Chasing The Bad Girl

By hiamenaj18

4.5M 97.7K 6.6K

#TBR book 2 I am not cold. Actually I am just warming up. Wanting to show everyone that I'm no longer that b... More

Author's Note
Prologue
K1
K2
K3- The Badboy
K4
K5
K6
K7
K8
K9-LM
K10
K11
K12
K13
K14
K15
K16
K17
K18-LM
K19
K20
K21
K22
A/N (2)
K23-Lucas
K24
K25
K26-LM
K27
K28
K29
K30
K31
A/N
K32
K33
K34
K35
Epilogue
SC-1
SC-2
SC-3
SC-4
SC-5
SC-7
SC-8
SC-9
SC-10

SC-6

57.7K 1.3K 78
By hiamenaj18

Sam

Sa tingin ko bumalik naman lahat sa normal maliban lang sa secretary kong utal. Sumasakit ang ulo ko sa kanya! Naisipan kong ibalik siya kay Luigi at ang magaling kong secretary tuwang-tuwa!

Pabor pa ata sa kanya! Ayun, hindi ko na binalik kay Luigi. Baka matuwa pa masyado! Manager nga pala ito sa L.A branch ng Globals.

"Anong mga schedules ko today?" tanong ko kay Stutter.

"Yu-yung ngayon po ba-ba?" He asked.

I squinted my eyes. Pambihira!

"Hindi. Next year. Same date and time ngayon pero next year pa. Hanap tayo dictionary, baka kasi ang meaning na ng today ay the day after tomorrow o' di kaya after a decade. "

"Sa-sabi ko nga po ngayon. Ahm..wala naman pong importante, ma-maliban nalang po sa pagbisita niyo kay sir Luigi pa-para kilalanin ang ba-bago niyang se-secretary."

Oh right! I need to know his new secretary. Tatlong beses na kasi itong nagpalit ng secretary. Actually, it was my fault. Noong una ay noon buntis pa ako, iyong sexing babae na napakalaki ng hinaharap na tinarayan ako! Pangalawa iyong babaeng sobrang ikli manamit at naabutan kong pinagpapantasyahan ang litrato ng asawa ko at ngayon ang pangatlo na kikilalanin ko.

Ang sabi ko naman kasi lalaki nalang ang ipalit! Ewan ko ba sa asawa kong sobrang gwapo, kung bakit ayaw sa lalaking secretary, kaya nga naisip ko ng ibigay itong si Kevin eh!

Bigla akong napasimangot at lalo pa atang nasira ang mood ko nang makita ang kapatid ko na may kasama pang asungot. What the hell is Gio Sanreal doing here?!

"Halloween na ba? Alam ko tapos na." I started.

I heard Gio chuckled. Kairita! Matapos niyang ibasura ang proposal ko at tanggapin ang kay kuya? May araw din ang Gio na to!

"Good day as well Ms. Aldea." He greeted.

"Anong good sa day kung pagmumukha niyong dalawa ang sasalubong sa akin. Spare me with your trick and treats please. I've had enough with my kids."

"Grabe ka naman! We just want to visit you. Ang harsh mo bunso." Ashton said.

"Anong gusto mo? Ipagtimpla kita ng kape?" I asked. Napansin ko ang pagkabalisa nito. I want to laugh! He got traumatized!

"Oh-ow! Someone's not in the mood. May sasabihin pa naman kami sayo rather isusumbong " Gio said. Nagkatinginan pa ang dalawa sabay tingin sa akin na parang nanunuya.

The fuck? Since when did they become close?

"Ano? Kapag prank yan, pag-uumpugin ko kayo! "

"This is about a hot secretary." Kuya said.

I rolled my eyes.

"Oh tapos? Gusto niyong pag-usapan natin? Di tayo talo mga pare! You guys are wasting my precious time. "

They both laugh. Luh?! Ano nakakatawa? Seryoso kaya peg ko!

