Invisible (On editing process)

By aira_irish

27.1K 221 62

Matalik na magkaibigan si Zie at Rj simula sa pagkabata pero dahil sa mapaglarong manipula ng tadhana. May ma... More

Invisible (Prologue) Edited
Chapter 1 (edited)
Chapter 2 (edited)
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Irish 1 on 1 (Meet Some of the Invisible Cast)
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 (End) ;)

Chapter 52

366 6 0
By aira_irish

Chapter 52

Kasalukuyang nasa photoshoot si Ann at lumiban ito sa kanyang klase. Medyo abala siya sa modeling career niya. lalong-lalo na  maraming offer ang binibigay sa kanya. Habang nasa kalagitnaan ng kanyang break niya ay may nag deliver bulaklak at sulat sa kanya. isang bouquet ng red roses at doon din nakasipit iyong sulat. Kinuha niya iyong sulat at binasa ang nilalaman.

“Ann,

Alam ko marami na akong naging pagkukulang sayo. Palagi kitang pinangakuan ngunit hindi ko man lang iyon natutupad.

Sana pagdating ng panahon na maayos ko na ang lahat. Matatanggap mo pa kaya ako?

Umaasa pa rin ako sana pagdating ng araw na iyon. Nandiyan ka pa rin naghihintay sa pagbabalik ko.

Jj”

Hindi inaasahan ni Ann makakatanggap siya ng sulat at bulaklak kay Rj. Matagal na panahon ng binigyan siya nito ng bulaklak at sulat. Palagi niya kasi ginagawa ni Rj noong mga bata sila. Ang huling bigay nito iyon din ang araw simula nang papanggap niya bilang si James.

FLASHBACK:

Malungkot si Ann na nakaupo sa hagdan ng bahay ni Jj. Hinihintay niya na umuwi ito galing sa kabilang subdivisión para puntahan iyong kababata ng kanyang kakambal. Sa murang isipan niya ay nakaramdam siya ng inggit at selos para kay Zie. Alam niyang walang kaalam-alam si Zie sa nangyari. Kaya lang hindi maiwasan na mainggit paano kasi palagi na lang sila magkasama ng kababata niyang si Jj.

Sumama ang loob niya ng nilihim ni Jj ang tungkol sa pagpapanggap nito bilang Rj. Parang kinalimutan ni Jj ang kanilang pangako nila isa’t-isa na wala silang ililihim sa isa’t-isa. Akala niya mahalaga siya kay Jj ngunti nagawa pa rin itong itago ang lahat. Ipinaliwanag din naman ni Jj kung bakit kailangan niyang gawin iyon. Na trauma kasi ang kakambal nitong si Rj. Naawa nga siya kay Rj dahil palagi itong tulala at tahimik. Pansamantalang nakatira sa bahay ni Tita Annie si Rj para maiba ang kapaligiran nito at maiwasan niyang maalala ang aksidente.

Hindi ni Ann namalayan na tumabi sa kanya si Rj. Nagulat si Ann umupo ito sa tabi niya at tulad pa rin siya ng dati tahimik pa rin ito.

“Gusto mong kumain ng cookies?” alok ni Ann sa kay Rj ngunit hindi ito umiimik.

“Pwede ba kitang matawag na James?” tinignan siya ni Rj at nakangiti ito sa kanya. kinusot ni Ann ang kanyang mga mata baka na mamalik mata siya. Kitang-kita niya nakangiti talaga ito.

“Ibig ba sabihin ng ngiti mo? Payag ka na?” tanong nito at tumango lang si Rj.

“Simula ngayon ay James na ang itatawag ko sayo.” Masayang wika ni Ann.

Simula noon ay hindi na siya nag-iisa dahil kasama niya si James kahit palagi niya itong kasama ay inaalala pa rin niya si Jj. Sobrang na miss niya ito. Hindi na sila palaging magkasama ng kanyang kababata.

Habang kasama ni Ann si James ay unti-unti na itong bumabalik sa dati. Hindi na ito madalas tahimik at nakatulala palagi siya nitong kinakausap. Masaya si Ann na kahit papaano ay nakatulong siya kay James ngunit hindi niya napunan ang pangugulila niya sa kanyang kababata. Kung alam lang sana ni Jj kung gaano niya itong sobrang na miss.

End of Flashback.

Isang linggo na ang nakalipas mula noong nangyari sa amusement park ngunit hanggang ngayon lutang pa rin si Fretzie. Masyado kasing mabilis ang mga pangyayari noong araw na iyon. Hindi niya talaga inaasahan sobrang naguluhan siya.  Gusto niyang kausapin si Rj ngunit wala siyang lakas ng loob baka ano isipin nun. Napansin din ni Fretzie na ilang araw na rin hindi pumapasok si James. Ayun kay Trish ay meron itong photoshoot sa isang clothingline at inaasikaso na rin daw ang comeback concert nito kaya absent ito hanggang ngayon.

Hindi maiwasan ni Fretzie na lingunin ang katabing upuan nito kung saan naka upo si James. Aminin niya man sa hindi na miss niya si James kaya lang kailangan niya itong iwasan para din naman sa ikabubuti niya.

Pagkatapos ng klase niya nang araw na iyon ay hindi siya ka agad umuwi ng bahay. Pumunta siya sa park kung saan lagi nilang pinupuntahan ni Rj noong bata pa sila. Doon si Fretzie pumuwesto sa paborito niyang spot sa swing.

Nagulat si Fretzie may biglang tumakip sa mata.

“Ano ba? Pwede bang pakitanggal mo ang kamay?” naiinis na wika ni Fretzie agad naman nitong tinanggal ang kama niya. Nang lingunin ni Fretzie kung sino may gagawan nun ay muntik na siyang malaglag sa upuan ng swing. Buti na lang maagap siya nitong nasalo.

“Fretzie, ano ba kasing nangyayari sayo? May problema ba?” nag-aalalang tanong nito. hindi siya makasagot dito.

Hindi inaasahan ni Fretzie na makikita niya dito si Rj. Anong gagawin niya? hindi niya alam kung anong sasabihin niya dito.

Habang tinititigan niya ay napansin siyang iba kay Rj. Kailan pa nagkanunal si Rj sa leeg? Nakasuot lang kasi si Rj ngayon ng itim na sando at naka shorts.

“Fretzie, may problema ba? Bakit hindi ka makasagot?” usisa niya kay Fretzie. Tinignan lang siya ni Fretzie na parang may gustong sabihin kaya lang parang nag-aalangan ito.

“Rj, ikaw ba talaga iyan? Kailan pa ikaw nag-karoon ng nunal sa leeg?” seryosong wika nito.

Noong oras na iyon dun kinabahan si Rj. Mukhang mabubuking na ang kanyang pagkukunwari.

“Sagutin mo ako. Ikaw, din ba iyong kasama ko sa amusement park noong nakaraang lingo?” pakiusap na sabi nito. Hindi na niya kayang magsinungaling pa dito kaya sinagot niya ito dahil sobra na siyang nakokonsensiya.

“Fretzie, I’m sorry. Hindi ako ang tunay na kababata mo. Sa amusement park si James iyong kasama mo.” hindi alam ni Fretzie kung papaano siya makapag react sa nalaman niya. Bigla na lang tumulo ang kanyang luha.

“Papaano mo akong nagawang lokohin sa mahabang panahon? Pitong taon mong tinago ang katotohanan. Sa tingin mo ba hindi masakit para sa akin malaman ito ngayon?” sumbat sa kanya ni Fretzie.

“Fretzie, pakiusap magpapaliwanag ako.” Sumamong sabi nito ngunit tahimik lang ito.

“Fretzie, kaya ko ginawa yun ay para rin sa pakanan ni James. Pagkatapos ng mangyaring aksidente kay Ate Jackie na trauma si James. Hindi siya naming makausap ng maayos lagi na lang siyang tulala. Sa tingin mo ba, hindi din mahirap sa akin ang gawin to? Sa totoo lang sobrang na nahihirapan na rin ako at nakokonsensiya.”

“Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo? Pitong taon ang nawala sa akin, Rj. Ibig sabihin nun hindi ako sumira sa pangako namin sa isa’t-isa ng kababata ko. Nang dahil sa ginawa mo nawala siya sa akin ng tuluyan. Maiintindihan ko naman kung sinabi mo eh.” Puno ng hinanakit na wika ni Fretzie

“Fretzie, alam kung naguguluhan ka pero sana balang araw maintindihan mo kung bakit ko iyon ginawa. Kailanman hindi siya nawala sayo, Fretzie. Nawala lang ang alaala niya ngunit hindi ibig sabihin nun hindi na siya makakabalik. Babalik din siya sayo sa tamang panahon.” Pampalubag na loob na sabi Rj.

