Kung Pa'nong Ang Bulalakaw Ay...

De LexInTheCity

24.5K 1.3K 781

Have you ever had a dream about someone you don't know, a person you don't recall ever meeting, a dream that... Mais

Copyright Page
Prologo
1. Ang Bundok
1. Ang Bundok (2)
2. Ang Bulalakaw
2. Ang Bulalakaw (2)
3. Ang Babae
3. Ang Babae (2)
4. Ang Babalikan
5. Ang Bagong Kuwento
6. Ang Bisita
7. Ang Balak
8. Ang Berso
10. Ang Biyernes
11. Ang Bookstore
12. Ang Bugtong
13. Ang Bagong Haircut
14. Ang Banaag
15. Ang Bakasyon
16. Ang Bakas
17. Ang Bagong Gising
18. Ang Bahay
19. Ang Bida
20. Ang Bangin
21. Ang Bagong Bersyon
22. Ang Bench
23. Ang Bungisngis
23. Ang Bungisngis (2)
24. Ang Bus
25. Ang Barako Float
26. Ang Bagong Lipat
27. Ang Bodega
28. Ang Buwan
29. Ang Bilin
30. Ang Binalikan
31. Ang Biyahe
32. Ang Boses
Epilogo
Sea You Again
Pasasalamat

9. Ang Barkada

687 42 14
De LexInTheCity

"Alam kong kailanma'y hindi tayo
magtatagpo. Gusto kong mahawakan ka.
Gusto kong masanay ang mga kamay ko
sa init ng mga palad mo.
At kahit alam kong hindi na darating
ang araw na 'yon, naniniwala ako
na ang pag-ibig, kung kaya nitong maghintay,
kaya rin nitong maglakbay
patungo man
sa mga hindi pa nararating
na daungan.
Kaya patuloy kong lalakbayin
ang mga daanan
at lagusan
na mas piniling maghintay
Kahit may takot o hindi sigurado
Naniniwala ako sa mga lihim ng gabi.
Tulad ng pag-aasam
kong dalawin mo ako
sa mga panaginip ko.
Tulad ng mga kuwentong nabuo
sa magdamag
Habang wala ka pa
Umaasa pa rin ako
na sana'y nakarating sa 'yo
ang mga kuwentong sana'y
nalakbay ang panahon
marating lang
ang kinaroroonan mo ngayon,
ang mga kuwentong sana'y kuwento
nating dalawa. Totoong
may mga bagay
na kahit hindi pa natin nahahawakan
alam na nating hindi natin iyon
bibitiwan. Pero sadyang may mga bagay rin
na alam na nating kailanma'y
hindi natin mahahawakan.
Kahit sa unang beses,
kahit hindi alam kung kailan nga ba nagsimula
dahil hindi alam kung
paano nagsimula
sadyang may mga kuwentong
walang simula
pero alam na alam na nating
may wakas.
Pero ito na nga ang
hindi matapos-tapos kong kuwento.
Patuloy kong hahanapin ang sarili
sa mukha, larawan at katawan ng ibang tao.
Kahit hindi naman talaga ako nawawala
o naliligaw
dahil sigurado naman ako
na naroroon lang ako
sa pagitan
ng mahal kita at mahal mo pa siya.
Sa pagitan ng mga araw na hindi
pinagtatagpo. Kaya kung marating ka man
ng mga salitang ito, masaya na ako.
Dahil ang salita ng isang tulad ko
na ilang araw
at oras ang layo sa 'yo
sa wakas
nagawa rin nitong maglakbay.
At hindi man
dumaong sa aking katawan
ang mga haplos na magsasabing
mahal mo rin ako, hindi mo man
isigaw ang pangalan ko
sa pagitan ng iyong paghinga,
patuloy kong sisimulan
nang may ngiti sa mukha
ang mga darating na linggo, buwan, at taon
na pareho nating lalakbayin.
Hindi man magkasama, hindi man sabay.
Dahil alam ko nang
minsan sa mundong ito
ay may isang ako
at may isang ikaw
na natutong magmahal.
Masaya na ako
na kahit sa isang linya
ng tulang hindi mo
mababasa ay nagkasama tayo.

“Ang Tula ni Lunes Para Kay B," ang huling linyang binitiwan ni Chase. Malinaw ang bigkas sa mga salita. Para bang nag-uumapaw ang mga emosyong kalakip ng mga binitiwan nitong salita na unti-unting nanunuot sa puso ko. Kahit simple lamang ang mga salitang ginamit, maraming gustong ipahiwatig ang mga talinhagang ginamit nito.

“Mahusay, Chase,” narinig kong papuri ni Ms. Jayne dito, ang siyang dahilan kung bakit natuto akong magbasa ng mga tula at kung bakit may konti akong ideya sa balangkas ng isang tula. Si Ms. Jayne ang professor namin sa Philippine Literature, isa sa mga asignaturang pinipilit kong hindi tulugan. Madalas, inaantok ako sa mga lesson niya kahit gaano siya kagaling magturo. Siguro dahil hindi ko lang maintindihan kung bakit may ganito pa kaming subject e hindi naman ito related sa kurso ko. "As usual, Chase, may puso ang mga write-up mo. Wala na akong masabi. Sana'y di ka magsawang magsulat," patuloy nito. Halata namang paborito niya si Chase. Well, everybody likes Chase, it's given. Maning-mani rin sa kanya ang Algebra, at kahit sa English department ay nangunguna siya.

Tinapik ko ito sa balikat nang makabalik na siya sa kanyang upuan. "Sa'n na naman galing 'yung mga sinabi mong 'yun?" may paghangang untag ko rito. Wala na sa loob ng kuwarto si Ms. Jayne at nag-aalisan na rin ang iba naming mga kaklase. Tuwang-tuwa rin sila sa nasulat ni Chase bukod sa excited nang umuwi. Ito kasi ang huling klase namin 'pag araw ng Lunes.

"Wala lang 'yun. Lunes kasi ngayon. Manic Monday."

"Pero ang dami mo ngang nasabi e. Ang dami mong alam," asar ko pa rito.

"Alam mo naman si Ms. Jayne, basta nilagyan mo ng hugot ang mga write-up mo, bebenta sa kanya."

"Sabagay."

Sabay naming iniwan ang mga bakanteng armchair na ngayon ay 'sing tahimik na ni Chase. Para bang may malalim itong iniisip.

Magkaklase kami ni Chase kaya kami rin ang madalas magkasama sa loob ng campus. Unlike Kerr at Dieg na abala sa love department, mas prayoridad nga siguro ni Chase ang pag-aaral. Siguro 'yon din ang dahilan kung bakit hindi pa ito nakikipag-relasyon kahit pa hindi ko na mabilang ang mga babaeng nagpapapansin sa kanya. Katulad ngayon, habang naglalakad kami sa may lobby ay may isa na namang babaeng lumapit dito. May inabot itong sobre sa kanya. Isang pangkaraniwang senaryo. Nakatungo ang babaeng iyon at sa tantya ko ay freshman pa lang ito. "Para sa 'kin ba 'to?" mahinang tanong nitong si Chase nang abutin niya ito mula sa babaeng iyon na agad namang tumakbo palayo mula sa amin. Love letter na naman siguro? Uso pa ba 'yon? Siguro dahil alam nilang iyon ang magugustuhan ni Chase. Agad naming binasa ang sulat na 'yon at kung ako'y natatawa roon ay wala naman akong napansing kahit anong reaksyon mula sa mukha ng kaibigan ko. In short, walang pag-asa ang batang iyon sa kanya. "Pang-ilan na nga ba siya sa mga babaeng nagbigay ng love letter sa 'yo?" Hindi ko matiis na hindi ito ungkatin sa kanya.

"Hindi ko alam. Teka, nabanggit sa 'kin ni Matt na nagkita raw ulit kayo ni Mira?" pag-iiba niya sa usapan. Naramdaman ko ang bahagyang pagbilis ng paglalakad nito.

"Ah oo. Wala ka bang nagugustuhan kahit isa sa kanila? Chase, manok na ang lumalapit sa 'yo kung hindi ka manhid. Panahon na siguro para bigyan mo rin ng pansin ang love department."

"Blaze, ang kulit mo. Para kang si Chance," tila ba'y naiinis na tugon nito. Si Chance ay ang little sister niya na kung sinu-sinong babae na rin ang naireto sa kanya.

"Sige na! Hindi ka ba nagtitiwala sa akin? Let's put it this way, sino ang taong tinutukoy mo sa tula mo? Sino si B? Kung ikaw si Lunes, sino si Biyernes?"

"'Pag sinabi ko ba sa 'yo, may magagawa ba tayo?" seryosong hamon nito.

"So meron nga. Sino nga kasi 'yon?"

"Kulit mo. Sige. Gusto ko si Berna. Gustong-gusto ko siya. O sige nga, anong magagawa mo?" naiinis niyang tugon. Isa si Berna sa mga babaeng pinaiyak ni Dieg. At naalala ko ngang si Chase ang pinakamadalas mag-comfort dito nang maghiwalay ang dalawa ni Dieg. Pero kailanma'y hindi sumagi sa isip ko ang posibilidad na mahuhulog pala si Chase kay Berna. Chase is prim and proper. Berna is a wild thing, and we love her.

"Seryoso?"

"Kalimutan mo na lang na sinabi ko 'yun sa 'yo," asik nito sabay lakad nang mabilis palayo sa akin.

"E ano bang masama ro'n? Kung gusto mo siya, e di pormahan mo. Hindi na naman sila ni Dieg," pilit ko.

Tinapunan niya ako ng isang seryosong tingin. "Blaze, hindi mo naiintindihan. Ex siya ni Dieg. Hindi p'wede. Parang kapatid ko na kayo e," mariing sabi nito. Biglang sumagi sa isip ko si Matt, nang sinabi niya sa aking gusto niya si Mira.

Madilim na rin nang makalabas kami ng campus. Hinintay ko munang makasakay sa dyip itong si Chase bago sana magtungo sa tinutuluyang apartment. Pero bago pa ako makatawid sa unang lane ng national road na 'yon, ang tinaguriang killer road ng marami dahil sa maraming bilang ng aksidenteng sangkot ito, may napansin akong isang babaeng nakatayo sa gitna nito. Hindi ko ulit sinuot ang salamin ko kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito. Pinagmasdan ko ang kilos niya. Tila ba'y gusto nitong tumawid sa kabilang bahagi ng daan. O baka naman may iba itong sadya roon. Kinabahan ako para sa kanya. Agad ko siyang pinuntahan.

"Miss, may problema ba?" lakas loob kong tawag dito.

"Kuya Blaze?" tugon nito. Pamilyar ang boses niya.

"Misty?" paniniguro ko.

"Yes, kuya. It's Misty, the debutant. 'Buti andito ka na. I'm stuck here. Nakakatakot ang mga sasakyan. Sabayan mo naman akong tumawid, please," pagsusumamo pa nito.

"Kaya nga ako nandito e. Teka, sa'n ba ang lakad mo?" tugon ko rito habang tinatawid namin ang isa pang lane ng malawak na kalsadang iyon. Wala kasing pedxing doon at totoong mabibilis ang mga sasakyang dumadaan.

"Do'n lang ako sa dorm ni ate Berna."

"Next time, Misty h'wag ka na ulit tatawid sa part na 'to. Mabibilis pa naman ang mga sasakyan dito. Teka, malayo pa ba ang dorm nina Berna? Mag-isa ka lang ba?" sunod-sunod kong tanong dito nang tuluyan na naming matawid ang kalawakan ng kalsada.

"Opo. Hindi na talaga. Baka ikamatay ko pa 'yon. Magde-debut pa naman ako. So kilala mo talaga si ate Berna? Bernadette Sanchez. My beautiful cousin," masiglang sabi nito.

"Oo magkakilala kami. Your famous cousin," natatawa kong sagot dito. Kung may mga celebrity kasing maiituring sa campus, isa na si Berna roon. Isa siya sa mga modelo ng school at lumabas na siya sa maraming pelikulang gawa ng mga mag-aaral sa pamantasan.

Isang mahinang tawa rin ang naging tugon sa akin ni Misty.

"Madilim na ah. Gusto mong samahan na kita?"

"Hindi na, Kuya Blaze," tanggi nito. "Ka-text ko naman si ate Berna, at nasabi na niya sa 'kin kung sa'n malapit ang dorm niya."

"So hindi ka pa pala nakakarating sa dorm niya?"

"Bagong lipat lang kasi siya. Pero don't worry kuya, kabisado ko naman ang lugar na 'to."

Biglang sumagi sa isip ko 'yung insidente noong isang nursing student na dinukot ng mga 'di kilalang lalaki noong nakaraang buwan. "Hindi, sasamahan na kita. Kilala ko ang mga tambay d'yan sa tabi."

"Ikaw ang bahala. Mas okay para may kakuwentuhan ako."

Mabilis naming narating ang dorm nina Berna. Three-storey ang gusali at mukha namang safe ang lugar dahil may maayos itong gate at may security guard na nagtse-tsek sa bawat taong pumapasok doon. At sa gate ay nakasulat ang pangalan ng gusali: Antarest House. Pamilyar na rin ako sa lugar dahil ito rin ang naging huling dorm ni Perrie bago siya umalis.

"Kuya Blaze, teka 'wag ka munang umalis. Ipapadala ko sa 'yo ang memory card ni Matt. Sumama ka na sa loob," pilit nito sa akin. Sumama na rin ako rito sa pag-aasam na makita ko muli si Berna.

Sa second floor pala ang kuwarto nila. Pero doon niya ako dinala sa rooftop. Ando'n raw kasi si Berna. Hindi ko na rin alam kung bakit hindi na ako nag-alinlangan pang umakyat doon. Kilala n'yo naman ako, pili lang ang mga taong kinakausap at sinasamahan ko. Siguro naisip ko ang best friend kong si Chase. Siguro gusto ko siyang tulungan.

"Blaze!" sigaw ni Berna nang salubungin niya ako ng isang mahigpit na yakap. Sa mga naging kasintahan ni Dieg, si Berna ang pinakagusto namin. Masarap itong kasama at one-of-the-boys kung umasta. "'Sus, Misty. May guwapo ka naman palang PSG," asar pa nito sa 'kin nang kindatan niya si Misty. "Kumusta ka na Blaze? Ang tagal-tagal n'yong hindi nagparamdam," patuloy niya nang ibaling niya muli ang tingin sa akin. Muli niya akong niyakap.

"Okay naman ako," sagot ko rito.

"I heard what happened. Sorry."

"Okay na ako, Berna. Pramis."

"Weh? Parang hindi pa naman. Samahan mo na kaming uminom. At for sure, pagkatapos ng gabing ito, malilimutan mo na talaga siya. Sinabi mo rin 'yan sa 'kin noon, remember?"

"Kahit Lunes pa lang ngayon at may pasok pa tayo bukas?"

"Bahala na. Ang tagal kasing mag-Friday. You need this, I know," sabay taas niya sa hawak na bote ng tequila. "Kahit ilang tagay lang. Just like the old times."

"Sige na, Kuya Blaze. 'Andito ka na naman rin e," sulsol pa nitong si Misty na nagmadaling bumaba sa 2nd floor dahil sa memory card na kukunin niya sa kuwarto ni Berna. "I shall return," sigaw pa niya. Kung si Berna ang nakita ko sa daan, maiisip kong inuman ang lakad nito. Pero si Misty 'yun e.

"Sige na, 'oy," pilit pa ni Berna.

"Orayt. Pero saglit lang ha. May quiz pa ako bukas," abiso ko rito nang lumuklok na ako sa tabi niya. May nakalatag na silang sleeping bag sa sahig kung saan nagkalat ang mga bote ng alak at ang mga chips na dala nila. Idagdag pa ang magandang view sa taas nang mapatingala ako. Para bang tinatawag na naman ako ng mga bituin. Gayundin ang ilaw sa lungsod. Ang ganda nilang pagmasdan.