"Actually Ash, narinig ko na yung tungkol sa new hot secretary, I heard maganda talaga iyon, makinis ang balat.." Gio said. Napatingin tuloy ako sa balat ko. I have a porcelain fair skin.

"Matangkad..." He continued. Bigla ko tuloy inalala kung anong height ko. I think I am 5'5"

"Ang liit ng waistline..." Kuya said with matching demo through his hands. Napasilip ako sa waist ko, maliit naman iyong akin medyo lumaki lang nang magbuntis ako.

"Red lips, expressive eyes, maganda daw talaga Gio! " Kuya said. Nag-apir pa ang dalawang unggoy.

I dont get it. Why do they have to bother telling or describing me that new secretary. Kanino bang secretary iyon?

"Aha! Kuya! Babaero ka talaga. Lagot ka kay Bianca. I'm sure, kapag nalaman niya na may ganyan kang secretary hihiwalayan ka na niya. Now I have something against you."

Kumunot ang noo nito sa akin sabay ngisi.

"Hindi naman akin. Matanda na kaya secretary ko, iyong dati parin."

Ganun? Oh! I know!

Tinignan ko si Gio na biglang nagkibit balikat.

"So...ikaw pala..What will Anica say if she'll know about this secretary of yours huh? Grabe ka talaga. "

Aba't tinaasan lang ako ng kilay ng loko! Magdedeny pa. Men! Naisip ko tuloy si Vaughny ko, huwag naman sanang maging sakit sa ulo ang isang iyon!

"Geez, wala ka talagang idea?" Kuya asked. Tinaasan ko ito ng kilay.

Bigla akong napatingin sa secretary ko na parang binuhusan ng yelo. What the hell?!

"Eh kung sinasabi niyo sa akin ng diretso ano? Pagbibintangan ko ba kayong dalawa kung may idea ako?"

"Then you have to visit Globals then." Kuya said. Tumayo na rin si Gio na may nakakairitang ngiti. Iyon bang ngiti na alam mong may pang-iinis!

Aba't kumaway pa! Are we even close?

"Hoy ikaw!" Tawag ko sa secretary ko na biglang napadiretso ng tayo.

"Ye-yes?"

"Do you any idea what are they telling? And why the heck do I have to visit--"

Globals? New secretary?

Shit!

Bakit hindi ko naisip iyon?!

****

Eyes are on me as soon as I stepped inside the Globals. Everyone is aware that I am Luigi's wife.

At wala akong ibang maramdaman kundi panggalaiti. Nakakuyom ang mga pala at walang kangiti-ngiti akong pumasok sa loob ng elevator.

"Ma-ma'am, bakit pa-pati ako kasama? Hindi naman po a-ata kayo masyadong c-clingy niyan." My secretary said.

Clingy?!

Sinamaan ko ng tingin ang secretary kong biglang nag-peace sign.

Plano ko naman talagang pumunta at kilalanin ang secretary ng magaling kong asawa, iyon nga lang ang mga walang hiyang unggoy na dumalaw kanina sa opisina ko nang-inis pa!

Idescribe ba itsura ng secretary?! Gusto ata ng dalawang iyon na mainsicure ako! Excuse me!

Nangunot agad noo ko na hindi na ata mababanat pa nang mapansin kong wala sa pwesto ang secretary ni Luigi.

Kaya naman naisipan ko ng dumiretso sa loob ng opisina ng asawa ko para lang mapahinto.

I heard my secretary gasped.

Wala namang malaswang nagaganap dahil kung mayroon hindi ako tatayo lang at titignan sila.

My husband is quite frowning while his secretary is trying to fix his neck tie. All smiles pa ang babae.

I faked a laugh. Mga tatlong beses para mapansin naman nila ako.

Viola! Sabay pa silang lumingon. Oh kay gandang view! Ang sarap nilang pag-umpugin. Kumukulo lalo ang dugo ko.

"Medyo maraming dumi sa opisina mo kaya naubo ako." I said. I even emphasized the word 'dumi' para iparinig sa hipon.

"Samantha?" Luigi said.

"Hindi. Ako ang iyong konsensya." I sarcastically answered.

Pinagmasdan ko mula ulo hanggang paa ang bagong secretary ni Luigi. I really don't like the way she smiles. Mukhang hindi gagawa ng tama. The last time I encountered such smile was from Laureen when she's trying to hide her bitch side.

"May schedule ako dito. Bakit? Masama bang dalawin ang asawa kong nagpapaayos ng neck tie sa secretary?"

Luigi lowered his gaze at me as if trying to warn me.

"It's not what you're thinking. "He said.

"It may not be what I'm thinking but it's just what I saw."

He gazed at his secretary apologetically.

"Nina, can you please fix my schedules. We'll just talk later. I just need to orient my jealous wife."

"Hoy! Hindi ako nagseselos! " I said.

"Yeah right." Luigi mocked at me.

Kitang-kita ko kung paano himasin ng babaeng hipon ang braso ni Luigi sabay ngiti pa sa akin.

"Hey miss, I came here to talk to you. Meet me at the conferrence room." I said bago pa ito makalabas ng pinto.

"Samantha.." Luigi warned me.

"Sige po ma'am, okay lang po sir." The hipon answered.

"Ah eh..hi-hintayin ko nalang po-po kayo sa co-conferrence room ma'am. Sir Luigi, goodluck! I mean, excuse me po." My secretary said.

Nang maiwan kami ni Luigi ay agad itong lumapit sa akin para yakapin ako.

"Sweetheart.."

"Don't! Don't sweetheart me! Pagkatapos mong mambabae--"

"What?! Where did you get that idea?"

"Anong where? Kitang-kita ko! How many times have I told you to change your secretary, hire a man instead! Odi kaya iyong matanda na."

Luigi squinted his eyes and pinch my nose. Napaiwas ako ng mukha.

"You are really jealous. I don't find it comfortable working with men. Besides, noon pa man babae na ang secretary ko."

If looks can kill kanina pa siguro tumba ang lalaking ito. He has so many reasons!

"Playboy!" I shouted at him before turning my back.

"W-what? Come on sweetheart!"

"I will talk to your secretary. Now."

"Mawawalan na naman ako ng secretary--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito dahil dumiretso na ako sa conferrence room kung saan naghihintay si..si..

"Ano nga ulit pangalan niya?" Tanong ko sa secretary ko.

"Nina po ata."

"Bakit ata? Di ka rin sure?"

"I am not interested anyway. Kaya hindi ko po inalam name niya."

Tumango ako pero may bigla akong narealize. Hindi siya nautal! Pero hindi ko nalang babatiin baka bumalik na naman sa dati.

Naupo ako sa katapat na upuan ng secretary ni Luigi. No smile plastered on my face dahil alam ko ang hilatsa ng mga ganyang pagmumukha. Looks can be deceiving. Some ma look like an angel but the attitude is more like a devil.

"So Nena..." simula ko.

"It's Nina." She corrected me.

"I don't care kung Nina, Nena, o' Nene man yang pangalan mo. I'd like you to know that the way you acted infront of my husband is not appropriate. Hindi gawain ng secretary ang ayusin ang neck tie ng boss niya."

"I am just trying to be a good employee here." Rason nito.

"Well being a good employee does not involve flirtng.  Are you aware what happened to his former secretaries?"

"You fired them. " she answered pero naiirita ako sa klase ng pagngiti nito.

"And I will do the same to you."walang kagatol-gatol kong sagot .

"It'a not your right. Hindi naman ikaw ang boss ko. Hindi naman ako sayo nagtatrabaho. Hindi porke asawa mo ang boss ko kaya mo na rin kontrolin ang lahat sa paligid niya. May sarili siyang pag-iisip. Whether I am fired or not, siya ang dapat magsasabi sa akin."

I balled my fist.

"Oh really...ikaw na nagsabing asawa ko siya. Kaya dapat alam mo kung paano ko siya makukumbinsi at dapat alam mo kung saan ka lulugar."

Hindi ito sumagot pero napansin ko ang biglang pagkawala ng ngiti nito.

"Do you like my husband?" I asked her.

Muli na namang bumalik ang ngiti nito.

"Yes. At kung natatakot ka na maagaw ko ang asawa mo, well, I'm flattered. I didn't know that an Aldea Alarcon, the known ruthless heiress, can be so insecure."

Damn her! Ako insecure? Ang ganda niya huh?!

I counted one to ten to supress my irritation. Then I smiled at her.

"Okay. Gusto mo talagang magstay dito sa Globals? Fine. I am glad to meet you." I said.

Lumabas ako ng Globals na nagpupuyos ang damdamin. Hindi ko na hinintay si Luigi. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa 7/11 para bumili ng slurpee.

******

"Papa!" I heard Chloe screamed. Mukhang dumating na ang magaling nilang ama.

Nandito kasi ako sa kusina at nagluluto habang ang kambal ay gumagawa ng homeworks sa libing room at si Ylana ay natutulog sa nursery room.

"Where's mama?" I heard him asked the children.

"Nasa kitchen po Mario este Papa!" Vaughn answered.

Kagat-kagat ko ang labi ko habang naghihiwa ng mga rekados. Naalala ko na naman kung paano ako kinausap ng walang galang na secretary niya!

"Sweetheart." Luigi greeted me. He hugged me from my back and gave me a smack on my lips.

Hindi ko naman ito pinansin. I heard him sighed.

"Are you mad at me? Hindi mo man lang ako hinintay kanina, my secretary said you left after you talked to her and surprisingly, you did not fire her."

"Yeah. I don't want to be irrational. Malaki ka na kaya alam mo na kung ano ang tama at mali sa paningin mo." I said coldly.

"What do you mean?" He asked.

Minsan ang problema sa lalaking ito masyadong dense. Iyon bang nilalandi na siya hindi pa niya nahahalata or baka naman nag-eenjoy na din. Bwisit! Magsama sila ng nga hipon at halamang dagat! Tutal mukha naman siyang shokoy.

"Hey! Can we talk this over? Hindi tayo pwedeng matulog ng hindi pa tayo maayos."

Edi wag matulog! Kamag-anak ko si Edward Cullen noh! Nanakot pa ng walang tulugan. Kuya Germs lang peg?

After that night, I haven't talked to him. Isang linggo ng lumipas at may isang araw pa doon na dinala niya sa bahay ang secretary niya na walang ginawa kundi palihim akong ismiran.

I am not doing anything. I am trying to see if Luigi can feel me this time. Pero sa oras na may gawin ang babaeng iyon ay hindi akong mangingiming kaladkarin siya.

Until one day, when the rain is heavy pakiramdam ko nagdilim ang paningin ko nang makita kung paano magtama ang labi ng secretary ko at ng magaling kong asawa.

Nasa hamba lang ako ng pintuan at nakita ko naman na ang secretary nito ang unang nag-initiate ng smack at nagulat si Luigi.

"What the fuck?!" Luigi hissed. Hawak pa nito sa balikat ang babae na pilit inilalayo.

"Sir Luigi--"

"Stay there! Huwag kang lalapit sa akin--Samantha?"  Luigi angrily shouted at her at natigilan nang makita ako.

Kundi naman kasi sana dense edi sana noon palang alam na niyang malandi ang secretary niya!

"Oh ano? Kakasuhan ko na ba ng sexual harrassment? " I just said before walking out.

Kapag hindi pa niya tinanggal ang hitad na iyon ako na ang kikilos!



----------------------------------

A/N

Hanggang 10 nalang po ang SC :) Happy Reading!

Continue Reading

You'll Also Like

Mío By Yiling Laozu

General Fiction

80.6K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
5.6M 118K 45
(Finished) Because of her best friend and boyfriend's betrayal, napag-isipan ni Cheska Monique Torres na magbakasyon muna sa France para makalimot. S...
4.1M 119K 64
JAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga...
29.4K 294 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...