The Witty Witchy Bitch (COMPL...

By marie_ibanez

577K 15.1K 361

Aryanna Castañeda is a free woman. No morality, duty, good manners and right conduct. Her ignorance on the la... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30 (Part 1)
Chapter 30 (Part 2)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter

Chapter 29

11.3K 310 10
By marie_ibanez

Aryanna POV

"You like it?"

Ngumiti lang ako kay Theon na nakatutok ang atensyon sa daan habang nagmamaneho. Muli kong hinaplos ang pendant ng suot kong necklace.

Binigay ito ni Theon kanina habang nagsusuklay ako ng buhok sa harap ng salamin. Sinabi niya kasing may kulang daw sa suot ko.

Nagtaka talaga ako dahil nasuot ko na lahat. Yon pala, necklace ang tinutukoy niya.

"Malapit na tayo."

Binitawan ko ang nilalaro kong necklace at tinanaw ang gate nina Theon. Wala akong nararamdaman na excitement, alam ko naman kasing hindi ako welcome sa anniversary ng magulang niya.

Kung hindi niya ako pinilit na sumama rito, hindi talaga ako pupunta. Buti nga nalaman kong nandito din si Carson, matagal na din kasi noong huling kita namin ng kapatid ko. Kasama niya pa noon si Glory.

"Mauna na kayo ni Angelica sa loob, ipa-park ko lang tong sasakyan sa likod ng bahay."

Hindi ko na siya sinagot pa. Binuksan ko lang ang pintuan at umibis na. Kumapkap ako ng Doublemint sa bulsa ko, isinubo ko iyon.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagsunod din ni Angelica. Nakasuot pa siya ng puting dress, nagmumukha tuloy siyang anghel.

Habang ako, parang hindi party ang pupuntahan. Hindi nga ako nagsuot ng dress. Naka skinny jeans lang ako at split sleeve top.

"Let's go inside Arya."

Di ko pinansin si Angelica. Pinagmasdan ko lang ang bahay nina Theon sa harapan ko habang naglalakad papasok.

Wala namang nagbago. Mas lalo pang gumanda ang bahay nila dahil mas dumami ang halaman sa paligid.

"Oh My God, You're here."

Napatingin ako sa Mommy ni Theon na nasa bungad ng bahay nila.

Masayang masaya ang mukha niya habang nakatingin sa direksyon ko. Napatigil ako sa pagnguya ng bubble gum sa bibig.

Sh*t! Gusto niya na ba ako ? Mukhang masayang masaya siyang nakita ako. Kung sabagay, baka natanggap niya na din ako.

Klinaro ko ang lalamunan ko at ngumiti ako sa kanya. Pero hindi niya sinuklian. T*ngna! Kala ko ba masaya siyang nandito ako.

Nakita kong naglakad siya papalapit sakin. Napakalawak ng ngiti niya. Sinaniban ba to ng kabaitan sakin at nakangiti na siya?

"Akala ko hindi ka dadating iha."

Malapit na siya. Inihanda ko ang sarili sa pagbeso niya sakin. Ganoon naman kapag mayayaman diba? Mahilig sa beso.

"Angelica my darling."

Napalobo ako ng bubble gum ng lagpasan niya ako. P*tspa!

Niyakap si Angelica. Siya pala ang nginingitian ng gurang na to. Umasa pa man din ako. Pero wala akong pakialam. Magsama sila! Mga aswang!

"Miss na miss kita iha."

Pinutok ko ang bubble gum na pinalobo ko. Di kayo na! Mga bwesit! Kapapasok ko pa lang ng bahay nila pero ramdam na ramdam ko na ang pag welcome nila sakin.

T*ng ina! Panigurado mag-eenjoy ako dito.

"Tara sa loob, nasa pool lahat ng bisita. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko."

Inikot ko lang ang mga mata ko ng talikuran na ako ng dalawang mangkukulam.

Kung umalis na lang kaya ako at maglakwatsa sa labas. Bibili ako ng Watusi at ikikiskis ko sa pagmumukha ng biyenan ko na may magaspang na pagmumukha. Isama na din yang Angelica na yan. Mga panira ng araw!

"Arya. Bakit nandito ka pa?"

Ngumuso ako kay Theon na kapapasok ng gate. "Hindi naman ako inimbita ng Mommy mo, nilagpasan niya lang ako dito na parang damo lang."

Lumapit siya sakin at pinagsiklop ang mga palad namin. "Hayaan mo na si Mommy, intindihin mo na lang siya."

Tinirik ko mga mata ko. "Di ako marunong umintindi, kapag nasapol niya na ang pagkademonyita ko. Naku! Ilayo layo mo ang nanay mo sakin."

Hinalikan niya lang tuktok ng ulo ko. "Umiinit na naman ang ulo mo. Mag enjoy na lang tayo."


PAPALAPIT pa lang kami sa pool ay tanaw na tanaw ko na ang napakaraming bisitang nagtatawanan at nagkukuwentuhan.

Iba't ibang grupo ang nakaupo sa mga bilog na lamesa. May mga bata ding nagsisitakbuhan hawak ang mga balloon nila. May mga naliligo din sa pool.

"Gusto mo bang makaharap sina Mommy sa lamesa?"

Bumuga ako ng hangin. "Okay lang."

As if naman may choice ako.

Iginiya niya ako papunta sa lamesa ng mga magulang nila. Nakita ko doon si Carson, katabi niya si Papa na nakaupo sa wheelchair.

Bakit naman nandito ang isang to? Tsk! Katabi pa nila ang bulinggit nila.

"Just enjoy the day Arya."

Hinigpitan ko lang ang hawak sa mga palad ni Theon nang papalapit na kami sa table nila. Nginuya ko muli ang bubble gum na nasa bunganga ko.

"Hi everyone."

Tumingin lahat samin ng makalapit kami sa pwesto nila. Nginitian ako ni Angelica pero diko iyon sinuklian.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtingin ni Tita Annie sakin mula ulo hanggang paa. Si Papa naman makahulugang nakatunghay lang sakin.

Si Carson, walang pakialam, sumisimsim lang siya ng wine. May mga iba pang bisita na nasa lamesa pero hindi na sila pamilyar sakin.

"Nandito na pala kayo."

Nginitian ko si Tito Marko na parang kagagaling lang sa kusina. May hawak siyang bote ng champagne.

"Maupo na kayo."

Humila ng upuan si Theon para sakin. Nginitian ko na lang siya ng tipid bago umupo. Katabi ko si Carson sa kanan na nagtetext sa cellphone niya.

Si Theon naman sa kaliwa ko na nakikipag usap sa mga bisita nila.

"Hoy! Carson."

Di niya ako pinansin. Siniko ko siya. Pero tinarayan niya lang ako ng tingin. "Bakit?"

Inirapan ko siya. "Ang sungit mo naman!"

Bumuga siya ng hangin at binalik ang tingin sa cell phone. "Kita mong nagtetext ako."

Sinilip ko phone niya. Ah, katext pala si Glory. Ayaw niya paistorbo.

"Bakit kasama mo yang kapatid mo?"

Sinamaan niya ko ng tingin at binulsa ang phone niya. "Wala daw si Tita Stacey, walang magbabantay sa bata. Kaya sinama ni Papa dito."

"Saan naman nagpunta si Stacey?"

"Malay ko. Wala naman akong pakialam 'don."

Kinuha ko lang ang bubble gum sa bibig ko at dinikit sa ilalim ng mesa. Nang tingnan ko si Carson, diring diri siyang nakatingin sa ginawa ko.

Pinanlakihan ko lang siya ng mga mata. "Bakit ganyan ka makatingin?"

Inilayo niya lang ang upuan sakin. "Maghugas ka nga ng kamay mo!"

Tumawa ako. Kinuha ko alcohol sa bag ko. Nilagyan ko kamay ko. "Heto na oh. Arte mo! Para kang babae."

Di niya na ko pinansin. Napatingin naman ako sa ama kong nakikipag usap kay Tito Marko.

Nakita kong naglalaro ng kutsara at tinidor ang bulingit nila. Tsk! Kamukhang kamukha ng ina niyang higad.

"Ismael." tawag ko pero di niya ko pinansin.

Sinutsutan ko siya. Bumelat ako pero tinitigan niya lang ako. Sinungitan ko siya ng tingin at inangatan ng kamao.

Kinagat niya labi niya na parang maiiyak na. Mas iniamba ko ang kamao ko sa kanya. Nagulat na lang ako ng ibaba ni Carson ang kamao ko.

"Pati ba naman bata, pinapatulan mo?"

Padaskol kong hinablot ang kamay kong hawak niya.

"Tinatakot ko lang naman."

Magkasalubong ang mga kilay niyang tumingin sakin.

"Matagal ng takot si Ismael sayo."

Tiningnan ko ulit si bulinggit. Nakatakip ang mukha niya ng dalawang palad niya.

Natawa ako ng sinilip niya ako. Tinarayan ko ulit siya ng tingin kaya sumiksik na siya sa upuan niya.

"Papa."

Narinig kong tawag niya kay Papa. Nagtataka namang tumingin si Papa kay Ismael na nakatingin sakin.

"Why Ismael?"

Nakangusong tinuro ako ni Ismael. Tumingin sakin si Papa pero inikot ko lang mga mata ko.

Inalis ko agad ang tingin sa kanya. Hinawakan ko na lang sa braso si Theon na umiinom ng wine habang nakikipag usap sa mga ibang bisita nila sa lamesa.

"May problema ba?"

Umiling ako sa kanya ng tanungin niya ako. Nang tingnan ko si Tita Annie ay nakataas ang kilay niya sa kamay kong nakahawak sa braso ni Theon.

Hinigpitan ko pa ang hawak doon at sumandal sa balikat niya.

"Ang bango mo talaga Theon." gigil na sabi ko habang sinisinghot ang balikat niya.

Tumawa lang siya sa ginawa ko.

"Lagi mo namang sinasabing mabango ako kahit hindi naman ako nagpapabango."

"Basta. Ang bango mo."

Nilipat ko tingin kay Tita Annie. Ngumiti ako ng mapang asar sa kanya at muling sumandal sa balikat ni Theon.

Narinig kong humugot siya ng malalim na hininga bago muling nakipag usap kay Angelica na nasa tabi niya. Tsk! Magsama kayong dalawa!

"Nandito sina Aidann."

Umayos ako ng upo ng makitang papalapit samin sina Aidann, Benz. Tumayo naman si Theon para salubungin ang mga kaibigan.

"Happy Anniversary Tita." sabay nilang bati kay Tita Annie na nakangiti sa kanila.

"Thank you. Saluhan niyo kami dito."

"Sure Tita."

Humila naman ng upuan sina Aidann at Benz sa tabi ni Theon. Nginitian ako ng dalawa kaya sinuklian ko lang yon ng matamis na ngiti.

"Theon. Bakit wala si Clyde?"

Sumimsim lang ng wine si Theon bago tumingin sakin. "Matagal na kaming walang contact kay Clyde mula ng mamatay ang kapatid niya last month."

Napayuko ako. Bigla tuloy akong naawa sa kinahihinatnan ng kapatid ni Clyde. Natagpuan kasi siyang patay sa condo unit niya, ginahasa siya.

Isang buwan din na trending ang balita na yon sa Telebisyon. At ang mas masama, nadawit pa ang pamilya ni Eva sa kaso nila. Sinisisi kasi ni Clyde ang Kuya ni Eva sa nangyari sa kapatid.

Pero hindi naman totoong kapatid ni Eva si Kuya Neil, ampon lang si Kuya Neil. Akala kasi ng mga magulang ni Eva ay hindi na sila magkakaanak pa, kaya inampon nila si Kuya Neil. Tapos pinanganak din sunod si Eva after 3 years.

Sa katunayan nga ay nasa kulungan na si Kuya Neil ngayon. Malaki kasi ang ebidensya nila na siya ang may gawa. Pero hindi pa naman napapatunayan na si Kuya Neil talaga ang pumatay kay Claire.

Noong nalaman kasi ni Kuya Neil na ampon siya ay lumayo ang loob niya kina Eva, lalo na sa mga magulang nila.

Hindi na siya umuuwi ng bahay, lagi siyang nadadawit sa gulo at natuto pa siyang magdrugs.

Si Kuya Neil din kasi ang huling kasama ni Claire ng gabing mangyari ang karumal dumal na krimen na iyon.

"Napatunayan na ba na si Neil ang may gawa?"

Tumingin sakin si Theon. "Hindi pa pero malaki kasi ang ebidensya na siya ang may gawa kaya kinasuhan na siya ni Clyde."

Kawawa naman si Eva. Ang dami dami niyang pinagdadaanan ngayon.

Kahit naman ganoon si Kuya Neil ay nakita ko naman kung gaano niya kamahal si Eva noon.

Lagi niya nga yong pinagtatanggol. Kaya nasaktan naman talaga si Eva ng malaman niyang naikulong ang Kuya niya. Hindi niya nga lang pinapahalata samin. Ganoon kasi si Eva, kahit nahihirapan na.

Go lang siya ng Go. Tapos niloko pa siya ng hinayupak niyang boyfriend. G*gong Carl yun.

"Matutuloy kayo ng Baguio?"

Napalingon ako kay Aidann. Baguio? Pupunta ng Baguio si Theon? Bakit hindi niya iyon sinasabi sakin? Tsk! Kasama niya ba si Angelica? Baka mag-date sila doon.

Kinalabit ko si Theon. Kinunotan ko siya ng noo pero ginagap niya lang ang mga kamay ko. "Oo, matutuloy kami."

Gulat at tulala ako sa sinabi niya. Sh*t! Isasama niya ako. Bigla tuloy akong nakadama ng excitement.

Gusto ko pa man din mamasyal sa Baguio, matagal na din kasi ng huling bisita ko roon.

"Isasama mo ako?" abot hanggang tenga ang ngiti ko kay Theon.

"Bakit naman kita hindi isasama? Eh lakad natin iyong dalawa."

Hindi ko na napigilan ang saya ko. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Grabe ang saya saya ko. Ngayon lang kami lalabas ng dalawa ni Theon.

Humiwalay ako ng yakap sa kanya "Dalawa lang ba tayo?"

Umiling siya at nilunok ang pagkain. "Kasama sina Aidann at Benz."

Tumingin ako kina Aidann at Benz. Ngumiti lang sila sakin habang kumakain. "Isasama ko yung anak ko."

Napatango ako kay Benz. Sh*t! Kasama si Reegan. Gustong gusto ko nga ang batang yon.

Si Reegan lang ang batang nagugustuhan ko. Bumibisita kasi silang magkakaibigan dati sa bahay , isinasama naman ni Benz si Reegan lagi.

Hindi nga ako mahilig sa mga bata sa totoo lang pero kay Reegan, gustong gusto ko siya. Wala na kasi ang nanay ni Reegan kaya si Benz na lang ang nag aalaga sa kanya.

"Ilang araw tayo doon?"

"1 week." sagot ni Aidann habang umiinom ng tubig.

Napatango na lang ako at hinawakan ang mga kamay ni Theon sa ilalim ng mesa.

"Pupunta kayo ng Baguio?"

Napalingon kaming apat kay Tita Annie na sumusubo ng pagkain. Nakatingin siya samin.

"Opo Tita." sagot ni Benz kay Tita Annie.

Tumingin naman si Tita Annie kay Angelica.  "Isama niyo na si Angelica."

Napabitaw ako ng kamay kay Theon. P*tang ina! Bakit ba nakikialam ang matandang to?
Ipapasama pa ang Angelica na yan.

"Di ba hindi ka pa nakakapunta ng Baguio, Angelica?" atungal pa ng aswang kong biyenan.

Itong Angelica naman na to, nahihiya pang tumango at yumuko. P*ta! Nagpapaawa pa ang bwesit.

"Okay lang naman samin na sumama siya Tita."

Kinunotan ko ng noo si Aidann. Isa pa to eh. Sige isama niyo siya at ibibitin ko yan patiwarik sa pine tree.

"Kailan ba kayo aalis iho?"

"Bukas po ng madaling araw."

Napahalukipkip ako. Nasira na araw ko. King ina! Ayokong sumama yang Angelica na yan. Masisira lang ang bakasyon ko. Tsk!

"Maghanda ka na ng mga gamit Angelica para masundo ka ni Theon bukas ng maaga."

Sinamaan ko ng tingin si Tita Annie. Pero umismid lang siya. Gigil na hinablot ko ang wine glass sa harap ni Carson na nakataas ang kilay sakin. Nilagok ko iyon lahat.

"Naku. Huwag na po Tita. Next time na lang po."

"No Angelica. Nandiyan naman si Theon para bantayan ka."

Padabog kong binagsak sa mesa ang baso. Tumingin silang lahat sa ginawa ko pero di ko sila pinansin.

Tiningnan ko lang si Theon na magkasalubong ang mga matang nakatingin sa basong pinipiga ko sa inis.

"Isasama mo talaga si Angelica?!" mahinang tanong ko pero puno ng diin.

Lumapit lang sakin si Theon at hinaplos ang kamay kong nakapatong sa hita ko.

"Hindi ko siya isasama, pero kung isasama siya nina Aidann. Wala na akong karapatan para hindi siya payagang sumama. Sa bahay nina Benz tayo titira doon."

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagtawa ng mahina ni Benz at Aidann.

"Nagseselos lang si Misis" bulong pa ng mga bwesit.

Pinandilatan ko silang dalawa kaya natahimik sila. Tsk! Isa pa 'tong mga 'to. Sarap hampasin ng latigo.

"Ano bang problema mo Ate?"

Nilingon ko si Carson. "Ayoko ngang sumama si Angelica bukas samin."

Kinunotan niya ako ng noo. "Ano namang kinakatakot mo sa pagsama ni Angelica sa inyo? "

Bigla akong napaisip. Bakit nga ba umaakto ako ng ganito? Natatakot ba akong agawin niya sakin si Theon? Paano kung OO? Magpapaagaw ba si Theon? Hindi! Hindi pwede!

TO BE CONTINUED.

Continue Reading

You'll Also Like

545K 58.4K 24
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
1.5M 92K 38
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
3.1K 215 23
Lucifer the King of Demons from under realm is looking for Reincarnated Goddesses to consume it's soul and makes him become the most Powerful in Heav...
3.2M 183K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...