'Yung katabi ko sa Jeep

By stylistnoona

153K 4K 1.3K

[Do Kyungsoo FF, XOXO Basketball Team Series Part 2] Part 1 - COMPLETED Part 2 - COMPLETED Ang magulong buhay... More

PART 1
UPDATE 1
UPDATE 2
UPDATE 3
UPDATE 4
UPDATE 5
UPDATE 7
UPDATE 8
UPDATE 9
UPDATE 10
UPDATE 11
UPDATE 12
UPDATE 13
UPDATE 14 (1/2)
UPDATE 14 (2/2)
UPDATE 15
[!!!] MUST READ [!!!]
UPDATE 16
UPDATE 17
UPDATE 18
UPDATE 19
UPDATE 20
UPDATE 21
UPDATE 22
UPDATE 23
UPDATE 24 (1/2)
UPDATE 24 (2/2)
UPDATE 25
END OF PART 1
PART 2
UPDATE A
UPDATE B
UPDATE C
UPDATE D
UPDATE E
UPDATE F
UPDATE G
UPDATE H
UPDATE I
UPDATE J
UPDATE K
UPDATE L
UPDATE M
UPDATE N
UPDATE O
UPDATE P
UPDATE Q
UPDATE R
UPDATE S
UPDATE T
UPDATE U
UPDATE V
UPDATE W
UPDATE X
UPDATE Y
UPDATE Z (1/2)
UPDATE Z (2/2)
END OF PART 2
PROMISE
PROMISE 1.0

UPDATE 6

4.4K 89 11
By stylistnoona

UPDATE (6)

Jade Carla's Point of View:

"A-Anong bㅡ BODY HEAT?!" Hindi ko naiwasang hindi mapasigaw dahil sa ginawa niya, eh kasi naman 'yung mga pinagsasabi niya puro kagaguhan tapos ni-lock niya pa 'yung pinto ng Guest room. >///<

"Ugh!" Bigla niyang daing. Mahina lang naman 'yung pagkakatulak ko sa kanya pero natumba siya kaya agad ko siyang nilapitan. Muntik ko ng makalimutan na bisita nga pala namin siya at hindi pwedeng harrassin kasi magagalit si Mama. -_-

Agad akong umupo sa may tabi niya para tingnan kung ano ang nangyari sa kanya, eeksaminahin ko sana muna siya kaso bigla niya akong hinigit pababa at niyakap ng mahigpit, "Gotcha!" Natatawa niyang sabi, habang ako naman dito ay nanlalaki ang mata sa sobrang pagkabigla at unti-unti ko ng nararamdaman ang init ng katawan niya. Jusko!!!

It took me a couple of seconds to finally realize what just happened, "Ano ba, Darius!" Nagpupumiglas ako sa pagkakayakap niya kaso nga lang ay hindi ako makakawala dahil sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin.

Tanging pagrereklamo ko at pagtawa niya lang ang maririnig mo sa kabuuan ng kwarto na ito, "Bakit ka ba ganyan, ha?!" Reklamo ko sa kanya habang pinipilit ko pa rin na makakawala sa higpit ng pagkakayap sa kanya. Pakiramdam ko kasi napapaso ako.

He smirked and looked at meㅡ right through my eyes, "Because I am handsome." He said with confidence and continued laughing.

That made me pause a bit and stared at him, "Hey! Don't stare too much, I might melt." He laughed again, he's really enjoying making fun of me. -___-

My eyes widened, "Ewan ko sa'yo!" Singhal ko sa kanya sabay tayo, buti na lang at hindi niya ako hinila ulit pabalik, baka hindi ko na gustuhing makabangon. Hahaha.

Joke lang!!

Tumayo na rin siya at ngumisi, I looked away. "You really can't resist my charms, huh?" Aangal pa sana ako kaso mas pinili ko nang itikom ko na lang ang bibig ko dahil... he started stripping! My God! His perfect white skin... together with his full packed abs! OMG!! I cannotㅡ

I saw him smirked, and started walking towards to the comfort room. "If you're done drooling over me, you can wait for me outside. I guess, you don't wanna see a guy like me barely naked in front of you, don't you?" He eyed on me and form an evil grin written on his perfect face, "Unless, you want me..." He teased.

Agad akong dumampot ng unan at ibinato sa kanya, unfortunately, nasarado niya agad 'yung pinto ng CR kaya hindi na siya natamaan. "Argh!" I groaned. Naiinis talaga ako sa ugali niya. Tsk.

Well, lumabas na rin naman ako ng guest room. Ayoko naman makakita ng isang hubad na lalaki (I'm too young and innocent for that. lol), kahit na alam ko sa sarili kong nursing student ako at 'di ko maipagkakailang nakakita na ako ng mga bagay na alam niyo na. Hahaha. Ay, ewan! Bakit ba napapasok 'tong pagiging Nursing Student ko?! -___-

Pagkalabas ko ng guest room, nakita kong kumaripas sa pagtakbo si Mama pababa sa may living room. -___- What do I expect? My mom is so childish. *sighs*

Napailing na lang ako at dumeretso sa kwarto ko, nilibot ko ang mga mata ko.

Pain haunts me again.

May malaking parte ng kwarto ko na puro litrato namin ni Elvis... Oo, that big board pinned right through the wall represents how much I lovedㅡ No, I still LOVE him. That's how much I love that guy; that even in simple things like this, I am really putting an effort.

Remembering the years we shared from the past makes me wanna ask myself again if what's wrong with meㅡ why did he left me hanging? Why...?

Pinunasan ko 'yung luha ko sa mga pisngi at nagpalit ng damit.

Napagdesisyunan ko na hindi ko tatanggalin ang alaala naming dalawa hangga't hindi ako nakakapag-move on, I wanna get over him but I want to take it slowly.

Gusto ko dahan-dahanin lang 'yung pagmo-move on ko para kapag naka-get over na ako sa pain na binigay niya sa'ken...

I will start anew and...

LOVE again.

--

"Ang tagal naman 'atang magpalit n'ung manliligaw mo." Reklamo ni Mama habang iniinit 'yung niluto niyang ulam. Sabi ko sa inyo eh, may pinagmanahan talaga ako sa pagiging reklamador. :D

I rolled my eyes, kakababa ko lang naman din kasi. Wala pang 15 minutes mula n'ung lumabas ako sa Guest Room. "Hindi ko siya manliligaw, ma. Tss." Hindi ko maiwasang hindi mapa-irap. Ito kasing si Mama eh, alam ko naman kasing nangti-trip lang 'yung si Darius kaya nakipag-date sa akin. Bored siguro sa buhay niya.

Pinatay ni Mama ang kalan at humarap sa akin habang nagpupunas ng kamay sa kitchen towel, "Eh, anong dapat itawag mo sa kanya? Kaibigan? Mayroon bang magkaibigan na nagde-date na ganyan?" Nakataas kilay na sabi ni Mama.

"We are not even friends!" I immediately reacted.

Tumaas muli ang kilay ni Mama, "Tingnan mo, eh hindi pala kayo magkaibigan. Ibig sabihin niyan, manliligaw mo talaga siya." Ngumuso si Mama, halatang nagpipigil nang ngiti.

Napailing na lang ako, "Ay, ewan ko sa'yo, Ma." Sabi ko na lang at umalis ng dining room para puntahan si Darius sa taas, masyado na siyang nag-eenjoy sa taas, alam niya namang naghihintay si Mama. Besides, it's almost 11 in the evening.

Kumatok ako sa pinto ng Guest Room, pero walang sumasagot, kaya napagdesisyunan kong pumasok na sa loob nang kwarto. Wala siya sa loob, baka nasa comfort room pa. Hmm.

Umupo ako sa paanan ng kama, "Darius, bilisan mo na! Naiinip na kasi 'yung mama ko." Sigaw ko mula dito sa kinauupuan ko. Siguro naman ay narinig niya 'yun, hindi naman soundproof 'yung comfort room namin eh. -_-

Nilabas ko ang phone kong bulok at naglaro nang Snake II. Hahaha. Charot, Pet Rescue 'yung nilalaro ko ngayon.

Lumipas ang halos sampung minuto at tapos na rin akong maglaro dahil naubos na 'yung 5 lives ko at hindi ko na-rescue 'yung mga animals. -_-

"Ang tagal naman nitong si Darius." Bulong ko sa sarili ko at tumayo na, naglakad papunta sa CR.

Bahagya kong nilapit ang tainga ko sa pinto; nakarinig naman ako ng tuloy-tuloy na paglagaslas ng tubig. Hmm. "Darius!" Tawag ko sa kanya pero walang sumagot. Nangti-trip na naman 'tong lalaking 'to. Tsk.

Kumatok ulit ako pero walang sumagot mula sa loob ng banyo, "Papasok ako, ah? Magtapis ka muna." Wala pa ring sumagot mula sa loob ng banyo kaya pinihit ko na ang seradura ng pinto, biglang kumabog ang dibdib ko... hindi ko alam kung bakit.

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang binuksan ang pinto ng banyo.

Pero imbes na magtakip ako ng mga mata ko, nakita ko si Darius na nakahiga sa sahig ng banyoㅡ naka-topless lang siya habang yakap-yakap niya ang sarili at namamawis, halatang may iniindang karamdaman.

Agad ko siyang nilapitan, tinapik ko ang pisngi niya, nakakunot ang noo niya at namamawis ng malamig, puro mabibigat na paghinga ang pinapakawalan niya. "Darius..." Kinapa ko ang leeg at noo niya. Inaapoy siya sa lagnat!!

Huminga ako ng malalim at nag-relax, bawal akong magpanicㅡ wala akong magagawa kapag nagpanic ako. "Darius naman eh," Reklamo ko, kahit na alam kong hindi niya naman ako mababara dahil masama ang pakiramdam niya.

Tumayo ako at agad naghanap ng face towel, binuksan ang sink at binanlawan ang face towel mula dun. Kumuha na rin ako ng basin at sinalinan ito ng tubig.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya, pinunasan ang mukha niya. "M-Meg..." He uttered. Some part of myself awed in pain. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi ako na nga ang nandito at nag-aalaga sa kanya pero siya pa rin ang hanap niya.

I sighed. Well, why do I even care?

Tatayo na sana ako para puntahan si Mama para magpatulong na buhatin si Darius kaso pinigilan niya ako, "M-Meg, d-don't..." He helplessly uttered, "P-Please, s-stay." He begged, namumuo ang luha sa mga mata niya.

Hindi ko alam pero naiiyak ako, kahit na hindi ako 'yung si Meg... I still can't just leave him here, "I won't." I wiped his tears. This is the very first time I saw a guy who cries for an unworthy girl.

Darius bitterly smiled and closed his brown almond eyes.

--

"Hoy, JADE!" Rinig kong may tumawag sa akin kaya minulat ko ang mga mata ko, bumungad sa akin ang isang napaka-pamilyar na mukhaㅡ si Venice, ang bestfriend kong sintu-sinto.

Napabangon ako bigla at naalala ko agad 'yung mga nangyari kagabi, "Where's Darius?" Sabi ko habang nililibot ang mata ko, nasa loob na pala ako ng kwarto ko. Hmm.

Venice immediately beamed at me, "Ang aga-aga, Darius agad ang hanap?" She teased while giggling.

I rolled my eyes, she's so immature. "May sakit kasi 'yun kagabi. Just so you know, Miss Venice Elizalde." Sabi ko sabay irap sa kanya.

She giggled, "Wow, ang concern mo naman 'ata, JC?" She beamed at me, "Add the fact na si D.O 'yun." Nginisian niya 'ko, I swear to God, I really want her out of my life. Masyado niyang binibigyan ng malisya 'yung pagiging concern ko kay Darius.

