The Return of ABaKaDa (Publis...

By risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... More

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 46

52.5K 1.7K 237
By risingservant

Rochaes's POV


Nakaka-stress ang girlfriend ng kapatid ko. Dahil sa kaniya, hindi tuloy kami nag-uusap ng kapatid ko. Nagkagalit kami, walang pansinan sa bahay.


Hindi ko talaga siya gusto para sa kapatid ko. Si Denise, siya ang nararapat sa kapatid ko. Hindi ko alam kung ginayuma ba ng bruhang iyon si Charlie kaya patay na patay ito sa kaniya.


At dahil ayokong pumangit, tinawagan ko sina Izzy at Carie via skype para makapagrelaks man lang kami. Miss ko na rin ang dalawang iyan.


Si Izzy, isa na iyang Doktor sa ngipin. Hindi ko alam sa kaniya kung bakit hindi niya ginamit ang kagandahan niya para gawing puhunan sa pag-asenso. Mas gusto pang tumulong sa mga mahihirap lalo na kapag may Medical Mission iyan.


Si Carie naman, isa ng Nurse. Gustong-gusto niyang tumulong sa mga kapos palad. Duh, noong college nga kami ay panlalait pa ang madalas ginagawa niyan. Maganda rin siya that's why naging kaibigan ko siya.


Kaming tatlo noon ang madalas pinagkakaguluhan sa school dahil sa taglay naming alindog.


You heard it right. You can't resist the temptation lalo na kapag kaming tatlo ang kaharap niyo. We're the campus queens noon kaya halos lahat ng lalaki sa school ay kami ang pantasya.


Nang naayos na ang lahat, nag-usap-usap na kami via skype.


"Hey Sis! Long time no see!" Bungad ni Carie sa amin habang nagluluto siya sa kusina.


Carie is a best cook. Kapag nasa bahay kami noon, hindi na namin kailangang um-order pa sapagkat nandiyan si Carie para busugin kami. At dahil ayaw naming mawala ang sexy figure namin noon, healthy foods lang ang kinakain namin.


"Guys, I miss you! Kailan ba ulit tayo magkikita-kita?" Pahayag naman ni Izzy na mukhang busy pa sa trabaho niya dahil nandoon pa siya.


"I have a good news, Nasa Philippines na ko!" Singit ko pa na wari mo'y may kumikiliti sa akin kaya halos mapatalon ako rito sa ibabaw ng kama sa sobrang tuwa.


"Oh my God!" Hirit nilang dalawa na wari mo'y tuwang-tuwa sa kanilang kinaroroonan.


"Ang tagal mong nawala Rochaes, hindi ka man lang nagparamdam sa amin ng dalawang taon," turan ni Izzy habang nakapangalumbaba sa kaniyang desk.


"Nakakapagtampo. Porque sikat na model ka na, hindi mo na kami naalala," segunda naman ni Carie habang naghihiwa ng patatas.


"Mga Sis, alam niyo namang hectic ang schedule ko kaya hindi ko magawang makipagcommunicate sa inyo. This time, babawi ako." Paliwanag ko.


Na-miss kong makabonding ang dalawang 'to. Sa ibang bansa kasi, patalbugan ang pinaiiral ng mga kapwa ko modelo. Well, mas sexy pa rin naman ako sa kanila kahit na anong gawin nila. Hindi nila ako kayang talbugan. And iyon din ang rason kaya konti lang ang close ko sa kanila. Ang masaklap, alam ko namang pinaplastik lang nila ako kaya hindi nila ako kayang lokohin at paikutin. Haha!


"Kailan naman ba ang next time na iyan?" Sambit ni Carie habang hinahalo ang kaniyang ginigisa.


As soon as possible sana dahil ayokong nakakulong lang sa bahay na 'to. Nakakasawa nang magshopping. I want to try something new.


"Maybe tomorrow? Free ba kayo?" Hirit ko.


Dalawang linggo lang ang bakasyon ko rito sa Pilipinas kaya dapat lang na sulitin ko iyon. I miss everything sa bansang ginagisnan ko.


"Sure! Day off ko bukas!" Pahayag ni Carie sabay takip sa kaniyang niluluto.


"Ahm..." himig ni Izzy na wari mo'y nagdadalawang-isip.


"What Sis? Hindi ka pwede?" Tanong ko.


"Gora!" Aniya.


"Yes!" Tugon namin ni Carie na ligayang-ligaya.


Nakapag-isip na ko kung saan ba kami pupunta. Sisiguraduhin kong magiging memorable ang araw na bukas sa aming tatlo at hinding-hindi namin iyon makakalimutan. Something new is coming.


"Magprepare kayo bukas mga Sis dahil ngayon niyo lang mararanasan itong adventure na 'to." Bungad ko.


Napapangisi ako sa tuwa dahil alam kong magiging unforgettable moment ang araw ng bukas para sa aming tatlo.


"It's kinda exciting Sis! Sounds good to us," tugon ni Carie.


"Aakyat ba tayo ng bundok? Zipline? Ano?" Excited na tanong ni Izzy.


"Bukas niyo malalaman girls." Ani ko.


"Pabitin ka pa Rochaes! Baka hindi ako makatulog nito mamaya sa kakaisip." Litaniya ni Izzy.


"Hay, basta kapag si Rochaes ang nagplano, walang mintis." Ani ni Carie.


"Tama!" Pagsang-ayon ko.


Pagkatapos ng aming pag-uusap ay isinara ko na ang laptop ko at nahiga muna saglit.


"Maganda kaya ang naisip kong ideya para sa kung anong gagawin namin bukas?" Tanong ko sa isip.


"What if mapahamak kami?"


"What if umurong yung dalawa?"


"Dapat pa ba namin iyong ituloy? O change of destination na?"


Ang daming tanong na gumugulo sa isang isipan na hindi ko pa mabigyan ng kasagutan. Bahala na bukas.


Matapos magmuni-muni, napagdesisyunan kong magpunta muna sa banyo. Pagtapat ko sa may sink, nagulat ako. Makaramdam ako ng pamumutla dahil sa nakikita ko sa salamin. Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin.


Napasandal ako sa may pader habang nanginginig sa sindak. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin pero nakakaramdam ako ng pagkainit. Parang nag-iinit ang aking katawan at ako'y pinagpapawisan. Ang bilis ng pagtagaktak ng aking pawis. Paglingon ko sa salamin, nandoon pa rin ito. Ang bagay na hindi ko alam kung paano napunta sa aking noon.


Letrang Ka. Iyan ang nagliliwanag sa aking noo at hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin niyan. Kulay puti ang liwanag na nagmumula rito.


Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Natataranta ako! Hinawakan ko ito upang burahin pero hindi pa rin nawala.


Ilang saglit pa'y may isang babaeng nakaputi ang nakatayo ngayon sa aking likuran sa may bandang kaliwa. Nagtindigan lalo ang aking mga balahibo dahil first time kong nakakita ng multo. Hindi ako naniniwala rito pero ngayon, parang gusto ko nang maniwala.


"Huwag niyo nang ituloy. May mapapahamak lang." Bulong nito sa akin.


Napatigagal ako sa aking kinatatayuan at parang hindi ko maigalaw ang kahit anong parte ng aking katawan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.


Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at halos mangatog ang aking tuhod dahil isang babaeng nakaitim naman ang nakatayo ngayon sa aking likuran din na nasa bandang kanan.


"Ituloy niyo, mag-eenjoy kayo." Bulong nito at siya'y ngiting-ngiti.


Hindi ako makapagsalita dahil sa dalawang multong nasa likuran ko. Hindi ko alam kung sino ba ang dapat na sundin sa kanila.


Niyakap akong bigla ng babaeng nakaputi at gayon din ang babaeng nakaitim. Hindi ako makahinga dahil sa higpit nang pagkakayakap nila sa aking dalawa.


"Sundin mo ko kung gusto mo pang mabuhay." Pahayag ng babaeng nakaputi.


"Ako ang sundin mo, want to try something new 'di ba? Tutulungan kita riyan." Giit naman ng babaeng nakaitim.


Hindi ko alam na hindi na pala nakasayad sa lupa ang dalawa kong paa at ako mismo'y nakalutang na sa hangin at hirap na hirap huminga.


"Nananaginip lang ako. Nanaginip lang ako." Turan ko sa aking isipan habang nakapikit ang aking mga mata.


"Ahh!" Sigaw ko nang maramdaman kong para akong nahuhulog at bigla na lang akong lumagapak sa sahig.


Continue Reading

You'll Also Like

34.8K 612 10
A Mind Confusing Story > Must remember the DATE and TIME.
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
1.7M 100K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...