"Remember Me" (FIN)

By xuehua_8

127K 1.6K 91

FORMERLY KNOWN AS "MY BABY?!" More

Remember Me
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6 (EDITED)
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Special Chapter #1 (JOSH + DASH)
Chapter 17
Chapter 18
Special Chapter #2 (PatMine)
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
EPILOGUE
BYE BYE?

Chapter 47

865 19 1
By xuehua_8

"HATRED"








Kean's POV


"Kumusta ka?", tanong ni Elizabeth sakin pero hindi ko siya pinansin. Yes, nagising na ako, kagabi lang. Pero hindi ko matanggap na reality na pala ito. Akala ko nananaginip lang ako na nandito si Elizabeth, akala ko nananaginip lang ako na ikakasal daw ako sa kaniya. Pero walang hiya. Reality sucks. "Babe--"





"Manahimik ka nga. At wag mo 'kong tawaging babe.", putol ko sa kaniya.





"Ang harsh mo naman."





"Wala akong pake. Lalo na sa iyo.", malamig kong tugon sa kaniya. Nanahimik naman siya. Inaakala niya bang mapapaikot niya ako? Tss.





"Ano ba ang gusto mong gawin ko ha?", parang naiiyak na siya.





"Gusto ko? Ang gusto ko mawala ka na. Hindi lang sa paningin ko kundi pati sa buhay ko. Baka gusto mo na ring maglaho sa mundong ito. Wala akong pake.", at narinig ko nalang na sumisinghot-singhot siya kaya nilingon ko siya. Umiiyak. Tss, di ko siya pinansin. May gana pa siyang umiyak ngayon ha?





"You want me to die?", mahinang tanong pero sapat na para marinig ko. Hindi ko siya sinagot. "Ha, Kean? Gusto mo 'kong mamatay? Baka gusto mong ikaw na rin ang pumatay sa akin!! Tutal, araw-araw eh pinapatay mo na rin ako. Ba't di mo pa gawing literal?!"





"Kung hindi lang ako nakaratay sa kamang ito, malamang nagawa ko talaga iyon.", prangkang pagkakasabi ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. Lalo siyang napaiyak at saka lumabas ng kwarto. Napahinga ako ng maluwang. Whenever she's here, I feel suffocated. Nakakairita ang presensiya niya.





*BEEP

From: Josh
'Pre, sa wakas naman at nagising ka na!'





Matawagan nga ito.





Calling... Josh


...


[Pre!]


"Uy kumusta?"


[Wow ikaw talaga ang nagtanong niyan no? Haha ok naman. Ikaw? Kumusta na ang pakiramdam mo?]


"Medyo okay. Ano.. May balita ka ba kay Keila?"


[Ano kasi pre... Ang daming nangyari netong mga araw na natutulog ka.], nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya. [Ang masasabi ko lang eh usapang pamilya kasi eh. Sa side mo at sa side ni Keila. Makakabuti pa na kausapin mo, either ang daddy mo o ang kuya ni Keila.]


"Ganon ba.. O sige. Salamat ha. Please keep an eye on her. Alalayan mo siya."


[Will do. Pagaling ka.]


"Oo, salamat."





Saka ko ibinaba ang telepono. Ano kaya ang nangyari?





Naalala ko bigla si Keila. Namimiss ko na siya. Iniisip ko... Kami pa ba o wala na? Wala naman kaming naging official na break up eh. So basically, she's still mine at may karapatan pa rin ako sa kaniya.





"How are you feeling, mr. Ruiz?", tanong ng doctor sa akin. Umayos ako ng upo.





"I'm feeling better now."





"That's good. Well for today, we'll do some tests on you and if the results are good then we can release you by the end of the day."





"Really? Thank you so much, doctor."





"My pleasure.", tapos ay lumabas na siya. Sa wakas naman at makakalabas na ako. Ayoko na dito. I feel like I'm imprisoned. Lalo na kapag nakakasama ko si Elizabeth dito. Tss.





