The Return of ABaKaDa (Publis...

By risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... More

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 65

48.7K 1.5K 309
By risingservant

Habang patuloy ako sa pag-iisip, biglang nagliwanag na naman ang libro saka lumipat sa sumunod na pahina.


Dear Mahal,


Sabi nila, first love never dies. Kapag ika'y nagmahal, indenial ka pa sa una. Sadyang mahiwaga ang pag-ibig.


Nakakakaba, hindi mo alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso mo sa tuwing nakikita mo siya.


Nakakaaliw, tuwang-tuwa ka sa tuwing magkasama kayo lalo na kapag nagkakadikit ang inyong mga balat.


Nakakakilig, mapapatalon ka na lang sa tuwa sa tuwing binabatuhan ka niya ng matatamis na salita. Ni simpleng hawak kamay, nakukuryente ka na.


Napapaisip, hindi ka makatulog sa gabi dahil naglalaro siya sa isipan mo. Maging sa panaginip mo, siya ang laman nito.


Napapakanta, kahit hindi ka magalang kumanta, mapapaawit ka na lang dulot ng iyong emosyon.


Napapangiti, basta makita't makasama lang siya solve ka na, buo na ang araw mo.


Nakakabaliw, natutuliro ka madalas sa klase. Hindi na siya mawaglit sa isipan mo, hinahanap-hanap mo na siya.


Nakakakaba, nakakaaliw, nakakakilig, napapakanta, napapaisip, napapangiti, nakakabaliw. Kung naramdaman mo iyan, in-love ka.


'Di ba mahal mo ako? At sana, mahal mo pa rin ako. Sana, maipagpatuloy pa natin ang nakaka at napapa na love story natin.


Mahal kita.


Tumulo na lang nang kusa ang mga luha ko sa pagkakabasa ko sa sulat na ito. Mas higit akong naguluhan.


Napakahipokrita ko kung sasabihin kong hindi ko na siya mahal. Aaminin ko, namimiss ko pa rin siya.

 

Sa pagpahid ko ng mga tumatagaktak na luha sa aking mukha, bigla na namang lumipat sa sumunod na pahina ang librong ABaKaDa.


Dear Crush,


Makita ka palang sa malayuan ay napapangiti na ako. Masilayan lang ang matamis mong ngiti'y tuwang-tuwa na ako. Gusto man kitang lapitan ngunit nahihiya ako. Hanggang tingin na lang ba? o balang araw ay maaabot din kita?


Natutuwa ako nang tayo'y maging magkaibigan. Ang maging malapit ka sa taong crush mo'y langit na sa pakiramdam.


Ano nga ba ang crush? Crush is paghanga. Natutuwa ka sa isang tao dahil sa kaniyang panloob o panlabas na anyo na gusto mo sa kaniya.


Sabi nila, admirer ka kung ikaw ay may itsura at ika'y stalker kung ikaw nama'y chaka.


Sa paghanga nagsisimula ang lahat bago mo mapagtantong nagmamahal ka na nga ba o hindi pa.


Crush mo 'ko, gano'n din ako sa 'yo. Masaya ka sa tuwing kasama ako, napapangiti ka sa mga corny jokes ko. Namumula ka, kapag lumalapit ako sa 'yo.


Alam kong sa sarili kong mahal na kita, crush. Kaya sana, mahal mo na rin ako kahit may nakabara pa riyan sa puso mo.


Hindi ko alam kung nananadya ba ang libro para pasakitin ang damdamin ko o ano. Napapaiyak na naman ako dahil sa mga sulat na inilatag nito. Ang sakit sa puso, nakakadugo.


Para maibsan ang kirot na aking nadarama, minabuti kong bumaba muna para uminom ng tubig.


Pagkarating ko sa kusina, nagtataka ako dahil parang mayroong malagkit na kung ano ang nasa sahig. Para iyong jam or honey. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil baka nakaligtaan lamang linisin ni Jaycee ang kalat niya. Alam ko naman, may pagkamasiba iyon.


Pagkabukas ko ng ref, tumambad sa akin ang isang putol na braso. Sa sobrang gulat ko, naibalibag ko nang malakas ang pinto ng ref at napabalikwas papatalikod.


