The Return of ABaKaDa (Publis...

Per risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... Més

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 51

52.2K 1.6K 142
Per risingservant

Habang nag-aabang ako ng masasakyan dito sa labas ng subdivision namin, nagulat ako nang may lumapit na batang lalaki sa akin na madusing at hinihila niya ang laylayan ng aking damit.


"Ate, pahingi naman pong pagkain. Nagugutom na po kasi ako," aniya habang nakatanghod sa akin at nakalaylay sa aking harapan ang kaliwa niyang kamay.


Naaawa ako itsura ng bata kasi sobrang dumi niya, ang payat pa. Kitang-kita mo ang karukhaang namamayani sa kaniyang kapag siya'y iyong tinitigan.


Sa totoo lang, hindi talaga ako lubos na naaawa sa mga batang palaboy kasi madalas modus na lang ang mga ganiyan. Hindi matiis lalo ng puso ko kapag nakakita ako ng matanda na palaboy din. Para kasi sa akin, sila yung mga taong wala na talagang pamilya o 'di kaya'y itinakwil na ng kaniyang pamilya. Nadudurog ang puso ko, hindi ko sila kayang titigan kaya as long as kaya kong makatulong sa kanila, ginagawa ko.


Banayad sa mukha ang waring kagutumang tinatamasa ng batang nasa harapan ko ngayon kaya naman dinukot ko na ang baon kong biskwet sa loob ng aking bag sabay abot sa kaniya.


"Ate, maraming salamat po. Dalawang araw na po akong hindi kumakain. Salamat po talaga," pahayag niya nang abutin niya ang biskwet. Nagulat akong bigla nang yakapin niya ako.


"Hulog po kayo ng langit sa mga batang lansangang kagaya ko," ani pa niya sabay barurot sa inabot kong tinapay at nilantakan niya ito sa aking harapan nang walang pag-aalinlangan.


Natuwa naman ako dahil sa tinuran niya. At the same time, medyo ilag na dumikit muli dahil madusing siya't tumalon sa akin ang germs na dala-dala niya. Pero dulot ng kagalakan ng aking puso, hindi ko muna inisip na marumi siya.


"Ato, heto pambili ng ice tubig." Sambit ko sabay abot sa kaniya ng limang pisong barya.


Bakas sa kaniyang mukha ang ligayang nadarama kaya masaya ako para sa kaniya.


"Salamat po talaga," anas ng bata na tuwang-tuwa.


Nang may dumating ng jeep, nagpaalam na ako sa bata at kaagad na sumakay dito.


Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang magmuni-muni. Naalala ko na naman si Ate Roxette, miss na miss ko na siya. Sana matapos na ang sigalot na pinasok ko para maging masaya nang muli ang aming pamilya.


Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako kaya dali-dali akong yumuko at kinuha ang panyo sa aking bulsa sabay dampi sa luhaan kong mata.


Halong dalawang minuto yata akong nakayuko. Nagulat akong bigla dahil habang nakayuko ako, sa tapat ko'y may paang nakatapak at wari mo'y sugatan. Naglalangib ang binti niya at nagnanaknak. Nakakadiring tingnan kaya minabuti kong ibaling na lang ang aking tingin sa ibang bahagi ng aking sinasakyan.


Nakaramdam na naman akong bigla ng kakaibang lamig dito sa loob ng jeep kaya hindi ko maigalaw muli ang aking ulo dahil natatakot ako sa kung ano na naman ang makita ko. Kakaibang enerhiya na sadyang kikilabutan ka. Mapapadasal ka na lang sa takot dahil ramdam kong katakat ko lang siya.


"Tulungan mo 'ko ah?" sambit niya habang panatag na nakaupo sa tapat ko.


Minabuti ko nang tingnan siya dahil hindi naman dark ang aura niya. Tanging hustisya lamang ang kaniyang kailangan kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.


Pagdako ng tingin ko sa kaniya, nakangiti siya sa akin. Isang babaeng nakaputi ang ngayo'y masayang nakangiti sa harapan ko. Yung ngiti niya, nakakahawa. Para bang ngiti ng isang anghel, walang bad vibes, no negativity. Ang amo ng kaniyang mukha.


Nagulat ako nang unti-unting magbago ang itsura ng kaniyang mukha. Nagkaroon na ito ng puro galos at sugat. Maging ang kaniyang katawa't braso ay naging tadtad ng sugat na nakakadiri.


Ilang saglit pa, halos maduwal ako sa aking kinauupuan nang isang organismo ang biglang lumabas sa kaniyang sugat. Hindi lang isa, marami sila. Sa bawat sugat ng dalaga sa katawan, braso, pisngi't paa'y may lumalabas na nakakadiring organismo na parang uod. Hindi ko ito masikmurang tingnan nang may lumabas pa sa kaniyang tainga, ilong at bibig. Kung hindi ako nagkakamali, isa iyong linta.


"Heto na 'ko ngayon..." dugtong pa niya.


Napaigtad ako sa aking kinauupuan nang magsilaglagan sa harapan ko ang mga linta mula sa kaniyang katawan. Para bang ako naman ang next target ng mga ito.


"Ahhh! Huwag kayong lalapit! Layuan niyo ako!" Sigaw ko sa sobrang taranta.


Nagulat ako nang maramdaman kong may sumampal sa akin kaya napadilat akong bigla ng mata.


"Miss? Okay ka lang ba?" Tanong ng isang babae na medyo may edad na.


"Hala, gabi na pala." Ang tangi kong nasabi sa aking sarili sabay baling sa matanda.


"Maraming salamat po sa paggising niyo sa akin. Kundi, baka namatay na po ako sa bangungot." Pahayag ko sabay ayos sa aking sarili.


"Ah, wala iyon."


Napansin kong ako na lang pala ang sakay ng jeep at lumagpas na ako sa aking pupuntahan kaya bumaba kaagad ako at sa kanila'y nagpaalam.


Habang naglalakad sa daan, hindi mawaglit sa aking isipan yung babaeng nilalabasan ng linta. Naaawa ako sa kaniya, hustisya lang naman ang gusto niya.


Ilang minuto pa, nagulat ako nang biglang may isang lalaki ang umakbay sa akin at tinutukan ako ng balisong sa tagiliran nang tumapat kami sa may bandang eskinita.


"Miss, holdap 'to. Ibigay mo na sa akin ang bag mo kung ayaw mong masaktan."


Mahigpit ang hawak ko sa bag ko dahil hindi ko iyon maaaring ibigay sa kaniya. Lalo pa't nasa loob nito ang libro.


"Akin na 'yan!" Giit niya at bigla niyang hinablot sa akin ang aking bag. Nabitawan ko ito't kaniyang nakuha.


"Ibalik mo ang bag ko!"


Tatakbo na sana palayo ang holdaper nang biglang magliwanag ang loob ng aking bag. Tuwang-tuwa ito sa pag-aakalang may laman iyong diyamante. Huminto siya saglit at binuksan ang aking bag.


"Sa wakas, mayaman na 'ko!" Anas nito't nagtatatalon sa tuwa.


Nakatayo lang ako sa aking pinagtitirikan kanina pa. Maski ako mismo'y nagulat nang biglang lumutang ang libro sa ere't bumukas ito.


Ang mga taong takam sa salapi'y namamatay kapag ang ABaKaDa'y nanggalaiti't ginambala ang paghahayahay.


Sa paglitaw ng mensahe ng libro, isang pulutong ng barang ang biglang lumabas sa libro't takam na takam na nila ang holdaper.


"Ahhh!" Sigaw niya habang siya'y pinagpipiyestahan ng mga insektong mapanlinlang.


Kaagad namang sumara ang libro't nalaglag sa ere't pumatong sa ibabaw ng bag ko. Kaagad ko itong isinilid sa loob at dali-daling nagtatakbo palayo.


Sinubukang kong kontakin si Charlie habang nakasakay akong muli patungo sa kanila. Nagtataka ako kung bakit nakapatay ito. Panibagong tinik na naman sa dibdib ang aking nararamdaman kaya higit akong kinakabahan.


Makalipas ang ilang oras, nakarating din ako sa bahay nila. Pinapasok naman ako kaagad nung guard at ng kanilang katulong sa loob.


Hindi na ako nagdalawang-isip pa at tinungo ko kaagad ang kaniyang silid. Pagkarating ko sa labas nito, nakaawang nang kaunti ang pinto't hindi lubusang nakasara. Dahan-dahan akong lumapit dito at sumilip kung ano na bang nangyari sa kaniya.


Bumagsak na lang nang kusa ang aking mga luha pagkasilay ko sa loob ng kaniyang kwarto.

Continua llegint

You'll Also Like

34.8K 612 10
A Mind Confusing Story > Must remember the DATE and TIME.
2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
55.6M 1.7M 53
Having enhanced senses cannot help one earn a living. A useless special ability--or at least, that's what Shia Sheridan believes. But when she is cau...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...