The Return of ABaKaDa (Publis...

By risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... More

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 42

55.1K 1.9K 236
By risingservant

Ngayon na ang araw na kung saan ay ipapakilala ako ni Charlie sa ate niya. Oo may takot, marahil mukhang terror nga ang ate nito. Though, kailangan ko pa ring magpakatatag para hindi niya mayurakan ang pagkatao ko.


Habang nasa biyahe kami, hindi ko maiwasang lamigin ang aking mga kamay dulot ng kaba. Alam kong pansin ito ni Charlie dahil habang nasa biyahe, magkahawak ang aming kamay.


Kinikilig nga ako kasi habang nagmamaneho siya'y susulyap siya sa akin at ngingiti tapos balik muli ang tingin sa daan. Alam niyo yung pakiramdam na yung kaliwang kamay niya ay gamit niya sa pagmamaneho at ang kanan nama'y nakahawak lang sa kaliwa kong kamay. Grabe lang, parang gusto kong himatayin sa kilig lalo na sa tuwing sumusulyap siya't ngingiti bigla.


"Huwag kang kabahan kay ate, hindi naman nangangain ng tao iyon. At isa pa, kasama mo ko't wala kang dapat na ipangamba." Aniya nang makaliko kami sa isang kanto.


Napangiti naman ako dahil sa tinuran niya. Idinako ko tuloy ang aking tingin sa may bintana para hindi niya mahalata.


Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa bahay nila. Nandito palang kami sa labas ng gate ay namangha na ko dahil sa laki ng bahay nila. Habang umaandar nang dahan-dahan papasok ang sinasakyan namin, nadungaw lang ako sa may salamin at pinagmamasdan ang paligid.


Tahimik masyado sa kanila at payapang-payapa ang mga paligid. Marami kang makikitang halaman sa paligid kaya ang gaan sa pakiramdam. Buhay na buhay ang mga bulaklak at halatang alagang-alaga.


Nang huminto ang sinasakyan namin, naramdaman kong medyo dumiin ang hawak ni Charlie sa kamay ko kaya naman napatingin ako agad sa kaniya. Nakangiti ang loko na para bang tinutuya ako kaya naman medyo napakunot ako ng noo.


"Nandito na tayo," aniya at binuksan ang pintuan sa gilid niya bago bumaba.


Bababa na sana ako dahil may pagtatangka na akong buksan ang pinto kaso pinigilan niya ako.


Nang pagbuksan niya ako ng pinto, agad naman niyang iniabot ang kaniyang kanang kamay para alalayan ako pababa.


Kinikilig ako sa ginagawa niya kasi pakiramdam ko'y isa akong prinsesa na napakahalaga. Yung feeling na bawat kilos ko ay dapat nakaalalay siya. Iniingatan ako dahil ayaw akong madumihan ni masaktan.


"Welcome to my house," mahinahon niyang sambit at hinalikan ang aking kamay matapos kong makababa sa sasakyan.


Para akong nananaginip dahil mukhang natagpuan ko na si Prince Charming. Wala na akong hihilingin pa sa tuwing kasama ko siya.


Naglakad na kami patungo sa pintuan ng kanilang bahay. Hihimatayin yata ako sa kilig kasi nakaangkla pa ang aking kamay sa kaniyang braso. Talagang pinaparamdam niya sa akin na safe ako at walang dapat na katakutan.


"Maligayang pagdating Sir!" Bungad ng isang babae na medyo may katandaan na rin. Marahil siya ang katiwala nila rito.


Ngumiti lang dito si Charlie at naglakad na papasok.


"Hello po," bati ko kay Manang nang madaanan ko siya. Tanging ngiti at tango lamang ang iginawad niya sa akin.


Nang makarating kami sa loob, namangha ako dahil sa linis at laki nito. May mga painting pang nakasabit sa pader na animo'y nagbibigay kulay sa tahimik nilang bahay.


Kung iyong papansinin kasi, halos kulang puti at transparent lang ang mga bagay at gamit nila sa bahay. Hindi maabubot pero malakas ang dating nito.


"Upo ka muna riyan, iihi lang ako." Segunda ni Charlie nang makaramdam siya ng pananakit ng pantog.


"Okay. Bilisan mo lang ah?" Sambit ko nang malumanay dulot ng kaba.


"Opo," turan niya sabay halik sa aking kanang pisngi bago binaybay ang daan patungong banyo.


Naupo muna ako sa may upuang malapit sa akin. Pagkaupo ko, medyo nawala na yung tense ko.


"Hooo!" Pakawala ko nang isang mabigat na buntong-hininga.


Maya-maya pa, nakarinig ako nang yabag na nanggagaling sa may hagdan. Senyales na mayroong bumababa rito.


Bumilis na naman at tibok ng aking puso dulot ng kaba. Para akong hinahabol ng kung ano dahil may namumuong pawis pa sa aking noo. Napayuko na lang akong bigla dahil natatakot ako.


"So, ikaw pala ang bagong nobya ng kapatid ko." Bungad ng isang tinig.


Ang ganda ng boses niya. Babaeng-babae. Para bang nang-aakit pero hindi ito matinis.


Itinaas ko ang aking ulo para masilayan siya. Gayon na lamang ang pagkahanga ko sa kaniya dahil ang ganda niya grabe. Modelong-modelo ang kaniyang dating. High class pa at eleganteng-elegante ang suot niyang dapat na kulay puti. Tapos ang kaniyang sapatos naman ay nakamamatay sa sobrang taas ng takong.


"A-ahh e-ee o-opo..." utal kong sagot dahil nakapameywang siya sa aking harapan.


Hindi ko alam kung sinisindak ba niya ako or what kasi nakataas ang kanan niyang kilay ay wari mo'y kinikilatis ang buo kong pagkatao nang tingnan niya ako simula ulo hanggang paa.


Nagulat ako kasi naglakad siya patungo sa aking likuran at parang walang tigil siya sa pagsipat sa aking katauhan.


"Alam mo, maganda ka naman. Kulang ka lang talaga sa pag-aayos." Dugtong pa niya nang muli siyang makabalik sa aking harapan.


"S-salamat po..." Paimpit kong sagot habang nakayuko.


Hindi ko siya matitigan dahil natatakot ako sa talas ng kaniyang mata. Pakiramdam ko, ayaw niya talaga sa akin at may kakaibang presensiyang bumabalot sa kaniya. Ayaw ko namang pangunahan si Charlie pero sa tingin ko, mukhang tama sila. May attitude nga yata talaga ang ate nito.


"Ate Rochaes!"


Isang sigaw ang nagpawala nang aking kaba. Nakita ko si Charlie na masayang papalapit sa amin.


"Charlie!" aniya sabay salubong sa kaniyang kapatid at mahigpit na niyakap.


"Ate, ipapakilala ko sayo ang aking nobya, si Morixette." Bungad ni Charlie rito at nilapitan ako.


Napatayo ako bigla sa aking upuan dahil niyaya ako ni Charlie palapit sa ate niya.


"Nice to meet you, Morixette." Segunda niya sabay yakap sa akin at bineso ako.


"Mabait iyan, si Ate. Kaya huwag kang mahihiya sa kaniya." Pahayag ni Charlie habang nakatingin sa akin at ginawaran ko siya ng isang ngiti.


"Welcome sa bahay namin Morixette. Tawagin mo na lang akong Ate Rochaes, pronounce as 'ro-kaye' okay?" Dugtong pa nito.


"Opo, Ate Rochaes. Salamat!" Tugon ko naman kahit medyo na-awkwardan ako sa pakikitungo niya sa akin.


"Nakahanda na nga pala ang pagkain. Halika na kayo, baka lumamig." Yaya ni Ate Rochaes at tinungo agad ang kitchen.


"Tara na?" Tanong ni Charlie kaya naman um-oo na lang ako.


Pagkarating namin sa may kitchen, bumungad ang maraming pagkain. Talagang naghanda pa sila. Sa tingin ko, hindi namin mauubos ang lahat ng ito. Iba talaga kapag mayaman ka.


Uupo na sana ako nang pigilan na naman ako ni Charlie.


"Ako na," sambit niya at inasog ang upuan para makaupo ako. Kinilig na naman ako dahil sa ginawa niya.


"So, let's eat!" Turan ni Ate Rochaes sabay plasta ng pekeng ngiti sa kaniyang mukha.


Kumukuha palang kami ng pagkain nang isang yabag ang narinig namin patungo sa aming kinaroroonan.


"Surprise!"


"Denise?!"




Continue Reading

You'll Also Like

5.3K 397 14
One prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the p...
Runaway By Reynald

Mystery / Thriller

64.4K 2.5K 13
Maayos na pagkakaibigan, masayang samahan. Ganyan ang turingan nila sa isa't isa. "J-Jessica napatay natin si Mica" Isang pangyayari ang gugulo sa mg...
974K 46K 35
Sixteen-year-old Agatha, a famous author and high achiever in school, had everything to live for. That's why when she jumps to her death, her best fr...
55.6M 1.7M 53
Having enhanced senses cannot help one earn a living. A useless special ability--or at least, that's what Shia Sheridan believes. But when she is cau...