Chapter 18:

26K 246 5
                                    

 Author's Note: O ayan na Grace! Dinedicate ko na sayo! Keep reading~ Hohoho. 

-

Aishna's POV

Bumangon na ako dahil may pasok pala ngayon, aish. Medyo masakit katawan ko dahil linisin ko ang dinaanan na bagyo na backyard ni Sungit. Tinamaan siya ng kasungit, katamaran at ni santanas! Aba! Ipakita ba daw sakin ang ahas!

Pero sorry siya! Papatalo ba ako sakanya? HAHAHAHAH! Ayan na-isang dustpan ka lang siya! Bwahahaha!

Dumiretso na ako sa banyo at naligo, syempre habang naliligo nagcoconcert ako. Hindi na mawawala yun.

"Just give me a reason~~~!!! Just a little bit's enough!~~"

Tapos nagbihis na ako at lumabas ng kwarto. 

Halos lumundag na ang puso ko dahil kaharap ko na pala si Sungit pagkasara ko ng pinto! O___O

Ngayon ko lang siya nakita nakauniform. At ang gwapo nya lalo pag nakauniform siya. Hindi kagaya pag naka outside dress siya. Parang wala lang. Pero ngayon.. *drools*

"Tsk. Obvious ka masyado." malamig na sabi nya at umalis na sa harap ko.

BINABAWI KO NA ANG SINASABI KO! HINDI NA SIYA GWAPO! >____< Ano ba kasi ang pumasok sa kokote ko at nasabi ko na ang gwapo nya?!! Kahit sa utak ko lang!!

Hinanda ko na ang kakainin ko, dahil kanya kanya kami ng paghahanda ng pagkain namin! Ang bait kasi masyado ni Sungit at ayaw ko i-share sa pagkain nya. -__________-

Syempre ano pa bang aasahan nyo sakin, itlog lang naman ang kaya ng powers ko. At hotdog. Kaya un lang ang niluto ko.

Sabay naming nilapag ni Sungit ang pagkain namin.

O___________O

Huwaww!! Ang sarap ng sakanya! Ang bango!!! Niluto lang naman nya ay beef steak at chicken curry. TT___TT

Di ko namalayan na nakalapit na pala ang ilong ko sa pagkain nya at inamoy amoy ito. Hmmmm~ Ang bango at ang sarap kainin!

*boink!*

Aba! Walang hiyang sungit na yan! Binatukan ba daw ako! Ayan tuloy napaupo ako ng di oras! Aray kuuuu. Ang sakit ng pwet ko!

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon