The Return of ABaKaDa (Publis...

By risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... More

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 39

53.5K 1.9K 147
By risingservant

Nandito pa rin kami ni Divine sa silid ng kapatid ni Ate Arianne. Nakaupo kami sa couch habang nagkukwentuhan. Hindi pa rin kasi nagkakamalay ang bata pero wala nang dapat ipag-alala pa dahil okay ang ang kalagayan niya. Kailangan niya lang ng pahinga.


Mabuti na nga lang at sasagutin na nung pamilya nung batang nakasagupa nito ang lahat ng bayarin sa ospital kaya wala nang problema.


"Oo nga pala, nasaan sina Thirdy at Jerwel?" Pag-iiba ko ng tanong.


Bumuntong-hininga muna si Divine bago siya sumagot. "Pinauwi ko muna. Sabi ko, ako muna magbabantay sayo habang wala yung boyfriend mo." Aniya.


"Naks, na-tats naman ako sayo." Turan ko at nagtawanan kami.


Ilang saglit pa, may kumatok sa pinto kaya napatigil kami.


"Oh, baka si Charlie na iyan. Buksan mo na dali." Turan ni Divine na pawang kinikilig at may pahabol pang hampas sa aking braso.


Syempre, ako naman itong todong kinikilig kasi minsan lang siya magkaroon ng time kaya sinusulit ko na. Hindi na ako nag-alinlangan pang tumayo para buksan ang pino.


"Divine, gulatin ko kaya?" Panunuya ko habang nakahawak sa seradura ng pinto.


"Naku go bes, winner iyan." Pagsang-ayon naman nito sabay hawi pa ng kaniyang buhok.


Nagbilang ako sa isip ng isa hanggang tatlo bago buksan ang pinto. Pagkabukas ko...


"Bulaga!" Turan ko pero nagulat ako dahil wala namang tao. Napakunot tuloy bigla ang aking noo.


Ibinaling ko ang aking tingin sa aking kaibigan. "Wala namang tao eh."


"Baka naman pinagtaguan ka lang niyan." Aniya.


Isinara ko na lang ulit ang pinto. Pero hahakbang palang ako pabalik sa pwesto ni Divine nang biglang may kumatok ulit.


"Buksan mo na. Baka siya na iyan."


Pagkabukas ko ng pinto, wala na namang tao pero may pumasok biglang malamig na hangin na dumampi sa aking balat. Ganito ang nararamdaman ko sa tuwing may nagpaparamdam sa aking multo kaya kinilabutan na ako. Isinara kong muli ang pinto nang dahil sa takot.


"Divs, mukhang iba ang nagpaparamdam at hindi si Charlie."


"Bes, huwag mo naman akong takutin ng ganiyan. Alam mo namang takot ako sa multo eh." Pagmumuryot nito.


"Tok! Tok! Tok!"


May kumatok na naman kaya naglakas-loob pa rin akong buksan ito.


Napatigagal akong bigla at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa bumungad sa akin. Isang lalaking sunog ang mukha. Hindi lang iyon, halos buong katawan niya pala. Medyo nangungusap ang kaniyang mga mata na wari mo'y humihingi ng tulong.


"Ahhhh!" Napasigaw na lang akong bigla dahil sa sobrang takot pa rin sa kaniyang itsura.


Nagtatakbo ako papunta kay Divine at maski siya nakisigaw din. Nagyakapan kaming dalawa habang nakaupo sa couch. Nakalimutan kong isara ang pinto sa sobrang takot.


Nanginginig kaming dalawa ni Divine sa takot at halos maiyak na dahil nakatayo na siya ngayon sa aming harapan. Para bang gusto niya kaming hawakan kaya halos mapiga ko na ang braso ni Dibina sa sobrang takot.


"Tulungan niyo ako." Sambit niya at inilapat niya ang kaniyang kanang kamay sa aking likod.


"Aghhhhh!" Hiyaw ko sa sobrang takot.


"Morixette! Anong nangyari?" Tapik sa akin ni Charlie.


Natauhan akong bigla at napayakap na lang sa kaniya dulot ng takot at kaba.


"Okay na, kalma na. Nandito na ako." Aniya habang hinahagod ang aking likuran.


Pagkahiwalay ko sa yakap namin, nakita kong tulog sa tabi ko si Divine. Impossibleng nananaginip lang ako, ay kami pala. Basta, totoo iyong pangyayari. Yung lalaking sunog, hindi ko siya makakalimutan.


"May dala nga pala akong prutas para sa bata. At pagkain, para sa inyo ni Divine. Gutom lang iyan." Aniya sabay pakita ng kaniyang nakakamatay na ngiti.


"Salamat."


"Oo nga pala, bukas ay ipapakilala kita sa Ate ko. Nandito siya ngayon sa Pilipinas." Pag-iiba niya ng usapan.


Kinabahan akong bigla kasi alam ko masungit ang ate niya eh.


"Huwag kang matakot sa kaniya, mabait naman iyon." Dugtong pa niya.


"Alam ko namang hindi mo ako papabayaan kaya wala akong dapat na ikatakot 'di ba?" Turan ko at tumango lang siya.


Lumipas ang ilang oras at dumating na rin ang mga magulang ng bata. Nagpasalamat sila sa amin. Mukhang mababait naman ang mga ito. Kaya naman umuwi na kaming panatag ang kalooban.

Continue Reading

You'll Also Like

34.8K 612 10
A Mind Confusing Story > Must remember the DATE and TIME.
55.6M 1.7M 53
Having enhanced senses cannot help one earn a living. A useless special ability--or at least, that's what Shia Sheridan believes. But when she is cau...
5.2K 386 14
One prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the p...
4.3K 121 27
Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who...