Eh ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit nagkasakit 'yun (kahit na labag sa loob ko na aminin na ako nga ang may kasalanan), hinintay nya ako sa gitna ng napakalakas na ulan. Eh pwede namang sumilong siya. Tsk. -_-

Inirapan ko siya, "Nasaan nga kasi?" Giit ko.

Ngumuso siya; pinipigilan niya 'ata na kiligin siya. Hay. Baliw talaga. "He's downstairs." Sabi ni Venice habang minamasahe ang pisngi niya, napailing na lang ako. Ganyan kasi siya kapag kinikilig nang sobra.

Tiningnan ko 'yung wall clock ko, alas sais y media na pala ng umaga. Tumayo na ako, "Bakit ka nandito?" Sabi ko kay Venice habang nagsusuklay ng buhok ko.

Ngumisi siya sa akin at umayos siya sa pagkakaupo niya, "Tumawag kasi si Tita kagabi ng hatinggabi!" In-emphasize niya pa 'yung word na hatinggabi. -_-

Tumaas kilay ko, "So? Pake ko?" Sabi ko sa kanya sabay irap. Wala naman talaga akong pakialam kung tumawag sa kanya si Mama, dahil lagi niya namang ginagawa 'yun kspag trip niya.

Ngumuso si Venice, "Sabi niya kasi magkatabi kayong natutulog ni D.O sa loob nang banyo," Ngumisi siya at tinitigan ako ng mabuti, "At take note; MAGKAYAKAP KAYO!!" Sabi niya sabay tili pagkatapos. Kilig na kilig talaga siya.

Napatakip ako ng tainga, "Ang ingay mo!" Angal ko sa kanya.

Umirap siya sa'ken pero hindi napalis ang ngiti sa labi niya. "Eh, nakakakilig eh!" Katwiran niya.

Tss. "Ewan ko sa'yo, eh kung si Elvis 'yun, baka kinilig pa ako." I grinned deviously.

Napabuga siya ng hangin, "Ha! 'Di hamak na mas gwapo naman si Darius Olen de Guzman d'un, 'no!"

Tumaas kilay ko, "Eh 'di iyo na, alam na alam mo talaga 'yung pangalan niya." Sabi ko sabay tali nang mahaba kong buhok.

Tumayo na rin siya, "Siyempre, bestfriend ni Chase." Kinindatan niya ako at naglakad na palabas ng kwarto ko.

Tss. In love talaga siya d'un sa Chase na 'yun. Well, 'di mo naman talagang maipagkakailang gwapo 'yun eh, kasi gwapo naman talaga.

Inayos ko na ang kama ko at napagdesisyunan ko na rin na bumaba sa may living room.

Nakita ko si Darius at Venice na nag-uusap. Kung ikukumpara mo ang itsura ni Darius kagabi sa itsura niya ngayon, mukha na siyang maayos kahit medyo namumutla pa rin ang labi niya.

Napatingin sa akin si Darius, "Good Morning!" Bati ko sa kanya sabay ngiti pero imbes na batiin o ngitian niya man lang sana ako ay hindi niya ako pinansin at tinuon ang atensyon niya kay Venice na walang pakundangan sa pagdadaldal.

Akala ko ba ayaw niya sa maingay? Tss. Mas pipiliin niya pa ang daldalita na si Venice kaysa sa akin. Aray, ah? Sakit sa ego.

Umupo ako sa couch na nakaharap sa kanilang dalawa at tinitigan sila ng mabuti.

"Oh, Jade. Bumaba ka na pala!" Puna sa akin ni Venice.

I rolled my eyes, "Kanina pa, daldal mo kasi."

Ngumisi siya, "Sus, selos ka lang eh." She beamed at me, "Kain na nga muna 'ko." Sabi niya sabay tayo.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Pang-asar ka talaga." Nginisian niya ako at naglakad na papunta sa kusina namin.

I heard Darius' deep sigh, napatingin ako sa kanya. "May masakit pa ba sa'yo?" Hindi ko naiwasang itanong.

Napatingin siya sa akin, still no expression written on his face. "Why do you care too much?" Tanong niya sa akin.

I shrugged my shoulders, "Kasi Nursing student ako." I looked at him, "It's my duty to care sick people." Deretso kong sinabi sa kanya.

He lazily grinned, "Yeah... right." Mahinang sabi niya.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

He shook his head and coughed.

Nilapitan ko siya at kinapa 'yung noo at leeg niya, na agad niya namang hinawi ang kamay ko. "What?" Angil niya. "Will you just stop?" He continued, glaring at me.

Lumayo ako sa kanya, "Eh 'di 'wag!" Sabi ko sabay takbo paakyat sa kwarto ko.

Ewan ko pero nainis talaga ako sa ginawa niya, akala ko pa naman okay na kami. Total naman, inalagaan ko naman siya magdamag kagabi. But still, nakakainis talaga ugali niya. Hindi man lang nag-thank you sa akin, nagpuyat pa rin naman ako para sa kanya.

Sinubsob ko ang mukha ko sa paborito kong unan, maya-maya pa ay narinig kong may umaandar na kotse kaya agad akong napatayo at napatingin sa bintana.

Nakita ko ang kotse niya na umaandar palayo sa bahay namin.

Wala na, umalis na siya.

Hay. This is frustrating. Pagkatapos ng lahat, gan'un lang 'yung kinahantungan ng epic fail naming date. Hindi naman sa nanghihinayang ako, pero hindi ko talaga maiwasang mainis, hindi lang sa kanya pero sa sarili ko din.

Naiinis ako dahil sa nararamdaman ko, 'yung simpleng pagngiti pa lang niya sa akin, may something na talaga eh.

Hindi kaya... may gusto na ako sa kanya?

Pinilig ko ang ulo ko, pero lumakas bigla ang kabog nang dibdib ko.

No, I will not fall in love with him.

No, I will not rebound anyone.

No, I will not hurt myself again.

No, I will not see him anymore...

Kaya ko ba? Hay. What is love!?

--

August 13, 2013

"Jade!" Tawag sa akin ni Elvis.

Yes, we are now friends. AND I ALREADY MOVED ON.

Oo, naka-move on na ako sa paghihiwalay namin ni Elvis. And actually, we are now in good terms, as in balik na sa dati.

Kung sasabihin ko ba sa inyong okay na 'ko, maniniwala ba kayo? Syempre, maniniwala kayo kasi wala na akong nararamdamang kahit ano para kay Elvis, tulad nga nang sabi ko sa inyoㅡ naka-MOVE ON na ako.

Kung paano?

Hindi ko din alam ang sagot.

Wala akong masabing kahit anong proseso, as in WALA.

Kasi kusa na lang na nawala 'yung feelings ko.

Sabi nga sa kanta ni Sheryn Regis; "I remember the boy but, I don't remember the feelings anymore..."

Kung tatanungin niyo naman ako kung masaya ako na naka-move on na ako kay Elvis, I will answer you guys frankly; HINDI.

Hindi, kasi hindi naman ako maka-move on kay Darius ngayon.

It has been two months and five days ago since the last time I saw Darius.

Yes, hindi na kami nagkita. Nung una, akala ko ako 'yung umiiwas na magkita kami kasi hindi talaga ako sumasama kapag inaaya ako ni Venice na bumisita sa XOXO University, kasi nga ayoko pang makita si Darius.

Pero nitong July lang, may inter-school Basketball Championship kasi at kasali ang school ko at iba pang school na makikipaglaban sa undefeated basketball team ng XOXO University which is Darius' basketball team nga.

Siyempre, gusto ko na siyang makita. As in, gustong-gusto ko na. Kaya sumama ako sa mismong Tournament na gaganapin sa XOXO University, kahit na may defense kami sa thesis namin n'un, eh pinagpaliban ko muna para nga lang makita ko siya... kahit saglit lang.

"Huy!" I snapped out into my reality.

Tinulak ko si Elvis palayo, "Ano ba?" I glared at him.

He beamed at me, "Iniisip mo na naman ba ako?" He deviously grinned.

Napataas ako ng kilay, hindi din naman kasi alam ni Elvis na patay na patay ako kay Darius ngayon kaya lagi akong nags-space out. Hay, "Kapal ng mukha Javier, ah?" I rolled my eyes, tapos ay sinimulang buklatin ang libro ko para magbasa.

Narinig kong humalakhak si Elvis kaya napatingin ako sa kanya, "PMS-ing?" Nakangisi niyang tanong sabay upo sa harapan ko. Nasa may study hall kasi kami ngayon.

Sinamaan ko ulit siya nang tingin, "Pang-asar ka!" Hinampas ko sa kanya 'yung libro.

Sinangga niya naman, "Seriously speaking, JC. Why are you always spacing out? Pansin ko lang." Sabi niya sabay subo n'ung Pistacchio Nuts.

Nanlaki mata ko, napapansin niya na pala. OMG! "H-Hindi, ah!"

He eyed on me, "Anong hindi? Almost a month ka nang ganyan. Pagkatapos naming matalo 'yung XOXO sa last quarter n'ung game." Tapos biglang lumaki 'yung mata niya, "Hindi kaya..."

Hinampas ko siya sa mukha niya, "Hindi ah!" Depensa ko.

Sinapo niya naman ang mukha niyang nahampas ko, "Aray, Jade ah!" Sumimangot siya, "Wala pa nga akong sinasabi."

Natahimik naman ako, ayoko na talagang alalahanin 'yung nangyari sa inter-school Basketball Tournament n'ung nakaraang buwan, nasasaktan ako eh. As in.

Overreacting man, pero sa ikli nang panahon na nakilala ko si Darius, sa kabila ng lahat ng kayabangan at hangin niya sa ulo, nagustuhan ko pa rin siya.

Oo, isang walang kuwentang date lang ang pinagdaanan namin. Isang napaka-EPIC na date, nagkasakit pa siya n'un pero sa ikli ng oras na 'yun, nakilala ko ang tunay na Darius.

"Alam ko naman na ayaw mo lang ako masaktan, JC..." Biglang pagseseryoso ni Elvis kaya nabaling na naman ang atensyon ko sa kanya, "Kung nagsisisi ka na sa nagawa mo kay Sabrina n'ung tournament, mag-sorry ka na." Mahinahon niyang sabi.

Napatingin talaga agad ako ng masama sa kanya, "Ano?!" Nagpapanting ang tainga ko.

Napakamot ng ulo si Elvis, "Wala."

Inirapan ko siya, "Akala ko may sinasabi ka eh." Tinuon ko ang atensyon ko sa libro ko na kanina ay pinanghampas ko sa kanya.

Pero ang totoo, wala talagang pumapasok sa utak ko ngayon. Walang formulae na nakakabisa ko ngayon.

'Yung pangyayari sa XOXO Gymnasium lang ang tanging naglalaro sa isipan ko...

FLASHBACK:

"Venice!" Tawag ko kay Venice n'ung nakita ko siya papasok ng XOXO University, ngayon na kasi ang inter-school Basketball Tournament. Kalahok ang Rowling Tigers ng UST at Growling Wolves ng XOXO.

Lumingon siya sa akin at nginitian ako, "JC!" Naglakad siya palapit sa akin, "Akala ko mag-iinaso ka pa eh, buti pumunta ka na! Miss ka na ni D.O eh. Ayie!" Pang-aasar niya sa'ken habang sinusundot ang tagiliran ko.

Hindi ko naman naiwasang ngumiti at kabahan, ito ang unang pagkikita namin ni Darius eh. "Ah, required kasi sa isa kong Professor na pumunta." Pagsisinungaling ko sa kanya. Ayoko kasing malaman niya na may romantic feelings na akong nabubuo para kay Darius.