Habang ine-enjoy ko ang ganda ng langit at hinihintay si Berna na mag-mix ng drinks ay binulabog kami ng paparating na yabag. Napangiti si Berna nang lumingon ako sa may hagdanan. Hindi pino ang mga yabag kaya sigurado akong hindi si Misty 'yon.

"Guys, sorry natagalan ako," sigaw ng isang babae na may pamilyar na boses.

"M-Mira?" gulat kong reaksyon nang maaninag ko na ang mukha niya.

"Blazy, bakit nandito ka?" gikla rin niyang tugon.

"Magkakilala kayo?" mas gulat na reaksyon ni Berna.

"Ay oo nga pala, I forgot to tell you Kuya Blaze na andito rin si ate Mira, e 'di SURPRISE!" sabad ni Misty na kapapanhik lang ulit sa rooftop. "Dala mo na ang ice cubes, ate Mira?" tanong pa nito nang ibaling niya ulit ang tingin kay Mira.

Napatango si Mira. Pero halata pa ring naguguluhan ito.

"Wait guys. Enlighten me, pano n'yo nakilala ang isa't isa?" hiyaw muli ni Berna.

"Sa isang hiking event," tipid na reply ni Mira.

"'Tsaka noong photoshoot ko, kasama siya ni Matt," dagdag ni Misty.

"Ah gano'n ba, iniisip ko pa naman kanina na ipapakilala ko sila sa isa't isa. So... anong masasabi mo sa aming si Mira?" pilyang tanong ni Berna pagkatapos niya akong tapunan ng isang masamang tingin.

"Actually, Blazy is helping me with my thesis," salo ni Mira.

"May hindi ba kayo sinasabi sa 'min?" usisa pa nitong si Berna at saka sila sabay-sabay na tumingin sa akin.

"Simulan na 'yang inuman na 'yan," sabi ko na lang. "Parang mahaba-habang kuwentuhan ito. 'Di ba, Mira?"

"Feeling ko nga, knowing my nosy friend Bernadette Sanchez," napapangiting sagot ni Mira. Nakatingin siya sa mukha ko na para bang may dumi ako rito.

"Bakit?"

"May naalala lang ako."

"Lasingin na 'yan para magkaalaman na!" sigaw pa ni Berna. "Shet naman, amoy forever!"

"Teka, bakit nga nandito ka?" baling sa akin ni Mira.

"Ayaw mo ba? Aalis na lang ako." Hindi ko alam pero para bang naiilang na naman ako rito. Siguro dahil sa tuwing mapapatingin ako sa kanya ay lagi kong naaalala ang engkuwentro namin sa apartment noong nakaraan. She saw everything.

"'Oy. Hindi pede 'yan. Hindi ka namin papaalisin dito nang hindi ka nalalasing," banta nitong si Berna.

"Ay, sobra 'yon. May long quiz ako bukas," pagpapatibay ko sa alibi ko.

"Ako nga, may defense pa para sa communication research ko," pagmamalaki nitong si Mira.

"Talo ka pala ni ate Mira, Kuya Blaze e. 7:30am pa pasok n'yan bukas," sulsol pa ni Misty.

Bigla tuloy akong napalunok. "7:30 rin ako bukas," pag-amin ko.

"May naisip ako. Kailangan n'yong malasing tonight. At kung sinong hindi makakapasok bukas, may dare o bet na ipapagawa sa kanya ang mananalo," suhestiyon nitong si Berna.

"Hindi ko trip 'yan. Inom na lang tayo."

At ngayon naman ay tinapunan ako ni Berna ng isang witch look.

"Okay sa 'kin," seryosong sagot ni Mira. Lahat tuloy kami ay napalingon sa kanya.

***ʕ•ﻌ•ʔ***

AN: Hello-haseyo! Kumusta? Anong thoughts n'yo sa chap na ito? Please comment below. Thanky!

Continue lendo

Você também vai gostar

2M 6K 4
Saraya Kennedy Cruz was just a simple girl living her life peacefully. She has an undying love for a half-British guy named Chord Sebastian Harris. S...
1.2M 23.6K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
455K 7.7K 62
[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"
148K 205 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