Nang mga sandaling iyon doon napagtanto ni Fretzie ang lahat. Kaya pala iba ang pakiramdam niya pagkasama niya si Rj dahil hindi siya ang tinatangi-tangi ng kanyang puso. Ibang-iba ang pakiramdam niya pag si James ang kasama niya  parang lagi na lang siyang masaya at hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi. Meron din kakaibang koneksyon na nag-uugnay sa kanila.

“Alam kong hindi mo pa ako mapapatawad sa ngayon ngunit sana balang araw merong puwang sa puso mo na mapatawad ako sa ginawa kong kasalanan sayo.”

Aalis na sana si Rj ng biglang may sinabi si Fretzie.

“Teka muna, bago ka umalis may itatanong lang ako sayo. Noong may plano tayong pumunta sa park ilang lingo bago ang school ball namin. Ikaw ba iyong kasama ko? At noong hindi pa kami nagkabati ni James na supposed to be ikaw ang papalit sa kanya na bilang ka duet ko. Ikaw ba talaga iyon?” prangkahang tanong ni Fretzie. Gustong-gusto niyang malaman ang totoo.

“Hindi ako iyong kasama sa mga pagkakataong iyon kundi si James.  Siya iyong pinapunta ko noong mga pagkakataong iyon dahil nagkasakit ako.” Paliwanag sa kanya ni Rj. Kung ganon pala hindi ito ang first kiss niya kundi si James. Pag pinaglalaruan ka ba naman ng pagkakataon.

“Kailan mo sasabihin kay James ang totoo? Kailangan niya din malaman ang totoo.” usisa niya dito.

“Hindi ko alam. Sa totoo lang natatakot ako. Papaano kung hindi na niya ako mapapatawad? Ayokong masira ang relasyon naming magkapatid.”

“Natural na magagalit si James. Sa tingin mo ba, hindi ako nagagalit sa ginawa mo? Pinagmukha mo akong tanga. Alang-alang naman magtatalon sa tuwa si James pagnalaman niya ang totoo. Alam ko kaya mo ito ginawa dahil kay James dahil ayaw mong sisihin niya ang kanyang sarili sa nangyari. Masakit pa rin eh dahil naturingan pa naman kitang bestfriend ko.”

“Alam kong nasaktan kita, Fretzie. Tama ka. Pareho kayo ng sinabi ni Ann. Sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa ko? Marami akong nasaktan sa ginawa ko kahit si Ann binigyan ko ng sama ng loob.” Nalulungkot na wika nito.

“I’m sorry. Masyado akong naging emosyonal. Alam kung nahihirapan ka din sa sitwasyon mo.” mapagkumbabang sabi ni Fretzie.

“Fretzie, hindi mo kailangang humingi ng tawad. Ako dapat iyong humingi ng tawad ikaw kasi ang sobrang naaapektuhan sa ginawa ko.” Lumapit siya kay Fretzie sabay tapik nito sa balikat nito.

“Teka, hindi ko pa alam ang totoo mong pangalan. Ano ba ang pangalan mo bago ka naging si Rj?”

“Ako si Roan Jeremy Reid at Jj ang palayaw ko.” Nakangiting wika nito.

“Nice meeting you, Jj.” Sagot ni Fretzie at nakipagkamay siya dito.

Ilang araw na si James na hindi pumapasok sa kanyang paaralan. Ang alam ng karamihan ay nasa photoshoot siya ng isang clothingline at inaasikaso ang comeback concert niya ngunit ang totoo kaya siya hindi pumasok dahil hindi niya alam kung papaano niya haharapin si Fretzie kahit hindi alam ni Fretzie na siya iyong kasama niya sa amusement park. Sobrang naguguluhan si James sa nangyayari sa kanya. Ano ba talaga si Fretzie sa kanya para magkakaganito siya? Akala niya kaibigan lang ang turing niya kay Fretzie. Bakit nasasaktan siya ng sinabi niyang sumuko na ito sa kanya at kakalimutan na niya kung ano pagtingin na meron siya. Bakit sasaktan siya ng ganito? Nasasaktan ba siya dahil may gusto na rin siya kay Fretzie? Ibig sabihin nito ay nakapag move on na siya kay Ann?

Hindi mawala sa isipan ni James ang nangyari sa park. Pabalik balik pa rin ito sa kanyang isipan.

Flashback:

“Siya nga pala, James. Salamat. Hindi ko  makakalimutan itong araw na ito.” Ngumiti si Fretzie sa kanya.

Nang mga sandaling iyon hindi napigilan ni James ang maging emosyonal.

“Zie, hindi ka dapat magpasalamat. Kulang pa nga iyan sa lahat ng ginawa mo sa akin eh.” Malungkot na wika nito. Hala, anong ginagawa niya? Nagsasalita siya kung anong nararamdaman niya noong mga oras na iyon.

Alanganing ngiti lang itinugon ni Fretzie sa kanya.

“Fretzie, pwede kayang huwag mo na lang akong kalimutan?  Pwede bang bigyan mo pa ako ng pagkakataon?” nagsusumamamong wika niya kay Fretzie.

Alam niyang sa mga pagkakataong iyon ay nabigla si Fretzie sa kinikilos niya. Sa halip sinaway siya nito ay hinayaan na lang siya nito.

“James, huling-huli ka na eh. Bakit kasi ngayon ka lang nagparamdam kung saan handa na akong kalimutan ka?” sagot ni Fretzie sa kanya.

Hindi maipinta ang mukha ni James nang sabihin iyon ni Fretzie. Akala siguro ni Fretzie nagdadrama siya.

Walang siyang kaalam-alam na tumutulo na ang mga luha niya. Pinahiran ni Fretzie ang mga luhang iyon.

“I really love you, James but i have to say goodbye.” Matatag na wika ni Fretzie at tinalikuran siya nito at nag simulang maglakad habang hawak-hawak pa rin ni Fretzie iyong teddy bear na bigay niya.

Nang makita niyang lumalakad papalayo si Fretzie ay hinabol niya ito at biglang hinila papalapit sa kanya tapos hinalikan niya si Fretzie. Sinubukan ni Fretzie makawala sa kanya ngunit pinigilan niya ito. Niyakap niya si Fretzie ng sobrang mahigpit na parang ayaw niya itong bitiwan.

Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon. Basta ang alam niya ayaw niyang mawala si Fretzie sa kanya. Nasasaktan siya kakalimutan na siya nito. Kung pwede niya lang ikulong si Fretzie sa bisig niya para hindi ito mawala sa kanya gagawin niya.

“Ano ba ang nangyayari sayo? Pakawalan mo nga ako, pakiusap hindi ako makahinga.” Pakiusap na sabi Fretzie.

Pinakawalan siya ni James at nagkatinginan silang dalawa. Parang hindi nila alam kung ano kanilang sasabihin. Nang matauhan si Fretzie agad niyang pinulot ang teddy bear na bigay nito at tumakbo papalayo sa kanya. Nanatiling nakatayo si James sa kanyang kinatatayuan habang nakatingin sa kay Fretzie.

Nang gabing iyon kinukulit siya ng Kuya niya na naikwento sa kanya ang nangyari sa kanila ni Fretzie. Sa halip na pansinin niya ang pangungulit ng Kuya niya ay pumasok na lang siya sa kwarto niya at nagkulong. Ayaw niya kasing pag-usapan ang nangyari.

END OF FLASHBACK

Alam ni James hindi niya habang buhay iwasan si Fretzie. Kailangan na niyang bumalik sa paaralan bukas. Bahala na kung ano kahihinatnan nito.

Kinabukasan ay pumasok si James sa kanilang paaralan. Napaaga siya ng pasok noong umagang iyon kaya naisipan niyang tumambay sa gazebo lingid sa kaalaman ni James ay merong tahimik na nagmamasid sa kanya sa malayo.

Kadarating ni Fretzie sa kanyang paaralan nang dumaan siya sa hallway nang nakita niya si James sinundan niya ito. Papunta ito sa gazebo kahit sa malayo pinagmamasdan lang ito ni Fretzie.

Gustong-gusto nitong lapitan at yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa. Sobrang nagsisisi siya ginawa niyang katangahan sa amusement park. Anong gagawin niya? Mukhang sa pagkakataong iyon ay lalayuan na talaga siya ni James.

Bakit ba lagi silang pinaglalaruan ng pagkakataon? Si James pala ang matagal niyang hinihintay na bumalik. Nandiyan nga siya pero hindi niya malapitan. Siguro nga hindi talaga sila para sa isa’t-isa. Mali na umasa siya sa wala si Ann na kasi ang bagong nag mamay-ari ng kanyang puso. At siya ay bahagi na lang ng isang mapait na nakaraan kailangan niya iyon tanggapin. Paninindigan niya na lang ang naging desisyon niya kahit merong parte ng kanyang puso nagtumututol.

