The Return of ABaKaDa (Publis...

By risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... More

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 35

52.8K 1.9K 101
By risingservant

Hindi mapanatag ang loob ko dahil alam kong may buhay na naman na nasa alanganin. Ngayon pa na kailan kong kumilos, ni wala akong magawa dahil nandito ako sa aming eskwelahan. Nakakabahala.


"Bes, relax! Pupuslit tayo pagkatapos ng subject na ito." Bungad ni Divine sabay hawak sa kamay kong nanlalamig.


"Thanks!" Sambit ko sabay ngiti.


Mabuti na lang at mayroon akong mga kaibigan na nandito para umagapay sa akin. Maswerte ako dahil naging kaibigan ko sila.


"Manalig lang tayo sa Diyos. Makakaligtas ang batang iyon. Hindi tayo dapat panghinaan ng loob." Dugtong pa niya habang hinahagod ang aking likod.


"Tama..."


"Morixette, Divine, anong pinag-uusapan niyong dalawa na mukhang mas mahalaga pa sa tinuturo ko? Care to share?" Sarkastikong tanong ng aming guro na nakapameywang pa habang nakataas ang kanang kilay na nagtataray.


Nagkatinginan kaming bigla ni Divine bago umayos ng upo.


"Wala po Ma'am. Pasensiya na po." Pahayag ko.


"Good." Aniya at nagpatuloy na siya sa pagsasalita.


Makalipas ang ilang oras, tumungo kami sa canteen para kumain. Lupaypay akong naglakad dahil pakiramdam ko, pumatay ako mismo ng tao. Hindi ko man lang naprotektahan ang kapatid ni Ate Arianne. Isa akong malaking dispinta sa labang ito.


"Morx, magsalita ka naman diyan. Kanina pa kami daldal nang daldal dito." Bungad ni Jerwel na pinaglalaruan ang ice cream sa ibabaw ng iniinom niyang float.


"Oo nga. Tsaka malamig na iyang carbonara mo. Hindi mo pa rin ginagalaw." Dugtong pa ni Thirdy na naglalagay ng hot sauce sa kaniyang kinakain.


Tumango na lang ako sa kanila at ngumiti kahit na napipilitan.


"Guys, naiintindihan ko si Morixette dahil kung ako man mismo ang nasa kalagayan niya, manlulupaypay din ako. Baka nga mataranta pa ako sa sobrang kaba." Turan ni Divine habang nilalaro ang buhok niya.


"Kung sabagay..." bulong ni Jerwel.


"Guys sorry ah? Hindi ko lang kasi maatim na wala akong ginawa para tulungan yung biktima. Bata iyon, kaya mas lalo akong nababalisa." Pahayag ko. Nalukot na naman ang aking mukhang dahil sa lungkot na namumungad sa aking puso.


"Nagliliwanag na naman yung bag mo." Singit ni Thirdy habang nakaturo sa pwesto ng bag ko.


Hindi ko alam kung kukuhanin ko ba ang libro sa loob para tingnan kung ano ang nais nitong iparating. Kinakabahan ako dahil maaaring ito na ang panghuhusga sa kinahinatnan ng buhay ng kapatid ni Ate Arianne.


"Buksan mo na Morx, tatagan mo yung loob mo." Giit ni Jerwel.


Tumingin ako sa kanilang tatlo at tumango lamang sila. Huminga muna ako ng malalim bago ko kinuha ang libro. Sa pagbukas nito, ito ang bumungad sa amin...


"Mabuhay! Ika'y nagtagumay, nakapagligtas ka ng isang buhay!"


Nang mabasa namin ito, halos mapatalon ako sa sobrang tuwa dahil kahit wala akong nagawa, naligtas pa rin ang buhay nung bata.


Muli itong lumipat sa susunod na pahina.


Alphabeto: La

Mensahe: Mag-ingat sa matulis kung buhay mo'y mahal nang labis.

Kamatayang dapat ipataw: Lapis (eyeliner)


Napayakap akong bigla kay Divine dahil sa sobrang tuwa. Hindi ko man alam ang nangyari, masaya ako dahil buhay siya.


"Congratulations sa atin!" Sambit ko at nag-group hug kami.


Ilang sandali pa, may dalawang gurong napadaan sa pwesto namin at pawang nagtsitsismisan.


"Mars, kawawa naman yung batang parang sinapian ng diyablo doon sa elementary school. Nag-amok daw at gustong patayin ang kaklase niya."


"Naku Mars, kung hindi nasaksak ng eyeliner nung biktima yung mata nung bata baka natuluyan na siya nito."


"True. Kaso kawawa yung batang nagdeliryo. Nabulag ang isa niyang mata. At least, nakatakas siya sa masamang espiritong kumontrol sa kaniya."


Nagkatinginan kaming apat. Kumirot na naman ang aking puso dahil ang tindi pala ng pinagdaanan nung bata.


"Guys, naaawa ako roon sa bata. Dalawin naman natin siya mamaya pwede?" Mungkahi ko.


"Sige lang." Pangsang-ayon nilang tatlo.


"Thanks guys!"


Ginanahan na akong kumain ngayon dahil nabunutan na ako ng tinik. Pero syempre, hindi ko pa rin mawaglit sa aking isipan ang kalunos-lunos na sinapit nung bata.


Continue Reading

You'll Also Like

9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
659K 47K 71
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...