TLH2: Royal Comeback (Complet...

By empredite

280K 5.4K 195

Book 2 of The Lost Heiress. More

Prologue
TLH2: Chapter 1
TLH2: Chapter 2
TLH2: Chapter 3
TLH2: Chapter 4
TLH2: Chapter 5
TLH2: Chapter 6
TLH2: Chapter 7
TLH2: Chapter 8
TLH2: Chapter 10
TLH2: Chapter 11
TLH2: Chapter 12
TLH2: Chapter 13
TLH2: Chapter 14
TLH2: Chapter 15
TLH2: Chapter 16
TLH2: Chapter 17
TLH2: Chapter 18
TLH2: Chapter 19
TLH2: Chapter 20
TLH2: Chapter 21
TLH2: Chapter 22
TLH2: Chapter 23
TLH2: Chapter 24
TLH2: Chapter 25
TLH2: Chapter 26
TLH2: Chapter 27
TLH2: Chapter 28
TLH2: Chapter 29
TLH2: Chapter 30
TLH2: Chapter 31
TLH2: Chapter 32
TLH2: Chapter 33
TLH2: Chapter 34
TLH2: Chapter 35
TLH2: Chapter 36
TLH2: Chapter 37
TLH2: Chapter 38
TLH2: Chapter 39
TLH2: Chapter 40
TLH2 Chapter 41
TLH2: Chapter 42
TLH2: Chapter 43
TLH2: Chapter 44
TLH2: Chapter 45
TLH2: Chapter 46
TLH2: Chapter 47
TLH2: Chapter 48
TLH2: Chapter 49
Epilogue
Special Chapter
Author's Note
Special Chapter 2

TLH2: Chapter 9

7.4K 155 4
By empredite

Ivan's POV

Hinigpitan ko ang yakap ko kay Eunica. She's crying so hard and it kills me. Paulit-ulit niyang sinasabi ang mga salitang 'Tama na', 'Please, tama na'. And I don't even know why. Sobra akong nagagalit sa sarili ko to see her like this. Kung hindi ko siya iniwan papuntang Chicago, ay hindi mangyayari sa kanya ito. Kasalanan ko 'to. Pinangako ko na hindi ko siya sasaktan pero mali ako. Nasasaktan ko na pala siya. Paulit-ulit akong humihingi ng tawad kay Eunica. Mas nasasaktan ako dahil sa nakikita ko ngayon.

"Bitawan mo ako!"

Nagulat ako ng bigla akong tinulak ni Eunica kaya napahiwalay siya sa akin. Her eyes are red at patuloy sa pag-agos ng mga luha sa mga mata niya. I want to kiss those tears away. Mostly, I want to take her pain away.

"Eunica. Please stop crying."

"Umalis ka na! I don't want to see your face ever again!" Basag na ang boses nito.

I felt my heart is slowly crushing into pieces. No.. Eunica please. I can feel the hot tears in my eyes.

"Don't do this, Eunica. I love you!"

Natigilan siya but my world crashed when I see pain from her eyes.

"Y-You don't love me. Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan! H-Hindi mo hahayaang masaktan ako. Lalong hinding-hindi mo hahayaang mawala ang baby ko!"

The last words that she said made me struck from where I was standing. Napatulala ako. Hindi mag-sink in sa utak ko ang mga sinabi niya. M-my child? Nawala ang baby namin? Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Halo-halo ang emosyon ko. I can't believe what she just said.

"W-What? No! T-That's not true!"

Eunica looked at me. "I wished it wasn't. T-They killed our baby, Ivan! They killed Bella!"

Napasabunot ako sa buhok ko. Naguguluhan ako. Hindi maari! Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. Para akong sinasaksak sa mga nalalaman ko ngayon. Nilapitan ko si Eunica at hinawakan sa balikat. Niyugyog ko ito.

"No! Hindi patay ang anak ko! Sinasabi mo lang 'yan!"

Umiiling na nagpupumiglas si Eunica at pilit na kumakawala sa mga hawak ko. "Totoo ang sinasabi ko, Ivan"

Tinignan ko sa mga mata si Eunica at nasaktan ko ng makita kong nagsasabi ito ng totoo pero hindi pa din ako makapaniwala. Buhay ang anak ko! Hindi ito p'wedeng mamatay!

"P-Pero you left with another man at dinamay mo pa ang anak ko. Sabihin mo sa akin Eunica kung nasaan talaga ang anak ko! Tell me the goddamn truth!"

Sa nanlalaking mga mata ako tinignan ni Eunica at nakaramdam ako ng sampal mula sa kanya.

"I-I never cheated on you! Ikaw ang nanloko! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala ang baby ko! Ikaw! Ikaw! Ikaw!"

Pinagsusuntok niya ako sa dibdib ko pero wala akong maramdaman. Namamanhid na ang buong katawan ko sa mga nalaman ko. Gulong-gulo na ang isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi ni Eunica 'to. Pero may isang banda ng utak ko na sinasabing totoo ang mga sinasabi niya but the other part of me tells me otherwise. Ayaw tanggapin ng sistema ko ang mga impormasyong nalaman ko.

"W-We s-saw y-you on TV, Ivan. Y-you were with someone e-else." Paos na sabi nito.

I tried to remember what she said. It's been so long, hindi ko na alam kung ano ang tinutukoy niya.

"B-Baby, what? I don't know what you are saying."

Her bloodshot eyes looked at me and it felt daggers pinning on my chest.

"Stop acting innocent, Ivan. Alam mo iyon. You were even smiling when you were with her." I can hear her sobs.

My forehead creases as I recall it. I became silent and a memory popped in my head.

It was an event that I came along with my friend, Rachel. Biglaan lamang iyon, we just bumped into each other on that event. Then everything was just a blur dahil nagkataon lang naman kasi talaga na nagkita kami.

"B-Babe," I held her face. "Sweetheart, you got it all wrong. Rachel was just my college friend. We just bumped on each other that very same day. H-Hindi ko na nga iyon maalala."

Nag-iwas ito ng tingin. "I-I don't care anymore! I-It doesn't change the fact of what happened before." I can see tears pooling her eyes again.

Humahagulgol si Eunica at na-alarma ako. Pilit ko siyang pinapakalma. She's sobbing too hard. Naaawa ako sa kanya. Nang dahil sa akin nagkakaganito siya. Nang dahil sa akin nasasaktan siya ngayon. Niyakap ko ito ng mahigpit at pilit na pinapatahan. I closed my eyes and counted to 10, kailangan ko kumalma. Kailangan ko malaman ang totoo.

"E-Euncia -b-baby, baby please tell me what happened?" I held her face and wiped away her tears.

Tumignin siya akin at umiling-iling. Kumawala siya sa mga yakap ko at tumalikod sa akin. I know she's wiping her tears away. Nakita ko ang pagbaba-taas ng balikat nito. Ilang minutong katahimikan ang pumaligid sa amin. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang mga tunog ng mga kulisap sa paligid.

"Eunica.." I pleaded, desperate to know the truth. Ang anak ko ang pinag-uusapan dito.

Humarap sa akin ito. Blanko ang ekspresyon. Nagulat ako ng bigla itong sumakay sa sasakyan niya at binuhay ang makina. Agad naman akong sumakay sa passenger seat. Parang ako lang iniintay niya at pinaharururot na niya ito.

Tinahak namin ang daan. Madilim na din kaya hindi ko na maalala kung nasasn kami. Ilang minuto lang at nakita ko muli ang memorial park na pinanggalingan namin kanina. Kumabog ng mabilis ang dibdib ko at habang papalapit kami sa lugar kung saan ko siya nakita kanina ay parang unti-unting tumitigil ang mundo ko. Eunica parked the car at the side at bumaba. Sinundan ko naman ito.

Pumasok siya sa isang mausoleum. Mabibigat na mga hakbang ang nagagawa ko habang papasok ako. Bawat hakbang ay sabay nang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nakita kong naupo si Eunica sa harap ng maliit na tombstone. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nakikita ko.

Unti-unti akong lumapit kay Eunica. My eyes finds its way to the name written on the cold stone and my knees automatically dropped in front of it.

Isabella Eloise S. Clarkson

(October 16, 2010- October 24, 2010)

Erin's POV

"The reason why I was at the cemetery is because I visited Bella. I-It's her birthday today. Her 5th birthday."

Humugot ako ng malalim na hininga bago muling nagsalita. Unti-unti nanamang nanumbalik ang pangyayari noon.

"Sige pa, misis. Push!"

Napapikit ako ng dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko at sinunod ang sinabi ng Doctor. Ivan.. Kailangan ko si Ivan.

"Aaaahhhh!!!"

Nakaramdam ako ng kamay na mahigpit na kumapit sa kamay ko. Maluha-luha ko itong tinignan. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

"Nica.. Kaya mo 'yan." sabi ni Mike

Muli akong humugot ng malalim na hininga bago sinunod muli ang sabi ng Doctor.

"I can see the baby's head. Push, misis!"

I gave out one last push at hindi nagtagal nakarinig ako ng matinis na iyak ng isang bata.

"It's a girl! Congratulations!"

Inilapag nila sa dibdib ko ang anak ko at naramdaman kong tumulo ang mainit na likido sa mga mata ko. Parang lahat ng sakit na naramdaman ko ay nawala ng makita ko ang anghel sa buhay ko.

"I-I gave birth to her when I was on my 7th month. She was a premature baby. T-The first time that I laid my eyes on her, she was beautiful, Ivan. She looked like you. She looks like an angel. L-Lahat ng sakit na naramdaman ko ay nawala dahil kay Bella." Tuluyan nang nabasag ang boses ko.

"N-Nasa panganib daw ang buhay ni Bella kaya kailangan nilang ilagay sa incubator because she was only 7 months. Ang buong akala ko magiging okay siya. On her third day, I was there to visit her ng biglang tumunog ang heart rate niya. Agad na sumugod ang mga doctor to check on her. I didn't know what to do. Ang makita mong nasa panganib ang anak mo at wala kang magawa ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay mo."

Nagising ako ng nasa isang puting kwarto. Unti-unti akong bumangon mula sa kinahihigaan ko. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Mike at ang iba pang tao na nasa harap ko. Biglang pumasok sa isip ko na sila daw ang tunay kong pamilya. Puno nang pag-aalala ang mga mukha nila.

"Hey, Nica. How are you feeling?"

"A-Ang baby ko?" Agad na tanong ko kay dito.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa kamay. Ngumiti ito sa akin.

"Inilagay muna nila sa incubator si baby. Kailangan pa daw siya obserbahan. Don't worry. She'll be fine. Gusto mo ba siya makita?"

Nakaramdam ako ng ginhawa sa nalaman ko. Tumango ako kay Mike at agad naman niya akong inalalayan na makaupo sa wheelchair at lumabas na kami para puntahan ang anak ko. Nakarating kami sa isang room kung saan nakalagay ang baby ko na nasa loob ng incubator na mahimbing na mahimbing na natutulog. Pinapasok kami sa loob at pinagsuot ng hospital gown at mask.

Napangiti ako ng makita ko siya. Makita ko lang ang anak ko, nawawala na lahat ng hirap at pagod ko. Hindi ko mapigilan ma-excite sa paglaki niya. Naalala ko bigla si Ivan. Sana nandito siya ngayon. Nangingilid ang mga luha ko pero pinigilan ko ito. Hindi ko dapat isipin siya. Simula ngayon, ako at ang anak ko na lang ang magkasama.

"She's beautiful, Nica."

Tumingin ako kay Mike at napangiti.

"Kayo po ba ang magulang ng bata?"

Biglang dumating ang isang nurse at sabay kaming napalingon ni Mike. Ako na ang sumagot at ngumiti naman ito sa akin.

"Ano pong ipapangalan natin sa kanya?"

Natigilan ako sa tinanong nito. Inisip ko kung isusunod ko ba sa apelyido ko ang baby ko o sa apelyido ni Ivan. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko. Siguro kailangan ko gawin ang tama.

"Isabella Eloise Clarkson. Iyan ang ipapangalan ko."

Araw-araw kong binibisita si Bella at pangatlong araw na niya ngayon sa incubator. Gusto ko na siyang mahawakan at mahagkan. Sabik na sabik na ako sa kanya. Pero alam kong makakabuti ito para sa kanya. Nakatitig lang ako sa anak ko ng nagulat ako ng biglang tumunog ang heart rate niya. Kinabahan ako at bigla kong tinawag ang mga nurse at doktor. Agad naman silang nagsidatingan at chineck ang anak ko. Hindi ko na mapigilan maiyak lalo ng marining ko ang iyak ng anak ko.

"The Doctors tried everything to save her. Almost everyday kung anu-ano ang mga tinutusok nila kay Bella. At araw-araw kong naririnig ang pag-iyak niya. I tried to stop them pero sinasabi nila sa akin na makakabuti daw iyon sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko nu'n. Hirap na hirap ako. Kailangan kita ng mga panahon na 'yun, Ivan. P-Pero wala ka."

Napatingin ako kay rito. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Pero kahit ganu'n, hindi nakaligtas sa paningin ko ang luhang tumulo mula sa mga mata niya.

"She only lived for nine days. And that was the worst day of my life. B-Bigla nalang tumigil ang heart beat niya. The doctors tried to revive her pero it was too late. Wala na ang anak ko. Hindi na niya nakayanan. Sinabi sa akin ng Doctor na mahina ang puso niya. And because of that, she didn't survived."

Napahikbi ako ng maalala ko muli ang araw na iyon.

"D-Doc! Ano pong nangyayari?! Ang baby ko, Doc!"

Sigaw ko sa Doctor na pilit na nirerevive si Bella. Bigla na lamang kasi tumigil ang heart beat niya. Punong-puno ang kwarto kung saan nakalagay ang anak ko at hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Gusto kong pumasok pero ayaw nila akong papasukin. Sobrang kaba na ang nararamdaman ko. Walang tigil na din ang pag-iyak ko. Paulit-ulit akong nagdadasal na sana maging okay lang ang baby ko. Hindi ko kakayanin kapag nawala pa siya.

"Eunica! W-What happened?" Napalingon ako kay Mike na hingal na hingal.

Iniling -iling ko ang ulo ko. "H-Hindi ko alam. Bigla nalang nag-flat line ang heart beat niya. M-Mike, natatakot ako. Ayokong mawala ang baby ko."

Napahagulgol na ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nag-aalala na ako kay Bella. Diyos ko, wag niyo po sanang pabayaan ang anak ko. Hindi ko kakayanin. Niyakap ako ng mahigpit ni Mike at pilit na pinapakalma. Ilang minuto pa kami naghintay bago lumabas ang isang doctor. Agad naman kaming lumapit dito.

"D-Doc, ano na po nangyari?" Nanginginig ang boses ko.

Napayuko ang Doctor na mas lalong nagpakaba sa akin. Bawat segundo na lumilipas ay lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. At mas lalo akong kinakabahan.

"I-I'm sorry but we tried everything. The baby didn't make it."

Tumigil ang mundo ko at napaluhod ako sa mga narinig ko. A-Ang anak ko. Hindi p'wede! Hindi patay ang anak ko! Hindi nangyayari 'to! Bumuhos ang mga luha ko at tila wala na akong naririnig sa paligid ko. Ang sakit. Ang sakit sakit. Hindi ako makapaniwala. Wala sa sariling tumayo ako at pumasok sa loob kung nasaan ang anak ko. Payapang nakapikit ito at wala ng buhay. Nanghihina akong lumapit dito. Nanginginig ang mga kamay ko ng hinawakan ko ito.

"B-Baby. Baby ko. H-Hindi p'wede 'to. Baby, 'wag mo iwan si Mommy. Baby, wake up. Bella please. Andito na si Mommy. Bella!"

Sinubukan kong magsalita dahil pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko. Napuno ng hagulgol ko ang buong silid. Sana nananaginip lang ako. Isa lang itong masamang panaginip. Hindi ito totoo! Buhay pa ang baby ko! Iyak ako ng iyak at hindi ko na alam ang mga nangyayari. Tumingin ako kay Mike at umiiyak na din ito sa tabi ko.

"M-Mike, buhay pa ang baby ko. 'Di ba? Mike, buhay pa si Bella!"

Hindi ito sumagot sa akin at niyakap lamang ako ng mahigpit. Nanghihina na ang mga tuhod ko. Hindi matanggap ng sistema ko ang mga nangyayari. Kasalanan ko ito. Hindi ko inalagaan ang baby ko. Hindi sana siya ang binawian ng buhay. Sana ako nalang! Sana ako nalang ang nawala 'wag lang ang baby ko! Paulit-ulit kong sinasabi na buhay pa ang baby ko. Halos magwala na ako. Hindi ko matanggap. Pilit din naman akong pinapakalma ni Mike pero hindi ko magawa. Ang baby ko nalang ang natitira sa akin. Wala tigil ang mga luha ko. Hindi na din ako makahinga. Hanggang sa bigla nalang nagdilim ang mga paningin ko.

"K-Kasalanan ko 'to. Hindi ko siya na-alagaan habang nasa sinapupunan ko palang siya. Habang buhay ko iyong pinagsisisihan. Alam mo ba Ivan kung gaano kasakit at kahirap ang naranasan ko ng mga panahon na 'yun? Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa magdusa."

Pinahid ko ang mga luhang walang tigil sa pagtulo. Hanggang ngayon sariwa pa din ang mga sugat ko. It never healed every time I remember those days. I just wished it never happened. Kung naging mas maalaga lang ako dati, masaya sana ako ngayon kasama ang anak ko.

Ivan's POV

Unang salita pa lamang niya tungkol sa anak ko ay dinurog na ang puso ko. Totoo nga. Totoo ngang namatay ang anak ko. At ngayon pa pala ang kaarawan niya. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Gusto kong patayin ang sarili ko dahil napabayaan ko ang mag-ina ko. Walang tigil na tumutulo ang mga luha mula sa mga mata ko.

Gusto kong suntukin ang sarili ko. I should've been there. I should've been there to protect them. Hindi sana umabot sa ganito. Hindi sana nangyari ito. Buhay pa sana ang anak ko.

My mind doesn't know how to function anymore. Hindi ako makagalaw at parang nanigas na ako sa kinalalagyan ko. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Eunica. Sa buong pag-kukwento niya ay wala akong nasabing ni-isang salita. Hindi pa din matanggap ng utak ko ang lahat ng sinasabi niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon.

"Ngayong alam mo na ang nangyari. Siguro naman lulubayan mo na ako."

Nagulat nalang ako ng bigla nalang tumayo si Eunica at akmang aalis na ito. Agad ko namang nahawakan siya sa kamay.

"Eunica.. I'm sorry." Iyon lang ang naisip kong sabihin sa kanya. Sobra-sobrang paghihirap ang naranasan niya kaya hindi ko siya masisisi kung hindi niya pa ako mapatawad.

"H-Huli na, Ivan. Nangyari na." Malamig na sabi nito bago kumalas sa pagkakahawak ko.

Napatingin ako sa lapida muli ng anak ko bago sinimulang sundan si Eunica. Hinarangan ko ang daan niya. Nagtama ang mga mata namin at nanlamig ako sa mga titig niya.

"A-Alam kong naging pabaya ako sa'yo lalong lalo na sa anak natin pero hindi pa din magbabago ang isip ko na bumalik ka sa akin, Eunica. Itatama ko ang lahat. I'll do everything. I won't let this happen again. Mahal na mahal kita. P-please, b-baby." Nagmamakaawa kong sinabi sa kanya.

Nang dahil sa mga nalaman ko, mas lalo kong ginusto na bumalik sa akin si Eunica. Gusto kong bumawi sa kanya. Gusto kong palitan ang lahat ng paghihirap niya noon. Oo, naging gago ako pero hindi ko na hahayaang masaktan pa si Eunica.

May namumuong luha sa mga mata niya. "H-Hindi ganu'n kadali 'yun Ivan. Masakit pa din sa akin. Tuwing nakikita kita, lahat ng sakit bumabalik sa akin. Tuwing nasa tabi kita, hindi ko maiwasang isipin na wala ka nu'ng mga panahong kailangan kita. Ayoko nang masaktan, Ivan. Kaya please lang, itigil mo na 'to."

Umiling-iling ako dito at nilapitan ko siya. I trapped her face with my hands.

"No, baby. Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik. I love you so much, Eunica. Handa akong gawin ang lahat mapatawad mo lang ako. Kaya kong lumuhod sa harap mo kung 'yun ang gusto mo."

Hindi ako nagbibiro at lumuhod ako sa harap niya. Kita ko ang paglaki ng mga mata niya ngunit napalitan din iyon ng lungkot.

"I-Ivan, tama na. Tumigil ka na. 'Wag mo na akong pahirapan." Garalgal na ang boses nito. Umiling ako at niyakap ko siya sa mga binti niya.

"Eunica, please. Just give me another chance. Please, take me back" Hindi ko na din napigilan ang luhang tumutulo sa akin.

Wala na akong pakialam kung magmukha na akong tanga sa harap niya. Pinagsisisihan ko na iniwan ko sila. Pinagsisisihan ko na naging kampante ako na magiging okay siya.

"Ivan, stop! Itigil mo na 'to!"

Buong lakas siyang kumawala sa akin at tuluyan ng lumabas ng mausoleum ni Bella. Agad akong tumayo at sinundan siya. I grabbed her by the arm, cupped her face and crushed my lips to her. May pagtututol sa kanya pero hindi ko ito pinansin. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero wala na akong pakialam. I want her to feel my love. I want her to feel that I am serious with what I've said to her. Like I said, I'll do whatever it takes to take her back.

It took some time before I felt her lips responding to my kisses. I held her tight and deepen the kiss. I opened my eyes and I was awed when I see her with closed eyes. I brushed my thumb on her face to wipe those tears and closed my eyes once again.

As much as I wanted to kiss her, I broke it and we're both panting for air. Pinagdikit ko ang mga noo namin before I looked straight to her eyes.

"Another chance, Eunica. Please. Just give me another chance."

Matagal kaming nakatitig sa isa't-isa. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko. I whispered a small prayer in my mind na sana pumayag si Eunica. I also asked for my daughter to whisper something to her Mom. I held my breath when she opened her mouth.

"I-I'll think about it."

Napapikit ako sa sinabi niya at tila parang nabawasan ang kaba sa dibdib ko. Kahit na hindi man siya sumagot ng direkta, sapat na sa akin yun. Kahit papaano ay nagkaroon ako ng pag-asa. I kissed her forehead.

"Thank you, Eunica. "

Continue Reading

You'll Also Like

31.7K 879 44
Zoey Saavedra is far from being a princess or a damsel in distress. She only has one qoute in life and that is, "What Zoey Saavedra wants, Zoey gets...
70K 3.7K 28
Ever imagined a world run by vampires? Stop imagining. Dahil sa mundong ginagalawan ni Chloe, wala nang taong nabubuhay. At bilang nag-iisang miyem...
248K 6.7K 78
You're a girl And she is a boy with a girly heart She hates you And you hates her But what if the both of you are destined to each other? What if des...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...