Chased (In Luv Series #1)

Av chinieanne

27.3K 1.4K 290

CHASED (BTS JIMIN FANFIC) In Luv Series #1 chinieanne's storyline allrights reserved 2016 "You chose to chase... Mer

Chased (In Luv Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanta 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
a/n
Chinieanne's other stories
FALL (New Story Alert)

Kabanata 19

346 24 2
Av chinieanne

A/N:

Hello! In-unpublish ko 'yung chap 20-22 dahil hindi pala napost itong kabanata 19. Sobrang importante nito, guys! :( hahaha So yun. Ang gulo tuloy. Nakapublish naman sa works ko so hindi ko alam kung anong nangyari. Buti na lang nagtanong si chiipaj kung wala talagang kabanata 19. Read this, guys! Salamat! 😁💞 --chianne

Kabanata 19

Princess

Pinagtaka ng lahat nang isang linggo matapos ang suspension ni Troy ay hindi pa rin siya nagpapakita. Nag-aalala ako pero hinayaan ko na rin iyon. Mabuti na rin na wala siya. Kahit papano'y may takot pa rin akong nararamdaman dahil sa ginawa niya.

Mabilis na lumipas ang oras. Third quarter na at malapit na naman ang exam. Kahit papano'y nakababawi na ako sa mga exam ko sa math. Hindi na ito tulad noong unang quarter na kulang na lang ay kaladkarin ako ng teacher para magremedial. Laking pasasalamat ko nga kay Niccolo dahil hindi niya hinayaan na bumagsak ako sa exams.

Kada may exam or quiz ay nagpupunta siya sa bahay. Minsan ay mag-oovernight at madalas na buong araw ay nasa bahay kapag weekends. Minsan nga ay naiisip kong dahilan niya lang ito para makatambay sa amin. Palagi niyang inuubos ang laman ng refrigerator namin. Sobrang takaw niya. Ang lakas lakas kumain. Minsan ko na siyang sinumbong kay mommy pero sabi niya'y hayaan lang. Wala na akong nagawa.

Prenteng nakaupo si Niccolo sa aming sofa sa sala nang biglang dumating si daddy. Pareho naming 'di inaasahan iyon. Nagulat siya at agad na tumayo sa kanyang pagkakaupo. He placed his hand above the tip of his eyebrow. Nag-salute siya kay dad. Dad do the same.

"Why did you do that?" Tanong ko nang makaalis na si dad sa sala. Pupunta na siguro 'yun sa kwarto nila ni mommy.

"Your dad is a soldier. Gano'n naman dapat." Umirap ako.

"But you're not. Ni hindi ka nga nakapasa bilang corps commander." Humagalpak ako ng tawa.

"Why so mean, Claire? 'Tsaka last year pa iyon. Dapat ay naka-move on ka na tungkol doon." Nginiwian niya ako. Kinuha niya ang remote control at pinalipat-lipat ang channel.

"Itigil mo diyan! Manuod na lang tayo ng barbie!" Excited kong tinuro ang tv nang madaanan ang channel na iyon. Niccolo just keep on browsing.

Maya-maya ay tinigil niya nang makakita ng laro ng basketball. Hindi ako gaanong maalam sa larong ito pero may alam naman ako kahit papaano.

Ayoko ng ganyang palabas.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa hagdan. Aakyat na ako sa kwarto. Magsho-shower na ako.

"Hey, Claire! Ito na ililipat ko na. 'Wag ka nang umalis!" Nagulat ako nang biglang sinigaw iyon ni Niccolo. Napalingon ako sa kanya. Nilipat niya sa channel na palabas ay barbie. Napangisi ako.

"Maliligo ako, Niccolo. Manood ka diyan mag-isa mo. O kaya umuwi ka na. Hindi ka na ba talaga marunong mahiya? Ilang buwan ka nang tambay sa bahay namin!"

"Sige, tama. Maligo ka na. Mabaho ka na e." Nakangisi niyang sabi. Ang kapal din ng mukha ng lalaking ito.

"Umuwi ka na!" Pinandilatan ko siya.

"Dito ako matutulog. Alam na ni Tita iyon." Binelatan niya ako bago binalik ang kanyang tingin sa screen ng tv at muling nanood ng basketball.

