Chapter 19.2: Grocery.

25.7K 301 17
                                    

Author's note: I dedicate this to my new reader! Hello *kaway kaway* Thank you! Sa votes and comments! Natutuwa talaga ako sa mga hindi silent reader gaya mo. :)

--

Yael's POV

Nadatnan ko si Lola na nagkakape sa dining, siguro kakagising lang din nya at 7:00 am palang ng umaga. Nagulat nga ako sa sarili ko bat ang aga kong nagising?! -__________-

"Yael! Apo! Halika't samahan mo ako!" Syempre dahil gwapo ako, sinamahan ko si Lola.

Nakapikit pa nyang hinihigop ang kanyang kape, para naman sarap na sarap sya. Pero nakakakilabot kasi habang umiinom siya gumagalaw ung mga kulubut nya sa mukha! If you know what I mean! O________O

"Naalala ko nung kabataan ko..." Ayan nanaman po si lola sa opening line nya tuwing umaga. Feel na feel nya ang pagkwekwento. Hindi ko alam kung ulit ulit nalang ba kwento nya o gumagawa nalang siya ng kwento.

Syempre ako yumuko para hindi mahalatang hindi ako makikinig sa kwento nya, feeling ko nga siya si Lola bashang eh. =_____=

"Hindi ako nakakainom ng kape.. pero ngayon hay nako. Napakasarap uminom ng kape." sabi nya sabay higop ulit sa kape.

Nasabi ko na ba sainyo na walang kwenta minsan ang mga pinagsasabi at kinukwento nya? Ganyan na ba talaga pag tumatanda? Nagiging weird? -_______-a

"Apo. Pwede bang pakigising si Aishna? May iuutos ako sakanya."

^___________________^

--

Aishna's POV

"Aishna.." sabi ni Sungit. Tapos nilapit nya ang mukha nya sakin na para bang hahalikan nya ako.

Omg! Kahapon si Syrel ngayon naman si Sungit?! Napakaswerte ko talaga at talagang gwapong nilalang pa! Hihihihihi!

"S-sungit?! B-bakit?" sabi ko habang nilalayo ko ang mukha ko sakanya. Alam nyo kasi minsan mas magandang magpakipot muna.

Walang sabi sabi hinalikan nya ako, oh my gosh! Feeling ko nagiging jelly ako, ang galing nya humalik.

"Hmmmmm.." wala sa sariling napaungol ako.

"Aishna?!"

"Hmmm.."

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon