The Return of ABaKaDa (Publis...

Por risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... Más

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 36

55.9K 1.9K 210
Por risingservant

Maagang natapos ang aming klase dahil nagkaroon ng pagpupulong ang mga guro. Masaya ako dahil pinaboran ako ng langit.


Habang naglalakad kaming apat sa corridor, naalala kong may isasauli akong libro sa may library.


"Guys, mauna na kayo sa kinalalagyan ng sasakyan ni Thirdy. Ngayon ko lang naalalang may isasauli nga pala akong libro sa library kaya didiretso muna ako roon ah?" Pahayag ko habang dahan-dahan kaming naglalakad.


"Baka naman gusto mong samahan kita?" Dugtong ni Divine. Nakaholding hands pa sila ni Thirdy.


"Hindi na, okay lang ako. Sige na, hintayin niyo na lang ako roon." Ani ko at lumihis na ng direksiyon patungo sa library.


Pagkapasok ko roon, sobrang tahimik. Natural, library nga 'di ba? Bawal dito ang maingay. Nagpalinga-linga ako para hanapin yung librarian pero hindi ko makita. Halos wala ngang tao rito ngayon eh. Nakakabingi sa sobrang tahimik.


Nagpatuloy ako sa pag-iikot sa loob hanggang sa may makita akong lalaki sa may sulok na nagbabasa ng libro. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko maaninaw ang kaniyang mukha. Napakunot ako bigla ng noo nang mapansin kong may kape pa siya na nakatasa.


"Kuya, ang init-init nagkakape ka. Nasaan nga pala yung librarian?" Turan ko.


Hindi man lang siya umimik. Bagkus, kinuha ang tasa at tsaka uminom ng kape. Ang sungit ni Kuya, ayaw mamansin.


At dahil nasungitan ako ni Kuya, minabuti ko nang mag-ikot na lang ulit.


"Ma'am, nasaan po kayo? May isasauli po sana akong libro." Sambit ko sa gitna ng katahimik dito sa loob ng library.


"Hay, wala naman yata ritong tao." Bulong ko habang nakasandig sa isang bookshelves.


Napako ang tingin ko kay Kuya dito sa may uwang. Tumungga na naman siya sa kaniyang tasa. Laking gulat ko nang tumungga siyang muli ay nakita ko ang kaniyang kamay. Butas ito! Pawang nagnanaknak at magang-maga pa. Napabuntong-hininga tuloy akong bigla at iwinaksi ang tingin ko sa kaniya.


"Naku po, may nagpaparamdam na naman." Bulong ko sa aking sarili.


Sa muli kong pagsilip sa kaniya, nakaharap na siya sa akin ngayon kaya kitang-kita ko na ang kaniyang mukha. Napapikit na lang akong bigla habang kagat-kagat ang aking dila upang ako'y hindi makapag-ingay.


Ang kaniyang noo'y may malaking butas. Dumadaloy sa kaniyang mukha ang dugong mula sa kaniyang noo. Naaawa ako sa kinahinatnan niya. Though, nanginginig na ako sa sobrang takot dito sa kinatatayuan ko.


"Coffee?" Alok ng isang boses sa 'di kalayuan kaya iminulat ko ang aking mga mata.


Napahawak akong bigla sa aking dibdib sapagkat tumambad sa aking harapan ang kalunos-lunos niyang itsura.


"Miss?" Turan ng isang boses at biglang may humawak sa aking braso kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.


"Ahh!" Sigaw ko sa sobrang taranta at nagtatakbo palabas ng library.


"Anong nangyari sayo Miss? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Sigaw ng librarian habang ako'y tumatakbo palayo.


Kumaripas ako ng takbo sa sobrang takot dahil sa itinanim ni Kuyang mahilig sa kape na kaba rito sa aking puso. Pinagtitinginan ako ng ibang estudyanteng nadaraanan ko dahil para akong tangang tumatakbo sa corridor na para bang hinahabol ng zombie.


Nang medyo malayo na ako, huminto muna ako sa may puno para magpahinga. Hingal na hingal ako kaya kailangan kong bumawi ng energy.


"Hay, grabe! Hindi ko kinaya!" Sambit ko na para bang lalawit na ang aking dila sa sobrang pagod.


Napaigtad akong bigla nang makita ko si Ethel na nakaupo sa may bench. Naging magugulatin na ako dahil sa mga multong nakikita ko.


"Masaya ako dahil may buhay na namang naisalba. Binabati kita dahil dalawa na ang maaari mong buhayin sa kanila." Aniya.


Napangiti ako sa saya dahil sa mabuting balita na aking natanggap. Gusto ko nang buhayin si Ate Roxette kaso kailangan kong tapusin muna itong ABaKaDa.


"Masyado pang maaga para ikaw ay magsaya. Tandaan mo, marami ka pang pagdaraanan kaya tatagan mo ang iyong loob." Dugtong pa niya bago siya tuluyang maglaho.


Three down, seventeen pa ang letrang nasa paligid lang. Kailangan, maging alerto ako.


"Morx, nandiyan ka lang pala. Ang tagal mo kaya hinanap ka na namin." Bungad ni Jerwel na bumaba sa sasakyan at nilapitan ako.


"Ah, pasensiya na kayo kung natagalan kayo. May stalker lang na humabol sa akin kaya tinaguan ko muna hehe!" Palusot ko at sumakay na rin ako.


"Alam ko na yung mga galawan mo Bes haha." Segunda ni Divine na nakaupo sa may tabi ko.


"Saan nga pala tayo pupunta? Taga saan yung bata?" Singit ni Thirdy.


Napapikit na lang akong bigla dahil hindi ko rin alam kung taga-saan si Ate Arianne.


"Hay, tiyak nasa hospital pa yung bata." Turan ni Jerwel.


"Oo nga 'no? Ang galing mo talaga Jerwel." Panunuya ko rito.


"Pero saang hospital natin siya hahagilapin? Ang dami kayang hospital dito." Giit ni Thirdy na tila ba nakukunsume na.


Nag-iisip pa ako sa kung saang hospital maaaring dalhin yung bata nang biglang magliwanag yung libro sa loob ng bag ko. Inilabas ko kaagad ito para malaman kung ano ba ang ipaparating nito.


"Batang hinahanap, hirap kung saan mahahagilap. Ilaw na aandap-andap, sumayaw-sumunod sa iyong talukap. Santong pinugutan ng ulo, doon matatagpuan ang kinalalagyan ng hinahanap niyo."


Seguir leyendo

También te gustarán

4.3K 121 27
Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who...
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
659K 47K 71
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016