Chased (In Luv Series #1)

By chinieanne

27.3K 1.4K 290

CHASED (BTS JIMIN FANFIC) In Luv Series #1 chinieanne's storyline allrights reserved 2016 "You chose to chase... More

Chased (In Luv Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanta 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
a/n
Chinieanne's other stories
FALL (New Story Alert)

Kabanata 4

683 45 16
By chinieanne

Kabanata 4

Ikaw pa rin...

Nagkaroon ng game between Kroner Academy and Kroner University. Nanalo ang Academy dahil sa first five na sina Adrian, Niccolo, Rhein, Ken at Grey.

Sina Ken at Grey ay senior na kaya natural lang na magaling na sila. Sina Rhein, Adrian at Niccolo lang ang second year sa kanila at grabeng papuri ang natanggap nila. And in just one snap, they become popular all over the school. Maging sa University ay pinag-uusapan na din sila. Nabansagan pa nga silang Mischievous Princes. Reason? I don't know. Until Rhein's name appears in our secret files, our school's secret page.

"You know Rhein Alcantara?" Tanong sa akin ni Lhieanne habang hinihintay namin si Jazz sa pag-enroll.

"Yeah. Bakit?" Binaling ko sa kanya ang atensyon ko. Nakatingin siya sa kanyang cellphone. At nang tingnan ko kung anong ginagawa niya, nagbabasa pala siya sa secret files.

"Nagbabasa ka diyan?" Nagtaas ako ng kilay. I thought Lhie ang Jazz are not reading those kind of stuffs. I never thought that they like to gossip. Ako lang naman ang mahilig sa gano'n kaya palagi nila akong pinagsasabihan.

"Ngayon lang naman. I become interested. Palagi ko kasing naririnig ang pangalang Rhein. I don't know who he is."

They don't like gossiping kaya maging si Rhein Gabriel na crush ko noon pang gradeschool ay hindi nila kilala. They never asked. Hindi ko rin naman binanggit. Pero alam nilang may gusto akong isang lalaki.

"Hi, Claire!" Saktong kumaway sa gawi namin si Rhein nang sasagutin ko na ang tanong niya. Kumaway ako pabalik sa kanya at doon ko napansin ang babaeng kaakbay niya. Hindi ako makapaniwala. Marami akong nababasa tungkol sa kanya sa secret files pero hindi ko pinaniniwalaan. I know him since gradeschool. Pero tulad nga ng sinabi ko noon, we mature, we grow. Marahil ay hindi ko na nga siya kilala.

"Sino 'yun, Claire? At bakit ka niya tinawag na Claire? Close kayo?" Nagtaas ng kilay si Lhieanne at tinuon sa akin ang buong atensyon niya. She's going to interrogate me because of that.

"Yeah. At si Rhein 'yun. The one you've asking."

"OH MY GOD! Don't tell me..." Bulong ang ginawa niya sa huling pangungusap. Nagconclude agad siya. Tsk.

"No, Lhie. He's my crush, yes. Pero hindi mangyayari ang iniisip mo. Hindi ako naging isa sa mga babae niya."

"Crush?! I thought your crush is someone you know in your gradeschool?" Muli na namang tumaas ang boses niya.

"Yeah. But not someone I just know. He's my second best guy friend. At si Rhein 'yun."

"Bakit di mo sinabi?" Hinampas niya ako sa braso. Napahawak ako sa parte ng hinampas niya. Mabuti na lang pala na si Lhieanne lang ang kasama ko ngayon kundi bugbog sarado ako sa panghahampas. Mas malakas pa man din manakit si Jazz. Magpinsang mabibigat ang kamay.

"You never asked." Umikot ang mata ko. Natatanaw ko na si Jazz kaya inayos ko ang bag ko.

"Pero hinihintay lang namin na magsabi ka. I hate you, Claire." Nagtatampong sabi niya.

"Sinabi ko na. 'Wag ka nang mag-emote."

Hindi alam ni Jazz ang pinag-uusapan namin ni Lhieanne kaya nakwento namin ang tungkol sa secret files. Nagulat pa nga siya ng malamang nagbabasa kami doon. Sinabi ko sa kanila ang mga nalalaman ko kay Rhein pati ang mga nababasa ko. It's contradicting. Miski ako ay hindi mapaniwalaan ang lahat. Walang nagiging girlfriend si Rhein. Just a fling. Pero 'yung katotohanan na nakakasecond base at muntikan nang third base si Rhein ay hindi ko matanggap. Parang kasinungalingan.

Nagsimula ang training ko sa swimming noong third year at palagi na akong ginagabi sa pag-uwi. Nasali na rin kasi ako sa official representative ng school para sa competition kaya matinding training ang kailangan. Dalawa na lang kami ng kasama ko sa swimming ang nasa school noong gabing iyon. Nagsh-shower ako sa isang cubicle ng makarinig ako ng kalabog ng pinto pagkatapos ay katahimikan. Hindi ko inintindi dahil baka si Marj lang iyon pero napalabas ako sa cubicle nang marinig ang ungol ng babae sa kabila. Kinilabutan ako.

"Do it here." Paungol na sabi ng babae. Parang boses ni Marj iyon pero hindi ko pinaniwalaan. Baka iba. Matinong babae si Marj. Mukhang may milagrong nagaganap dito sa ladies cr.

"Here?" Malanding sabi naman ng lalaki. OH MH GOD! May kababalaghan nga. Napatakip na ko ng bibig. I can't take it anymore.

"Oh my god! This is so nice, Rhein." Napatigil ako sa paglabas ng marinig ang pangalang iyon. Oh my god. I can't believe what I just proved.

When I got a chance to talk to Marj alone, nalaman kong si Rhein nga iyon. Matagal na daw silang nag-uusap nito pero simula nang mangyari iyon sa kanila ay hindi na sila nag-uusap. Wala naman daw nangyaring higit pa sa make-out. Rhein is in control based on her story. Pero umiyak siya sa akin dahil doon. She likes Rhein so much but then Rhein just broke her heart. Hindi ko siya masisisi kung na-fall siya kay Rhein but then, sana naisip niya ang consequence kapag na-attach siya. Afterall, everyone knows about Rhein's nature. Doon na siya nakilala pero ewan ko ba't marami pa ring humahanga sa kanya.

"Nasaan ka na ba, Claire?" Tumaas na ang boses ni Jazz sa kabilang linya. Kanina pa niya kasi ako hinihintay. Hindi ko naman kasalanan na mabagal magshower ang team mates ko. Sa gym na nga ako nagshower para mabilis.

"I'm on my way na. Saglit lang kasi!" Sinuot ko ang cardigan ko habang naglalakad. Nakaipit sa balikat ko ang phone. Pasaway kasi si Jazz!

"Faster! Iiwan kita dito at kami na lang ni Lhieanne ang aalis." Binaba ko na ang tawag at nagsimulang tumakbo.

Summer na kasi at balak namin nila Jazz na mag-out of town kasama ang kuya niya. At kung di ko bibilisan, baka iwan nga ako no'n. May biglang practice kasi kami sa swimming.

"Aray!" Napahawak ako sa noo ko. Nauntog ako sa taong nasa harap ko! Sino ba kasi itong pahara-hara sa daan. Tsk.

"I'm sorry." Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nagulat nang si Niccolo pala iyon.

"'Wag kang humarang sa daan!" Singhal ko sa kanya.

"I'm sorry, okay? Nasa gitna kasi ako ng court para magpractice." Nakangiti pero may pagkasarkastikong turan niya. Napatingin naman ako sa kinalulugaran ko.

Nasa gitna ako ng court! What am I doing here?!

Pinagsalubong ko ang kilay ko at lumihis para makaalis na. Nakakadalawang hakbang pa lang ako ay may humablot na sa braso ko.

"Ano ba? Nagmamadali ako..." Tinanggal ko ang kamay niya.

"Bakit? Saan ka ba pupunta?" Pinadulas niya ang bola sa kanyang kamay at tinuon ang buong atensyon sa akin. Nagtaas ako ng kilay.

"Magbobonding kami nina Jazz. Bakit ba?"

"Masama bang magtanong? Pero saan nga?" Napakamot ako sa ulo ko. Bakit ba ang kulit nito?

"Sa batanggas, okay? Diyan ka na.. nagmamadali ako." Muli akong tumakbo pero sinundan niya pa rin ako. Tumigil ako bago marating ang labasan sa gym.

"Iniiwasan mo pa rin ba ako?" Nagulat ako sa tanong niya. Bigla siyang naging seryoso. Napaiwas ako ng tingin. Hindi inaasahan na magtatanong siya ng ganyan sa una naming pagkikita.

"I'm sorry..." Tinalikuran ko na siya. Hindi ko alam ang sasabihin.

"Iniiwasan mo pa rin ako. Hindi ka pa rin ba tinitigilan ni Kasey? Hanggang dito ginugulo ka pa rin niya?"

Naging dahan-dahan ang lakad ko. He knows about Kasey? Pero... di ko naman 'yun sinabi sa kanya sa sulat a?

"How did you know?" Tanong ko nang hindi siya hinaharap.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Hanggang sa naramdaman ko ang kamay niyang ipinatong sa aking balikat at unti-unting hinarap ako sa kanya. Nanatili ang tingin ko sa kanyang dibdib kung saan hanggang doon lang abot ng tingin ko. I don't want to look at his eyes.

Nagulat ako nang yakapin niya ako. Sobrang mahigpit na yakap ang ibinigay niya. Hindi ako nakakilos. Hindi ako gumalaw. Hinayaan ko siyang yakapin ako. Hindi ko siya niyakap pabalik. Pero ramdam ko kung gaano niya ako namiss. Gano'n din naman ako sa kanya. Afterall, we're bestfriends since childhood.

"I missed you..." Hearing those words... there's a part of me that became hollow. My heart begins to beat so fast. Gusto ko mang itanggi, pero gano'n din ang nararamdaman ko.

Pero ako ang pumili nito. Kaya wala akong karapatan.

Bumitaw siya sa yakap pero hawak niya pa rin ang balikat ko. He lift my chin and our eyes met. Ang mapupungay niyang mga mata ay nakatuon sa akin. Napalunok ako.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya bigla akong kinabahan. I know it's Jazz. Lagot ako kapag iniwan na nila ako.

"Nagmamadali ako, Niccs..." Bulong ko habang titig na titig pa rin sa kanyang mga mata.

Unti-unting bumaba ang kamay niya mula sa balikat ko hanggang sa tuluyan niya na akong pinakawalan. I smiled at him.

"Mauuna na ako..." Tinalikuran ko na siya. Tatakbo na sana ako para makalabas ng gate sa tamang oras pero narinig ko pa siyang nagsalita.

"Let's be friends again. 'Wag mo nang isipin ang mga nanggugulo sa'yo..."

Fourth year highschool nang maging magkaklase kaming lahat. Hindi na ako nagulat dahil nahatak ng performance nina Rhein, Adrian at Niccolo sa basketball ang kanilang grades kaya napunta sila sa first section. They are also the official varsity players of the school. Lalo silang naging kilala.

Practice game ng KU at KA nang tuluyan nang naipakilala ni Jazz ang sarili niya sa kanyang crush na si Adrian. With the help of Lhieanne and I, ofcourse. Jazz's too shy to interact with Adrian kaya kami na ang gumawa ng paraan. They got close and I'm so happy for her. Finally may experience na si Jazz. She got many suitors but no ones got a chance on her. Masyado kasi siyang patay na patay kay Adrian. Adrian is cute but I don't know what characteristics of him that got Jazz's attention.

Rhein Gabriel: You want to join us?

Napabangon ako sa higaan nang mabasa ang message niyang iyon. Himala at nagparamdam siya.

Clara: Where?

Rhein Gabriel: Aatinich sweet's cafe.

Hindi na ako nagreply at agad na nagbihis para makarating doon. Malayo ito sa bahay but I don't mind. Wala rin naman akong ginagawa kaya doon na lang ako.

Nakangiti akong pumasok sa cafe pero nagulat ako nang si Niccolo lang ang nakita ko sa table na tinutukoy ni Rhein. My heart beats so fast. Kinabahan akong bigla. Matapos ng interaction namin ni Niccolo sa gym noon at tuluyan na ngang nagkaayos ay ngayon pa lang kami magkakasama na kaming dalawa lang. Though I'm expecting that Rhein is here. Marahil ay nag-cr or sumagot ng tawag. I don't know. Basta ang alam ko ay kinakabahan ako.

"Hello." Pilit na ngiti ang sinalubong ko sa kanya. He just stared at me. Lalo akong nailang.

"Where's Rhein?" Inikot ko ang tingin ko sa buong cafe. Where are you, Mr. Rhein Gabriel!?

"Lumabasa kasama 'yung babaeng kausap niya kanina." He sipped his coffee. Nagulat ako sa tinuran niya.

"Why? He invited you here? Wala na siya e... Kaaalis lang." Muli na naman siyang tumingin sa akin. Hindi ba siya naiilang?

"Yeah. Sayang nga..." Kinuha ko ang menu sa table at tumingin sa kung anong pwedeng inumin. Ayoko namang umuwi na lang. I'll stay. Tutal si Niccolo naman ito.

Nag-angat ako ng tingin matapos makapili. Titig na titig pa rin sa akin si Niccolo! Nagkunot ako ng noo.

"Niccs... hindi ka ba naiilang?" Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Nakangising umiling-iling si Niccolo bago muling uminom sa kanyang kape.

"Why would I? Ikaw ba?"

"Err... hindi na tayo gano'n kaclose... tulad ng dati." Niyakap ko ang aking braso dahil sa malamig na hangin mula dito sa veranda ng cafe. Gabi na but the people here are still busy doing their own stuffs. Maliwanag rin dahil sa city lights. Though there's no stars.

"Wala namang nagbago para sa akin... You're still you." Muli na namang pumirmi ang kanyang mga mata sa akin. Nag-iwas ako ng tingin.

"Naiilang ka ba?" Tanong niya. Kaya napalingon akong muli. Marahan na tumango.

"I'm sorry. Anong gusto mong order-in? Ako na ang bibili..." Tumawa siya. Tinuro ko ang espresso sa menu at tumango naman siya bago tuluyang pumunta sa counter. Napahinga ako ng maluwag.

Walang nagbago para sa iyo... pero para sa akin, mayroon. Ako ang may kasalanan kung bakit tayo nagkahiwalay at ako rin ang dahilan kung bakit nalayo ang loob ko, because of my young self, naniwala ako sa lahat ng sinasabi ng iba. Hindi na ako ang dati mong kilala, Niccolo.

Pero alam ko, ikaw pa rin ang dating ikaw. Maybe you physically grown but I know you're still the same Nicolo that I first met. 'Yung mabait at maunawaing kaibigan. Ikaw pa rin 'yon. Ikaw pa rin 'yung batang bestfriend ko.

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
5.2M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1M 29.2K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...