Epilogue.

14.5K 361 83
                                    

Epilogue.

5 years later..


Suot suot ko ang aviator glasses ko, at dala dala ko ang maleta ko, habang nasa airport ako. Sa wakas, nakauwi na din ako ng Pilipinas after ng 5 years na pag-aaral ko sa Harvard University sa Canada. Pakiramdam ko ang daming nagbago o sadyang nasanay lang ako sa Canada?

Itinaas ko ang aviator glasses ko, ng makita kong kumakaway ang isang lalaki sa akin. Lumapit ako para makita ko ito ng mabuti. Pagkalapit ko, napangiti ako at dali daling tumakbo papalapit sakanya.

"Syrel!!" sigaw ko, niyakap nya ako pagkalapit ko sakanya. Hindi kami nagkita sa Canada, pero usapan namin, sabay kaming uuwi ng Pilipinas. Hay, ang laki na ng pinagbago nya, lumaki ang katawan nya, nagkaroon siya ng muscles na talagang maglalaway ang bawat babaeng makakakita neto, at lalo siyang pumuti.

"Kumusta?!" tanong nya pagkahiwalay nya sa yakap. Ngumiti ako. "Eto masaya. Sa wakas natapos ko na rin ang college!" Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "Congrats!" Lumingon lingon ako sa side nya. Nasaan na kaya iyon? "Hoy! Nasaan si Kyla?!"

Tumawa siya. "Nagpaiwan muna. Hahaha. Babalik naman kasi ako doon, siguro 2 weeks lang ako dito." Nag pout ako. Akala ko naman magstastay na siya dito for good, well I guess, hindi. 

"So ano status nyo ni Kyla?! Atsaka bat ka pala pumunta ng US ng di nagpapaalam sakin?! Tsk!" Naglakad lakad muna kami papalabas ng airport. Sumakay kami ng taxi, siya ang nagbuhat ng mga maleta ko, backpack lang kasi ung sakanya.

"Hmm, ikaw kaya ang dahilan kung bakit ako pumunta ng US." Ako?! Wala naman akong ginawang mali sakanya! "Masyado akong nasaktan noon, kaya pumunta ako doon to move on." Sabagay, nakakabigla nga naman kasi iyon, unexpected. Unexpected na magkakamutual ung feelings namin ni Sungit.

"Tapos si Kyla, sinundan nya ako sa airport at sabay kaming umalis. Nung una, sabi ko sa sarili ko, babalik ako para maging masaya tayong dalawa. Kaso.. unti unti napapamahal na ako kay Kyla."  sabi nya habang nakangiti. Ngumiti din ako, ibang klase. Lahat ng bagay napupunta na sa tamang place. Huminto ang taxi sa pinakamalapit na hotel malapit sa school ko dati. 

Pagkababa ko ng taxi, naamoy ko na agad ang Manila. Nakakamiss din pala. Napatingin ako sa dati kong school, ganun pa din. Walang pinagbago. Marami akong memorya na di makakalimutan dito.

Nagpasya muna akong iwan ang maleta sa hotel, as usual si Syrel ang taga buhat, laki ng katawan nya no. Kaya nya yan! "Wala ka pa bang balak umuwi sainyo?" Umiling ako. Bumuntong hininga siya. "Hay nako, ano tara libot?" tumango ako atsaka kinuha ang purse at cellphone ko.

Pagkababa namin ng hotel, pumunta muna kami sa dati kong school. Pagkapasok namin, tinuloy na namin ang naudlot na kwentuhan namin.

Umupo kami sa mga benches malapit sa main building. "Oh ikaw ano balita sayo?" tanong nya habang nakasandal sa bench. "Ayun.. ganun pa din. Nag-aral ako sa Harvard dahil may inoffer sakin ng school, sayang opportunity." 

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon