"Remember Me" (FIN)

By xuehua_8

127K 1.6K 91

FORMERLY KNOWN AS "MY BABY?!" More

Remember Me
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6 (EDITED)
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Special Chapter #1 (JOSH + DASH)
Chapter 17
Chapter 18
Special Chapter #2 (PatMine)
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
EPILOGUE
BYE BYE?

Chapter 48

939 17 0
By xuehua_8

"FLY AWAY"






Keila's POV


Looking back to how I was before meeting Kean again, parang mas mapayapa at mas kinakaya ko ang buhay ko noon, ang buhay namin ng anak ko. Noon, tanging ang pagpapakilala ko kay Luke sa ama niya ang iniisip ko o kaya naman kung paano kapag biglang magkita ang dalawa. Iyon lang ang naging palaisipan sa akin.





Naging mapagpasensiya akong tao. Natuto ako sa mga hirap na dinanas ko noon. Noong mga panahon na nagkakagulo ang pami-pamilya dahil lang sa pakikipagrelasyon namin ni Kean sa isa't-isa. Noong mga panahon na umalis ako ng bansa para maging mapayapa na ang pakiramdam ng nanay ni Kean. Noong mga panahon na hirap na hirap akong bumangon sa sarili ko lalo na't nagbubuntis ako noon. Lahat ng hirap sa ibang bansa, tiniis ko.





Nagkaroon ako ng mabubuti at mapagmalasakit na mga kaibigan doon na naging taga-alaga ng anak ko tuwing magtatrabaho ako para may pantustos ako sa mga pangangailangan ng anak ko. Lahat ng pagsisikap na ginawa ko ay para mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak ko.





At ngayon, gagawin ko na naman ang lahat ng ito para sa anak ko. Hindi ko hahayaan na maipit ang bata nang dahil sa conflict ng magkabilang partida. Gayon din, gagawin ko ito para sa sarili ko. Kailangan kong hanaping muli ang sarili ko. Kailangang buuin ko muli ang sarili ko.





Pakiramdam ko, wasak na wasak ang pagkatao ko. All this time, naging mabait ako sa kanila. Ni hindi nga ako nagkimkim ng galit laban sa kanila. Pero ito ang igaganti nila?! Kung sana lang ay hindi ako masiyadong naging mabait, naging mapagpasensiya, naging mapagmalasakit, na laging inuuna ang iba, malamang ay hindi ako madaling masaktan ng ganito.





Pero kahit ano pa ang mangyari, masasaktan at masasaktan ako. Lalo na't ang may kagagawan ng lahat ng kamalasan sa buhay ko ay ang mga taong nirerespeto ko noon.





"Mommy..", napatingin ako sa anak ko. Nandito ako sa kwarto at nakaupo lang dito malapit sa may bintana habang nakatulala sa kawalan. Parang dalang-dala ako ng iniisip ko.





"Yes baby? Come here.", lumapit naman siya sakin.





"Do we have to leave?", malungkot na tanong niya. Eto ang mahirap eh. Ang magpaliwanag sa bata. Napakabata pa ni Luke. And I'm very sure na naguguluhan siya sa mga nangyayari. Hindi niya maiintindihan ang purpose ko sa pagalis namin dito.





"One day, you will understand. For now, we really have to leave."





"But what about daddy?", natigilan ako sa tanong niya. Awtomatiko akong nakaramdam ng inis kapag nababanggit na ang tungkol kay Kean o ang tungkol sa pamilya niya.





Pero napaisip ako. Walang alam si Kean sa nangyari noon. Bakit ako nakakaramdam ng matinding galit laban sa kaniya? Alam kong mali na idamay siya sa galit ko sa mga magulang niya pero bakit nga ba? Naiintindihan niyo naman siguro ako. Biglang bumalik ang atensyon ko sa anak ko nang pisilin niya ang kamay ko.





"Your daddy has to stay. He has stuff to fix.", ang tanging sagot ko. Hindi na rin siya nagtanong pa pero kitang-kita na nalulungkot ang anak ko. Niyakap ko nalang siya. 'Anak, patawarin mo si mommy.'





Bumaba na muna kami sa sala para makisalo sa tanghalian. Nandito sina kuya kasama ang asawa niya at gayon din si ate. Bali, kumpleto kami dito.





"Oh Keila, halika na at sumabay ka na sa amin.", aya ni ate Jeine sa akin tumayo siya at ikinuha ako ng pagkain ko.





"Oh, why the long face, little bud?", tanong ni kuya kay Luke.





"Because daddy isn't coming.", hindi naka-react ang kuya ko. Maging si ate Mariella ay natigilan sa pagkain at tumingin kay Luke. Napabuntong-hininga ako.





Agad kong inasikaso si Luke para makakain na siya at huwag na muna niyang isipin si Kean. Mahirap pa namang amuin ang batang 'to.





Habang kumakain kami ay may biglang nag-doorbell.





"I'll get it.", sabi ni ate Mariella. Tahimik lang kaming kumakain ni Luke habang si kuya ay nagkakalikot sa iPad niya. Si ate Jeine naman ay nagpunta muna sa kwarto. Gusto raw niyang magpahinga. She feels so tired and restless daw these days.





"Keila.", napatingin ako sa tumawag sakin.





"Uy, Darryl. Kain tayo."





"Salamat pero kumain na ako. Go ahead and eat.", lumapit siya sakin at humalik sa pisngi ko. Lumapit din siya kay Luke. Alam kong napansin nya na malungkot si Luke kaya agad kong pinigilan si Darryl bago niya pa matanong si Luke. Baka biglang mag tantrums o umiyak ang bata. "Little man, when we get there, I'll buy you lots of toys.", pero walang-ganang tumango lang si Luke. Bigla siyang tumayo at naglakad papaalis. Naaawa ako sa anak ko.





"Tama ba 'to, Darryl? My son's actions say otherwise."





"Bata pa siya pero he will be okay. He'll get over it."





Si Darryl ang magsisilbing guardian namin pagdating sa France. Iyon ang bilin ni kuya. Mukhang may pinagusapan sila na ayaw nilang sabihin sa akin. Hindi ko nalang rin naman inuusisa pa. Ang mahalaga lang ay makarating kami ng ligtas sa France at makapamuhay katulad noon.





Pinuntahan ko si Luke sa kwarto niya. Dahan dahan kong binuksan ang pinto para silipin siya. Nakaupo lang siya sa kama niya habang nakaharap sa may bintana. Nakakaawa tingnan ang anak ko pero tulad ng sinabi ni Darryl, bata pa siya. In time, mada-divert din ang atensyon niya elsewhere, di rin niya mapapansin na hindi na niya naiisip ang daddy niya.





Bigla akong napatalon nang may pumulupot na braso sa bewang ko.





"Darryl?!"





"Wala lang. Don't worry. Walang meaning 'to. Ikaw talaga. Ginagawa ko sayo 'to noon pa. Nawala lang ako ng ilang panahon, nasanay ka ng hindi ko ginagawa sayo yun.", oo nga naman. Unang beses itong nakaramdam ako na hindi ako kumportable. Parang may iba akong inaasahan na gagawa no'n. "Halika at magusap tayo.", hinila niya ako papunta sa kwarto ko. Bukas naman ang pinto. "Sigurado ka na bang gusto mong umalis?", bigla akong natahimik. Hanggang ngayon ay parang hindi ako makapag-decide kung aalis ba ako o hindi. Mamaya na ang flight namin eh.





"Pag sinabi ko bang ayaw ko eh hahayaan mo ko dito?"





"Of course not. Kung ayaw mong umalis ng bansa, dadalin naman kita sa ibang siyudad. Sa malayong siyudad.", edi ganoon din. Sa France nalang ako. At least malayo talaga ako at mas magagawa kong buuin ang sarili ko.








Nandito na kami sa airport. Alas cinco na ng hapon. Bigla kong naisip si Kean at nakaramdam ako ng matinding panlulumo sa kaisipan na iiwan ko na naman siya. Kung tatanungin niyo ko kung mahal ko pa siya, I'd be lying if I said I don't. Mahal ko pa rin siya pero nangingibabaw kasi yung hinanakit na nararamdaman ko sa pamilya niya. Gusto kong gumaling muna. At alam kong magagawa ko iyon hangga't hindi kami nagkikita.





"Mommy..", napatingin ako sa anak ko. Nagluluha ang mga mata niya. Kinarga ko siya at hinaplos-haplos ang likod.





