The Return of ABaKaDa (Publis...

Von risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... Mehr

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 54

48.6K 1.7K 162
Von risingservant

Hindi ko mapigilang hindi humagulgol ngayon pa't nasa bisig ako ni Jerico. Naaawa ako sa sarili ko dahil ang tanga-tanga ko. Ganoon na lang ba talaga lagi? Kahit na matalino ka, nagiging tanga ka sa ngalan ng pag-ibig? Kailangan pa bang masaktan ka bago ka magising sa katotohanan? Kung gayon, sana pala, hindi na lang nauso ang pagmamahal.


"Si Charlie ba ang dahilan ng pag-iyak mo ngayon?"


Hindi ako makasagot sa tanong niya kasi sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng manloloko kong boyfriend, sumisikip ang dibdib ko. Sobrang sakit, lalo pa't sariwa sa aking alaala ang pagpapakasarap nilang dalawa ni Denise.


"Tarantando talaga ang lalaking iyon," aniya habang hinahagod ang aking likod.


"Gusto ko nang umuwi," turan ko.


Hindi ko alam kung kaya ko pa bang harapin ang dalawang lapastangan na iyon. Tanging pagtaghoy lang ang kaya kong gawin kapag naiisip ko silang dalawa. Wala e, mahina talaga ako. Ang hirap palang makibaka lalo na kapag feelings ang nakataya.


"Ihahatid na kita. Sa ngayon, kumalma ka muna. Gusto mo bang makita ka sa inyo na ganiyan ang iyong itsura?"


Umiling ako.


"Good," mahina niyang sambit.


Hinaplos niya ang buhok ko para tumigil ako sa paghikbi. Mabuti na lang, nakita ko siya. Kung hindi, baka nagmumukmok na ako kaagad sa amin.


"May joke ako, sana magustuhan mo," dugtong niya.


"Sige ba, sana naman, nakakatawa iyan."


Habang pinupunasan ko ang mukha ko, kinuha naman niya ang bisikleta niya at naglakad na kaming dalawa.


"Ano ang tawag sa sakit ng baboy?" tanong niya habang patuloy kami sa paglalakad.


"Ano?" tugon ko matapos mahimasmasan.


Dahan-dahan lang kaming maglakad habang akay-akay niya ang bisikleta niya.


"Ade PIGsa," aniya habang inuurat ako.


"Loko ka!" Giit ko sabay hampas sa kaniyang braso. Napangiti akong bigla kahit korni iyon.


Hindi ko alam na may tinatago rin pala itong kakulitan sa katawan. Kahit nag-uuratan kaming dalawa ngayon, gumaan kahit papaano ang bigat sa dibdib ko. Dahil sa ginagawa niya, hindi ko na masyadong naaalala yung nangyari kanina.


"Ayiiee, ngumiti na siya." pambubuska niya sa akin.


Dinilaan ko lang siya bilang tugon. Sa simpleng joke, napangiti niya agad ako. Iba pala talaga ang dating kapag kasama mo ang iyong crush. Masasabi kong magkahalong saya at lungkot na ang nararamdaman ko ngayon. Medyo namutawi na sa akin ang tumawa kaysa pagkabahala.


"Ano naman ang tawag sa panlunas sa sakit ng baboy?" segunda niya.


Napaisip akong bigla, "Ano nga ba?" tugon ko.


"Ade OINKment! Haha!" Hirit niya.


Aaminin ko, natawa talaga ako sa banat niya. Thanks to him, gumaan ang pakiramdam ko.


"Ang korni mo pala, haha!" Panunuya ko.


"Gusto mo naman. Ayan nga oh, sayang-saya ka. Hindi na nawala ang ngiti mo." pang-uurat naman niya.


Napayuko tuloy akong bigla dahil sa tinuran niya. Nahiya tuloy ako.


"Mas bagay sa 'yo ang nakangiti kaya huwag kang sisimangot," pahayag niya sabay kurot sa aking pisngi.


Hindi na ako nagsalita matapos niyang pakawalan ang mga katagang iyon. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nahiya sa kaniya.


"Huwag mo nang isipin kung ano man ang iniisip mo ngayon. Magpahinga ka na, sigurado akong pagod na pagod ka na." Bungad niya matapos naming marating ang tapat ng bahay namin.


"Salamat, Jerico..."


Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil nagulat ako sa paghalik niya sa aking pisngi. Napatigagal ako sa aking kinatatayuan at para bang natuod na ko.


"Good night!" Aniya at pinaandar ang kaniyang bisikleta.


Hindi ako makatugon sa sinambit niya sapagkat nag-iinit ang pisngi ko. Tapos, para akong kinakabahan na ewan. Hay naku, kahit pa man itong nararamdaman ko, nagpapasalamat ako sa kaniya dahil gumaan ang pakiramdam ko; at sa ilang saglit lang ay napasaya niya ako.


"Ginabi ka yata ng uwi, saan ka galing?"


Natauhan akong bigla at bumalik na sa katinuan nang marinig ko iyon.


"Wala ka nang pakialam doon, Jaycee."


Nakaupo ngayon si Jaycee sa labas ng aming pintuan. Hindi ko napansin ang presensiya niya, hala! Baka nakita niya at hindi dapat na makita!


Dali-dali akong pumasok at ni-lock ang gate.


"Pumasok ka na sa loob, maagang umuwi sina Tito at Tita kaya bilisan mo na."


Si Mama at Papa, maagang umuwi? Yes!


"Ay sige..."


"Nakita ko 'yon..."


Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Jaycee. Patay ako nito kapag sinumbong niya ako sa parents ko.


"Pero huwag kang mag-alala pinsan, hindi kita isusumbong."


Laking tuwa ko nang sabihin niya iyon. Gusto kong magtatalon sa tuwa.


"Thanks Jaycee!" Pahayag ko at pumasok na sa loob.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
14K 421 19
Book 3 | IKWKM Trilogy "Sa larong ito, buhay mo at ng iyong asawa't mga anak ang nakataya. Kailangan mong malagpasan ang isang linggong pagsubok na s...