"Kumusta ang grades mo, bunso?" Tanong ni daddy nang nasa hapag na kami habang kumakain. Wala ang dalawang kuya ko. Si mommy at daddy, Niccolo at ako lang ang nasa mesa.

Talagang tinotoo ng lalaking ito ang gusto niya. Hindi man lang natakot kay daddy. Pati ata si dad ay gusto niyang iclose.

"Ayos na po." Ito ang palagi niyang tinatanong kada magkakasabay kami sa pagkain. My dad is really a grade conscious. Ganito siya sa amin nina kuya noon pa man. Paano ba naman kasi, gumraduate siya na nakuha niya ang pinakamataas na parangal. That's why he's the commander of the army.

"Very good. How about your math?"

"Tumataas naman po. Tinuturuan ako ni Niccolo." Binaba ni daddy ang kanyang kubyertos at tiningnan ang katabi kong si Niccolo. Wala naman siyang kaalam-alam na tinitignan na siya ng daddy ko. He's busy with his food.

"Is that true, Niccolo?" Gulat na gulat na bumaling si Niccolo kay daddy.

"Alin po, tito?" May laman pa ang kanyang bibig nang sabihin niya iyon. Halos mabulunan siya matapos niyang magsalita. Sa pagmamadali ay baso ko ang nakuha niya.

"Tinuturuan mo raw ang anak ko sa math? You excel in math?" Mabilis na tumango si Niccolo.

"Hindi naman po pero kaya ko pong intindihin. Binabahagi ko lang po kay Clara ang alam ko." Tumango-tango si daddy.

"Iyon ang dahilan kung bakit palagi siyang nandito sa bahay, dy." Nakangiti si mommy habang nakatingin kay Niccolo. Nagngitian silang dalawa.

"Is that so? Salamat pala kung gano'n. Namana mo siguro sa daddy mo ang pagiging magaling sa math." Napatingin ako kay Niccolo na ngayon ay natigil ang pagkain at buong atensyon na nakatingin kay daddy.

Hindi ko alam na pati si daddy ay mamamangha sa math skills niya.

"Anyway, what course will you take next school year? Gagraduate na kayo."

"I will take music related course if I passed the exam. If not, business." Nagkibit balikat si Niccolo. Hindi ko alam na mahilig pala siya sa music na iyon ang kukuhain niya sa kolehiyo.

"Bakit hindi engineering tulad ng natapos ng daddy mo? Sayang ang karunungan mo sa math." Nagtaas ng kilay si daddy.

Nagpatuloy pa ang mga katanungan ni daddy tungkol sa course at sa daddy ni Niccolo. Nang matapos kami ay sa palaging pinagtutulugan niyang guest room siya natulog.

Nakatingin ako sa kisame ng aking kwarto nang biglang pumasok sa isip ko ang tungkol sa kursong kukuhain ko.

Wala pa akong naiisip. Hindi naman kasi gano'n kasabik na tumuntong sa kolehiyo. Ang nasa isip ko ngayon ay makagawa ng maraming memorya ngayong huling taon ko bilang highschool.

Hindi pa rin namin napag-uusapan nina Jazz ang pwede naming makuha sa kolehiyo. Gugustuhin kong magkakasama kaming tatlo maging sa kolehiyo. Kahit na anong kurso basta sila ang kasama ko. Hindi naman ako pinapapili nila daddy. Hindi rin naman sila nagsu-suggest.

Nakatulog ako nang iyon ang iniisip ko.

Excited ako sa maaaring mapagdesisyunan naming tatlo.

Gabi bago mag-halloween ay nakabihis na ako ng costume. Pinilit ako ni mommy na sumali sa halloween party sa village namin. Ayaw ko talaga dahil nagyayaya si Jazz na mag-pajama party kina Lhieanne.

"Ang tagal naman ni Niccolo, bunso." Inip na sabi ni mommy habang nakaupo sa sofa at in-iscan ang photos na kinuha niya. Kanina niya pa ako kinukuhaan ng litrato habang suot itong err... minnie mouse.

"Hindi na darating 'yun, mommy. Hindi na kasi kami bata. Bakit makikisali pa kami sa trick or treat?" Napairap ako. Minsan talaga mas isip bata pa ang nanay ko kaysa sa akin.

