The Witty Witchy Bitch (COMPL...

By marie_ibanez

577K 15.1K 361

Aryanna Castaรฑeda is a free woman. No morality, duty, good manners and right conduct. Her ignorance on the la... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Part 1)
Chapter 30 (Part 2)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Special Chapter

Epilogue

17.1K 422 16
By marie_ibanez

Aryanna POV

4 months later.............

KUMUNOT ang noo ko ng makitang may bulaklak na nakapatong sa lapida ni Mama.

Mukhang may naunang dumalaw rito dahil walang kahit ni isang tuyong dahon na nagkalat. Nilinisan din niya yata.

"Sa tingin mo Carson, sinong dumalaw rito?"

Hindi niya ako sinagot. Bagkus ay ipinatong niya lang ang dala naming bulaklak sa lapida, katabi ng bulaklak na nadatnan namin.

"Baka si Papa ang dumalaw kanina."

Napa-tango na lang ako, sabay upo sa damuhan. Inalalayan pa ako ni Carson paupo na parang baldado ako.

"Pwede ba? Kaya ko Carson."

Tumabi siya sa akin. "Oh Ma, Tingnan mo 'tong panganay mo. Umaaktong matapang at malakas na naman, kahit lomolobo na siya. Nagmumukha na siyang balyena"

Sinamaan ko siya ng tingnan. "Kaya ko nga! Kayo lang naman ni Theon ang OA. Uupo lang, aalalayan pa. Hindi naman ako nalumpo."

"Tingnan mo Ma, ang sungit na naman. Ganyan ba talaga kapag buntis?"

Tinampal ko siya sa braso. "Naku Ma, 'tong si Carson. May binabahay ng babae sa Condo niya, si Glory. Ang bata bata pa eh. Pero huwag kang mag-alala Ma, magaling pumili ang anak mo. Mabait at maalalahanin ang girlfriend niya. Saka kasing-ganda ko pa." humagikgik ako.

Tinalasan ako ng tingin ni Carson. "No Ma, hindi ko siya binabahay. Hindi lang talaga maintindihan ni Ate na nagmamagandang loob lang ako kay Glory, pinalayas kasi siya sa bahay nila. Naawa ako kaya kinupkop ko muna."

Inikot ko ang mga mata ko. "Oo na. Tinutulungan mo na si Glory my loves mo."

Bumuga lang ng hangin si Carson. Alam kong hihirit pa sana siya kaso naalala niya yata na buntis ako at pinagsabihan siya ni Theon na huwag akong awayin.

"Hoy Ma, Sinong dumalaw sayo kanina? Si Papa ba?" tanong ko habang hinahaplos ang lapida niya.

"Si Papa yon, panigurado" singit ni Carson na inaayos ang bulaklak.

"Ay Oo pala, may chika ako Ma. Yung bestfriend mo, nabaliw na ng tuluyan. Nasa mental na po siya, kahapon lang namin nalaman ni Carson. Ang tanga kasi ni Papa no? Pinili ba naman yong aswang na yon. Tsk! Eh mas maganda ka nga don. Magkamukha kaya tayo."

Tumawa si Carson sa tabi ko. "Sayang Ma, wala ka noong kasal ni Ate last month. Heto na siya oh, dinadala na ang apo mo."

Hinaplos ko ang tiyan ko. Bigla ko tuloy naalala si Theon, kasama naman siya dapat ngayon sa Death Anniversary ni Mama kaso nagkaroon ng problema sa Hotel nila sa Cebu.

Kinailangan niya tuloy bumiyahe kahapon kahit labag sa kalooban niya. Hindi niya kasi ako magawang iwan dahil sa maselang kalagayan ko. Pinilit ko nga lang siya eh.

Binilin niya lang ako kay Carson, ang dami niyang payo, utos at habilin sa kapatid ko. Keso huwag daw akong gutumin, painumin ng vitamins sa tamang oras, bilhin lahat ng gusto ko.

Sunod-sunod. Nakakatawa, para siyang mag-iiwan ng batang paslit sa kapitbahay niya.

Hindi nga nagkulang ang asawa ko ng pagbibigay kalinga sa akin. Buong atensyon niya ay itinuon niya sa akin.

Kahit masyado siyang busy sa trabaho, hindi niya ako pinabayaan. Nasusungitan ko na nga siya minsan pero kailanman ay hindi siya nagalit sa akin.

Lahat ng hinihingi ko binibigay niya, nandoon siya para hagurin ang likod ko kapag nagsusuka ako at bilhin lahat ng pagkain na hinihiling ko. Hindi niya ako pinabayaan.

Sobrang emosyonal ko madalas, lagi ko siyang nasisigawan ng hindi sinasadya. Napakabugnutin ko, ang bilis ko magtampo. Kinukurot ko pa siya at kinikiliti lagi kapag napagtripan ko.

Pero wala siyang reklamo. Buti na lang talaga at mahaba ang pasensya ng asawa ko. Tahimik lang siya kapag nag aamok at nagdradrama ako. Siya pa ang magso-sorry kahit ako naman dapat.

Napakabuti niyang asawa sa totoo lang. Wala akong masabing kakulangan niya. Kung may irereklamo man siguro ako sa parte niya ay ang nanay niyang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang pakibagayan.

Siguro totoo, hindi na siya nagbubuga ng masasangsang na salita patungkol sa akin. Pero hindi maiiwasan na taasan niya pa rin ako ng kilay kapag nagkakabanggaan kami.

Dapat ko pa nga yatang ipagpasalamat na dumalo siya sa kasal namin ni Theon noong huling buwan.

Akala ko nga hindi siya sisipot kaya nagulat naman talaga ako na nandoon siya. Magkatabi sila noon ni Angelica na may kasamang lalaki.

Boyfriend niya daw kaya hindi na nagawa pa ng nanay ni Theon na ipagtulakan ito sa asawa ko.

Noong araw din ng kasal ko ay nagawa ko pa ding imbitahin si Papa. Aaminin ko hindi ko pa rin siya napapatawad, pero sinusubukan ko.

Malapit na siguro. Malapit na. Nakikita ko naman kasing nagsisisi siya sa mga nagawa niya. Pero hindi naman yon sapat na kabayaran sa lahat ng mga sakit na pinagdaanan namin.

Siguro mapapatawad ko siya, pero hindi muna ngayon. Alam kong darating din ako sa part na yon.

Masaya nga ako ng malaman kong pinalayas niya na si Tita Stacey sa bahay dahil sa nalamang panloloko sa kanya.

Iniwan niya sa poder niya si Ismael, wala namang kasalanan ang bata sa kahayupan ng ina niya.

"Ma, may dinala kaming pagkain. Yong paborito mo."

Nakita kong nilalabas na ni Carson ang niluto ni Glory na Beef steak, ako sana ang magluluto kaso pinilit ako ni Glory na siya na lang daw, baka mapagod lang daw ako.

"Ma, niluto 'to ni Glory. Papakilala ko 'yon sayo next time." proud na sabi ni Carson.

"Sabi ko naman sayo Ma, inlove na po ang anak niyo."

Sinamaan ako ng tingin ni Carson. "Hindi nga kami. Friends lang."

Tinirik ko ang mga mata ko pataas. "Oo na. Defensive ka masyado."

Tatlong oras din kaming nakipagkuwentuhan kay Mama. Ganito naman kami lagi ni Carson, may mga pagkakataon pa nga na buong araw kaming nandito.

Minsan natutulog pa kami ditong magkapatid lalo na noong unang taon pa lang ng pagkamatay ni Mama. Lagi kaming tumatambay rito.

"May gusto ka bang daanan Ate?"

Hindi ko siya sinagot. Kinapkap ko lang sa bag ang tumutunog kong cellphone. Baka si Kris na ito, sabi niy kasing tatawagan niya ako ngayon.

Ah. Si Kris nga.

"Bakla, ano na yung sasabihin mo?"

Walang umimik.

"Hoy. Kristofer"

Narinig kong may kausap siya sa kabilang linya. "Arya. Pasensya na. May kausap kasi ako. Ano..yung surpresa natin kay Eva para sa birthday niya sa friday. Kaw na bahala magpareserve ng venue. "

Huminga ako ng malalim. "Paulit ulit ka din no. Noong nakaraang araw mo pa yang binabanggit sa akin. Huwag kang mag- alala. May na-reserve na ako, kahapon pa."

"P*tang ina! Tinatanong lang. Huwag ka ngang high blood agad, baka magmana ang inaanak ko sayo. Naku huwag naman sana!"

"Huwag ka ngang magmura. Marinig ka ni baby. Ah oo pala, magkasama ba kayo ni Eva?"

"Hindi. Kasama niya si Eithan."

Napailing ako. "Sige na. Nandito kami sa sementeryo ni Carson. Paalis na kami, tawagan na lang ulit kita mamaya."

"Okay. Alagaan mo 'yang inaanak ko ah."

"Opo."

Binaba ko na ang cellphone at sumakay sa nakaparadang sasakyan ni Carson sa gilid. Agad niya na iyong pinaandar para lisanin ang nasabing lugar.

"Kumusta na ba si Ate Eva? May naaalala na siya?"

Umiling ako. Tatlong linggo na ang nakakaraan mula ng may matanggap kaming tawag sa isang hospital kung saan dinala si Eva. Akala namin ay madadatnan namin ang puno ng galos, naghihikaos at tulala na kaibigan namin pero nagkamali kami.

Bumungad sa amin ang nakangiting kaibigan namin. Tatlong buwan na halos mabaliw kami ni Kris kakahanap sa kanya pero ayun siya at okay na okay.

Pero akala lang namin iyon, sinabi ng doctor sa amin na may amnesia ang kaibigan namin. Ang huling ala ala niya ay nang maghiwalay sila ni Carl. Wala siyang maalala kung ano ang nangyari sa kanya pagkatapos non.

Wala siyang kaide-ideya na nakidnap siya. Gustuhin man naming sabihin iyon sa kanya pero natatakot kami sa magiging reaksyon niya.

Kaya pinalabas na lang namin na na-coma siya ng tatlong buwan dahil sa aksidenteng natamo.

Hindi niya alam na nagka-amnesia siya dahil naaalala pa naman niya lahat mula ng maghiwalay sila ni Carl.

Maliban na lang sa pagkawala niya ng tatlong buwan. Mula noon ay nagbago na siya, hindi na siya laging umiiyak dahil sa panloloko sa kanya ni Carl.

Mas umayos ang buhay niya, sa totoo lang. Hindi na siya ang dating Eva na laging tambay sa Bar, ayaw magtrabaho at nagpapakalunod sa alak.

Halos tumira na siya sa simbahan, kakadasal. Ewan ko ba, parang naging swerte pa sa kanya ang pagka-kidnap niya.

Pero hanggang ngayon ay pala isipan pa rin sa amin kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kanya sa tatlong buwan na pagkawala niya.

Kating kati na kaming malaman ang katotohanan, pero paano? Walang siyang maalala sa nangyari, ni wala siyang kaalam alam na nawala siya ng tatlong buwan.

Ang alam niya lang ay na-coma siya dahil sa aksidente.

"Huwag mo munang istress ang sarili mo Ate. Balang araw malalaman niyo din ang katotohanan pero sa ngayon magpasalamat na lang kayo na maayos siya."

Tumango ako. Nang bigla kong naalala ang asawa. "Tumawag na ba ang Kuya mo?"

"Oo, tumawag siya kaninang kausap mo si Kuya Kristofer. Nasa Condo na daw siya, susunduin ka na daw niya."

Napatango na lang ako sabay haplos ng tiyan kong medyo lumalaki na. Kinakabahan na nga ako dahil pakiramdam ko hindi na ako sexy.

Baka maghanap ng ibang babae si Theon. Naku, huwag naman sana. Tsk!


NADATNAN namin si Theon na nakasandal ang ulo sa sofa. Mahimbing siyang natutulog at halatang pagod na pagod ang postura niya.

Bigla tuloy akong naawa sa hitsura niya. Imbes na magpahinga ay dumiretso agad siya dito para sunduin ako.

"Maliligo muna ako Ate "

Tumango lang ako at nilapitan ang asawa kong tulog na tulog.

"H-honey."

Hinaplos ko ang buhok niyang tumatakip sa noo niya.

Mahina siyang humihilik, pagod nga siya. Ganyan kasi si Theon, kapag pagod na pagod, napapansin kong humihilik siya ng mahina.

"T-theon."

Umungol lang siya ng haplosin ko ang pisngi niya. Gustuhin ko mang hayaan siya na matulog muna pero kailangan niya ng mahihigaan na maayos. Sasakit lang lalo ang katawan niya kapag ganito.

"H-honey, gumising ka na. Umuwi na tayo."

Iminulat niya ang mga mata at kinusot iyon para makita ako. Pumungay ang mga mata niya ng masigurong ako ang gumigising sa kanya.

"I'm sorry, nakatulog ako."

Lumapit lang ako sa kanya at hinalikan siya sa noo ng matagal. "Okay lang. Alam kong pagod ka. Kailangan mo ng makapagpahinga sa maayos na kama."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

Hinaplos niya lang ang umbok kong tiyan. "Kumusta kayo ni baby? Gumalaw ba siya ulit?"

Pinatong ko ang palad ko sa kamay niyang humahagod sa tiyan ko. "Oo, kaninang umaga. Namimiss niya yata ang Daddy niya."

Hindi siya sumagot kaya sinilip ko siya.

Malamlam ang mga mata niyang nakatingala sa akin. Hinila niya ako papunta sa pagitan ng hita niya. Pinatayo niya ako doon at yumakap sa bewang ko. Tsk! Naglalambing na naman 'to.

"Hoy! Dahan dahan lang sa paghila. Magising si baby, natutulog siya" biro ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa bewang ko at hinalikan ng matagal ang tiyan ko. "Miss na miss ko kayo ni baby. Sobra"

Napangiti ako. "Miss na miss ka din namin Daddy."

Nilaro ko ang buhok niya. "Daddy, nauuwi na kami ni baby. Please uwi na tayo, para makapag-rest ka na daw."

Tumingala siya sa akin. Lumamlam ang mga mata niya.

"I love you Arya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag nawala kayo sa akin ng baby natin. Mababaliw ako. Masisiraan ako ng ulo. Kung dati nagtratrabaho ako para sa sarili, ngayon nagtratrabaho na ako para maibigay ang buhay na maganda sayo. Nabubuhay na ako ng may tunay na dahilan at iyon ay ikaw. Kung may gusto man akong ipagpasalamat kay Lord ngayon, yon ay ang pagdating mo sa buhay ko. Dahil doon ko napatunayan, na ngayon lang ako naging masaya. Ngayon ko lang naintindihan ang tunay na kahulugan ng kasiyahan. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito katindi, ngayon lang ako natakot na baka iwanan mo ako kapag nagsawa ka na sa akin, ngayon lang .....

Tingnan mo naman oh, hindi ako bagay sayo, ang ganda ganda mo. Lahat ng lalaki napapalingon sayo. Baka bigla kang makakita ng iba diyan na mas gwapo. Huwag sweetheart. Please. Huwag mo akong iwan. Gagawin ko lahat ng gusto mo, huwag mo lang akong iiwan. Ibibigay ko lahat, kahit kurutin at kilitiin mo ako lagi, kahit sigawan at awayin mo ako araw araw, kahit utusan mo ako ng kahit ano-"

"Ssh. Tama na Theon. Hindi kita iiwan kasi mahal na mahal ka namin ni baby. Saka huwag mo ngang isipin na hindi tayo bagay. Hay naku! Ako nga nag nababahala ngayon dahil pakiramdam ko hindi na ako sexy, mukha na akong balyena. Habang tumatagal, mas lalo akong bumibilog, mas lalo akong pumapangit. Baka ikaw ang mang iwan diyan, maghahanap ka na ng sexy. Iiwan mo na ako kasi baboy na ako, pangit na ako." Naiiyak na sabi ko habang pinapasadahan ng tingin ang sarili.

Narinig kong tumawa si Theon at mas hinila ako papalapit sa kanya.

"Hindi naman mahal, hiyang mo nga ang pagbubuntis dahil mas lalo ka pang gumanda. Mas lalo tuloy dumami ang nagkakagusto sayo. Hindi na kita bubuntisin next time, baka maagaw ka na nila sa akin. Ayoko non. Sa akin ka lang."

Hindi ko na napigilan ang pagngiti. "Tsk! Binobola mo naman ako eh. Sinasabi mo lang yan para hindi ako madepressed no? Kasi pangit na talaga ako"

Huminga siya ng malalim "Sana nagbibiro lang ako pero hindi eh, mas lalo kang gumanda. Yon din ang pansin nina Aidann, gusto ko nga silang batukan na dalawa ni Elvis. Pinagnanasahan yata nila ang asawa ko. Nagseselos ako. Huwag mo silang papansinin kapag nilapitan ka nila ah, sasapakin ko talaga mga 'yon."

Tumawa ako. "Sira ka talaga Theon. Alam mo naman yong dalawang 'yon, lagi kang inaasar."

"Ah, basta. Huwag mo silang papansinin."

Ngumuso ako. "Heto. Ang seloso"

Niyakap niya lang ang bewang ko ng mahigpit. "Ayoko lang na maagaw ka sa akin. "

"Hindi nga po ako magpapa-agaw. Nasayo na nga lahat, ipagpapalit pa kita. Ikaw nga lang yata ang taong kayang pagtiyagaan ang ugali ko. Saka mahal na mahal kaya kita, sa tingin mo kaya pa kitang iwanan. Naku! Masisiraan din ako ng tuktok."

Matagal na sandali niya akong niyakap ng mahigpit.

"I love you so much Arya... so much. No matter where our lives take us I will always be by your side. I love you in the morning, in the middle of the day, in the hours we are together and the minutes we are apart. My heart beats only for your love. You changed my life into something so beautiful and meaningful the moment you stepped into me. My friends think I'm gone crazy. Yes, they are partially right cause I'm really crazy in love with you wife. With you around, there is nothing more I can see...... Holding you right now and spending this time hugging you is all I need, you are like a healing soul that drives away my tiredness, weakness and worries."

I just smiled. With those words of him, I fell like I am the luckiest woman alive to have him. I can really say that he is the perfect recipe for a loving husband that I can count on through dark and light. He has carried me through thick and thin. Nothing has brought me more peace and content in life than simply having him.

I can see - a caring, responsible man who will make a good father on him. I don't need to hide my true self from him because he loves my good qualities and accept the bad.

He respects everything about me- my thoughts, ambitions, attitude, moods , the things I say and all. That is why I'm not afraid of bringing up certain things for fear of rocking the boat cause I know he respects me.

I trust him, he is genuine, that he does mean what he says. He really cares about me deeply and I know he would never intentionally hurt me.

And I can proudly say that this Witty, Witchy and Bitchy Woman HAS THE BEST HUSBAND ever. He is the perfect life partner I could ask, my true soul mate.

I love him tons and tons.

THE END.

Continue Reading

You'll Also Like

55.8K 56 1
"A wife's tears would also hurt her husband" they said. But what if the wife's tears are caused by the Rage of her husband? Jamara Isabel Lacsina, t...
373K 23.2K 20
๐’๐ก๐ข๐ฏ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฑ ๐‘๐ฎ๐๐ซ๐š๐ค๐ฌ๐ก ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ~By ๐Š๐š๐ฃ๐ฎ๊จ„๏ธŽ...
3.1M 183K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
1.1M 27.2K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...