"Remember Me" (FIN)

By xuehua_8

127K 1.6K 91

FORMERLY KNOWN AS "MY BABY?!" More

Remember Me
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6 (EDITED)
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Special Chapter #1 (JOSH + DASH)
Chapter 17
Chapter 18
Special Chapter #2 (PatMine)
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
EPILOGUE
BYE BYE?

Chapter 50

1.1K 22 0
By xuehua_8

"RETURN"






6 months later...


(A/n: ang saya mag fast forward. Mwahahaha!)





Keila's POV


"Teka naman anak ko! Winter na oh, huwag kang malikot. Wear your jacket properly.", saway ko sa anak ko. Kasi naman, ang kulit kulit. Nagtatakbo bigla sa labas kasi nagi-snow na. "Go ahead. Be back in 15 minutes okay?", tumango siya at nakipaglaro sa mga bata sa kapitbahay namin.




Pumasok muna ako sa loob para ayusin ang mga bagahe ni Luke. Natapos ko na naman yung akin. Yung ilang natira na gagamitin ko eh sa handcarry nalang.




"All set, baby girl?", tanong ni Darryl sa akin. Pinanindigan niya na ang pagtawag sa akin ng baby girl ano? Wala naman sa amin yan. Kumbaga endearment na sa aming mag best friend ang baby girl at baby boy. Though, ang halay kapag tinatawag ko siyang baby boy. Parang baboy. Haha!




"Yes sir! Itong gamit nalang ni Luke ang inaayos ko. Wala naman masiyadong kailangang dalin sa gamit niya eh."




"Yung mga laruan ba niya eh iiwan mo nalang dito?", tumango ako.




"He won't need it when he grows up.", tumango naman siya sa sinabi ko.




"Sigurado ka na bang uuwi ka na talaga?", tanong niya. "May oras ka pa para pagisipan ito."




"I can't run away forever, Darryl. Dadating at dadating ako sa point na kakailanganin kong bumalik at ayusin ang mga bagay-bagay. Kung palagi kong iisipin na hindi ko kaya, wala akong maaayos, wala akong mararating. Mananatili lang ang conflict sa amin kung mananatili ako rito.", sabi ko. Sasagot pa sana siya nang biglang pumasok si Luke sa kwarto.




"Mommy let's go! I'm so excited to see daddy!", napangiti nalang ako. Natutuwa ako na bumalik na kahit papaano ang sigla niya. Lalo ngayon na babalik na kami sa Canada at makikita na niya si Kean.




I'm not so sure if I feel the same. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nagkita kami ni Kean. Who knows... Baka nakamove on na siya. Baka may iba na siya. Baka hindi na niya gugustuhin na makita ako.




"Kei, you're spacing out.", napatingin ako kay Darryl. "I'll be with you at all times."




"Salamat, Darryl. Para sa lahat-lahat."




"Anything for you, baby girl. Siyempre, bunso kita eh. Parang magkapatid na rin tayo.", napangiti ako sa sinabi niya. I am so lucky to have a brother in disguise.




*DINGDONG...




"May bisita ba tayo?", tanong niya. Nagkibit-balikat ako. Siya na ang pumunta para tingnan kung sino ang taong dumating.




"Hey Keila!"




"Tommy! What's up?", nakakagulat namang nandito itong manliligaw ni ate. Lumapit na rin ako at sinalubong siya.




"I heard you're going back.", tumango ako. "I wanted you to give this to your sister.", sabay abot sakin ng box.




"May I know what's inside?"




"It's just... A rose in a transparent plastic box.", tapos napakamot siya sa ulo niya. Haha! Ang cute rin nitong manliligaw ni ate eh. Hindi siya ang tipong pinakakawalan.




"Very sweet. I'll definitely give it to her."




"Thank you so much, Keila. So, I'll go ahead. Have a safe flight back to your country. And tell your family I said hi."




"Will do. Thanks for having me at your company, Tommy. It really helped me in many ways."




"You're always welcome.", tapos ay umalis na ito.




"Keila it's time."




You can do this, Keila. Be brave. Kailangan mo ng humarap sa kanilang lahat.







Kean's POV


"Thank you so much, man... Yeah i know... Don't worry... Dumbass, masasapok kita pag nagkita tayo... Hahaha! Oo na. Sige na... Ge bye."




Matapos kong makipagusap sa phone ay bumalik na ako sa loob ng opisina. Inayos ko agad ang mga gamit ko. Last day ko na dito eh.




"Bro, hindi ka na ba talaga titigil dito?"




"Hindi na, Dennis. May kailangan akong balikan eh."




"We will miss you, Kean.", sabi ni Sarah. Dito rin siya nagtatrabaho.




"Ganon din ako. But no worries, I'll keep in touch with you.", sabi ko.




"Magiingat ka sa paguwi mo ha.", sabi ni Dennis sabay kumamay sa akin.