Nang mapaigtad ako papatalikod, bigla akong napaupo sa sahig dahil natalisod ako sa kung anumang bagay ang nakakalat sa sahig. Biglang tumibok ang puso ko nang mabilis, ang aking kanang kamay ay ipinangtakip ko sa aking bibig upang hindi makapagdulot nang ingay. Hindi ko masikmura ang binting nakakalat sa sahig. Gusto kong masuka sa takot!


Dali-dali akong gumapang patungo sa may hapag kainan. Pagkatayo ko, napapikit na lamang ako dahil sa pugot na ulo ng isang babae ang nakapaibabaw ngayon sa may lamesa. Tirik na tirik ang mata nito na tila ba nanggagalaiti.


Papatalikod na sana ako nang biglang lumitaw ang katawan ng babae sa aking harapan. Mukha siyang hinati nang pira-piraso dahil hiwa-hiwalay ang parte ng kaniyang katawan.


"Tulungan mo 'ko!" sigaw niya.


Dahan-dahan akong naglalakad nang paurong. Napatigagal na lamang ako nang ako'y mapasandal sa pader. Halos mawalan ako ng boses nang biglang bumukas ang ref at lumabas dito ang putol na braso na para bang nagkaroon ng sariling buhay. Gamit ang mga daliri, naglalakad ito patungo sa direksyon ko.


Gano'n din ang ginawa ng putol na binti sa may sahig. Bigla itong nagkaroon ng sariling buhay at naglakad patungo sa akin. Ang katawan naman ng babae ay nanlalagkit, naghahalo ang dugo at honey sa kaniyang katawan.


"Tulungan mo 'ko!" sigaw niya ulit.


Lumutang ang kaniyang ulo sa may ere habang nanlilisik ang kaniyang mga mata.


"Kadiri ka! Ahhh!" sigaw ko habang nanginginig sa takot.


"Morixette? Anong nangyayari sa 'yo?"


Nahimasmasan ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses, si Papa. Mabuti na lang at dumating na sina Mama at Papa kaya nawala ang takot na bumabalot sa akin kanina.


"Ma! Pa!" turan ko.


Nagkukumahog akong tumakbo papalapit sa kanila at biglang niyakap. Napaiyak na lamang ako sa kanilang bisog dulot nang takot.


"Tahan na, Anak. Nandito na si Mama," pang-aalo nito sa akin habang hinahaplos ang aking buhok.


Bigla namang lumabas sina Lola at Jaycee mula sa kanilang silid dahil sa pangyayari. Naka-earphones pa ang pinsan ko kaya pala hindi niya naririnig ang mga sigaw ko kanina habang si Lola naman ay mahimbing ang tulog kaya hindi agad nagising.


Bumalik na ako sa aking silid nang mahimasmasan na ako. Pagkapasok ko, kinuha ko kaagad ang aking cellphone para sana magpatugtog. Laking gulat ko nang makitang mayroong text si Charlie.


Magkita tayo bukas. Mag-usap tayo, nais ko lang na magkaayos tayo. After noon, hindi na kita guguluhin kung ayaw mo na talaga sa akin. 

-Charlie


Nagdadalawang-isip ako kung rereplyan ko ba o hindi. Basta kapag si Charlie ang pinag-uusapan, nagugulumihanan na ako.


Mayroon pang unregistered number ang nagtext sa akin.


Hi, Morixette! Si Jerico 'to, kinuha ko 'yong number mo sa pinsan mo hehe. Sana, okay lang sa 'yo. 

-Jerico


Loko talaga 'yong pinsan kong iyon. Paano kaya siya kinumbinse ni Jerico? Hmmm.


Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Kinabukasan, hindi ko magawang buksan ang loob ng ref dahil sa traumang idinulot nito sa akin kagabi kaya minabuti kong sa school na lamang kumain.


Pagkalabas ko ng aming gate, isang pusang kulay itim ang biglang dumaan sa aking harapan.

Continue Reading

You'll Also Like

21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
1.7M 99.9K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...