Nasa loob na sila ng classroom habang naghihintay sa kanilang teacher. Napapansin ni Trish na kanina pang tahimik si Fretzie. Kaya siniko niya ito.

“Fretz, ayos ka lang ba?” usisa niya dito.

“Oo, Trish. Ayos lang ako.” Tipid na sagot nito.

“Ilang araw na kasi kitang napapansin na tahimik kaya nag-aalala ako sayo.”

“Trish, huwag kang mag-aalala. Ayos lang ako. Teka muna, ano iyong proposed project mo? Requirement kasi iyon sa atin dahil graduating tayo. May naisip ka na ba?”

“Uhm…meron na pero hindi ko mo na sasabihin sayo.”nakangising sabi ni Trish.

“Ikaw, talaga mahilig ka sa surprises.”

“Eh ikaw, anong plano mo sa proposed project mo?” tanong sa kanya ni Trish.

“Hindi ko pa alam eh.”

“Fretz, alam mo bang pumasok na ngayon si James? Lumabas lang iyon ng saglit kanina.” Pag-iiba ng usapan ni Trish.

“Oo nakita ko siya kanina. Bakit may problema ba?”

“Parang ang tamlay ni James. Tapos makikita mo sa mukha niya parang may problema siya.” Kwento sa kanya ni Trish.

Natigil ang kanilang pag-uusap ng pumasok sa loob ng silid si James. Nagkatitigan sila nito ngunit umiwas siya ng tingin dito.

Binuksan ni Fretzie ang kanyang aklat at bumasa ng kanilang lessons. Pinipigilan niya kasi ang tumingin kay James hanggat maari lang. Lalong-lalo na magkatabi pa sila ng upuan. Hindi alam ni Fretzie na lihim siyang sinusulyapan ni James.

Nalulungkot si James ngayon mukhang iniiwasan na talaga siya ni Fretzie. Bakit siyang sobrang naapektuhan? Nasasaktan siya kung kailan na realize kung gaano ka halaga ito sa kanya saka ito lumayo sa kanya.

Ilang minuto nakalipas ay dumating ang kanilang guro. Magalang na binati nila ito at nagsi upuan sila sa kani-kanilang upuan.

“Class, gusto ko nga pala sa inyo ipaalam na two weeks from now ay foundation day ng school. At dito sa section na ito kukuha kami ng dalawang representative na tutulong sa pag-organize ng event. Ang plano ngayong taon na ito magkakaroon tayo ng school fair. Tutal, halos lahat ng estudyante ay sawa na sa typical na formal party.” Pahayag ng kanilang guro.

“Ms. Del Rio, sino po ba napili niyo maging representative?” tanong ni Trish sa guro.

“Meron na kaming napili ng faculty para maging representative. Fretzie at James, kayo ang napili ng faculty na maging representative para sa pag-organize ng school fair.”

Pareho silang dalawa nagulat sa narinig at parehong-pareho pa ang naging reaksyon nila.

“Ms. Del Rio, bakit ako ang napili niyo?” sabay na wika nina James at Fretzie. Makaagaw atensyon ang naging reaksyon nila. Hindi maiwasan na tuksuhin sila ng mga kaklase nila.

“Class, magsitahimik kayong lahat.” Saway sa kanila ni Ms. Del Rio.

“Fretzie at James, may problema ba sa naging desisyon ng faculty?” seryosong tanong ni Ms. Del Rio.

“Wala po.” Nahihiyang wika nilang dalawa.

“Good. Mabuti at nagkaintindihan tayo.” Nakangiting sabi ni Ms. Del Rio.

Napabuntong hininga na lang si Fretzie at napayuko. Anong gagawin niya ngayon? Mukhang pinaglalaruan siya ng pagkakataon ngayon. Papaano niya itong iiwasan kung magkasama sila sa pag-organize ng school fair.

Hindi alam ni Fretzie na pareho lang sila ng pinoproblema ni James. Nahihirapan din si James papaano niya i aapproach si Fretzie. Sobrang ilangan ang mangyayari sa kanila.

Continue Reading

You'll Also Like

327K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
9K 545 17
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
135K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...