Chapter 24: What a awkward day!

23.9K 279 32
                                    

Author's Note: Bitin ba last update? Eto na pa ung update mga readers! :)

Dedicated to: SuperDaye nagpapasalamat ako sa mga messages and comments nya. :> Sana magustuhan mo tong update na to! :*

--x

Aishna's POV

Tahimik kaming nakaupo at kumakain ng almusal. Ang awkward! :O Hanggang ngayon kasi hindi nagsasalita si Sungit pati na rin si Lina sa nangyare. Nangyare kagabi! Ung mukha akong tangang takot na takot!

Eh kasi naman... akala ni Lina may PRIVATE RELATIONSHIP KAMI NI SUNGIT!

Por dyos por santo! Himala un kung ganun! Pero wag kayong maingay ha. Kinilig ako nung tinanong ni Lina un! Ahihihihi! Ang landi landi ko ba? 

*Flashback (Gabing takot na takot si Aishna)*

 

Matalim na nakatingin sakin si Sungit. Sorry naman kasi!! >.< Akala ko talaga multo eh! Nadala ako sa panonood ng The Conjuring! Atsaka mukha naman talagang multo si Lina ah! Multong kumuconyo!

"Matulog ka na!" matalim at malamig na sabi ni Sungit. Habang ako hindi ko alam kung aalisin ko ba ung kumot ko sa katawan ko.

Huhuhuhu! Pati si Sungit tinatakot na nya ako! Pero kahit ganun, gwapo pa din siya. Wag kayong magtaka kung bakit hindi ako nandidiri ngayon. Nakasinghot kasi ako eh! Lol

Lumapit siya at hinila ang kumot ko habang si Lina nasa likod namin at nakatingin lang. "Hindi ka ba aalis?! O gusto mong pati kumot ko dalin mo na?!" Hinila hila padin nya kumot ko na nakabalot sa katawan ko. Ayaw ko pang umalis! Mamaya may multo talaga! Tapos baka nakatambay sa kwarto ko! 

Marahas akong umiling sakanya. At tumingin naman siya ng masama sakin. Sorry sungit pero ayaw ko pa talaga! TT^TT

"Isa."

*iling-iling*

"DALAWA." lumaki na ang dalawang mata nya. Omg! Tarsier na gwapo!

*iling-iling*

"ano kasi katuloy nun.. Ahh! DALAWA'T KALAHATI!" bakit parang bumulong siya sa una tapos biglang lumakas? o.o

Lalo kong ipinalupot ung kumot sa katawan ko. Magdusa kang paalisin ako sungit! Hindi ako basta basta aalis! Mamaya bumulagta sakin ung multo sa kama ko eh. Edi maaga akong mamatay tapos si Sungit happily ever after na kay Lina? HINDI! HINDI AKO PAPAYAG!

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon