Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy)...

By YorTzekai

561K 13.7K 1.2K

BOYXBOY YAOI BROMANCE - Si Khalil Pantoja ay isang probinsyano,nakatira sa isang probinsya sa north cebu,ang... More

Pangarap Ko'y Ikaw
01. Khalil > The good gay :)
02. Sad Goodbye >
03. The Housemates >
05. Movie & Jai > First day!
06. Instant Sikat! >
07. Crayon the new guy! And the offer!
08. Desisyon!
09. Bagong bahay! Bagong tukso!
10. First day with Flexter!
11. First time with Cross!
12. Gabi ng Kilig!
13. Paghaharap : Pag amin!
14. Ulan! Halik! Desisyon!
15. Sweet Escape!
16. Cant fight this feeling.
17. Labad sa ulo!
18. Plaza Independencia!
19. Undecided : Unexpected!
20. Pagbabalik sa maynila!
21. MAGKABILANG MUNDO a collab with ElixirJohn!
22. ANG LALAKI SA DAGAT a collab with @agentbreak
23. Pagtalikod!
24. Cross my heart!
25. Two become One!
26. Ang muling pagkikita!
27. Unexpected event
28. Dilemma : Pagsisisi
29. PRE FINALE: Forgiveness and Letting Go!
30. WAKAS: Pangarap ko'y Ikaw
EPILOGUE

04. The Boys! One by one >

18K 480 35
By YorTzekai

Pumikit na lang ako dahil alam kong sa matigas na tiles ang bagsak ko. Pero hindi ganun ang nangyari,ramdam kong katawan ng tao ang nabagsakan ko.

"Ugh!"daing nito,at alam kong napahiga sya sa sahig kung sino man sya,agad akong nagmulat ng mata at tiningnan kung sino ang sumagip sa akin,at nanlaki ang mga mata ko na si Cross pala yon! Nasa ibabaw ako at ramdam ko sa tyan ko ang pututoy nya kaya agad akong bumalikwas at tumayo.

"Pasensya na" hinging paumanhin ko,pero ngumisi lang sya. Ugh! Lakas mang inis ng ngiti nya. Tumayo sya at tinungo ang sala,ang lakas ng kabog ng dibdib ko,yon ang pangalawang beses na lumapat ang katawan ko sa katawan ng ibang lalaki,una yung kay Japhet.

Agad din akong pumunta sa sala para tingnan ang palabas. Wala na,patalastas lang pala yon,nakakapanlambot,hindi ko nakita si Flexter. Tiningnan ko sina Aya at Cross na tutok sa panonood. Minabuti kong pumunta na lang sa kusina,nakasalubong ko si Jai.

"Khalil,patawag naman yung dalawa,tapos na kaming magluto ni Japhet,mananghalian na tayo" sabi nito,tumango naman ako at tinawag yung dalawa,naiilang ako habang kumakain kasi lahat sila naka hubad baro at maikling shorts pa din ang suot. Wala ba silang planong magdamit? Imbis na sila ang mailang dahil may kasama silang bayot eh ako pa naiilang.

"Bukas ka mag start sa work kung san din kami magtatrabaho Khalil,kailangan mo muna gumawa ng resume" ani Japhet habang kumakain kami.

"Sige,yon din ang iniisip ko,uhm at saka pwede ba akong mamalengke mamaya?" sabi ko naman,halos kaming dalawa lang ni Japhet ang nag uusap,yung tatlo abala sa pagkain at patingin tingin lang sa amin,ng madako tingin ko kay Cross ay ngumisi ito. Tse! Buang! Amaw!

"Oo naman,anong gagawin mo sa palengke?" ani Japhet.

"Mupalit ko ug sininang bag-o" sagot ko.

"HUH?" sabi nilang apat na napatigil pa sa pagkain.

"Ang ibig kong sabihin bibili akong damit pati na din ibang damit"

"Ah ganon ba? Sige idaan kita sa pasig palengke mamaya" nakangiti nitong sabi. Yawa,ang gwapo talaga ng kolokoy na to.

"Samahan na kita! Sa Mega mall na lang tayo" pag butt in ni Jai na ang lapad ng ngiti,bakit ba ang cute ng isang to? Ang sarap siguro kurutin ng pisngi nya.

"Tumigil ka,ang dami mo ng absent,mapagalitan ka na ni Maam nyan" seryosong sabi ni Aya,pero ang gwapo pa din,napanguso na lang tuloy si Jai.

Natapos kaming mananghalian,nagpresinta akong maghugas ng plato,sila naman naligo at naghanda na papasok sa trabaho nila,na magiging trabaho ko na din sa mga susunod na araw.

Handa na kaming lahat,kanya kanya sila ng motor,may inabot saking susi si Japhet,duplicate key daw ng bahay. Umangkas na ako kay Japhet,sabay sabay na kaming lumarga. Napayakap na naman ako sa kanya,ang sarap nyang yakapin,tapos parang kumakabog na ewan ang dibdib ko,hindi ko mawari.

Ibinaba ako ni Japhet sa palengke,nagpasalamat ako at pumasok sa loob ng palengke. Ang gandang palengke naman nito? Ibang iba sa palengke sa amin. Nagtanong ako kung san yung bilihan ng damit at sapatos. Nasa second floor daw kaya wala na akong inaksayang panahon,bumili na ako ng lahat ng kailangan ko,pati biodata para sa trabaho,alam ko naman yung resume pero hindi ako marunong gumawa at hindi ako marunong mag computer. Bago umuwi ay napadaan ako sa tindahan ng mga dyaryo. Nasa unahang pahina ang larawan ni Flexter! Kumabog kabog ang dibdib ko sa tuwa kaya binili ko ito.

Pagdating sa bahay dumiretso ako sa kwarto at inayos ang mga pinamili ko,nakaramdam naman ako ng kalungkutan sa pag iisa sa bahay. Naalala ko sina Nanay at Tatay,pati sina Buboy at Caloy,kamusta na kaya sila? Sana okay sila,pero alam kong okay sila,hindi sila papabayaan nina Nang Alicia at Nong Berto. Hindi ko namalayang napaluha na pala ako,kaya agad ko itong pinunasan at nagdesisyong bumaba,bitbit ang ballpen,biodata at dyaryo ay tinungo ko ang kusina. Doon ko sinagutan ang Biodata.

Matapos kong sagutan ito ay kinuha ko ang dyaryo at tinitigan ang mukha ni Flexter.

Napaka gwapo talaga nya,ang amo ng mukha,ang ganda ng katawan,nakakapang init at nakakapangatog ng kalamnan. Haaay!! Ngayon lang ako talaga naapektuhan sa itsura ng ibang tao,ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong uri ng paghanga.

"Tsk tsk! Hapon na hapon nagpapantasya" napatingin ako sa nagsalita. Si Aya at Cross nasa pinto ng kusina!

"Bunganga mo" suway dito ni Aya. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha sa sobrang inis sa Cross na yan! Tamaan sana sya ng kidlat!

"M-may nakalimutan ba kayo?" bagkus ay tanong ko na lang.

"Tapos ka na bang bumili ng mga gamit at damit?" tanong ni Aya at lumapit,si Cross naman ay uminom ng tubig,tumango ako bilang sagot. Ataya oy! Ang bango bango ni Aya,nakaka adik! Nanunuot sa sistema. Jusko mababaliw ako sa apat na lalaking ito pag nagtagal. "Good,eh ang resume? Kailangan mo ng ipasa ngayon,may nag resign kaming kasamahan eh" dagdag nito at lumapit pa. Waahh! Ang bilis ng tibok ng puso ko,ganito ba talaga epekto ng mga lalaki sa tulad kong binabae?

"Eh hindi ako marunong nun eh,kaya biodata na lang" ang nahihiya kong sagot. Ang hirap talaga pag limitado ang alam,at mas mahirap kung isa kang probinsyano na nasa maynila.

"Hindi pwede yan,akin na,tara sa kwarto ko at igagawa kita ng resume,may computer at printer ako" ani Aya,para naman akong batang sumunod. Pagpasok sa kwarto nya ay napanganga ako,ang ganda,malinis at maayos,lalaking lalaki ang dating. Umupo sya sa harap ng computer at binuksan ito,maya maya ay nagsimula na syang magtype,ang bilis ng mga kamay nya.

Napakaswerte ng nobya nito ni Aya kung meron nga,mabaet,gwapo at maaasahan,matulungin pa,yun nga lang,suplado at bilang lang ang salitang binibitawan.

Ilang saglit pa ay natapos na nya at na print,hiningian nya ako ng 2x2 picture,buti na lang meron ako. Walang humpay akong nagpasalamat sa kanya bago sila umalis at bumalik sa trabaho.

"Wala yon,o sige,alis na kami,mag ingat ka dyan" yun lang at humarurot na sila paalis,pumasok na ako sa bahay at nag isip ng gagawin.

"Makapanood na lang ng Tv,hindi naman siguro masama" sabi ko sa sarili at binuksan ang Tv at naupo sa sofa. Unang pagkakataon ko na maupo dito,ang lambot lambot!

Wala naman magandang palabas,kaya panay ang lipat ko ng channel,hanggang sa mapadpad ako sa channel na cartoons ang palabas,haay kung nandito sina Buboy at Caloy panigurado tuwang tuwa ang dalawang iyon. Pano ko kaya sila mako-contact ng hindi na kailangang sumulat? Pag sulat kasi,panigurado matagal bago sila makasagot.

Nalibang ako sa panonood ng cartoons,saka ko lang napansin na madilim ang bahay at ang ilaw lang ay ang liwanag ng Tv. Tiningnan ko ang oras, alas sais na pala. Tumayo ako at binuhay ang mga ilaw sa buong bahay pati sa taas,saka ako ulit bumaba at pinatay ang Tv.

Nagugutom na ako,hindi naman ako marunong magluto gamit ang kalan at rice cooker,hay! Napaka probinsyano talaga. Naalala ko din na sinabi ni Japhet na gabing gabi pa ang tapos ng trabaho nila kaya hindi sila naghahapunan sa bahay. Kumukulo na ang tyan ko sa gutom. Pumunta ako sa kusina,nagbabaka sakaling may natirang pagkain. Pero malas dahil wala!.

"Na unsa man oy,mamatay jud ko sa gutom" ang mahina kong sabi. Kinapa ko ang bulsa ko,may pera nga pala dito,yung sukli sa pinamili ko kanina,maghahanap na lang ako sa labas ng mabibilhan ng pagkain.

Lumabas na ako at nilock ang pinto,naglakad palabas ng gate at isinara ito,paglingon ko sa kaliwa,sakto ang liwanag ng poste ay may nakita akong umiihi sa gilid. Ang lapit lang kaya nya sa akin! Kitang kita ko yung ano nya! Ang bastos naman nito! Bigla itong humarap at nagkagulatan kami.

"Khalil? San ka pupunta?"

"J-jai?" ani ko at napatingin ulit sa ano nya. Ka dako jud. Napalunok ako. Unang pagkakataon na makakita ako ng ari ng ibang lalaki. At parang natauhan naman at napahiya syang inayos ito at napangiti.

"Pasensya na,ihing ihi na kase ako at hindi na ako aabot sa banyo,san ka pupunta?" sabi nito na napahawak pa sa batok.

Diyosko! Ang init ng pakiramdam ko,bakit ganito? Magkakasakit yata ako lagi dito dahil sa mga kasama ko sa bahay,bakit ba sila ganyan? Alam naman nilang bakla ako eh,bawat isa sa kanila kakaiba epekto sakin,jusme! Tulong po!.

"Ah eh,ano uhm..."

"Haha ang cute mo,huwag ka ng mahiya,ayos lang sa akin na nakita mo ang akin,may ganon ka din naman" ang tumatawa nitong sabi.

"Buang ka! Hindi lang ako sanay.. Alam mo namang ano ako eh" ang sabi ko naman na sobrang nahihiya,tumawa lang naman sya. Ganyan ba talaga mga laking siyudad?

"San ka nga pupunta?" anito at lumapit sa akin. Kahit mukhang mas matanda ako sa kanya eh ako ang nagmukhang bata,ganito talaga pag walang alam.

"Maghahanap sana ako ng mabibilhan ng pagkain"

"Ganon ba? Huwag ka ng bumili,umuwi talaga ako ng maaga dahil naisip kita,alam kong hindi ka marunong gumamit ng kalan at rice cooker,kaya bumili ako ng pagkain,nasa motor ko,mauna ka ng pumasok,ipaparada ko lang ang motor" mahaba nyang sabi. Tumango lang ako at pumasok na sa loob.

Dideretso na sana ako sa kusina para maghanda ng mga plato ng tawagin nya ako,nakaupo na sya sa sofa at bukas na ang Tv.

"Huwag ka na maghanda,dito tayo kumain habang nanonood ng Tv" aniya at tumalima ako. Nakita ko sa lamesita na Jollibee pala binili nya,kanin,fried chicken,burger,fries,spaghetti at may coke pa. Natakam ako at umupo sa tabi nya.

"Kain lang ng kain Khalil,para sayo talaga yan" aniya habang nanonood,nagsimula na akong kumain,inuna ko yung kanin at manok,hanggang natuon ang tingin ko sa Tv. Simula na ng teleserye ni Flexter!

Ililipat na nya sana pero pinigil ko sya.

"Huwag! Dyan na lang kay Flexter" sabi ko habang ngumunguya at nakatingin sa Tv.

"Yan pa pinagpapantasyahan mo?"

AAAAAARRRKKK!!!

Nabilaukan ako!.

- lemme know whats on your mind! Hahaha :D

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 58.7K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
3.4M 60.5K 56
[Received Wattpad's Most-Read Milestone]
842K 26.7K 51
What was supposed to be a chill day ended up a complete disaster after Linus was mistaken as his twin who caused Ivler and his girlfriend's break up...