"Shh.. Temporary lang ito, anak. Please bear with mommy."





"Kei, it's time.", sabi sakin ni Darryl. Lumapit sakin ang mga kapatid ko at si ate Jeine.





"Magiingat ka doon ha. May bahay naman tayo doon diba? Doon ka umuwi para mas alam kong ligtas ka.", bilin ni kuya.





"Magmemessage ka sakin kung may problema sila sayo sa kumpaniya. Akong bahala sayo. Okay?", bilin naman ni ate.





"Keila, anumang galit ang nasa loob mo, huwag mong hahayaan na lamunin niyan ang pagkatao mo. Tandaan mo, hindi rin buo si Kean. Pareho kayong nangangailangan sa isa't isa. Sana pagbalik mo, kung kayo pa rin ang para sa isa't isa, mapagbigyan niyo ulit sana.", naluha ako sa sinabi ni ate Jeine. Kaya niyakap niya ako. "Mahal ka niya. Alam mo yan. At alam kong mahal mo rin siya. Pero you need time to heal first. Come back kapag maayos na ang lahat para sa inyong dalawa."





"Salamat ate.."





"Darryl, ikaw na ang bahala sa mag-ina."





"Wag kayong magalala. Aalagaan ko sila."





"Darryl ha. Baka magkagusto ka kay Keila."





"Ate Mariella naman."





"Boto kaya ako!", napasapo nalang ako sa noo ko. She knows how to make it awkward for him and I. "Kidding aside, ingatan mo sila. Kakalbuhin kita kapag may nangyari sa kanila."





"Grabe 'to. Haha! Sige na aalis na kami."





Bago kami tuluyang makaalis ay lumingon muna ako sa likuran. Pero nadismaya rin ako. What are you expecting, Keila? Na susundan ka niya? After noong pakikipaghiwalay mo sa kaniya at yung mga masasakit na sinabi mo? Hay.





"Kei..", tumingin ako kay Darryl. Nagaalala siya.





"Okay lang. Tara na."





After namin mag-check-in at kung anu-ano pa, agad rin namang pinatawag lahat ng boarders papuntang France. Sa pagkakataong iyon ay nakarinig ako ng boses.





"Keila!!!", hindi ko alam kung lilingon ako o hindi. "Keila!!!!"





"Kei, we have to go."





'Keila, hindi pwede. Ginusto mo 'to. Huwag na huwag kang lilingon. Iwan mo na ang buhay mo dito and move on.'





Dahan dahan lang akong naglakad. In the end, nanaig pa rin ang puso ko. Nilingon ko siya. Umiiyak siya na para bang nagmamakaawa siyang huwag na akong umalis.





"Daddy!!!", nagulat kami ni Darryl sa sigaw ni Luke. Buhat-buhat kasi siya ni Darryl. Nagpupumiglas si Luke pero mahigpit ang hawak niya sa anak ko.





"Let's go. Baka maiwan pa tayo.", hinila agad kami ni Darryl para makapasok agad.





"Keila!!!! Noooo!!!"





At iyon na ang huling narinig ko. Sunud-sunod na tumulo ang mga luha ko. Si Luke rin ay iyak na ng iyak. Pinapatahan na siya ni Darryl.





Pagkahanap namin ng aming seats ay agad kaming pumwesto at napatingin nalang ako sa labas.





Kean, when fate brings us back again together, then maybe.. Just maybe, we can start over.







===


A/n: few chapters left.


Continue Reading

You'll Also Like

92.4K 1.8K 72
Paano kung ang lahat ng sayo ay biglang mawala at ang tanging magagawa mo lamang ay hide myself and hide all my work for my safety. At kailangan kon...
208K 1.7K 14
Si Vannie ay isang raketera, simpleng mamamayan lang na sobrang dami ng nasubukan na trabaho basta legal na trabaho papatusin niya, siya na lang kasi...
151K 2.9K 24
Just Marry Me (COMPLETE. EDITED) Paano kung isang araw, magising ka na lang at ang mga tanong na ito ang bumungad sayo, 'Max, will you marry me?' Kik...
408K 7K 66
Hanggang Saan ang Halaga nang pera nang Isang bilyonaryo ? Paano kaya nabago nang isang simpleng babae ang Pananaw , Pag uugali at Mga paniniwala nit...