Chapter 13: Oh my, baby!

29K 274 8
                                    

Aishna's POV

Nagseatbelt na ako. At tinignan ang bintana sa tabi ko.

Ngayon na kasi namin susunduin ang baby na aalagaan ko from Korea. And papunta kami ng airport ngayon. tsk, sosyal naman ng baby no? 

Walang umiimik samin habang nagbyabyahe, siguro dahilan na din ng nangyare kanina. Nakakahiya kasi.

*FLASHBACK*

Lalalala~ Pakanta kanta akong pumunta sa guest room, at kumuha ng damit na susuotin para papunta ng airport.

Hmmm, etong pink nalang kaya?

Ayyy! Etong blue nalang baka maattract pa sakin ang baby! Hihihihihih. >3<

Kinuha ko na ang towel na nakasabit sa likod ng pintuan ko.

Pumunta na ako ng banyo, tapos naghubad na ako. Syempre maliligo na nga diba? XD

Binuksan ko na ang shower, at nagsimulang maligo.

"Tulad mo na may pusong bato~!!" Kanta ko habang naglalagay ng shampoo sa buhok.

Sadly, sa CR nalang ako nakakapagconcert. Tsk, sayang ang aking mala golden voice gaya kay Charice Pempengco. Chos.

Sa kalagitnaan ng aking pagliligo..

Biglang bumukas ang pinto, at..

Tumambad sakin si Yael, na nakatapis lang.

Nagkatinginan kami..

Tapos agad-agad kong tinakpan ang aking private parts..

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon