The Return of ABaKaDa (Publis...

Par risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... Plus

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 43

50.3K 1.7K 301
Par risingservant

Nagulat talaga ako nang makita ko si Denise. Anong ginagawa niya rito? Invited ba siya? Inanyayahan din kaya siya ni Charlie? Guguluhin na naman ba niya ang mahalagang araw para sa akin? Ang daming tanong na pumapasok sa isipan ko.


Kahit kailan talaga ang hilig niyang sumingit sa amin ni Charlie. Matagal na silang wala ng boyfriend ko pero ayaw niya pa ring magpaawat na landiin ito. Napakakati kasi.


"Hello my dear," malumanay na sambit ni Ate Rochaes.


Tumayo pa talaga si Ate Rochaes sa kaniyang kinauupuan para lang lapitan si Denise at bineso pa ito.


Mukhang mas boto siya kay Denise para sa kapatid niya kaysa sa akin. Ni hindi ko nga ramdam ang presensiya ni Ate Rochaes kanina nung nagkaharap kami. Hindi mainit ang pagtanggap niya sa akin kaya alam ko nang hindi niya ako gusto para sa kaniyang kapatid.


Kung tutuusin, lamang na lamang naman kasi talaga sa akin si Denise. Maganda na, mayaman pa. Siya yung tipo ng babae na kahit saan mo dalhin ay kayang dalhin ang kaniyang sarili. Hindi lang iyon, naglalakad palang siya'y naglalaway na ang mga kalalakihan. Sossy pa kaya kinaiinggitan din ng mga kababaihan.


Na kay Denise na ang lahat. Masasabi kong siya ang "Pantasya ng mga kalalakihan" na hindi nila kayang tanggihan.


"Anong ginagawa mo rito Denise?" Bungad ni Charlie.


Hindi ko maidescribe ang itsura ni Charlie kung natutuwa ba siya na nakita sa pamamahay nila ang ex niya o nagugulumihanan. Para siyang nag-aalinlangan na ewan.


"Ako ang nagpapunta sa kaniya rito Charlie," tugon ng ate niya.


Todo ngiti si Ate Rochaes habang nakahawak sa balikat ni Denise. Tuwang-tuwa naman ang bruhang ex ng boyfriend ko. Nakakainis siya dahil mukhang pinagplanuhan nila ito ni Ate Rochaes.


"Ayaw mo ba akong makita Charlie? Hindi mo ba ako na-miss?" Nakangising sambit ni Denise habang naglalakad sila ni Ate Rochaes palapit sa hapag-kainan.


Hindi ako makakibo rito sa kinauupuan ko dahil hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong sabihin. Nakakahiyang sumingit sa usapan nila lalo pa't bisita lang ako rito.


"Denise, umuwi ka na. Hindi ka kasama rito sa pagtitipon namin. Importante ang araw na 'to para sa akin at para sa girlfriend ko," malumanay na sambit ni Charlie sabay akbay sa akin.


Bumilis bigla ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa ni Charlie. Aaminin ko, kinikilig ako sa tinuran niya.


Nang magkatitigan kami ng boyfriend ko, mas lalo akong kinilig dahil bigla niya akong nginitian. Ayaw niyang maramdaman ko na hindi ako welcome sa pamamahay nila.


"Kung sabagay, magkaklase naman tayo. Lagi tayong magkasama. Pero hindi ako uuwi, dito lang ako," panunuya nito sabay upo sa tabing upuan ng boyfriend ko.


Pinapagitnaan namin si Charlie sa pwesto namin ngayon. Siya sa kaliwa, katabi ang nasa center table na si Ate Rochaes, at ako naman ang nasa kanan ng boyfriend ko.


Ang pangit ng set-up namin. Mas lalo akong na-awkwardan. Napalingon akong bigla sa kinaroroonan ni Ate Rochaes, nakatitig pala siya sa akin at binubuska ako ng kaniyang nakakapanggigil na ngiti. No doubt, ayaw niya nga talaga sa akin. Mukhang si Denise talaga ang gusto niya para sa kapatid niya.


Nagsimula na kaming kumain nang medyo tumahimik na at panandaliang nawala ang tensiyon na bumabalot sa aming apat.


Aabutin ko na sana yung kanin nang biglang kinuha ito ni Charlie at siya mismo ang nagsandok para sa akin.


Kinilig ako roon bigla nang slight. Syempre, palihim na kilig lang. Natutuwa ako dahil pinagsisilbihan ako ng boyfriend ko.


Siya na rin ang naglagay ng iba pang mga pagkain sa aking pinggan habang ako'y nakaupo lang at pinagmamasdan ang maamo ay gwapo niyang mukha at palihim na kinikilig.


Gusto ko na ngang ipadyak ang paa ko sa kilig kaso nahihiya ako sa ate niya at kay Denise. Gusto kong manghampas ng katabi kaso si Charlie lang ang katabi ko't wala nang iba kaya hindi ko msilabas ang tinatago kong kilig.


"Bisita kita baby, kaya pagsisilbihan kita," sambit ni Charlie habang naglalagay ng pagkain sa aking pinggan.


"What? Is this real? Tinawag niya akong baby?" Tanong ko sa aking isipan.


Mas lalo akong kinilig dahil lumabas mismo sa kaniyang bibig at tinawag niya akong baby. Napangisi tuloy akong bigla at kita ko rin sa mukha ng boyfriend ko na tuwang-tuwa siya't nakangisi. I know, kinikilig din siya.


Napadako bigla ang tingin ko kay Denise na nanggigigil sa inis at kay Ate Rochaes na nakakunot ang noo. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil sa itsura nila.


Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain, biglang sumingit itong si Denise.


"Charlie, ito yung paborito mong carbonara oh, nagluto ako para sa 'yo," turan ni Denise.


Yumuko siyang kaunti para kuhanin ang paper bag na nasa gilid niya sabay labas roon ng carbonara na niluto niya raw.


"Wow Denise, mukhang masarap iyan ah. Charlie oh, tikman mo na yung niluto ni Denise para sa 'yo," pahayag ni Ate Rochaes na pilit ipinupush si Denise sa boyfriend ko.


"Mukhang masarap nga iyan pero mamaya ko na titikman, marami pang pagkain dito sa lamesa," malamig na tugon ni Charlie.


"Baby, gusto mo subuan kita?" Dugtong pa niya sabay lingon sa akin.


"Sure baby," pabebe kong tugon.


Tuwang-tuwa ako dahil ang sweet sa akin ngayon ni Charlie. Kita mong buskadong-buskado sina Denise at Ate Rochaes dahil palpak ang kanilang plano. Nakangiti lang si Charlie habang sinusubuan niya ako.


"Baby, gusto mong subuan din kita?" Tanong ko kay Charlie habang inuurat ang dalawa.


"Gustong-gusto baby." Aniya sabay pisil sa aking pisngi at nginitian ako.


Kilig na kilig ako at parang kaming dalawa lang ang naririto. Hindi namin iniisip yung dalawa na mukhang hindi natutuwa sa amin. Masaya kaming nagkukulitan ng boyfriend ko habang masaya kaming kumakain. Walang nagawa ang dalawa kundi manahimik na lang at silang dalawa'y nag-uusap lang nang mahina.


Makalipas ang ilang saglit, nakaramdam ako ng panlalamig sa loob ng kanilang pamamahay. Ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nakakakita o may nagpaparamdam sa aking multo.


"Okay ka lang baby?" Pagbaling sa akin ni Charlie muli nang atensiyon.


Nanginginig ang aking kamay, nangangatog ang aking tuhod, mabilis ang tibok ng aking puso sa sobrang kaba, namumutla ang aking itsura, nanlaki ang aking mata at biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo sa katawan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon.


Isang babae, maganda, makinis ang balat, nanlilisik ang mga mata, poot na poot ang kaniyang aura, nanggigigil, nakakatakot ang kaniyang ngiti, nakakuyom ang mga kamao at basang-basa ang kaniyang kasuotan resulta na rin ng pangingitim ng kaniyang labi na pawang nalugod ito. Nakaupo siya sa hapag-kainan na katapat ko.


Parang tumigil bigla ang oras dahil hindi gumagalaw si Ate Rochaes, Denise at Charlie sa kanilang kinauupuan. Parang kami lang ngayon ng babaeng kaharap ko ang maaaring mag-usap. Hindi ko alam kung ano ang kailangan niya. Dapat ba akong matakot sa kaniya?


"Sino ka?"


Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
5.2K 386 14
One prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the p...
2.5M 92.5K 101
AlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, h...