Chapter 29: Mapanuksong Tadhana

21.6K 281 36
                                    

Author's Note: Maraming nagpapadedicate sainyo! -_____- Kaya ang gagawin ko imemention ko nalang. Ok? Para walang away. Lol.

@Princess_Dream143: Hi, hello. Lol. Basta eto na ang update. Hope you will enjoy it. Hahaha. :))

@PiaCaco: Oo talagang mahaba hair ni Aishna, palit kayo ng hair you want? Hahaha :) 

@XylaSophia: Syrelmyloves talaga? hahaha! Baka magalit si Aishna nyan! :) hahaha

@chantalheartfaye: Grabe naman ung pagkabitin mo talagang sobra ah? Hahaha. Wow pati nanay ni aishna? Lol. 

@im_kitty: Grabe ah. Tinala mo pa fortune teller sa dami ng predictions mo. Loljk. :))

Madami ba? Pakielam ko! Hahaha.

--x

Yael's POV

Siguro'y umiibig kahit di mo pinapansin..

Inis kong tinanggal ang earphones sa tenga ko, bakit ba may kanta akong ganito?! Wala akong natatandaan na nagdownload ako ng ganito sa iPod ko! Psh! Pag-ibig. Pag-ibig. Tsk! Tutugtog nalang ako.

Kinuha ko ang gitara ko, pero nagulat ako ng biglang umilaw ang cellphone ko. May nagtext. Sino naman kaya? 

From: Daldal

"Ano?! Wala naman akong ginagawa sayo ah! Bahala ka dyan!"

Wala daw. Tsk! Meron kaya meron! Pagawa pa ako ng placard na nakalagay "MERON" tapos ihahampas ko sa mukha mo! Tapos ano? Bahala daw ako! May kasalanan na nga siya tapos ako pa ung bahala! Bahala nya mukha nya! May kasalanan siya sakin!

Inalis ko nalang ang tingin ko sa cellphone ko at pwinesto ang guitara. Nagsimula akong magstrum at.."Siguro'y umiibig kahit di mo pinapansin..Magtitiis nalang ako.Magbabakasakalin--" Teka nga teka nga! Bakit ganito ung kinakanta ko!!



Hindi ko naman alam ung kanta ah! Isang beses ko palang napakinggang ung kanina pero ngayon. Aish! Ano bang nangyayare sakin?! 

Tumayo ako at itinabi ang gitara ko. Pumunta ako ng banyo at hinugasan ang mukha ko. Tumingin ako sa salamin at huminga ng malalim. Anong nangyayare sakin? Pakiramdam ko may kulang. May mali eh. May mali sakin. Bwisit! Bwisit!

Lumabas ako ng kwarto at muling tumingin sa cellphone ko. Kinuha ko ito at tinext si Daldal.

To: Daldal

"Mayroon kang kasalanan sakin."

Actually wala. Walang kasalanan sakin si Daldal. I just feel like meron talaga, alam nyo un? Ung ba ung tinatawag na instict? Ang layo ato nun. Ah! Basta! Hindi ko alam tawag dun!

Kinuha ko ung bag ko at ibinulsa ang cellphone ko. Makaalis na nga. 9:00 na. Hindi nanaman ako nakapasok sa first subj. ko. Di bale didiretso nalang ako sa music room.

--

Aishna's POV

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon