The Witty Witchy Bitch (COMPL...

By marie_ibanez

577K 15.1K 361

Aryanna Castaรฑeda is a free woman. No morality, duty, good manners and right conduct. Her ignorance on the la... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Part 1)
Chapter 30 (Part 2)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter

Chapter 20

11.8K 321 5
By marie_ibanez

Aryanna POV

UMAAGOS ang mga luha ko habang hinihila ako ni Theon papunta sa sasakyan niya.

Sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa bag ko dahil ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan ko.

Nang makarating kami sa sasakyan niya ay agad niya akong isinandig doon.

"Are you alright?"

Kahit nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha ay nakita ko pa rin na gumuhit ang pag aalala sa mga mata ni Theon.

Pinunasan ko ang mga luhang sunod sunod na tumutulo sa mukha ko at dahan dahang tumango sa kanya.

"Did he hurt you?"

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at sinuri ang katawan ko.

Ramdam na ramdam ko ang panginginig at pagiging tensyonado niya. Nangigigil ang mga ngipin niya sa galit.

Halos hubaran niya na nga ako kakahanap ng pasa o galos sa katawan ko.

Napailing ako ng ginagap niya ang mga kamay ko. Inagaw ko iyon at tinago sa likuran ko. Nakita kong pumikit siya ng mariin at malalalim na hininga ang narinig ko mula sa kanya.

"LET ME SEE YOUR HANDS!" gigil na gigil na sabi niya.

Umiling ulit ako at umiyak. Pero marahas niyang kinuha at ginagap ang mga palad ko. Nililis niya ang sleeve ko para makita ang palapulsuhan ko.

Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya ng makita ang mapupulang marka sa kamay ko dahil sa pagbaon ng mga kuko doon ni Darren.

"F*ck! Sh*t!!!"

Sinipa niya ang gulong ng sasakyan niya at tumalikod sakin. Gulat na gulat ako sa ginawa niya. Nakita ko pang napasabunot siya sa buhok.

Gusto ko siyang pakalmahin pero mas nataranta ako ng pinokpok niya ng malakas ang hood ng kotse niya.

Napahagulgol ako ng malakas. Barado na nga ang ilong ko kakaiyak at hindi na rin ako makahinga ng maayos.

Ngayon ko lang nakitang ganyan si Theon. Ngayon ko lang siya narinig na nagmura. Galit na galit ang mga mata niya at nanginginig siya sa inis.

Ano bang gagawin ko?? Nakita kong itinungkod niya ang mga kamay sa hood ng sasakyan niya at pumikit ng mariin.

Muli akong suminghot. Gusto ko siyang pakalmahin at kausapin. Pero walang lumalabas na salita sakin, pakiramdam ko nga nalunok ko na ang dila sa kahihiyan kay Theon.

Nahihiya ako ng sobra sa kanya, siya pa ang sumaklolo sakin. Kasalanan ko lahat ito, ako na naman ang MALI.

Kung sana hindi ako lumabas ay hindi sana mangyayari ito. Ang tanga tanga ko talaga. Napakatigas talaga ng ulo ko.

Pinunasan ko ang mga luha at tumingin sa gawi ni Theon. Hindi ko maapuhap ang tamang salita na dapat sabihin sa kanya.

Pinikit ko ng mariin ang mga mata at hinaplos ang kamay ko. Inangat ko ang tingin kay Theon na nasa dati pa ring pwesto.

"T-Theon" nauutal na tawag ko sa kanya.

"I- I'm sorry."

Pumiyok pa ako dahil muling lumabas ang mga luha sa mga mata ko. Kanina pa ako walang humpay sa pag-iyak. Nakakainis ang mag luhang 'to. Ayaw tumigil! Tsk!

Naglakad ako palapit sa kanya kahit nanlalabo ang mga mata ko. Tumayo ako sa tabi niya at tumitig lang sa mga kamao niyang parang bakal sa pagkakakuyom.

Pinunasan ko ulit ang mga luha kong nag uunahang bumuhos. Gusto kong hawakan ang kamao niya at iunat iyon.

Gustong kong sabihin sa kanya na okay lang ako. Na magiging okay din ang lahat.

Pero hindi ako makapagsalita. Pumikit ako ng madiin at nanginginig ang mga kamay kong hinawakan siya sa braso.

"Umuwi na ta- "

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin dahil kinulong niya na ako sa mga braso niya. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya.

Damang dama ko ang pag aalala niya sa sobrang higpit ng yakap niya. Hindi ako makahinga pero hindi ako nagpumiglas.

Pakiramdam ko kasi protektado niya ako sa mga yakap niya.

Inihiwalay niya ako sa katawan niya at ngumiti siya ng mapait. Tiningnan ko ang mga mata niya at nakitang wala na doon ang galit at poot.

Lumipad ang tingin niya sa mukha ko. Hinaplos niya ito gamit ang dalawa niyang palad. Pinunasan niya ang mga luha ko ng malumanay.

"Ssssh. Stop crying. You'll gonna be okay."

Tumango lang ako sa kanya. Gusto ko ulit siyang yakapin ng sobrang higpit. Nakita kong binagsak niya ang mga kamay sa mga palapulsuhan ko at hinaplos iyon ng marahan.

"Does it hurt?"

Umiling lang ako sa kanya. Nag iinit na naman ang sulok ng mga mata ko dahil sa nakikitang labis na pag aalala ni Theon sa akin.

Hinuli niya ang mga mata ko habang hawak ang mga kamay ko. Patuloy niya lang iyong hinahaplos.

"S-sorry ha? Hindi ako dumating ng mas maaga. Tinext lang kasi ako ni Aidann na may kumakausap daw sayong lalaki. Kaya nagkukumahog naman talaga akong lumabas ng bahay. Halos paliparin ko nga ang sasakyan papunta rito. Tapos ganoon pa ang madadatnan ko."

Biglang dumilim ang mukha niya sa huling sinabi. "Good thing I didn't come here wearing boxershorts. Cause I almost forgot to wear pants." pinilit niyang tumawa sa sinabi.

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. Pinunasan niya ulit ang namumuong luha doon.

"Forget about it. He was already taken into custody"

Kinagat ko ang labi para pigilan muli ang paghikbi. Wala akong masabi sa kabaitan niya.

Ni hindi niya man lang ako sinisi sa nangyari kahit kasalanan ko naman talaga. Lumabas pa kasi ako kahit alam kung hindi okay sa kanya.

"Let's go home so you could rest." Malambing niyang sabi at hinalikan ako ng matagal sa noo.

Iginiya niya ako papunta sa sasakyan. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan at kinabitan ng seatbelt. Pakiramdam ko tuloy napakahalaga ko sa kanya.

Tahimik lang naming nilisan ang nasabing lugar. Wala kaming imikang dalawa sa loob.

Nakikita kong pasulyap sulyap siya sa gawi ko pero hindi na siya nagtangkang makipag usap pa.

Pareho naming pinapakiramdaman ang isa't isa. Pero wala saming nagsalita .

Sinabihan ako ni Theon kanina na iwan ko muna ang sasakyan ko doon. Tutal may nagbabantay naman daw na guard.

Daanan ko na lang siguro bukas kapag okay na ang pakiramdam ko.

Bumaba na agad ako ng sasakyan ng makapagpark si Theon sa tapat ng bahay. Naririnig ko ang mga yapak niyang nakasunod sakin papasok ng bahay.

"You need water?"

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. "Hindi na, maliligo na lang muna ako."

Nakatingin lang siya sakin nang matagal bago siya muling nagsalita.

"Okay, I'll follow you upstairs later. I'll just drink water."

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti bago umakyat sa taas. Agad akong naligo at nagsepilyo. Nilinisan ko lahat ng parte ng katawan ko.

Ayokong matulog na amoy alak at yosi. Nang matapos ako ay nagbihis na ako sa dressing room. Nagblower din ako ng buhok para mas madaling matuyo ito.

Paglabas ko ay nakita kong kalalabas lang ni Theon sa banyo. Tumingin siya sa gawi ko "Are you going to bed now?

Umiling ako sa kanya. "Mamaya pa siguro. Kaw dapat ang matulog dahil may trabaho ka pa. Napuyat ka tuloy dahil sakin."

Di niya ako sinagot. Sinundan niya lang ako ng pumunta ako sa harap ng salamin para magsuklay ng buhok. Pinapanood niya lang ang paggalaw ko ng kamay sa buhok.

"Do you know him? That son of a b*tch who tried to kiss you."

Tinigil ko ang pagsuklay sa buhok ko at humarap sa kanya "Oo, ex boyfriend ko."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Why were you with him?"

Tinitigan ko ang gilid ng mukha niyang may tumutubong mga balbas at bigote. Buong atensyon ko ay nandoon lamang.

Hindi ko magawang alisin ang tingin ko doon, mas bumagay kasi sa kanya.

"S-si Darren. Ano.. Magkaklase kami dati sa college, tapos nag organized ng reunion si Eva. Yun yung event kanina sa bar na pinuntahan ko."

Imbes na sumagot sakin ay tumingin siya sa salamin para tingnan ang mga maninipis na buhok niya sa mukha.

Sinipat niya iyon at nilaro ng mga daliri niya. Tsk! Napansin niya yata na tinititigan ko yon kanina?

"Mas bumagay sayo yang balbas at bigote mo."

Tumingin siya sakin sa salamin. Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti. "Mas pogi ka pag may ganyan ka, lalaking lalaki kang tingnan. "

Humarap siya sakin at sumilay sa mga labi niya ang ngiti. "Really?"

Tumango ako at lumapit sa kanya. Inangat ko ang kamay para haplosin ang mga gilid ng mukha niyang may tumutubong buhok.

"Mas pomogi ka talaga."

Di siya nagsalita. Bigla tuloy akong naasiwa dahil nararamdaman kong nakatitig siya sa mukha ko. Ayokong salubungin ang mga mata niya.

"Do you still love him?"

Napaangat ako ng tingin sa kanya at kinunotan siya ng noo.

"Hindi. Kung mahal ko pa siya, hahayaan kong halikan niya ako."

"Why did you break up?"

Ngumuso ako at inangat ang kamay sa buhok niyang nahuhulog sa noo niya. Inayos ko yon pataas at sinuklay ng maayos gamit ang mga daliri ko.

"Pinili niya kasi ang career niya sa showbiz. Saka matagal na kaming wala, 3 years na ang nakakalipas."

Habang sinusuklay ko ang buhok niya ay nararamdaman ko ang mga titig niyang matiim sakin.

"Arya"

Ang lambot ng buhok niya. Sarap suklayin "Hm. Bakit?"

Narinig kong huminga siya ng malalimm "Do you mind if I kiss you?"

Napatigil ako sa paghawi ng buhok niya at tinitigan siya diretso sa mata.

Nag iwas ako ng tingin ng makitang nakatitig siya sa mga labi ko.

"A-anong sabi mo?!" nauutal kong tanong sa kanya habang pinipilit iiwas ang mga mata ko.

Naramdaman ko na lang ang paninigas ko ng hawakan niya ang baba ko at inangat sa kanya.

"I said, I'll kiss you."

Bago pa ako makailing ay inilapat niya na ang mainit at malambot niyang labi sa akin. Sa gulat ko'y nanlaki ang mga mata ko. Umiwas ako agad pagkadikit ng labi niya sakin. Pero hindi siya tumalima.

Muli niya akong ginawaran ng matagal na halik. Sh*t! Ang tamis ng mga labi niya. Ang lambot pa.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako ng sobra. Sh*t! Sh*t! Gusto ko ng pumayag pero hindi to pwede.

Ayokong mahulog sa kanya. Kapag pinayagan ko na siya ay parang hinayaan ko na din siyang makapasok sa puso ko.

Sh*t! Bahala na. Bago pa ako makaiwas ay nakaramdam na ako ng pagsuko kaya ibinuka ko na ang mga labi para kay Theon.

Iginalaw ko ang mga labi gaya ng ginagawa niya. Ang bilis ng mga halik niya. Rinig na rinig ko ang malalalim naming hininga.

Para kaming sabik na sabik sa isa't isa kahit ito pa lang ang unang beses na naghalikan kami ng ganito.

Humawak siya sa bewang ko at marahan akong hinapit palapit sa kanya. Habang sinisiil niya ako sa halik ay nararamdaman kong may bumubukol sa harap ng pajama na suot niya.

Napalunok ako at naramdaman ang pagtayo ng mga balahibo sa batok ko.

"Theon." bulong ko ng bitawan niya ang mga labi ko.

Yumuko ako dahil sa naramdamang hiya.

Inangat niya ang aking baba para magtama ang mga mata namin. Hindi ko kayang titigan ng matagal ang mga mata niya kaya yumuko ulit ako.

"I'm sorry." malambing na sabi niya habang hinahaplos ng likod ng palad niya ang pisngi ko at hinahawi ang mga buhok kong humaharang sa pisngi ko.

Inangat ko ang tingin at nakipagtitigan sa kanya. Sh*t! Kitang kita ko doon ang pagnanasa.

Napasinghap ako ng yakapin niya ako. Napapikit ako ng mariin. Theon! Ano 'to? Ayoko to! Rule Number 5. Huwag mo akong landiin! Tsk!

Sh*t! Nakakap*nyeta ang ganitong pakiramdam. Naramdaman ko na lang ang matagal niyang paghalik sa tuktok ng ulo ko. Nang kumalas siya ay muli niyang dinampian ng halik ang pisngi ko.

Nang magmulat ako ng mata ay wala na siya silid namin. Iniwan niya akong wala sa huwisyo, naghuhumerado sa bilis ang kabog nang puso ko at nagtatanong ang isipan ko kung ano ba ang nangyayari saming dalawa.

Sinundan ko siya sa labas. Nakita kong may bitbit siyang unan papunta sa kabilang kuwarto kung saan ako natutulog dati. Bago pa siya makapasok ay tinawag ko na ang pangalan niya sa paos na boses.

"Diyan ka matutulog?" Hindi ko alam kung narinig niya iyon sa sobrang hina ng pagkakasaad ko.

"Yes, cause I might do something to you."

Napakagat labi ako. Nakipagtitigan muna ako sa kanya bago tumalikod papasok sa kuwarto.

P*tang ina! Bakit ayaw tumigil sa pagtambol ang puso ko? Ayoko ng ganitong pakiramdam!

TO BE CONTINUED.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 27.2K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
373K 23.2K 20
๐’๐ก๐ข๐ฏ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฑ ๐‘๐ฎ๐๐ซ๐š๐ค๐ฌ๐ก ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ~By ๐Š๐š๐ฃ๐ฎ๊จ„๏ธŽ...
33.6K 179 19
-no sexualized characters in this story- -just dating -kissing & hugging -cuddling -no inappropriate things -pls dont bully me lol
2.2K 93 18
Jungkook ,a 24 yr old guy .Son of KimNamjoon ,who Owns a Top most Company in Seoul . But Jungkook rejected the CEO position, Instead he started worki...