Tumaas kilay niya, "Kanino?" Ngumisi siya, "Buti na lang at required ka! Magkakaroon na nang inspirasyon si de Guzman niyan!" She squealed in excitement.

Napairap na lang ako, "Tara na nga, last quarter na, 'di ba?" Paalala ko sa kanya, napapasarap na kasi kami dito sa labas ng Gymnasium.

"Oo, tara! Baka magtaka na si Chase, at wala ako sa kinauupuan ko." Nakangiti niyang sabi.

Sumunod na ako kay Venice papasok ng Gymnasium, maingay na ang lahat. Ang dami nang nagtitilian, lumabas na kasi ang labing-dalawang naguguwapuhang XOXO Basketball Team. Ganun din naman sa school namin. Natanaw ko na si Darius na mukhang focus na focus sa gagawing jumpball. Gwapo pa rin siya, after a month na 'di naming pagkikita. Mas gumwapo na siya kaysa n'ung namumutla siya.

*prrrrt*

Pito nang referee, at nagsimula nang mag-agawan ng bola. Lumakas ang hiyawan, lamang ang XOXO na hindi naman namin ikinagulat 'yun.

Sa loob nang halos tatlong minuto, lamang pa rin ang XOXO, si Kaizer at Darius ang leading ngayon.

Nagkaroon nang foul kay Darius at Elvis, 'di ko alam kung sinasadya ba nilang dalawa 'yun pero napunta sa school namin ngayon ang bola.

Tahimik ang lahat, dahil kapag na-shoot ni Elvis 'yun, lalamang nang dalawa ang University namin.

"GO! Javier!!!" Tili ko habang nakatayo pa.

Napatingin sa akin ang lahat, ngumiti sa akin si Elvis bago ishinoot ang bola. Nakita ko naman si Darius na lalong nagngitngit ang ekspresyon ng mukha. Siguro kasi naipasok ni Elvis 'yung bola at lamang ang University namin.

Nagkaroon ng water break pagkatapos ng shoot ni Elvis, lalapit sana ako kay Elvis para magcongrats at magbigay sana ng tubig sa kanya kaso nakita ko si Darius at Sabina na naghahalikan sa gilid kaya hindi ko napigilan 'yung sarili ko at imbes na si Elvis ang lapitan ko, silang dalawa.

Bawat hakbang na ginagawa ko, pabigat na ng pabigat. Pahigpit nang pahigpit na rin ang pagkakahawak ko sa bottled water.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanilang dalawa, nakatalikod sa akin si Darius habang si Sabina naman ay kitang kita ko na nginisian pa ako.

Agad akong lumapit sa kanilang dalawa at hinila si Sabina palayo kay Darius na siyang ikinagulat nilang dalawa.

Agad-agad kong binuksan ang bottled water at ibinuhos kay Jocson. "You pathetic wh0re!" Sigaw ko na nagpatahimik sa buong Gymnasium at nakuha ko lahat ng atensyon nila.

Wala akong pakialam, basta ang alam ko ay galit ako. Galit ako kay Darius at lalong lalo na kay Jocson. Ang kapal ng mukha niya, sila pa nga ni Elvis tapos makikipaghalikan lang siya sa iba. At kay Darius pa talaga. Shit!

to be continued...

--

UPDATED 130812 12MN

Please leave a comment and do vote. Kamsahamnida! :-)

xoxo,
stylistnoona

Continue Reading

You'll Also Like

798K 41K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
678 59 5
1 year ago, nangyari ang lahat sa isang bakasyon sa Probinsya. Sa pag-uwi ni White, naiwan din sa Probinsya ang mga masasayang alaala. 1 year later...
27.3K 767 16
Read it to know more lol.
168K 5.3K 48
Ordinaryong lalaki lang si jonathan ngunit gwapo ito . Pero paano kung dahil sa isang patimpalak ay magbabago siya? At makilala niya ang magbibigay k...