"Sige na, anak. Minsan lang magrequest si mommy, o. Hindi mo pa ba ako pagbibigyan?"

Maya-maya'y dumating rin si Niccolo. Kasabay niya na pala ang ibang bata na makakasama namin. Tinignan ko siya. His wearing a mickey mouse costume.

Ngiting-ngiti niya akong kinawayan. Biglang sumigaw si mommy kaya napalingon ako sa kanya. Nanakbo siya papunta sa amin at pinaglapit kaming dalawa ni Niccolo.

"Say, cheese!" Sunod-sunod ang naging click ni mommy sa hawak niyang dslr. Pag-aari iyon ni kuya Patrick. Lagot talaga siya kapag nalaman ni kuya na kinuha niya ito sa kwarto niya.

Lumakad na nga kami matapos kaming picturan ni mommy. Naglakad kami sa buong village at nakihati sa mga bata sa nakukuhang candy. I can't believe that I'm doing all these! Wearing a minnie mouse costume, asking trick or treat on every house and joining kids on their party!

Si Niccolo naman ay mukhang nae-enjoy ang ginagawa niya. Napabuntong hininga na lang ako. Then I remember my kpop idols doing a halloween party! Dapat pala'y enjoy-in ko ito.

Nabuhayan na ako ng dugo nang magsimula ang party. Hindi naman pala boring. Ang sasaya ng mga kantang pinatutugtog. Naglaro pa kami ng parlor games! Bigla kong namiss ang pagkabata. I used to play all these back when I was a kid. Kami ni Niccolo.

Pagod akong naglakad pauwi ng bahay. Nasa likuran ako ni Niccolo. Napagod ako sa katatalon at kasisigaw. Sobrang saya ko ngayong gabi. 'Yun nga lang ay pagod na pagod ako.

Tumama ako sa likod ni Niccolo nang huminto siya. Humarap siya sa akin. Pagod ko siyang tiningnan.

"Pagod na pagod ka ba?" Nag-aalalang tanong niya. Marahan akong tumango.

"Nagpakasaya ka kasi masyado. You want a ride?" Agad akong umiling.

"Hindi na. Sayang lang ang pamasahe. 'Tsaka wala naman nang dumadaan na trike. Madaling araw na rin, Niccolo." Nagpatuloy ako sa paglalakad. Medyo malayo pa ang bahay.

Hinigit niya ang kamay ko.

"Sino bang nagsabi na sasakay tayo? Piggy back ride ang tinutukoy ko. Gusto mo?" Nang-aakit ang ngiti niya. At dahil sobrang bigat na ng pakiramdam ko, walang alinlangan akong tumango.

Pahirapan nang sumakay ako sa likod niya. Suot pa namin pareho ang costume. Hindi naman ako makapaghubad ng damit dahil nasa gitna kami ng kalsada. 'Tsaka ayaw niya. Magpipicture pa raw kaming dalawa.

"Hindi ka ba napapagod? Mabigat ako..." Bulong ko dahil malapit lang naman ang bibig ko sa tenga niya. Pasan-pasan niya ako.

"Ngayon ka pa talaga nagtanong? Malapit na tayo sa inyo." Ramdam ko ang panunuya sa kanyang boses. Umirap ako.

"Ewan sa'yo, Niccolo. Ginusto 'to diba?"

"Kaya nga. Kaya nga hindi ako nagrereklamo. Kahit na pagod na pagod na ako, hinding-hindi ako iinda. Pinili ko ito kaya magtitiis ako hanggang sa matapos ang sinimulan ko." Nangunot ang noo ko. Ano ba itong pinagsasabi niya? Seryoso ba siya?

"Are you serious? Maghihintay ka kahit gaano kalayo at katagal? Paano kung walang patutunguhan? Paano kung wala kang napala? Pagsisisihan mo lang..." Humigpit ang hawak niya sa binti ko.

"I will never regret anything, Clara. Ginusto ko ito. At isa pa, you deserve these. Lahat ng trato sa isang prinsesa ay deserve mo. You're a princess. My princess..." Binaon ko ang mukha ko sa leeg niya. Humigpit rin ang kapit ko sa kanya.

I don't know, Niccolo. I don't know...

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

10.4M 566K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
116K 7.6K 24
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend