When I Chase (When #1)

Av kissmyredlips

2.6M 67.5K 8.3K

She hates it when he gets cold and bosses her around. She hates him for always being there to stop her in her... Mer

Prelude
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Final Chapter
Epilogue

Chapter Six

70.6K 1.8K 286
Av kissmyredlips

Tomorrow's the first day of second semester. I was bummed and thrilled at the same time. Pagkatapos ng semester na ito, summer gvacation na. Then I'll be officially a fourth year student. In a year and a few months, I'd be graduating. I'd be done with school and I'll be working in our company. Wala pa akong plano sa ngayon, but I want to travel.

Next year, I'd be twenty-one and in my books, masyado pang bata iyon para maging abala sa kompanya namin. I want to travel for a year... or two. I know I can convince my father about that. Sabihin ko lang sa kanya na tatanggapin ko ang kahit anong position ang ibigay niya sa akin sa company, I know he'll say yes. He'd always been keen on making me learn the word 'responsibility'.

At isa pa, I'm still not giving up the idea of singing. Kapag naabot ko ang pangarap kong iyon ay alam kong hindi ito ipagkakakait sa akin ni Daddy. He knows that my mother would support me if she was still alive.

My father wasn't the controlling type. He doesn't dictate what I do. He disciplines but he never caged me like some bird. He gives me rules but still gives me my rights. Kahit na pinapagalitan at pinagsasabihan niya ako ay kailanman hindi ko magagawang magalit sa kanya. I know he's just trying to be a father to me. He wants what's best for her only daughter.

"Fall, pass the chips please." narinig ko ang boses ni Johan na nakapagpabasag ng pag-iisip ko.

I was distracted kaya imbis na ngumiwi at kumontra ay inabot ko ang chips mula sa lamesa at tumayo para tumungo sa gilid ng pool at ibinigay iyon sa kanya. Bago ko pa mabasa ang nasa isip niya ay huli na ang lahat.

Ngumisi si Johan at inagaw ang junk food mula sa akin at ibinaba iyon sa gilid ng pool bago ako hinila sa tubig. Isinara ko ang bibig ko at tumigil sa pag hinga nang bumagsak ako sa tubig. Narinig ko ang sigaw at tawanan ng mga kaibigan ko at si Johan naman ay ligalig na humalakhak.

Nang makabawi ako sa ilalim ng tubig ay hinawi ko ang buhok na dumikit sa mukha ko at huminga ng malalim. Itinaas ko ang dalawang kamay ko at ibinigay ang nararapat sa kanila. "Muck you!!"

It only made them laugh harder. I groaned and then grimaced at my shirt. It was now drenched with water and was clinging to my body. Iritadong hinubad ko iyon at inilagay sa gilid ng pool. Naiwan ako sa shorts na suot ko at asul na bikini top.

"Ang lalim naman kasi ng iniisip mo. We're here to enjoy the last day... night of sem-break, remember?" rinig kong sabi ni Maia na nagpapalutang sa malalim na bahagi ng pool.

Sinundo nila ako sa bahay kanina para mag swimming at sleep over sa bahay nila Rio. Ipinagpaalam nila ako kay Logan at hindi naman mahirap mapapayag si Logan as long as nagpapaalam ako sa kanya ng maayos.

It's a good thing that Dad wasn't home from his another business trip until tomorrow. At dahil hindi magtatama ang oras naming dalawa ay hindi niya ako mapapagalitan sa hindi ko pagpunta sa dinner. Thank God.

"Just worried. Wala akong kasama sa vacant ko bukas." hinawi ni Noelle ang tubig kaya tumalsik iyon sa mukha ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ngumiti lang siya sa akin.

"Vacant lang yon. You'll live." inabot ni Nikolai ang ibabaw ng ulo ko at tinapik-tapik iyon. Hinawi ko naman palayo ang kamay niya at lumangoy palayo sa kanya.

"I'm really excited for next week though." nakangiting sabi ni Rio. Napangiti din si Maia at nang magsimula na silang magkwentuhan para sa plano ng grupo sa susunod na linggo ay sumisid na ako.

Nang umaga ay sabay-sabay kaming pumasok. Sa hapon ay may plano kaming tumambay sa condo ni Noelle dahil iyon ang pinakamalapit sa campus. We wished each other luck for today before parting ways. Magkakaiba ang building namin para sa unang klase, sadly.

Natapos ang dalawang subjects ko nang wala akong ginagawa. Hand outs were distributed and I barely listened to my professors. May kakilala ako sa parehong subjects na naging kaklase ko na dati. I'm thankful for it. Hindi ako mahihirapan na makahanap ng kasama kapag may group work.

"Fallon, saan ka?" tanong ni Feliz nang i-dimiss na ng professor namin ang klase. Nakatayo na siya kasama ang mga kaibigan niya na hindi ko kakilala. Kaklase ko si Feliz last semester sa dalawang subjects. May mutual friends kami at ilang beses na rin kaming naging magkaklase nitong nakaraang taon pero hindi kami ganoong close.

"Vacant ko na. Ikaw?" I peeked at my phone and just noticed that we were dismissed earlier.

"May next class pa ako, e. Tuloy-tuloy ang sched ko para maagang makauwi. May makakasama ka sa vacant mo?"

"Wala, pero okay lang." bahagyang tumawa ako. "May pupuntahan pa ako. See you again."

Tumayo ako para magpaalam. Bumeso ako kay Feliz at kumaway sa mga kaibigan niya bago umalis ng room. Habang palabas ng building ay may ilang bumati sa akin at kumaway. Naging kaklase o di kaya ay kilala ko ang iba sa kanila, ang iba naman ay hindi pero mukhang kilala nila ako kaya ngumingiti na lang ako pabalik.

Natigil ako sa pag-iisip ng gagawin sa free time nang may makita akong pamilyar na lalaki mula sa malayo. Kalalabas niya lang mula sa office ng institute ko. He had a phone near his ear and he was stoic as he talked to someone.

Hindi nakawala sa tingin ko ang mga studyante na dumidikit ang tingin sa kanya habang naglalakad. I can't blame them. He looked so damn hot that it will make you feel unworthy to look at him. He was wearing a suit that hugged his body and his appearance shouted business... and other things.

"Grant!" pag tawag ko sa atensyon niya. Isang sigaw pa lang ay nahinto na siya sa pagsasalita. Tumigil siya sa paglalakad at hinanap ang tumawag sa kanya. Pinadali ko ang buhay niya at lumapit na para makita niya ako.

May ngisi sa labi ko habang siya naman ay bahagyang nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin na papalapit sa kanya. He kept his phone away.  I ended up grinning harder when I finally reached him.

"Seriously, are you stalking me? Dapat na ba akong mag file ng restraining order?"

Grant scowled. "Don't flatter yourself."

Sungit. I pouted.

"What are you doing here then?"

"Business. I used to study here." his short answer made me gasp.

"Really? Anong course?" tiningnan niya ako gamit ang malalamig niyang mga mata. He's trying to scare me off with his cold personality. I almost wanted to scoff at him. I'm too much hot to be bothered.

Finally, he sighed when he realized I wasn't going to back down. "Business Administration."

Nanlaki ang mga mata ko at matapos ay hindi mapigilan ang malaking ngiti sa mukha. "Ako rin! Grant, do you know what this means?"

He didn't take my bait and ignored my question. I still smiled and told him anyway. I pointed at myself and him simultaneously. "We're soulmates!"

Grant looked at me like I was insane. I just grinned at him. He shook his head at me before turning around to leave. He's done with me, well, I'm sorry but I'm not done messing with him. Sumunod ako sa kanya at sinabayan siya sa paglakad.

"Samahan mo ako sa mall." pag-aya ko.

"I have work." he coldly replied.

"Samahan mo ako sa mall." ulit ko. Hindi ako nilingon ni Grant pero nag buntong hininga siya. I so badly want to grin.

"Where are you friends?" he asked with a hint of irritation in his voice.

"May class silang lahat tuwing vacant ko ng Wednesday. Magkakaiba ang courses namin but our schedules are in sync during Monday, Friday, and Saturday." I offered the information. "Hindi ka ba naawa sa akin? Wala akong kasama. I'll be eating alone. Malungkot kumain ng mag-isa, Grant."

Hindi niya ako pinansin pero hindi ako tumigil sa pagsunod sa kanya. May sasabihin pa sana ulit ako nang may tumawag ng pangalan ko mula sa malayo. I saw a group of guys. Kilala ko sila sa mukha. Nakalimutan ko na ang mga pangalan nila pero madalas ko silang nakikita sa bawat party na pupuntahan ko.

"Hey, Fall!" a guy charmingly smiled at me.

"Hi!" kumaway ako sa kanya.

"May class ka?" tanong niya nang magkasalubong na kami. Tuloy-tuloy lang si Grant sa paglalakad. I don't want to be rude kaya huminto ako para kausapin ang lalaki. I would chase Grant after.

"Wala. Free time ko." nakangiting umiling ako.

"O, talaga? Where are your friends? Sila Johan?"

I frowned. "May mga klase sila. So, I'm sad and alone."

Biglang lumiwanag ang mukha niya. He looked like he'd just received an early Christmas present. Halos masilaw ako sa pagkislap ng mga mata niya. "Free time din namin. You can hang out with us if you want?"

My frown disappeared and I was immediately grinning. Finally!

"Talaga? Sig—" naputol ang sinabi ko nang may biglang humawak sa kamay ko. I was surprised but even more surprised when I realized that it was Grant.

"Let's go." he harshly said before pulling me with him. Tiningnan ko ang mga lalaking kausap ko kanina at nakita ang pagkagulat sa mga mukha nila, lalo na ang kausap ko.

"Sorry!" pahabol ko bago kami makalayo. Grant squeezed my hand and that made me look away from the guys and walk beside him. Hindi niya pa rin binitawan ang kamay ko kahit na nakalayo na kami mula doon.

"Who are those guys?" he sounded annoyed. Palagi naman ata.

"Uh... I don't know." sagot ko. Napatingin si Grant sa akin, may galit sa mga mata niya. Umangat ang isang kilay ko.

"You don't know and yet you'll go with them?"

"Nakasama ko na sila sa parties. They're familiar." I shrugged. "Besides, they were nice to me. I'm just returning the favor."

Binitawan niya ang kamay ko at pinatunog ang sasakyan niya. Pinanuod ko ang pagkuyom ng panga niya at ang pagpindot ng car key. Bago pa ako makapasok ay may tumawag ulit sa pangalan ko. Mga architecture students iyon na kaibigan ni Nikolai at Johan kaya kaibigan ko na rin.

"Uy!" ngumiti ako sa kanila. Hindi ko pinansin ang pag tingin nila sa lalaking katabi ko na may halong pagtataka. They waved goodbyes and Grant took a sharp breath that made me look at him.

"Are you always so... friendly?" he looked at me like I was a foreign object. And maybe I was. He's cold and he intimidates people. Siguro ay bago sa kanya ang katulad ko na kulang na lang ay koronahan ng Miss Congeniality.

"Of course." nang kumunot ang noo niya sa akin na parang hindi niya ako maintindihan ay napasimangot ako. "What's wrong with being friendly?"

Inabot ko ang car door para pagbuksan ang sarili ko. Mas lalo lang akong tinitigan ni Grant sa ginawa kong iyon. Hindi na ako umasa pa na sasagutin niya ang tanong ko kaya pumasok na lang ako sa loob ng sasakyan.

Hindi niya ako kinausap nang makapasok siya sa loob. He didn't bother asking me where I wanted to go. Dumiretso lang siya sa mall na malapit sa University. Hindi pa rin siya nagsalita kahit na nakahinto na ang sasakyan niya sa car park.

I removed my seatbelt and got out of the car as soon as Grant turned off the engine. Sumunod naman siya sa akin sa paglalakad nang ma-secure na ang sasakyan niya. I'm craving for anything that's chicken meat. Kaya naglakad ako patungo sa KFC.

I told him what I wanted. Bukod sa rice meal ay dinagdagan ko ng iba pa ang orders ko. Inabot ko ang pera ko sa kanya pero hindi niya iyon tinanggap. He brought out his wallet and handed the staff his card. I didn't argue. Hindi ako tumatanggi sa libre.

The tables were mostly occupied. Sa sulok kami naupo na table. Pang dalawahan lang iyon. It was narrow but I don't mind. I think Grant does though. He looked irritated.

"So, how old are you, Grant?" tanong ko sa kalagitnaan nang pagkain namin. Napatitig siya sa akin. Tinitigan ko rin siya pabalik at nag subo ng rice at strip ng chicken sa bibig ko.

"Twenty-four." sagot nito. Hinintay ko na tanungin niya rin ako pabalik pero mukhang wala siyang balak.

"Well, I'm twenty. Thanks for asking." umirap ako. Wala siyang naging reaksyon. Damn it. I've never encountered someone so... frustrating. "Where do you work?"

"De la Fuente enterprise." tipid na sagot niya. I don't even know why I bothered asking. Hindi naman ako pamilyar sa corporate world. Tumango na lang ako at inabot ang iced tea para makainom. Napahinto ako sa kalagitnaan nang pagsubo ng straw.

"Wait. Grant De la Fuente... Oh, your family owns it then?" I finally sipped on my drink. "Ano naman ang posisyon mo?"

"COO." he casually answered. Nasamid ako sa iniinom ko at agad na inabot ang tissue para punasan ang bibig ko. Walang kahit anong emosyon sa mukha niya.

"Seriously?" I gaped and looked at him with intent. Kalmado naman siyang kumakain at mukhang walang paki sa paninitig na ginagawa ko. "You must be really good to earn that position."

Grant looked at me for a second, like he was trying to read me. Nang wala akong naging ibang reaksyon ay nag kibit balikat na lamang siya.

Matapos kumain ay naglakad-lakad muna kami. Ayaw ko nang mag tanong sa kanya ng kahit ano sa takot na baka maisipan niya biglang umalis at mawalan ako ng kasama. I tried. I tried so hard to keep my mouth shut but I can't last another minute without saying a word. Hindi ako sanay.

"I added you on facebook." I said, almost flippantly.

"You cyber stalking me?" nag taas ng kilay sa akin si Grant at napairap ako.

"Your profile's private. Hindi pa tayo friends kasi hindi mo pa ako ina-accept." I sounded offended because I was. If I sent myself a friend request, I would immediately accept it. Ang ganda ko kaya sa profile picture ko!

My eyes wandered else where. Tumama agad ito sa isang bake shop. Napahinto ako. Hinawakan ko si Grant sa braso para huminto rin siya. I grinned. "Wait here!"

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at pumasok sa loob ng shop. I eyed the sweet treats with hunger and desire but my eyes halted at the yummy looking cupcakes. Bumili ako ng dalawa. Hindi ko na iyon ipinalagay sa kahon at binitbit na lang gamit ang dalawa kong kamay.

Nang makalabas ako ay naabutan ko si Grant na nakatayo pa rin kung saan ko siya iniwan. He was tapping something on his phone. Nang maramdaman ang presensiya ko ay itinago niya ang hawak-hawak. His eyes lingered on my face then on the cupcakes that I was holding.

"Here. I bought one for you." nakangiti kong inabot sa kanya iyon. He didn't stop staring at the cupcake. I could see his body tensing at the sight of the dessert. Nangitim ang mga mata niya at kumuyom din ang panga niya.

He looked at my face with disgust before turning around and walking away from me. Umuwang ang labi ko sa biglaang pag-alis niya. He didn't say a word. He didn't even look back. After staring at me with animosity, he just left.

I frowned and looked at the cupcake that I was trying to give him. It was red velvet. Problema 'nun? 

Is he allergic?  Ayaw niya ng red velvet?

Nagkibit balikat na lang ako at isinubo ang cupcake na dapat ay para sa kanya.



Fortsett å les

You'll Also Like

9K 566 23
Donny Pangilinan is a self-centred guy who has a perfect life going smoothly. No dramas, no qualms, and no obligations, which renders him seek thrill...
1.5K 243 20
In matters of love, defying traditional rules brands one an outlaw. JILLIA finds herself entangled in an unexpected bond with her heartthrob seatmate...
2.2M 147K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...