"Oo naman."




"Wag kang makakalimot ha. Uupakan kita pag di ka nagparamdam sa amin.", natawa ako sa banta ni Sarah. "Ikumusta mo ko sa kaniya ah."




"I will. Bye guys. Thank you for having me over every after work.", pagkatapos ay nagtungo na ako sa parking lot. Bago ako tuluyang makasakay ay nakarinig ako ng pagtawag sa pangalan ko kaya naman lumingon ako.




"Janessa..", mejo awkward kami sa isa't isa. Lalo na dahil sa nasabi niya noon sa akin.




"Gusto kong magsorry sa mga nasabi ko noon. Hindi mo man ako matingnan sa paraan na tinitingnan kita, hahayaan ko na yon. Sana manatili pa rin akong kaibigan para sayo.", ngumiti ako.




"Janessa, mabait ka. Maganda ka. Pero balang-araw, makakahanap ka rin ng para sayo. Lalaking mahihigitan ako in every aspect. Lalaking mamahalin mo ng higit kaysa sa akin. At higit sa lahat, yung lalaking kaya kang mahalin din.", sabi ko. Nakita kong namuo ang mga luha niya. "Sorry kasi hindi ko talaga magagawang ibalik ang feelings mo. Salamat na rin sa pagintindi mo sa akin."




"Sige na. Go. Baka pigilan pa kita at di talaga kita hayaan na makaalis.", sabi niya pero iwas ang tingin niya. Lumapit ako at niyakap siya.




"Salamat, Janessa. Good luck on finding the right man for you.", naramdaman kong para nabasa ang polo ko. Bigla nalang niya ako tinulak pero di naman kalakasan.




"Sige na, Kean. Go ahead. Mahaba pa ang biyahe mo. Magiingat ka ha.", sabi nya sabay talikod at naglakad na papalayo sa akin. Naaawa ako sa kaniya kasi nasaktan ko siya. Kung bakit ako pa kasi ang nagustuhan niya. Pero kailangan kong maging firm sa sarili ko. Isa lang ang babaeng mahal ko.




Habang nasa daan ako pauwi sa bahay ay naghalo-halo ang emosyon ko. Naeexcite ako na makikita ko na ulit ang mag-ina ko pero nakaramdam ako na parang di ako handa sa magiging reaksyon ni Keila pag nagkita kami. Gayon din, di ko mawari ang magiging reaksyon ko kapag nagkita na kami ulit ni mama. Pinutol ko kasi ang komunikasyon sa kaniya. Hangga't maaari ay iniwasan ko talaga siya. Handa na ba akong humarap sa kaniya?







"KUYA! NAMISS KITA!", sigaw ng kapatid kong babae sabay yakap sa akin. Nagdalaga naman ata agad ang batang 'to.




"I missed you too, kiddo. Mabuti naman at nakauwi kayo."




"Bakasyon kasi namin doon. Kaya minabuti naming makauwi dito kahit ilang linggo lang."




"Mabuti naman kung ganon."




"Nga pala kuya, nasaan si ate Keila at ang pamangkin namin? Namimiss ko na si Luke.", hindi ko agad na-process sa utak ko ang tanong niya. I mean... Di ko alam ang sasabihin ko. Mahirap iexplain ang mga nangyari.




"Uh, papunta na rin ata sila."




"Kinikilig talaga ako sa inyo, kuya.", ngumiti nalang ako. Hindi niya alam na wala na kami ni Keila.




Pagpasok ko ng kwarto ko ay sumalubong sakin ang malamig na simoy ng hangin. Grabe, winter na, hinahayaan pa nilang bukas ang bintana ng kwarto ko.




Napadako ako sa may table ko. Nandito pa rin ang picture namin ni Keila. Masayang-masaya, na para bang wala kaming iniisip. Na parang hindi namin inaasahan na magkakaganito kami.




Looking back to the past months, ang buhay ko ay naging parang routine na lamang. Gigising, kakain, trabaho, uuwi, kakain, tutulog. That's basically it. I rarely hung out with my friends or colleagues. Parang nilunod ko ang sarili ko sa pagtatrabaho habang pinipilit kong iwasan na munang maisip si Keila.




"Welcome home, anak.", napatingin ako sa nagsalita. Daddy ko pala.




"Salamat dad.", pansin ko ang mabilis na paglabas ng mga signs ng pageedad ni dad dahil yata sa mga naging problema ng pamilya namin noon. Si mama ay hawak ng mga pulis ngayon. Ilang buwan na ang nakakaraan pero mukhang hindi pa rin tapos ang kaso. Ang huling balita ko ay hindi nagsasalita si mama.




"Hindi ka ba bibisita sa mama mo?", tanong niya. Pero tahimik lang ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Masasaktan siya kapag diretso kong sasabihin na ayaw ko. Pero masasaktan rin siya kapag nahalata niya ang hesitation ko. "You're not obligated. So, kumusta ka naman?"




Nagkwentuhan lang kami ni dad tungkol sa naging buhay ko. Kinuwento ko rin na nakasama ko sina Dennis at si Sarah. Di ko talaga akalain na best friend ni Keila ang magpapatino sa womanizer na iyon. Nakakatuwa na dati hook-up, hook-up lang sila. Nauwi na sa totohanan. Pfft. How powerful love is.







Hours later...


"Sige papunta na ako diyan... Sige... Bye.", agad kong pinatay ang tawag at nagsuot ng jacket. Papalabas na sana ako nang maabutan ni dad.




"Saan ka pupunta?"




"Nakabalik na po siya.", nakangiti kong sabi. Ngumiti lang rin siya. Alam niya na handa pa rin akong sumugal sa pagibig. Alam niyang magpupursigi pa rin ako para kay Keila. Alam niyang wala akong ibang minahal at mamahalin kundi si Keila. Kaya laking pasasalamat ko na sinusuportahan ako ng daddy ko.




Habang nagdadrive ako ay hindi ko maiwasan na magisip. Hindi ko maiwasang kabahan. Iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon namin kapag nagkita na kami. Matutuwa ba siya, magagalit ba siya, maiiyak ba siya o wala lang? Basta ako, alam ko na matutulala ako sa kaniya. Ganon naman ang epekto niya sa akin eh. Isa rin yan sa patuloy na minamahal ko sa kaniya. Kahit wala siyang ginagawa, nagagawa niya akong matulala na parang nabighani ako ng sobra sa kaniya. She got me under her spell.




Pagkapark ko sa tapat ng bahay nila ay agad akong bumaba at nag-doorbell. Agad-agad rin akong pinagbuksan ni kuya Angelo.




"Excited ka no."




"Siyempre naman."




"They're inside. Si Luke, medyo wala sa mood. Ayaw humiwalay kay Keila."




Pagkapasok namin ng bahay ay napunta sa amin ang atensyon... Or sa akin?




"Daddy!!!", tumakbo si Luke at agad na yumakap sa akin.




"Hey, little man. I missed you!", sabi ko at binuhat siya, saka niyakap.




"I missed you too, daddy.", napatingin ako kay Keila na nakatulala sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. Ibinaba ko muna si Luke at lumapit kay Keila. Walang sabi-sabing niyakap ko siya. Pero hindi siya pumalag. Mukang in shock pa rin.




"Welcome home.", bulong ko sa kaniya. Unti-unti ay naramdaman ko na ang mga braso niyang unti-unting umikot sa bewang ko. Kaya naman lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya. Nakaramdam ako ng tuwa kahit papaano.




"I'm home..", mahinang tugon niya sa akin.




Matapos patulugin ni kuya Angelo si Luke, iniwan muna niya kami ni Keila dito sa may living room nila para magkausap kaming dalawa. Ako na ang bumasag ng katahimikan.




"Kumusta ka?"




"O-okay lang. Ikaw?"




"Mabuti rin naman. Kumusta ang naging buhay mo doon?", pagkatapos ay nagkwento na siya ng tungkol sa naging buhay niya noon. Halos kapareho ko pala siya. Naikwento niya na pareho lang ang trabaho niya dito at doon. Manliligaw pala ni ate Mariella ang boss niya doon. Naging mabait naman ang lahat sa kaniya at sa anak niya--namin pala.




Naramdaman kong dadating na kami sa puntong maguusap na kami tungkol sa nakaraan namin.




"Gusto kong magsorry sa naging pakikitungo ko sayo noon. Alam kong mali ang inasal ko. Ni wala kang kinalaman sa nangyari pero sinisi kita.", paninimula niya. "Hindi ko kailanman maibabalik ang nakaraan para sana i-undo ang sinabi ko pero-", I kiss her. Hindi ko na mapigilan eh. Paiyak na siya eh. Ang cute niya. Mabilis lang naman. Halata ang gulat sa kaniya.




"Let's not go back to that part. Masaya na akong nandito ka at nagbalik ka. At mas masaya ako na muli mo akong tinatanggap sa mundo mo.", hinaplos ko ang pisngi niya. Panay ang pagtulo ng mga luha niya. "Welcome back, Keila."




"I'm back.. I'm home, Kean."







===



{a/n: eh antok na antok na ako habang nagtatype. Haha! Sa wakas nakapag update na. Few chapters left!}


Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
208K 1.7K 14
Si Vannie ay isang raketera, simpleng mamamayan lang na sobrang dami ng nasubukan na trabaho basta legal na trabaho papatusin niya, siya na lang kasi...
241K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
151K 2.9K 24
Just Marry Me (COMPLETE. EDITED) Paano kung isang araw, magising ka na lang at ang mga tanong na ito ang bumungad sayo, 'Max, will you marry me?' Kik...