TLH2: Royal Comeback (Complet...

By empredite

280K 5.4K 195

Book 2 of The Lost Heiress. More

Prologue
TLH2: Chapter 1
TLH2: Chapter 2
TLH2: Chapter 3
TLH2: Chapter 4
TLH2: Chapter 5
TLH2: Chapter 6
TLH2: Chapter 7
TLH2: Chapter 8
TLH2: Chapter 9
TLH2: Chapter 10
TLH2: Chapter 11
TLH2: Chapter 12
TLH2: Chapter 13
TLH2: Chapter 14
TLH2: Chapter 15
TLH2: Chapter 16
TLH2: Chapter 17
TLH2: Chapter 19
TLH2: Chapter 20
TLH2: Chapter 21
TLH2: Chapter 22
TLH2: Chapter 23
TLH2: Chapter 24
TLH2: Chapter 25
TLH2: Chapter 26
TLH2: Chapter 27
TLH2: Chapter 28
TLH2: Chapter 29
TLH2: Chapter 30
TLH2: Chapter 31
TLH2: Chapter 32
TLH2: Chapter 33
TLH2: Chapter 34
TLH2: Chapter 35
TLH2: Chapter 36
TLH2: Chapter 37
TLH2: Chapter 38
TLH2: Chapter 39
TLH2: Chapter 40
TLH2 Chapter 41
TLH2: Chapter 42
TLH2: Chapter 43
TLH2: Chapter 44
TLH2: Chapter 45
TLH2: Chapter 46
TLH2: Chapter 47
TLH2: Chapter 48
TLH2: Chapter 49
Epilogue
Special Chapter
Author's Note
Special Chapter 2

TLH2: Chapter 18

6.8K 144 0
By empredite

Erin's POV

My eyes moved to my mom then to Ivan. Then to Ivan to mom. Kung nagsasalita lang ang mga mata, sasabihin nito nahihilo na siya. Kanina pa kasi ako palipat-lipat ng tingin kay Mommy at Ivan. Hindi ko alam kung anong mayroon kay Mommy at bakit parang nagkakapalagayan na sila ng loob ni Ivan. I don't know what they have talked about earlier. It's very odd in here and awkward. Ito namang si Ivan, ewan ko ba kung anong pumasok sa utak nito and he accepted my mother's invitation to dinner.

Nalipat ang tingin ko kay Alice at Serene na tahimik lamang kumakain sa harap namin. Magkatabi kami ni Ivan and I can't help but roll my eyes. Sa akin pa talaga tumabi itong kumag na 'to. Nakakapanibago ang kinikilos nang dalawa na 'to. Especially, Serene. I'm not used to her being this so quiet. Bumalik muli ang tingin ko kay Mommy nang tumawa ito. My brow raised. What is happening in here? Mayroon talaga akong nararamdamang kakaiba tungkol sa pag-uusap nila kanina habang wala pa kami.

Biglang pumasok sa isip ko si Ivo. Alanganin akong napatingin sa itaas. Baka magising na ito at siguradong hahanapin ako no'n. Sana lang wag ito magpumilit na bumaba. Palihim ko namang pinadalhan ng pagkain sila ni Yaya Faye kay Marie kanina para du'n na sila kumain. Sana lang 'wag maglikot si Ivo. At kapag nangyari 'yun, tapos na ang pagtatago namin. At ang pinaka-kinatatakutan ko ay 'yung kunin siya sa akin ni Ivan. Thinking about it makes my heart ache and burns my eyes.

Nakaramdam ako ng init sa mga kamay ko at nang tinignan ko ito at nangunot ang noo ko. I looked at him pero nakikipag-usap pa din siya kay Mommy. Bumalik ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. May kataasan yung dining table namin kaya walang nakakakita sa ginagawa ni Ivan sa akin. Ano naman problema nito at hinawakan pa ako sa kamay nito?

I was about to take my hand back nang bigla namang hinigpitan nito ang kapit niya sa kamay ko. Lalo akong nangunot ng noo. Anong bang gusto nito? I tried pulling my hand again and again pero mas malakas siya sa akin at ang tibay nang hawak niya sa akin, ha. Trip ba ako nito? Huminga ako ng malalim at inipon ang lahat ng lakas ko at muling hinila pabalik sa akin yung kamay ko. Nagtagumpay naman ako pero biglang nanlaki yung mga mata ko when he intertwined our fingers and held it tight again. What the hell!

Walang kung anu-ano that I felt something inside beating so loudly and I can feel my cheeks heat up. Napatitig ako sa mga kamay namin at parang tumigil yung mundo ko. Oh my gosh! What is this that I'm feeling? No, no. Agad kong sinuway 'yung sarili ko. Iniangat ko yung ulo ko at laking gulat ko nang biglang magtama yung mga mata namin. Tinaasan ko ito ng kilay and mouthed the words 'What's your problem?'. He furrowed his brows and mouthed 'Eat' pagkatapos ay binalik niya ang tingin niya sa kinakain niya at nagsimulang kumain muli. How can he eat when he's holding my hand?

I rolled my eyes. Ivan can be despicable sometimes! Napatingin naman ako sa pagkain ko. I haven't touched it since we were seated here. Naguguluhan at naninibago kasi ako sa kinikilos ng mga tao sa bahay ngayon. I didn't expect this kind of scenario.

"Erin, why aren't you eating? Don't you like the food?"

Mom caught my attention at agad akong napatingin sa kanya. Sa gilid ko, alam kong nakatingin si Ivan sa akin at hawak hawak pa din niya yung kamay ko. How can I eat when he's holding my hand? Hindi ko din minsan maintindihan utak nitong lalaki na 'to.

"No, Mom. I'm just.. I'm just not hungry."

Naramdaman kong humigpit ang hawak sa akin ni Ivan.

"Maybe you're just tired. Sige na, anak you take a rest."

I can see something in Mom's eyes and I know what it is. Alam niyang inaalala ko si Ivo. Nagpapasalamat naman ako at napansin ni Mommy na hindi ako kumakain. Besides, wala akong gana. At totoong pagod lang ako. Pakiramdam ko nabigla yung katawan ko sa mga nangyayari ngayon. I excused myself pero laking gulat ko ng tumayo na din si Ivan. Mabuti nalang hindi na niya hawak yung kamay ko.

"Mrs. Sanders, I had a lovely dinner with all of you but I'm afraid I have to go."

Kahit si Mommy ay nagulat sa biglang pagtayo ni Ivan pero napalitan naman agad ito ng pag-ngiti niya.

"I see. I'm glad that you enjoyed it. Well then.."

Tinignan ako ni Mommy. Oh no.

"Erin, why don't you lead Ivan outside?"

I gulped. Sinasabi ko na nga ba. I secretly rolled my eyes. Why now, Mom?! I looked at Ivan and there's a goofy smile on his face. "Tara na?" Lalo namang lumapad ang mga ngiti nito.

"I have to go, Mrs. Sanders. Thank you again." Sabi nito at nakipag-beso pa ito kay Mommy.

"I would be expecting you to call me Tita Charmaine soon, okay? Take care, hijo." Mom said.

He nodded his head and he turned his sight to Alice and Serene. "Bye, girls."

Alice wryly smile habang si Serene naman ay inirapan siya nito. Napa-iling nalang ako. Serene never change.

"Go on you two. Gabi na din. Delikado na sa daan." Mom said.

Nagsimula na akong naglakad palabas ng dining room at naramdaman ko namang nakasunod sa akin si Ivan sa likod ko. Our footsteps is all that I can hear. At himala namang tahimik lang itong si Ivan. Pakiramdam ko ang awkward pa din hanggang ngayon. Hindi ko naman ineexpect na ganito. And the fact that ang bilis masyado ng mga nangyayari.

Pero kanina halos lukubin ng kaba ang buong pagkatao ko ng malamang nasa bahay si Ivan. I panicked that time. I wasn't prepared. Mabuti nalang at tulog si Ivo at hindi ito naglikot. At mabuti nalang talaga napansin ko 'yung kotse ni Ivan sa labas. Kung hindi, sa front door kami papasok at makikita na niya ang matagal ko nang tinatago sa kanya. There's no doubt that he'll not recognize Ivo as his son.

Nasa tapat na kami ng front door. I inhaled deeply bago hinarap si Ivan. Nagtama ang mga mata namin at tinaasan ko naman agad ito ng kilay.

"What do you think you were doing?"

He looked at me innocently. "Do what?"

"Holding my hand without my permission."

Bigla naman nagbago ang expression sa mukha nito. There's a grin on his face. Ano bang nangyayari dito at panay ang ngiti? Baliw na ba 'to?

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?"

Lumawak naman lalo yung ngiti niya.

"You're blushing."

Nanlaki yung mga mata ko at napahawak ako sa pisngi ko. At oo nga, ang init ng mga pisngi ko. Ugh! Ano ba 'to?

"I'm not! Mainit lang dito."

He smirked. "Yeah, right."

Inikutan ko ito ng mga mata at tinalikuran na ito. This man is obviously trying to tease me. Pinihit ko yung door knob at bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. I can't believe that it's almost Christmas. Lumalamig na ang panahon.

Hinarap ko si Ivan. "You can go now."

Ivan is just staring at me and I feel conscious. Ayan nanaman yung mga tingin niyang para akong hihimatayin. Umiwas ako ng tingin dito. "Ivan, ano ba talaga ang ginagawa mo dito?"

He took a step towards me. "I told you, I wanted to see you."

"Why? I mean, why are you doing this?"

"Because I want you back."

Napahigpit ang hawak ko sa doorknob. Hindi ko akalain magiging straightforward itong magsasabi. I can hear my heart beat.

"Para saan pa? Ivan, what happened between us was over. Move on."

"I want you back. I want us to start over again. Eunica, ikaw lang ang kailangan ko at kakailanganin ko. And I don't give a damn if fate keeps on playing around with us like this."

Umiling ako. "Hindi mo ba naisip na kaya nangyari ito sa atin ay dahil hindi talaga tayo para sa isa't-isa?"

Hindi ko alam pero para akong sinasaksak nung sinabi ko ang mga salitang iyon.

"I don't give a damn about it. Wala akong pake sa sinasabi ng iba. Hindi nila alam ang nararamdaman ko sa'yo. Eunica, please just give me another chance."

Gusto kong maniwala sa mga sinasabi niya pero may isang parte ng utak ko ang ayaw tanggapin ang mga sinasabi niya. I know that he's doing this para bigyan ko pa siya ng second chance pero will it be worth it? Maraming taon na ang lumipas. Kung gusto niya akong bumalik sa kanya, matagal na niya akong hinanap pero ni-anino niya ay hindi ko na nakita. Kaya siguro ay hirap akong paniwalaan siya ngayon.

"Ivan, just stop. Simula palang naman hindi na tayo bagay, secretary mo lang ako at boss kita noon. What happened to us was impossible."

Lumapit na nang tuluyan sa akin si Ivan at hindi ko maiwasang tumingala sa kanya. "D-Don't say that. Tulad nga ng sinasabi ko, wala akong pake sa sasabihin ng iba. Eunica, I love you. God knows how much I love you! Ikaw lang ang nagpabago sa akin. Ikaw lang."

Napayuko ako. Bakit ba nagiging ganito si Ivan? Hindi ko siya maintindihan na, eh.

"Huwag mo nang pahirapan yung sarili mo, Ivan. Tanggapin mo nalang kung ano tayo ngayon. Huwag mong sayangin yung oras at panahon mo sa akin. Ivan, we're done. Our story already ended."

"Why do keep on saying that? Hindi mo ba nakikita? Eunica, mahal na mahal kita. Kung kinakailangan na lumuhod ako, luluhod ako bigyan mo lang ako ulit ng isa pang pagkakataon."

Tumingala ako sa kanya dahil pakiramdam ko tutulo yung mga luha ko. Our eyes met and I can see that pain in his eyes. I don't know what to feel anymore. Nahihirapan ako sa sitwasyon namin at the same time, nahihirapan akong makitang nasasaktan si Ivan. Because I know that his eyes never lied to me. Never.

"I-Ivan, pleas --"

"Bakit? Dahil ba kay Ivo? Dahil ba sakanya kaya sinasabi mo sa akin ang lahat ng 'to, ngayon?"

Nanigas ang buong katawan ko. Marinig ko lang ang pangalan ni Ivo mula kay Ivan para akong pinagbagsakan ng isang malaking bloke ng yelo. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I feel like all of my blood went down to the ground. Ang lakas din ng tibok ng puso ko. Nanuyot ang lalamunan ko that's why I can't find the right words to say. Paano niya nalaman ang tungkol kay Ivo? Nakita niya ba kami kanina? Hindi maaari. I can feel my body shaking.

"W-What? Paano mo nakilala si Ivo?"

Please don't tell me you already knew about our son.

"Serene told me that you went out with him. Tell me, Eunica. Who's that goddamn Ivo? Siya ba ang dahilan?"

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Oh my God, Serene!

"What did she said about Ivo?"

Please don't tell me, nadulas nanaman si Serene. Sana, sana walang sinabing kung anu-ano si Serene tungkol kay Ivo.

Imbis na sagutin ako ni Ivan ay hinawakan ako sa magkabilang balikat nito and lowered himself to me. "Eunica, are you okay? You're shaking."

Napalunok ako. "Just tell me, Ivan! What did you know about Ivo?"

Kita kong naguguluhan ito sa inaakto ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, I'm panicking! What if alam na niyang anak namin si Ivo? What if kunin na niya sa akin ngayon si Ivo? What if hindi na niya ibalik si Ivo? I'm full of what ifs right now! Goddamn it, Ivan! Speak!

"Calm down, Eunica. Please, baby calm down." Malumanay na sabi nito.

Hinaplos niya ang mukha ko. Naguguluhan ako sa ginagawa niya. He closes his eyes as I watch him getting closer and closer. Napapikit ako at nagulat ako ng pinagdikit niya ang mga noo namin. Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali! Ayaw naman magsalita ni Ivan, eh!

"Breathe, Eunica."

His voice is mellow and soft. At hindi ko alam pero unti-unti kong nararamdaman ang pagkalma ko. My thumping heart slowly turns to its normal beat. I'm panting because of adrenaline rush. Natakot ako. I unconsciously closed my eyes and let my nerves down. Hindi dapat ako magpanic. Wala pa namang sinasabi sa akin si Ivan tungkol sa nalalaman niya about kay Ivo. Sana lang, iba ang alam niya. Iyon nalang ang pinaghahawakan ko ngayon. I felt his lips on my forehead.

"Feeling better?"

Napadilat ako at agad na umiwas sa kanya. Tumango ako dito. It's amazing how he handled me like that.

"I think you should go."

"I know nothing about Ivo except that he was with you ealier. I'm jealous, Eunica. And you know me when I'm jealous. I'm sorry if you were shaken about it."

A pang of guilt rushed through me. Siya pa ang nag-sorry sa akin dahil sa inakto ko. Panicking is really not good. Huminga akong malalim.

"No, I'm sorry for what I have acted. N-Nabigla lang ako. I-I panicked."

Mataman akong tinignan ni Ivan. Kilala ko siya kapag ganyan siya makatingin. At ito nanaman ako, kinakabahan nanaman. Stay calm, Erin. Stay calm.

"Eunica, be honest with me. Who really is Ivo?"





AN: Sorry guys for the long wait and for this update. Been doing a lot of things, bawi next UD. :)

Continue Reading

You'll Also Like

199K 3.1K 20
I was a mess, the unwanted child. A girl who tried her best to be on top but still failed. I failed as a daughter as well as a person. Welcome to the...
256K 5.3K 71
walang genius-genius,walang logic-logic pag dating sa pag ibig,lahat tayo ay may pinagdadaanan ang mahalaga ay may puhunan.
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
49.4K 998 13
Don't take anyone for granted because no-one knows one day you'll going to regret it... Highest rank - #1 in Dying - #8 in Mother - #2 in Sadstory