Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy)...

By YorTzekai

560K 13.7K 1.2K

BOYXBOY YAOI BROMANCE - Si Khalil Pantoja ay isang probinsyano,nakatira sa isang probinsya sa north cebu,ang... More

Pangarap Ko'y Ikaw
01. Khalil > The good gay :)
03. The Housemates >
04. The Boys! One by one >
05. Movie & Jai > First day!
06. Instant Sikat! >
07. Crayon the new guy! And the offer!
08. Desisyon!
09. Bagong bahay! Bagong tukso!
10. First day with Flexter!
11. First time with Cross!
12. Gabi ng Kilig!
13. Paghaharap : Pag amin!
14. Ulan! Halik! Desisyon!
15. Sweet Escape!
16. Cant fight this feeling.
17. Labad sa ulo!
18. Plaza Independencia!
19. Undecided : Unexpected!
20. Pagbabalik sa maynila!
21. MAGKABILANG MUNDO a collab with ElixirJohn!
22. ANG LALAKI SA DAGAT a collab with @agentbreak
23. Pagtalikod!
24. Cross my heart!
25. Two become One!
26. Ang muling pagkikita!
27. Unexpected event
28. Dilemma : Pagsisisi
29. PRE FINALE: Forgiveness and Letting Go!
30. WAKAS: Pangarap ko'y Ikaw
EPILOGUE

02. Sad Goodbye >

22K 517 66
By YorTzekai

Since ako lang ang nakapag aral,at hindi na nakapag aral sina Buboy at Caloy dahil nga sa aming kahirapan at sobrang layo ng paaralan sa amin ay ako na din ang naging teacher ng dalawa kong kapatid,sadyang matalino sila at madaling turuan,nagmana kina Tatay at Nanay,at syempre sa akin.

"Okay,Buboy at Caloy,ano ang pangalan ng ama ng ating Prisedente?" tanong ko sa mga ito,samantalang si Nanay ay nagwawalis sa bakuran,si Tatay naman ay nagsisibak ng kahoy sa likuran.

"Ako kuya! Kama'o ko kinsa!" ani Buboy na nagtatalon pa habang nakataas ang kanang kamay.

"Oh sige Buboy,what's the answer?"

"Benigno Aquiano also known as Ninoy!" masayang sabi nito.

"Wow Buboy! Ang galing mo! Ang talino talaga! Palakpakan natin Caloy si kuya Buboy" at pumalakpak nga kami,natuwa ako sa reaksyon ni Buboy,kumikinang pa ang mga mata.

"Oh,sino naman ang asawa ni Benigno Aquino na dating presidente ng Pilipinas?" pagkuway tanong ko ulit.

"Ako naman kuya! Dali! Dali!" tumatalong sabi ni Caloy.

"Oh sige nga,sino?"

"Cory Aquino kuya! Tinuro mo yon dati! Dili ko makalimtan" ani ni Caloy na todo ngiti,pinalakpakan namin sya ni Buboy. Natutuwa ako dahil sadyang matatalino ang mga kapatid ko,ako naman average lang,kaya nga nangangarap ako na maka ahon kami sa hirap para hindi na napapagod sina Nanay at Tatay,at para makapag aral ang dalawa kong kapatid,sayang naman kung hindi magagamit ang katalinuhan nila.

"Day! Buboy,Khalil ug Caloy,maniudto na ta!" sigaw ni Tatay na tapos na pala magsibak ng kahoy at makapag luto ng tanghalian.

Mga bandang alas tres ng hapon,naghahanda ako ng mga kamatis,sitaw at camias na ititinda ko bukas sa bayan ng dumating ang isang kaibigan ni Tatay,may pupuntahan daw sila sa may kabilang sitio na nasa kabilang bundok pa,ganon talaga dito,ang lalayo ng pagitan ng mga bahay, sitio o baranggay. Matapos maiayos ang aking mga ititinda para bukas ay nagpaalam na ako kay Nanay na tutungo sa ilog para maligo,ang dalawa kong kapatid naman ay nagsisyesta na.

Lumipas na lang ang hapunan eh hindi pa bumabalik si Tatay,hindi na mapakali si Nanay,ako naman ay nag aalala na din,mabuti na lamang at nakatulog na ang dalawa.

"Naunsa na jud ang imong amahan? Nganung dili pa manguli?" nag aalalang sabi ni Nanay habang nakatayo sa pinto ng kubo,nag aabang,naghihintay.

"Nay,relax lang,matuwog na ka,ako na lang mag huwat kay Tatay" sabi ko at lumapit. Bumuntong hininga si Nanay at humarap sa akin.

"Khalil,dong,nag aalala na ako,iba nararamdaman ko" bakas sa mukha ni Nanay ang labis na pagkabahala,kita ko sa maganda nyang mukha ang pag aalala.

"Nay,ayaw jud mag huna huna ng unsa unsang problema,relax lang kasi sabi"

Nasa ganoon kaming pag uusap ng may mga boses kaming narinig,tinatawag si Nanay,may mga bitbit silang sulo.

"Karen! Nang Karen!" agad kaming napalabas ni Nanay at sinalubong sila,pero ganun na lang ang panglalambot ko ng makita kong pinagtutulangan nilang buhatin ang walang malay na si Tatay at duguan.

"Anong nangyari? Bakit sya nagkaganyan?" umiiyak na sabi ni Nanay at niyakap si Tatay,ako naman ay nanginginig,parang pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo ko,nanlamig ako.

"Yung isa sa mga kambing na pinapastol nya ay nahulog sa bangin sa may kabilang bundok,sinubukan nyang iligtas pero sya ang nahulog,mabuti at nakita namin kaya maagap namin syang nakuha" paliwanag ng isa.

"Buhi pa sya! Humihinga pa sya! Tulungan nyo akong dalhin sya sa ospital!" humahagulhol na sabi ni Nanay,agad ulit nilang binuhat ng maingat si Tatay at si Nanay pumasok sa bahay,at ng muling lumabas ay may bitbit ng bayong. Napako pa din ako sa kinakatayuan ko.

"Ikaw muna bahala sa mga kapatid mo anak ah? Sumunod kayo bukas sa ospital" ani Nanay at umalis na sila.

Labis labis ang takot ko,si Tatay? Pwedeng mawala sa amin? Hindi pwede! Mahal na mahal namin si Tatay.

Kaya ng gabing iyon ay ay niyakap ko ang mga kapatid ko sa pagtulog. At ng magising ako kinabukasan,pinaghandaan ko sila ng nilagang saging at tsokolateng natural galing sa cocoa bilang almusal. Pagkatapos nun ay sabay sabay kaming naligo sa ilog dahil isasama ko sila sa bayan sa pagtitinda pagkatapos ay pupunta sa ospital,hindi ko naman sila pwedeng iwanan sa kubo.

Bago mag alas quatro ay naubos ang paninda kong gulay,naka two hundred fifty pesos din kami,sabi ko kina Buboy at Caloy ay papasok muna kami sa pinaka loob ng palengke,papakainin ko sila,may murang karendirya kasi doon. Ng mapadaan kami sa bigasan ni Nang Alicia ay tinawag ako nito.

"Alam ko nangyari sa Tatay nyo,pupunta ba kayo sa ospital?" anito,malungkot akong tumango,tahimik lamang na nagmasid ang mga kapatid ko. Pumasok sa tindahan si Nang Alicia at parang may Volt na binuksan at may kinuha sya dito.

"Oh eto,tulong ko sa inyo,bente mil yan,yung sampung libo pandagdag bayad sa ospital,at yung natitirang sampung libo ay gamitin mo sa pagpunta sa Manila,maghanap ka ng trabaho doon,eto ang address ng isa sa mga pamangkin ko doon" nagulat ako syempre,hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lamang si Nang Alicia sa amin,napaka baet nya.

"Ho? Bakit po? Bakit ako pupunta sa manila?" taka kong tanong. Ngumiti sya.

"Pagtanaw yan ng utang na loob sayo at sa mga magulang mo,kung hindi dahil sa kanila,hindi magiging kami ng asawa ko at hindi ako magiging maligaya,nagpunta kami ng asawa ko kanina sa ospital at kinausap ang Nanay mo,plinano na namin ang lahat,pupunta ka sa Manila para magtrabaho at makatulong,at sa bahay na muna titira ang pamilya mo"

Hindi ko na namalayang naiyak na pala ako,masyado akong na overwhelmed sa kabaitan ni Nang Alicia,hindi ko lubos maisip na sadyang may mga ganito pang tao sa mundo.

"Maraming salamat po"

"Huwag kayong umiyak,ayaw ng mga magulang nyo na ganyan kayo" ani Nang Alicia at nagpahid ng luha,doon ko napansin na tahimik na lumuluha sina Buboy at Caloy,parang pinipiga ang puso ko.

"Tinawagan ko na pamangkin ko,bukas ka aalis at sa isang araw ang dating mo,nabilhan ka na ng asawa ko ng ticket sa barko,kaya huwag mong iwala yang address na yan,nakasulat din dyan ang telephone number ng pamangkin ko" anito at niyakap kaming tatlo,walang humpay ako sa pasasalamat dito. Balang araw makakabawi din ako.

Pumunta kami sa ospital,agad kong tinanong sa Nurse station kung saan ang kwarto ni Tatay. "Miss,Janus Pantoja po,anong room?" agad naman itong sinabi sa akin,nagmamadaling tinungo namin ang kwartong iyon,pagbukas pa lang ay nabungaran na naming umiiyak pa din si Nanay,at si Tatay naman wala pa ding malay.

"Tatay!" sigaw at iyak nina Caloy at Buboy at tumakbo palapit kay tatay,ako naman ay napaiyak na naman.

-----

Pinag usapan namin ni Nanay ang lahat lahat,mabuti at ligtas na si tatay,mga bali sa buto at bagok sa ulo ang natamo nya pero malayo na sya sa kapahamakan. Pati ang plano nila ni Nang Alicia ay pinag usapan namin,kahit parang mabigat sa dibdib ang isiping iiwanan ko sila ay kailangan ko magtiis. Para sa kanila naman ang gagawin ko.

Kinabukasan ay nasa ospital lahat kami,pati sina Nang Alicia at Nong Berto na asawa nya. Nakahanda na ako sa pag alis,ihahatid ako ni Nong Berto,isang bag lang ang dala ko,mga damit at konting personal na gamit.

Ang bigat sa dibdib ng eksena ng pagpapaalam ko,parang sasabog ang dibdib ko,ayaw ako bitawan nina Buboy at Caloy,nagwawala na sila,si Nanay naman ay niyakap at hinalikan ako sa labi.

"Mag iingat ka dun anak huh? Mamimiss ka namin,lagi kang susulat at magdadasal" ani Nanay habang tumutulo ang mga luha.

"Kuya! Huwag ka ng umalis! Huwag mo kaming iwan!" ang humahagulhol na sabi ni Caloy habang napaka higpit ng yakap sa bewang ko.

"Kuya! Magpapakabaet na po kami! Huwag ka lang umalis! Kuya!" sabi naman ni Buboy,kumirot ang dibdib ko,kinagat ko ang pang ibaba kong labi para mapigilan ang aking paghikbi.

"Ka-khalil..." napatigil kami sa pag iyak at napalingon sa nagsalita. Si Tatay! Gising na sya!

Agad akong lumapit at marahang niyakap si Tatay saka nag iiyak.

"Tay! Salamat po at nagising kana!" humihikbi kong sabi.

"S-san k-ka pu-punt-punta?" ani Tatay. Lalo naman akong naiyak sa tanong ni Tatay,parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

"Tay! Patawarin nyo po ako dahil kailangan kong umalis na ganito ang sitwasyon mo,patawad po! Para sa inyo po ito,gusto ko pong makatulong"

"P-payakap u-ulit si Tatay,m-may s-sabihin ako" agad akong sumunod,marahan ko ulit niyakap si Tatay,yumakap din sya pero hindi mahigpit,ramdam ko yung pagmamahal ng isang ama. "Mag iingat k-ka dun,pa-patawarin mo din ak-ako kung h-hindi ko kayo nabigyan ng m-mar-marangyang bu-buhay" ani Tatay,naramdaman kong tumulo ang luha nya sa pisngi ko dahil magkadikit ang aming mukha.

"P-pero lagi mong t-ta-tandaan,mahal na mahal kita,hintayin ko ang pagbabalik mo Kha-khalil" dagdag pa nya,panay tango lang ako dahil hindi na ako makapag salita.

Lumapit na si Nong Berto,kailangan na daw naming bumyahe,kailangan daw mas maaga ako ng tatlong oras sa pier. Wala na akong nagawa,mabigat man sa loob ay nagpaalam na ako muli at naunang lumabas,pinipigilan ni Nang Alicia at Nanay sa pagwawala sina Buboy at Caloy,pero hindi na ako lumingon pa.

-----

Bumyahe kami ng bus na Ceres papunta sa Colon,at ng makarating sa Colon ay sumakay naman kami ng jeep na 02B na ang destinasyon ay Pier uno,pier dos,pier tres, pier tres ako,dun kasi ang barkong sasakyan ko, Superferry 12. At sa buong byahe,tahimik at tulala lang ako,naintindihan siguro ako ni Nong Berto kaya pinabayaan nya muna ako.

Ng makarating sa Pier tres ay niyaya muna ako nitong kumain,alas singko na ng hapon at mamayang alas otso ang larga ng barko. Sinamahan nya ako sa waiting area hanggang sa inannounce na pwede na kaming umakyat sa barko,nakaramdam na naman ako ng matinding lungkot at pamumuo ng luha,ito ang unang pagkakataon na iiwan ko ang pamilya ko ng matagal,at milya milya pa ang magiging agwat namin. Mahigpit akong niyakap ni Nong Berto at may nilagay sya sa palad ko.

"Mag iingat at magpakabaet ka dun Dong,lagi ka sumulat sa amin,idagdag mo sa allowance mo yang panibagong sampung libo" aniya at kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Daghang salamat kaayo Nong" lumuluha kong sabi.

"Huwag ka ng umiyak,dapat maging matapang at magpakatatag ka sa Manila,iba ang buhay dun,huwag mo alalahanin ang pamilya mo,kami ni Nang Alicia mo ang bahala sa kanila,sige na,umakyat kana" at niyakap nya ako ng saglit saka umalis. Mabigat ang damdaming pumila ako paakyat sa barko,sana,maging maayos ang lahat.

Sa economy ako,syempre madami kami,swerte ko at dingding at katabi ko,pwedeng sumandal. Tiningnan ko yung mga tao,ano kayang mga rason nila ng pagpuntang manila? Tulad din ba sa akin? Ang magtrabaho para maitaguyod ang naiwang pamilya sa Cebu?

Humiga ako,ginawa kong unan ang bag,namimigat na kasi ang mga mata ko,siguro dahil sa kakaiyak. Pumikit ako at inisip sina Nanay at Tatay,ano na kayang ginagawa nila? Sina Buboy at Caloy kaya umiiyak pa rin? Miss ko na agad sila,parang gusto kong bumaba ng barko.

Napadilat ako ng bumusina na ng pagkalakas lakas ang barko,hudyat na paalis na ito sa pier. Tumayo ako,lumabas sa corridor,at nakita ko nga na unti unti na kaming lumalayo,papaliit na ng papaliit sa aking paningin ang mga ilaw ng Cebu. Sana makabalik agad ako dito sa madaling panahon.

Para maiwaksi ko ang kalungkutan ay naisipan kong maglibot sa buong barko,hanggang napadpad ako sa rooftop,nandun pala yung pinaka kainan. Nakaramdam ako ng gutom kaya pumasok na ako. Maganda ang loob,parang restaurant na nakikita ko noon sa TV,may malaking TV na flat sa unahan at may nakanta.

Pumunta na ako sa counter para bumili ng pagkain,ayon kasi sa ticket ay bukas pa effective yung free meal, hotdog at kanin lang ang binili ko pero umabot na ng 60pesos! Grabe ang mahal!

Naghanap na ako ng bakanteng mesa,at ng makahanap ay nagsimula na akong kumain. Habang kumakain ay nilibot ko ang paningin ko hanggang nadako ang tingin ko sa may kabilang dulo,sa sulok may TV,at nanlaki ang mga mata ko ng ipakita si Flexter Tuazon! Lumakas na naman kabog ng dibdib ko,parang hindi na naman ako mapakali. Dali dali kong tinapos ang pagkain at lumipat ng pwesto para mas mapanood ko sya. Napaka gwapo at napaka galing nyang umarte,napaka natural lang.

Ng matapos ang palabas ni Flexter ay bumaba na ako at bumalik sa pwesto para matulog,dahil laking probinsya,maaga akong dinalaw ng antok. Kinabukasan naman walang masyadong nangyari sa byahe hanggang mag gabi,at ng bandang alas otso y medya ay inannounce ng padaong na kami sa pier ng manila,nakaramdam ako ng excitement.

Inayos ko na ang sarili ko pati ang bag,kinuha ko yung papel na binigay ni Nang Alicia,binasa ko ito:

Japhet Salcedo tel # 747-80-14

address - Mercedes Village,San Miguel Pasig City.

