Chapter 22: There's a Hello in every Goodbye.

24.6K 246 8
                                    

Author's Note: Hindi ako nagupdate agad kasi wala ako sa mood, sorry. 

--x

Yael's POV

"Yael apo.. magiingat ka ha?" sabi ni Lola sabay yakap sakin.

Si Lola oh. Parang ako naman ung aalis eh. Magiingat daw ako? Hindi ba dapat ako ang nagsasabi nyan? Tsk. Tsk.

"Kayo ang magiingat Lola."

Pagkasabi ko nun ang binatukan nya ako. May mali ba akong nasabi?! Ang sakit mambatok ni Lola. Ang bigat ng kamay nya. 

"BALIW KA BA APO?! Nakaupo lang ako buong byahe tas mag-iingat pa ako?! Aba! Mag-iingat ba ako sa pag-upo?!"

Hay nako. Si Lola talaga! -__________-

"Lola alis na po tayo." sabi ng driver namin sabay akay kay Lola papunta sa kotse.

May part sakin na masaya dahil wala ng mangtritrip sakin at gagawa ng kahit anong kalokohan. May part din sakin na malungkot dahil mamimiss ko siya at wala na akong pangsanib puwersa kapag pinagtritripan si Daldal. =_____=

"Mwah!! Bye bye apo! Gusto basketball team ha!! Shoot lang ng shoot!!" =__________=

At hanggang ngayon ayaw pa din maniwala ni Lola na wala talagang nangyare. Tsk! As if naman papatulan ko yang si Daldal! Kadiri!

Pagkaharap ko para pumasok sa bahay. Nagulat ako ng nasa likod ko si Daldal at pulang pula na siya daig pa nya ang kamatis sa pula. Ano bang nangyayare dito?

*ring* *ring*

"What is it this time?!"

[Kaalis lang lola mo diba son? Papunta naman dyan si Lina.]

"WHATDAFCK! NO!"

[Oh yes. Sige. Just wait for her.]

"Bakit siya pupunta dito? Tell me! Mukha na bang apartment tong bahay naten? At dito lahat sila pumupunta?!"

[Baha na sa mansion nila. You know. Dahil sa bagyong maring.]

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon