Invisible (On editing process)

By aira_irish

27.1K 221 62

Matalik na magkaibigan si Zie at Rj simula sa pagkabata pero dahil sa mapaglarong manipula ng tadhana. May ma... More

Invisible (Prologue) Edited
Chapter 1 (edited)
Chapter 2 (edited)
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Irish 1 on 1 (Meet Some of the Invisible Cast)
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 (End) ;)

Chapter 53

369 5 2
By aira_irish

Chapter 53

“James, sinabi sa akin ni Trish na kayo daw ni Fretzie ang magiging representative sa pag-organize ng school fair.” Sabi sa kanya ni Ivan habang kumakain sila sa cafeteria.

“Oo. Tama ang sinabi ni Trish.” Matamlay na tugon ni James habang kinakain niya ang spaghetti na binili niya.

“Bakit hindi ka masaya? May problema ba? Ayaw mo ba nun palagi mong kasama si Fretzie.” nagtatakang tanong sa kanya ni Ivan.

“Iyon nga ang problema ko.” Pagtatapat niya dito.

“Ano ba kasi ang nangyari? May nangyayari ba sa inyo ni Fretzie na hindi namin alam?” seryosong tanong ni Ivan.

“Ivan, hindi ko alam kung papaano ko to sasabihin.” Nahihiyang sambit ni James.

“Ano ba kasi iyan? Huwag mong sabihing nahuhulog na ang loob mo kay Fretzie? Hindi naman kataka-taka iyon eh.” Interesadong wika ni Ivan.

“Iniiwasan ako ni Fretzie dahil gusto niyang kalimutan ang nararamdaman niya sa akin. Ako kasi ang dahilan lung bakit siya patuloy na nasasaktan.” Hindi makapaniwala si Ivan sa sinabi niya.

“Ano? May gusto si Fretzie sayo? Bakit sobrang apektado ka ha? Huwag mong sabihing may gusto ka rin kay Fretzie.” Hindi siya makapagsalita sa sinabi ni Ivan.

“Naguguluhan pa rin ako, Ivan. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang lugar ni Fretzie sa puso ko. Alam mo ba ang pakiramdam na gusto mo siyang manatili tabi mo kaya lang hindi mo magawa dahil nasasaktan na siya.”

“Dude, you’re pretty obvious. Don’t you get it? Kaya ka nagkakaganyan dahil mahalaga sayo si Fretzie at nahuhulog na ang loob mo sa kanya.”  Masayang sambit ni Ivan sabay tapik ng kanyang balikat niya.

“Ivan, ayokong mawala siya sa akin ngunit papaano ko iyon gagawin ko kung ako dahilan kung bakit siya nasasaktan. Ako ang nagpapahirap sa kalooban niya.” nanlulumong sabi ni James.

“James, sabihin mo nga sa akin. Papaano mo ba nalaman ang tungkol sa feelings ni Fretzie sayo. I’m sure, Fretzie is not the type who’ll make a first move.” Paniguradong wika ni Ivan.

“Hindi ko sinasadyang malaman ang sekreto niya. Napagkamalan niya kasi akong si Kuya Rj noong sa amusement park kami.  Biglang siyang sa confide sa akin ng kanyang nararamdaman. Hindi mo lang alam kung ano ang feeling na sinasabi niya ang frustrations niya sayo. Ang sakit wala man lang akong magawa para ibsan iyong sakit na nadarama niya. pakiramdam ko parang wala akong kuwenta at hindi ako karapat-dapat sa kanya.” hindi napigilan ni James ang magbuhos ng kanyang nararamdaman sa kaibigan.

Kitang-kita sa mukha ni James nahihirapan siya sa sitwasyon nila ni Fretzie. Naaawa siya sa kaibigan niya. Sa unang pagkakataon ngayon niya lang itong nakita nagkaganyan kahit ilang ulit siyang binabalewala ni Ann ay hindi pa ito humahantong sa emotional breakdown ang kaibigan niyang si James.

Ang pag-ibig nga naman ginagawa niyang komplikado ang lahat ng bagay. Kaya nga kahit minsan ay hindi pa siya na-iinlove. Ayaw niya humantong sa ganoong kabaliwan tulad na lang ng kaibigan niyang si James.

“James, wala ka bang balak na kausapin man lang si Fretzie?”

“Hindi ko alam.” Wala sa sarili nitong sagot.

“Anong hindi ko alam? Ano mag-iiwasan na lang kayo? Parang hindi kayo naging magkaibigan sa inaasal niyo.” Naiinis na sabi ni Ivan. Napabuntong hininga na lang siya. Anong gagawin niya ngayon? Lalong lalo sila ang magkasama sa school fair.

Papunta si Fretzie sa library nang bigla naman siyang hinarangan ni Devon. Matagal na siyang hindi ginagambala ng taong ito. Nagtataka siya ano naman ang gusto nito sa kanya?

Tinignan lang ni Fretzie si Devon at iniwasan ito na parang hindi niya ito nakita ngunit ayaw pa rin itong patitinag. Ano ba itong kailangan nito sa kanya?

“Pwede bang umalis ka sa dinadaanan ko? Wala akong oras magpatintero sayo.” Kalmadong sabi ni Fretzie sa kanya.

“Papaano kung ayaw ko? Sobrang na miss kita, alam mo ba yun? Na miss ko kasi pang-aaway ko sayo.” Maarteng sabi ni Devon.

“Devon, wala akong oras sa mga walang kwentang bagay. Kaya pwede ba umalis ka.”  Naiinis na sagot ni Fretzie.

“Devon, kung wala kang magawa sa buhay mo. Huwag mong pagdiskitahan si Fretzie. Maghanap ka ng pagkakaabalahan mo. Huwag kang epal.” Sabad ni Ann sabay hila kay Fretzie papalayo kay Devon.

Tahimik lang silang dalawa naglalakad patungong library. Medyo naiilang si Fretzie kay Ann dahil hindi naman sila malapit sa isa’t-isa. Nagkataon lang na pareho sila ng mga kaibigan.

“Ann, salamat.” Alanganing sabi ni Fretzie. Tinignan siya ni Ann at ngumiti ito sa kanya.

“Ano ka ba? Wala iyon. Naiinis lang kasi ako sa mga nang-aaway tulad ni Devon.” Nakangiting sambit nito at sabay tapik nito sa balikat.

Hindi na si Fretzie nagtataka kung bakit ni James nagustuhan si Ann sadyang mabait at matulungin sa iba. Minsan ay nakita niya itong tinutulungan ang schoolmate nila noong nakaraang araw. Naiingit siya kay Ann dahil nakasama niya si James. Siya rin ang rason kung bakit nakangiti ito ulit matapos ng malagim na aksidente. Hindi niya ito masisi kung magkakagusto siya kay Ann. Nandoon kasi sa tabi niya si Ann noong oras nangangapa ito sa kadiliman.

“Fretzie, sinabi sa akin ni Trish na ikaw ang magiging representative sa pag organize ng school fair at kasama mo si James. May plano na ba kayong dalawa?” tanong sa kanya ni Ann.

Hindi si Fretzie makaimik sa sinabi ni Ann. Anong sasabihin niya dito?

“Uhmm..Hindi pa namin napag-usapan ni James ang plano sa school fair.” paliwanag niya dito.

“Ganon ba. Fretzie, pwede mo ba akong samahan mamaya?”

“Sige ba. Saan ba tayo pupunta?” interesadong tanong nito.

“Basta malalaman mo rin mamaya.” Sagot ni Ann sa kanya. Saan kaya sila pupunta mamaya? Kauna-unahang pagkakataon ay niyaya siya ni Ann. Siguro wala naman itong balak laban sa kanya kaya panatag ang loob niya.

Nang matapos ang klase nila ay umalis sila ni Ann kung saan man sila pupunta ay wala siyang ideya. Tahimik lang siyang nakatingin sa bintana ng kotse ni Ann habang si Ann ay abala sa pagmamaneho. Nang makarating sila sa pinuntahan nila ay hindi maiwasan ni Fretzie na mamangha sa lugar. Ang ganda kasi ng lugar. Isang siyang lumang flower park ngunit na maintain ito kaya maganda pa rin ang lugar. Nang papasok sila ng gate ay agaw pansin kay Fretzie nakapulupot na yellow bells sa may arko ng flower park.

“Ann, anong ginagawa natin dito?” namamanghang wika ni Fretzie.

“Gusto ko lang ipakita sayo ang lugar na ito. Espesyal kasi ito sa akin. May sasabihin din ako sayo.”  Nakangiting sabi ni Ann kay Fretzie ngunit kitang-kita sa mga mata ni Ann na may tinatago ito.

“Ann, ano iyong sasabihin mo sa akin?”

“Fretzie, alam kong nahihirapan ka na sitwasyon niyo ni James pero gusto kung sabihin sayo na huwag ka sanang sumuko sa kanya.”

Nagulat si Fretzie sa sinabi ni Ann. Ano ba ang pinagsasabi nito? Naguguluhan siya sa inaasal nito. Di kaya alam din niya ang tungkol sa nakaraan nina Rj at James?

“Alam kung nagulat ka sa pinagsasabi ko. Fretzie, alam kong matagal mo siyang hinintay na makabalik. Nang hindi mo namamalayan ay nandiyan lang siya sa tabi-tabi at kung minsan kasama  mo pa siya. Hindi mo ba na realize lahat nangyayari ngayon ay may dahilan.”

“Si James ba ang tinutukoy niya?” sabi nito sa kanyang isip.

“Bakit mo sinasabi sa akin ito ngayon? Ann, kung si James ang tinutukoy mo? Sumuko na ako sa kanya. Hindi ko na kaya ang sakit. Alam ko siya ang matagal kong hinintay na bumalik ngunit pakiramdam ko naghihintay na lang ako sa wala dahil kailan man hindi na siya makakabalik.” Malungkot na sambit ni Fretzie.

“Fretzie, anong pinagsasabi mong sumuko ka na? Kung saan alam mo na ang totoo doon ka susuko? Anong klaseng drama to?” naiiritang sabi ni Ann.

“Ann, hindi mo kasi naiintindihan at hindi mo rin alam ang pakiramdam na masaktan. Sobrang sakit na at pagod na pagod na rin akong maghintay at umasa nasa kahit minsan ay mapansin din niya nandito ako pero wala eh.” Nanlulumong sabi ni Fretzie.

Hindi alam ni Fretzie na pareho lang sila ng pinagdadaanan nito. Alam niyang nahihirapan na si Fretzie sa sitwasyon niya.

“Fretzie, kung akala mo ikaw lang iyong nahihirapan ako din naman eh. Buti ng sayo ngayon mo lang iyan na experience na parang ipinagkait sayo ang pagkakataon. Ako? Simula noong nagpanggap si Jj pakiramdam ko unting-unti siyang nawawala sa akin at masakit iyon dahil mahalaga siya sa akin at mahal ko siya.” Hindi naiwasan ni Ann ibuhos ang sama ng loob nito sa pagkakataong iyon.

“Kaya alam ko ang bawat sakit nararamdaman mo ngayon. Hindi kita masisi kung balang araw ay basta ka na lang susuko sa sobrang bigat ng dinadala mo.” dagdag na wika ni Ann.

“Patawad. Hindi ko alam na pinagdadaanan mo din pala ito. Ann, hindi mo ba naisip na sumuko at kalimutan ang lahat?” tanong niya dito.

Tumingin si Ann sa kanya at hinawakan ang balikat nito. Ngumiti ito sa kanya.

“Oo naisip ko na sumuko na lang pero hindi ko kaya nangako kami sa isa’t-isa at nangako din siya akin na babalik siya kahit iyon lang pinanghahawakan ko. Matiyaga akong naghintay dahil naniniwala akong babalik si Jj.” Hindi napigilan ni Ann na tumulo ang kanyang luha.

“Ann, ayaw ko man sumuko pero anong mapapala ko. Ikaw ang mahal ni James at hindi ako kahit kailan hindi ko mapantayan ang pagmamahal niya sayo.”

“Fretzie, nakalimutan mo na ba ang pangako niyo sa isa’t-isa? Hindi man tayo magkasama pag naramdaman mo ang bawat tibok ng iyong puso laging mong tatandaan na kahit kailan ay hindi ako mawawala sayo at lagi kang nandito sa puso ko.” Umiyak si Fretzie nang sinabi iyon ni Ann palagi nilang sinasabi sa isa’t-isa ni Rj.

“Ann, papaano mo nalaman tungkol sa pangako namin sa isa’t-isa?” naguguluhang tanong ni Fretzie.

“Noong mga panahon na trauma si James lagi niyang sinasabi ito. Hindi ko maiwasan na ma curious kaya tinanong ko si Jj. Sabi niya iyon ang promise niyo ni James sa isa’t-isa. Ibig sabihin nun kahit kailan hindi ka nawala sa kanya nanatili ka pa rin sa puso niya.” paliwanag ni Ann sa kanya.

Nag-aalangan si Fretzie kung dapat niyang pang hahawakan ang katiting na pag-asang iyon. Gustuhin man niya natatakot pa rin siya sa maaaring kahihinatnan ng lahat. Ayaw niyang masaktan ulit. Hindi niya namamalayan na umiiyak na naman siya kaya niyakap siya ni Ann.

“Alam mo bang paborito naming lugar to ni Jj.” Kwento ni Ann at kumalas siya sa pagyakap kay Fretzie.

“Kita mo iyong fountain sa dulo.” Sabay turo ni Ann. “doon kaming lagi naghahabulan ni Jj parang munting paraiso namin ito ni Jj tulad din ng park na palagi niyong pinupuntahan ni James.”

“Hindi ka ba naghihinayang? Sa dami ng pinagsamahan niyo ni James kakalimutan mo na lang ba na parang hindi nangyari ang lahat?”

Tama  si Ann makakaya ba niyang balewalain ang lahat ng iyon. Makakaya ba niyang kalimutan ang magagandang alaala nila? Habang iniisip niya iyon nagdadalawang isip na siya. Hindi niya alam kung anong gagawin.

Tatlong araw na sila ni James gumagawa ng proposals sa activities nila para sa school fair. May nag-iba na sa kanilang samahan hindi na ito tulad ng dati na may tawanan at kulitan. Ngayon puro na lang related sa school fair napag-uusapan nila.

Merong mga pagkakataong nahuli nila ang isa’t-isa nagkatitigan ngunit isa din sa kanila ang iiwas ng tingin. Sa loob-loob nila pareho din silang nahihirapan kahit tahimik ang buong paligid ramdam nila ang tensyon sa pagitan nila.

Kasalukuyan nilang pina finalize ang proposal dahil kailangan nila itong ipasa bukas sa faculty nila. Hindi mapigilan ni James na tignan ng palihim si Fretzie. Oo magkasama sila ngayon pero mabigat ang nararamdam nila sa isa’t-isa at hindi siya sanay. Sobrang naninibago siya. Tatlong araw na silang ganito habang tumatagal nahihirapan na ang kalooban niya. hindi niya ito matatagalan.

“James, una na pala ako sayo. Tutal, tapos naman natin ang final draft ng proposal.” Paalam sa kanya ni Fretzie. Malapit na si Fretzie sa pintuan ng silid nang iharang ni James ang sarili niya at isinara ang pinto.

“Fretzie, pwede ba tayong mag-usap?” seryosong wika ni James habang nakatitig ito sa kay Fretzie. Sa sobrang lapit nila sa isa’t-isa ay doon na kinabahan si Fretzie ramdam na ramdam niya ang lakas na pagkabog ng kanyang puso. Hindi siya makatingin kay James ng diretso.

“James, pwede saka na lang? May pupuntahan pa kasi ako.” Hindi tumitingin na sabi ni Fretzie.

“Pakiusap pwede bang ipagpaliban mo ang ibang bagay at kausapan mo ako ng maayos.” Sabay hila ni James kay Fretzie at isinandal siya sa pader. Sinubukan ni Fretzie na makaalis ngunit pinipigilan siya ni James.

“Ano ba talaga ang gusto mo? Wala akong oras na makipag biruan kaya pabayaan mo na ako.” Naiinis na wika ni Fretzie. Hindi pa rin natitinag si James sa kanya. Lagot! Anong gagawin niya?

“Ikaw ang gusto ko at gusto kitang makausap.” Matigas na sabi ni James kay Fretzie.

“Ano ba ang pag-uusapan natin? Maayos naman tayo, di ba?” nag-aalangang na sagot ni Fretzie.

“Fretzie, ito ba sinasabi mong maayos? Ni hindi mo ko kinikibo? Kaya mo lang ako kinakausap ngayon dahil sa school fair proposal natin.” Puno ng hinanakit na sabi ni James. Sabay kuha ng ginawa nilang proposal at tinapon kung saan.

“Pagkatapos nito? Ano? Deadmahan na naman tayo?” sarkastikong pahayag ni James.

Hindi makapagsalita si Fretzie anong sasabihin niya dito. Naku naman ang hirap ng kanyang sitwasyon na pinagdadaanan ngayon. Napayuko na lang siya ayaw niyang makita ang malungkot na mukha ni James.

“Ano hindi ka man lang mag-sasalita? Tatahimik ka lang diyan?” naiinis na sabi ni James sabay hawak ng kanyang mukha at tinititigan siya nito. Kitang-kita ni Fretzie na sobrang nasasaktan si James at parang naiiyak na ito ngunit pinigilan lang niya. Ipinikit niya na lang ang kanyang mga mata dahil ayaw niyang makitang naghihirap ang kalooban nito.

“Fretzie, buksan mo ang mga mata mo. Bakit mo ako pinapahirapan? Bakit mo ako iniiwasan ng ganito? Hindi mo ba alam nasasaktan din ako.” basag na wika ni James.

Hindi mapigilan na tumulo ang luha sa mga mata ni Fretzie. Pinipigilan niya ang umiyak. Bakit ayaw makipag cooperate ng luha niya?

“Fretzie, sagutin mo naman ako, pakiusap.”nagmamakaawang wika ni James. Ito ang iniiwasan niyang tagpo na mangyayari. Anong gagawin niya? Mukhang wala na siyang lusot sa pagkakataong to.

“James, hindi mo ba nakikita ayaw  kitang kausapin at ayaw din kitang makasama. Ano? Masaya ka na?” sumbat ni Fretzie kay James.

“Fretzie, huwag mo naman gawin sa akin to, pakiusap. Ayusin natin to.”

“James, ano ang aayusin natin? Wala namang nasira. Kaya pwede ba lubayan mo na ako.” Galit na wika niya. Tinulak ni Fretzie ng malakas si James at dali-dali niyang buksan ang pinto bago niya ginawa iyon ay niyakap siya ni James.

“Fretzie, huwag mong gawin sa akin to. Huwag mo kung iwan at huwag mo rin akong kalimutan. Mahalaga ka sa akin. Ayokong mawala ka sa akin.” Nabigla si Fretzie sa sinabi ni James. Hindi niya napigilan ang umiyak ulit. Bakit siya nasasaktan ng ganito?

“James, anong drama to? Alam ko naman ang totoo eh. Kaya huwag ka ngang magsinungaling sa akin.” naiinis na wika niya.

“Fretzie, totoo ang sinasabi ko. Ayokong mawala ka sa akin dahil mahalaga ka sakin at mahal na kita. Kaya ako nasasaktan ng ganito.”

Totoo ba ang narinig niya? mahal siya ni James? Bakit parang nagdududa siya sa sinabi nito. Ayaw niyang maniwala dito. Napakunot ang noo niya at tinignan niya ito.

Kumulas si Fretzie sa pagkakayakap nito at tinignan niya ito ng masakit.

“Mahal? Kahit kailan James hindi mo ako minahal. Ang nag mamay-ari lang ng puso mo ay walang iba kundi si Ann. Kaya papaano mo na sabi na mahal mo ako?” Pasigaw na sabi niya.

Hindi maipinta ang mukha ni James ng mga oras na iyon. Kitang kita niya pagtulo ng mga luha ni James sa kanyang mga mata. Sobrang nasasaktan ito. Tama ba itong ginagawa niya?

“Anong dapat kung gawin para patunayan ko na totoo ang sinasabi ko?” tanong ni James sa kanya.

“Wala kang dapat gagawin dahil nag-aaksaya ka lang ng oras.” Malamig na tugon niya dito.

“Fretzie, alam kong mahal mo rin ako. Alam kong marami akong naging kasalanan sayo ng dahil sa akin sobrang kang nahihirapan at nasaktan pero pakiusap bigyan mo naman ako ng pagkakataon.”

“Oo inaamin ko minahal kita pero hindi ko na kaya eh. Hindi ko kayang umasa sa wala. Ayoko ng masaktan ng paulit-ulit. Durog na durog ang puso ko, James. Hindi mo ba nakikita na? Hirap na hirap ang kalooban ko. Bigyan mo naman ako ng katahimikan.” Umiiyak na sabi ni Fretzie.

Pinahid ni James ang luha ni Fretzie. “Iyon ba talaga ang gusto mo?” tanong nito sa kanya.

Hindi umimik si Fretzie.

“I guess, i have to give you up. Sobrang nasasaktan ka na ng dahil sa akin. napaka sarili ko naman kung hindi ko man maibibigay sayo ang hinihiling mo.” Pahayag ni James. Pilit nitong ngumiti kahit nasasaktan din ang kanyang damdamin.

“Fretzie, umalis ka na. Huwag kang lilingon. Bago magbago pa isip ko” Bilin nito sa kanya.

Noong mga oras na iyon parang ayaw ng mga paa ni Fretzie na humakbang. Kailangan niyang panindigan ang desisyon niya kaya dapat niya itong kayanin. Umalis na siya at hindi lumingon. Sobrang bigat bigat ng kanyang pakiramdam. Umiiyak siya habang naglalakad wala siyang pakiaalam kung makakita sa kanya.

Nasasaktan ng mga sandaling iyon si James. Sobrang sakit para sa kanya ang hayaang umalis si Fretzie. Kung pwede niya lang pigilan ngunit hindi niya nagawa. Umiiyak siya dahil nasasaktan siya. Umiiyak siya dahil sa sobrang kabiguan niya.

Hindi namalayan ni James na nandiyan ang kaibigan niyang si Ivan. Agad niyang inayos ang kanyang sarili at pinahid ang luha niya.

“James, anong nangyari sayo? Mukhang hindi ko na lang sasabihin ang sadya ko dito. Mukhang problemado ka pa sa usaping pag-ibig.”

“Ivan, ano ba kasi ang sasabihin mo? Tutal, nandito ka rin lang sabihin mo na lang.” Pangungulit ni James kay Ivan.

Nagdadalawang isip si Ivan kung sasabihin niya kay James ang balita tungkol sa nalaman ni Sir Kobi. Kitang-kita sa mukha ni James na may pinoproblema pa ito.

“James, gustong makipagkita sayo ni Sir Kobi may nakuha siya tungkol sa pinapahanap mo sa kanya. Sa coffee shop na lang kayo magkita malapit sa school natin.”  Sabi ni Ivan kay James.

“Ganon ba. May gagawin ka ba? Samahan mo na lang ako mamaya sa kanya.” Anyaya ni James sa kay Ivan.  Napatahimik si Ivan. Sasamahan niya ba si James? Parang nakapa alanganin kung nadoon siya mamaya.

“Sige sasamahan na lang kita mamaya.” Sagot ni Ivan.

“Salamat.”

Continue Reading

You'll Also Like

5.2K 60 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
134K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
12.1K 1.7K 45
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...