*PHONE RINGING


Dad calling...





First time 'to ah?





"Hello dad?"


[Anak, kumusta ang pakiramdam mo?]


"Mabuti po. Nasaan kayo?"


[Papunta na ako diyan. Ako lang magisa. Kailangan kitang makausap eh.], mukhang urgent. Pero kinakabahan ako sa maaari niyang sabihin.


"Ganon po ba. O sige, magiingat po kayo."


*END CALL





Habang kumakain ako ng lunch ay biglang bumukas ang pintuan. Akala ko ay si dad na. Laking gulat ko nang si Keila ang dumating. Malamig ang tingin niya sakin at walang bakas ng emosyon ang makikita sa mga mata niya. What happened to her..?





"Keila.."





"Mabuti naman at nagising ka na. Magpapaalam na sana ako eh.", ano daw?





"What?"





"Mabuti pang maghiwalay na nga tayo.", prangka at kaswal na pagkakasabi niya na nagpaguho naman ng mundo ko.





"Keila, ano bang sinasabi mo?"





"Ayokong maki-mingle sa pamilya ng mga mamamatay-tao.", malamig na tugon niya. Lalo akong naguluhan sa sinasabi niya. Bakit ba siya nagkakaganito? "Naguguluhan ka? Paiikliin ko nalang 'to dahil ayoko ng magtagal pa dito. Hiwalay na tayo, Kean. At dahil sa mga magulang mo, lalo na sa nanay mo, nasira ang pamilya ko. Dahil pinatay ng nanay mo ang mga magulang ko.", WHAT? Ano ba itong pinagsasabi ni Keila?





"Keila, what are you saying? Anong pinatay ni mama ang mga magulang mo? Paano mo nasabi yan?"





"Aba wala kang alam? That sucks. Pero mismong mga magulang mo na ang nagkwento ng tungkol sa aksidente kuno na nangyari sa mga magulang ko."





Magsasalita sana ako pero dumating si dad.





"Keila! Kean!", napatingin kami sa kaniya.





"Oh, ayan ang dad mo. Why don't you ask him? Alam naman niya ang lahat eh.", napatungo si dad. Naguguluhan ako sa nangyayari. Tumalikod na si Keila at naglakad na papunta sa may pinto. Lalabas na sana siya pero tumigil muna siya para magsalita ulit. "Inuulit ko, Kean. We're through. Don't worry, after this, you won't see us again. Live well... That is, if you can.", 'us'? Wait what?!





"Aalis ka ba?", di siya umimik. "Isasama mo si Luke?!", hindi ulit siya umimik. "Keila di mo 'to pwedeng gawin sakin! Wag mong ilayo ang anak ko sakin!", hindi siya umimik. Lumingon siya sa gilid pero pagkatapos no'n ay lumabas na siya at tuluyang nawala na sa paningin ko. Tatayo sana ako para habulin siya pero pinigilan ako ni dad.





"Anak kumalma ka. Baka mabinat ka."





"Dad, anong pinagsasabi ni Keila? Alam niyo bang aalis siya? Ilalayo niya ba sakin ang anak ko?! Dad!!", huminga siya ng malalim at umupo sa may tabi ng kama ko.





"Anak bago ko ikuwento sayo ang lahat, humihingi na ako ng tawad."





"Dad please.. Sabihin niyo na po.", pagkatapos ay ikinuwento niya na sa akin ang lahat. Mula sa nakaraan ni mama at ng mga magulang ni Keila tapos ay planadong aksidente para mapatay ang mga magulang ni Keila na kung saan ay kasabwat si Elizabeth hanggang sa issue ng relasyon namin ni Keila at nung aksidente ko hanggang sa lumabas na ang katotohanan at nalaman na ng pamilya ni Keila ang totoo. Hindi ko napigilang mapaiyak sa nalaman ko.





"Anak patawarin mo kami. Patawarin mo 'ko at hindi ko napigilan ang mama mo. Patawarin mo rin sana ang mama mo na bulag na bulag noon dahil sa pagiging makasarili niya.", naiiyak na pahayag sakin ni dad. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Kaya pala ganoon nalang ang trato sa akin ni Keila... Ganon nalang ang galit niya, pati ng ate niya. At sobra akong nasasaktan dahil kung anong inilaki ng gap namin sa isa't isa, may mas ilalaki pa pala iyon. May malaking barrier na hindi ko alam kung kakayanin kong masira iyon para bumalik sa akin si Keila.





"May iba pa po bang sinabi?"





"Sinabi ng ate ni Keila na muling bubuksan ang kaso tungkol sa aksidente sa pagkamatay nina Mikaella at Jake.", napapikit ako. Wala ako sa lugar na magreklamo dahil alam kong mali ang ginawa ng nanay ko at alam kong may karapatan na magalit ang pamilya ni Keila. I can never blame them kung sakaling ipakulong nila si mama or worse ay... Hay ayokong isipin na ganoon. Kahit papaano, alam kong may puso pa rin si Keila. Sadyang nabubulag pa siya ngayon dahil sa galit na ngayong lang nabuo at lumabas.





Later today, na-discharge ako at nakauwi na rin sa bahay pero mukhang wala si mama. Saan kaya siya nagpunta? Also, I have never heard again of Elizabeth. Hindi siya tumawag o pumunta man sa bahay.





"Sir Kean, may sulat po para sa inyo.", sabay abot ng katulong.





"Salamat.", dumeretso ako sa kwarto at binasa ang sulat.





'Kean..

By now, I'm sure alam mo na ang mga pangyayari. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin ang lahat ng katangahan ko pero sorry. Gusto ko lang mag sorry. Dahil sakin, nasira ang buhay mo. Sorry talaga. Napagdesisyunan ko ng tigilan na ito. Narealize kong ang tanga ko pala. Sobrang tanga. Sana maging okay ang lahat para sayo. I wish you happiness and good health and life. Sorry talaga. Alam kong di matutumbasan ng mga sorry ko ang lahat ng kasamaan na nagawa ko magmula noong high school tayo. Pero sorry pa rin... Sana maging masaya ka na. Mas magiging mas masaya ka kung kasama mo si Keila pati na ang anak niyo. Good bye Kean. Please be happy.

Elizabeth'





Bigla kong nailukot ang papel. Nakaramdam ako ng matinding inis.





"Naisipan mo lang 'to ngayon... Kung kelang sirang-sira na kami ni Keila... Hindi kita mapapatawad, Elizabeth.", nanggigigil kong sabi.





Biglang sumama ang aura ko. Naiinis ako. Sobra sobra ang inis na nararamdaman ko.





Huminga ako ng malalim para kumalma. Baka makagawa ako ng bagay na kahit kailan ay hindi ko pa nagawa. Maka-commit pa ako ng krimen.





Naisip ko na naman si Keila. Napatingin kasi ako sa litrato naming dalawa at hinaplos ito.





'Keila... Wala na ba talaga?'


Continue Reading

You'll Also Like

252K 5.5K 58
"Basta ang alam ko lang mahal kita..marami na tayong pinagdaanan at dahil doon di ako sumuko ang totoo pa nga mas lalo pa kitang minahal AJ"---Ian
236K 3.4K 46
Hazel Kaitlyn Rutherford Fritzie Gail Arcenas Marry Doll Suemblle Thimmy Vhinzmae Castaneda
120K 11.3K 36
Minsan lang daw s'yang magmahal at ako 'yon, kaya raw handa niyang gawin at ibigay ang lahat para maangkin lang ako. Sino ba naman ako para tanggihan...
456K 10.6K 68
[ HR #11 teenfiction ] thanks ♡HR #96 teenfiction April 14 2018♡ HR #180 teenfiction feb 27 2018 ][♡ Highest Ranked #57 Random January 23 2018 ♡ ] [...