Ito na,makakatapak na ako sa manila sa unang pagkakataon,pumila na ako sa lobby,marami ng tao,mga excited na din siguro bumaba. Hindi ko sila masisisi,maging ako ay ganun din naman ang nararamdaman,pero may konting takot syempre dahil hindi ko naman alam kung anong itatakbo ng buhay ko dito.

At sa wakas! Nakababa din ng barko,agad akong lumabas ng pier hanggang marating ang kalsada,ang daming tao,may mga sumisigaw,nagtitinda sa gilid,madami din jeep. Naghanap ako ng jeep na may nakalagay na pasig. Wala akong nakita kaya nagtanong ako,may sumagot naman,at ang sabi kailangan kong sumakay ng jeep hanggang SM Megamall,at marami na daw sakayan dun ng jeep papuntang pasig.

May isang manong driver na mabaet at sa harap ako pinaupo,nahalata nya siguro na baguhan lang ako dito.

"San ka?"

"SM Megamall po? Pwede nyo po ba akong ibaba dun at magkano po?" magalang kong sagot,tumango si manong at sinabi kung magkano saka ako nagbayad. Sa byahe ay nalibang ako sa mga nadadaanan,sobrang maliwanag,doble ng sa Colon,at ng makarating sa destinasyon,at natanaw ko yung napakalaking SM Megamall sa kabilang kalsada ay naghanap ako ng matatawiran,mag a-alas Dies na din ng gabi. Ng marating ko iyon ay pasara na,minabuti ko na lamang na magtanong sa gwardya kung may telepono bang pwedeng gamitin? Sinabi naman nito na meron sa loob,magmadali daw ako at mamaya pa ay magsasara na.

Namangha ako,ang lamig at ang ganda sa loob,patingin tingin sa paligid habang naglalakad. Ito ang first time na makapasok ako sa ganito,nakukutawa talaga! At napansin ko na nasa dulo na ako at may mga telepono nga sa gilid! Dumukot ako ng tig pipiso saka nagdial dun sa number sa papel. Nakailang ring din ito.

"Hello?" bungad nito sa akin,ang ganda ng boses naman ng lalaking ito.

"H-hello,pwede po ba kay Japhet Salcedo?" kinakabahan kong sabi.

"Ako na to,sino ka?"

"Ako si Khalil Pantoja,y-yung sinasabi ni Nang Alicia"

"Babae ka pala? Bakit sabi ni Tiyang lalake? Anyway nandito ka na ba? Para masundo kita" aniya.

Babae? Boses babae ba ako? Baliw ata tong lalaking to eh.

"Uhm,oo dito sa megamall ba yun?"

"Medyo matatagalan ako,kaya ganito gawin mo ah? Lumabas ka dyan at tumawid,marami ng jeep dyan na Pasig palengke,dun ka sumakay,pag nasa palengke ka na,pumunta ka sa Mang Inasal,dun mo ako hintayin,mag ingat ka at ingatan mo gamit mo" mahaba nyang sabi. Diyos ko,mabuti at matalas ang memorya ko.

Ginawa ko ang sinabi nya,at ng makarating ako sa sinasabi nyang Mang Inasal ay matyaga akong naghintay,halos trenta minuto din yon,parang nakabisado ko na nga ang kanta ng Mang Inasal na paulit ulit tumutugtog.

Ito pala ang Pasig,ang ganda pala ng palengke nila,tapos sa tapat may 7/11 pa. Buhay na buhay ang lugar na ito kahit gabi,hindi gaya sa Calamboa,tahimik na kahit alas singko palang at puro kuliglig na ang madidinig mo.

"Khalil?" malakas ang pagkakasabi nun na parang hindi pa sigurado. Humarap ako at halos malaglag ang panga ko sa lapag.

Ang gwapong lalaki! Nakasakay sa motor!

- eto po Chapter 2,lemme know what you think :)

Continue Reading

You'll Also Like

546K 10.1K 65
Magkapatid kami, nagmamahalan kami Ano ang gagawin mo kung sakaling mahuli ka ng mga kaibigan at magulang mo? Pano kung my dumating na pagsub...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
349K 6.4K 43
HIghschool story of two guys exploring their youth and their new found feelings for each other. This story is fictional with a little bit of true to...
53.4K 2.3K 16
Kahit Hindi Mo Ako Mahalin A boys' love story. Written by: mikzylove Dahil sa malaking kasalanang nagawa ni Shane kay Ravi ay kinailangan niyang pagb...