan ko kasi ung Bestfriend by Jason Chen. Kinikilig ako eh. Hindi sakanya ah, sa kanta! Tinago ko na ang earphones sa bag ko at tumayo para sa next subj.

Sadly, ako lang mag-isa sa canteen, wala ang bruhildang bestfriend ko! Meron daw kasi siya ngayon! Alam nyo na un! Kung hindi pa, wag nyo ng alamin! Kaya tuloy forever alone ang drama ko ngayon.

Habang naglalakad ako papunta sa classroom, ang daming bumubulong. Parang mga bubuyog. Ewan ko ba, bumubulong sila pero mukhang di naman ako ung pinaguusapan. As if naman ako eh hindi naman ako sikat. Di hamak na scholar lang ako at MAGANDA! *flips hair*

"Oh?! Ewan ko eh, pacute daw siya."

"Tsk! Mas cute ako! Boyfriend daw nya si Yael? Ung leader ng triplestrum? Grabe!"

"Huh?! Sigurado ka dyan?"

"Oo! Magkasama sila sa iisang bahay eh!"

Parang napantig ang tenga ko doon. WHAT?! GIRLFRIEND? MAGKASAMA SA BAHAY?! Eh akala ko ba.. ayaw nya sa ibang babae? I mean, you know halata naman sakanya. Kasi ang sungit nya. At siguradong walang papatol sakanya kahit gwapo siya!

Well, nageeavesdrop lang naman ako sa usapan ng dalawang babae sa harap ko. Bagal maglakad eh. Ayan naririnig ko tuloy usapan nila. Pero chaka ng isa huh! Mas cute daw siya?! EW. Pero infairness huh, sikat talaga si Sungit. Sabagay, leader siya ng triplestrum eh. At sikat na banda iyon, plus tatay nya ang may ari ng school na ito.

Speaking of Mr. Concepcion, medyo malungkot padin ako. Ewan ko ba! Hindi nyo ako masisi, sanay na akong kasama ang gwapong lalaki at maraming nakapalibot na lalaki sakin. Kaya I'm very sad! Tapos hindi ko pa nakuha reward ko! Saklap!

'Yun nga ba ang dahilan?' sabi ng walanjo kong brain.

Tsk! *iling-iling* Basta ako.. ano uhm. Basta! Ayaw ko magmukha defensive!

Nang makarating na ako sa classroom, biglang nagvibrate phone ko. Sino naman kaya nagtext?!

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon