Chapter 28.2: Pusong lito.

22.6K 267 46
                                    

Author's Note: Eto na continuation na, thank you sa mga comments at votes nyo! :)

@whatsinyourname: Your welcome! :) Hindi sila magkakasundo, baka kayo ni Yumi ang magkasundo. Hehehehe. Chos. :D

@chantalheartfaye: So idol moko sa pambibitin? Ganon? Hahaha! Hello, and thank you sa pagbabasa! :)

@im_kitty: Ikaw na excited! Hahahaha, eto na po ung update. :>

--x

Aishna's POV

Nakatingin lang ako sakanya, ano bang isasagot ko? Siya? O si Sungit? Anong ibig sabihin nya? Kung sino pipiliin ko? Hindi ko alam. Bakit ganun sabi ng puso ko si Sungit, sabi ng utak ko si Syrel. Litong-lito na ako!! Kung pwede lang lumamon ng lupa para mawala na ako sa harap ni Syrel ngayon, ginawa ko na. Pero hindi eh. Hindi pwede, kailangan kong harapin at sagutin to.

Pero ang tanong.. para saan? Para saan ang pagtatanong nya ng ganito? Para malaman nya kung may pag-asa ba siya sa panliligaw nya sakin. Pero.. hindi pa naman siya ganun nagsisimula ah? Naudlot nga ung pagsundo nya sakin sa Main ng school namin eh, at naiinis ako pagnanaalala ko iyon! =______=

At hindi ko din alam ang nangyare sakanya nya ngayon, may pasa siya sa kaliwang pisngi. Pati si Sungit, kaso sa kanan pisngi naman. Ano yon alternate silang nagsuntukan?! Pero hindi pa ako nakasisigurado na nagsuntukan lang sila! Ang hirap intindihin ng mga lalake! Napakamisteryoso!!

"Hindi ko alam." sagot ko sakanya na nakapagpabagsak sa balikat nya. Ngumiti siya ng malungkot. Nagtutubig nanaman ang mga mata nya, iiyak nanaman ba siya? Ayoko ng ganito! Wala naman mali sa sagot ko ah! 

"Bakit hindi mo alam?" sabi nya ng mahina. Hindi itong Syrel ang madalas kong nakikita, ang madalas kong nakikita na Syrel ay yung masiyahin. Hindi ito, na umiiyak at sobrang lungkot. Ayaw ko siyang nakikitang ganito! TT^TT Nasasayang ang kagwapuhan nya! Wag na sana siyang umiiyak. Huhuhuhu (nakuha ko pang lumandi)

"Ewan.. mahirap. Mahirap pumili.." Sabi ko at umiwas ng tingin. Hindi ko alam. Bat ba ako nahihirapan? Hindi ko naman gusto si Sungit. Gusto ko naman si Syrel, ok naman siya. Mabait at Gwapo. Pero si Sungit, wag na!

"Kasi mahal mo siya." sabi nya at ngumiti ng mapait. Ano? Mahal? Sino? Si Sungit?! Hindi!! Malabo!! Ano ba!! Nagkamali siya ng intindi! Ngumiti siya ulit at tumalikod na sa akin. Naglakad na siya, pero bago paman siya tuluyan mawala sa paningin ko. "Gusto kita!!" sigaw ko sakanya. Napatigil naman siya sa paglalakad nya.

Hindi parin siya lumilingon, nakatingin padin ako sakanya. Sa likod nya. Hindi ko alam, bat ko un sinabi? Oo, gusto ko siya. Gusto ko siya kasi ang gwapo nya. Ang saya nya kasama. Ang bait nya sakin. Diba? Normal lang naman na magkagusto ako sa tulad nya. Hindi kagaya ni Sungit-- Teka!! Bat ko ba siya kinukumpara kay Sungit?! Arggghhh!! >___<

"Gusto mo ako?" tanong nya habang papalapit sa kinatatayuan ko. *gulp* Ganito ba talaga pagnagcoconfess? Kinakabahan tapos ang bilis ng tibok ng puso? Ano ba yan! 

Hinawakan nya ang magkabila kong balikat. Hindi ako makatingin sakanya. Feeling ko anytime na titingin ako sakanya, matutunaw ako. Bat kasi ang gwapo gwapo nya? Chinito siya. Ooohhh~~ Chinitooo~~

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon