My Marine Love - Pinoy M2M St...

By absurd018

93.7K 2.6K 70

Sundan ang buhay ni Pat (isang Electrical Engineering Student) sa piling ni Elmer (isang Marine Engineering s... More

Part 1 (Intro)
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Extended Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
ELMER's POV(Before FINALE)
Part 40 FINALE

Part 21

1.9K 62 0
By absurd018

Nakadapa ako sa kama at nagtytype. Nakaupo naman si Marine at nagsusulat sa maliit na lamesa sa tapat niya.

"Mahal ang dami neto ah hahaha." Sabi niya saken habang nag inat.

Lumabas sa sando niya yung utong niya at bumakat yung makaki niyang katawan.

"Huhu sige okay lang. Ako nalang magtatapos niyan mamaya" sabi ko naman

"Syempre joke lang. Ang konti nga ehh. Wala na ba diyan?dali sulatin ko pa kina jenn"sabi niya at tumawa siya.

Yumakap ako sakanya sa likod at hinalikan ko sa pisngi.

"Hehe salamat!" Sabi ko sakanya.

At dumapa na uli ako. Ngumiti lang siya sa ginawa ko.

Kinagabihan, tumatawa si mama saken.

"Hello ma?" Bati ko

"Hello Anak, babalik na tayo sa probinsiya. Sorry kung ngayon lang naman sinabi. Nagkasakit kasi si tatang mo dun, gusto niyang bantayan natin yung bahay niya dun. Wag ka mag alala, hindi ka lilipat ng school. Diyan ka sa dorm mo muna hanggang makatapos" sabi ni mama

"Hala ma, sige po. Sama ako paglipat para mabisita ko rin si tatang" sabi kong ganun.

Biglang huminto si Marine sa ginagawa niya at tumingin saken. Sinenyasan ko siyang mamaya ko sasabihin.

"Sige anak, balak namen umuwi na nextweek. Si ate mo naman dito lang din, magdodorm na lang dn siya malapit sa office." Sabi pa ni mama.

"Sige ma, kailan ba ako uuwi?"

"Sa friday anak, tapos gusto mo sa sunday kana bumalik. Dun ka muna sa Bicol ng 2 araw."

"Sige po ma!"

At binaba na yung tawag.

"Oh ano nangyari??" Tanong ni marine.

"Si tatang daw wala na. Eh sila mama at papa dun na daw titira, e mas okay naman kasi dun may lupa dun na sakahan at may palaisdaan din."

"Okay kalang ba?" Tanong niya pa

"Ayy oo. Okay lang. Malungkot din kasi nawala si tatang ng isang beses palang kami nagkikita" sabi ko.

"Osige. E kailan kayo uuwi?"

"Sa friday daw sabi ni mama"

"Gusto mo ba sumama ako?"

"Bicol pa yun haha"

"Eh ano naman kung sa Bicol?"

"Ay, kahit na. Malayo. Tsaka sa pamilya mo muna ikaw okay? Mas gusto ko andun ka. Papakilala kita nextime sakanila hehe" sabi ko nalang.

At bigla siyang nalungkot.

"Wag kana malungkot diyan" sabi ko sakanya at nilaro laro yung mukha niya.

"Mamimiss kita nun" sabi niya pa.

"Ehhh mag tawagan nalang tayo hehe"

"Osige hehe" sagot niya.

8 na ng gabi at pinauwi ko na si Marine. Ayaw pa sana niya kaso sabi ko umuwi siya at dun na siya matulog palagi.

Pumayag naman siya at umalis na.

Tinuloy ko lang ginagawa ko. Nagtetext pa rin kami ni Marine kahit andun siya sa kanila. At may nagtext na unknown number.

"Maraming Salamat talaga patrick! Andito si Elmer kumakain ngayon. Sobrang salamat sayo!:) mama niya to."

natuwa ako kasi gusto ako ng mama niya.

"Palagi na po siyang andiyan tita hehe" reply ko naman.

Lunes na naman! Buti natapos ko lahat ng pinapagawa samen.

"Grabe yun no? Ang daming pinapagawa. Nako si Sir Kenneth talaga eh haha"sabi ni Jenn

"Oo nga eh buti natapos ko kayo ba?" Tanong ni Alvin

Sumasama na uli saken si Alvin. Mukhang okay na lahat. Palagi ko ring napapansing magkasama sila ni Dan.

Si Bryan naman di ko pa rin pinapansin. Di rin niya ako pinapansin.

Pinapasa na lahat ng ginawa namen. Pansin kong walang gawa si Bryan pero di ko na siya kinausap.

Natapos na yung klase kay Sir Kenneth at dun naman kami sa math.

Magkatabi uli kami ni George at todo kwentuhan na naman about sa mga pop stars.

"Grabe. Ang dami mo rin palang alam!!" Sabi ni George saken

"Oo ah! Basta ako Lady Gaga all the way!" Sabi kong ganun

"Haha ako din. Si Taylor gusto mo?"

"Oo naman!"

"Katy?"

"Sakto lang haha pero maganda kanta niya"

"Totoo!! Pero si Britney talaga!" Sabi niya

"Totoo!!!!!!! Grabe lahat ng idol ko, idol mo rin!!" Sabi ko sakanya

"Nako, pag di natuloy kasama ko, ikaw isasama ko sa concert ni Lady Gaga haha" sabi niyang ganun.

Nagpatuloy lang kwentuhan namen at natapos na yung klase at nagsiuwian na kami.

Nagpaalam na rin ako kina jenn at anna. Si Alvin naman kasama si Dan. At bumalik na ako sa dorm.

Medyo namimiss ko sa dorm si Marine pero okay lang yun alam ko namang kasama niya pamilya niya at yun ang tama.

Kaya nagtext ako sakanya.

"Namimiss kita rito huhu"

"Huhu miss na rin kita pero tignan mo. Andito kami sa kwarto ni Kuya Allen, naglalaro ng PS4 haha"

"Haha sige magenjoy ka diyan. smile emoticon"

6 palang ng gabi at tinatamad ako sa dorm. Napagpasyahan kong mag dinner sa McDo sa Mendiola.

Ang daming estudyante na taga CEU at San Beda. Hindi ko alam kung required ba sa school na to yung may mga itsura? Kasi halos lahat ng nakikita gwapo at maganda.

Mag isa lang ako pero nakakita ako ng familiar na mukha. Nakita ko si Dennis! Kasama niya si Paulo at kumakain din sila.

Kinawayan ko sila at napansin nila kaya lumapit sila sa pwesto ko.

"Ikaw lang? Nasan na yung marine mo? Haha" asar ni Dennis saken

"Haha adik, nasa bahay nila" sagot ko.

"May boyfriend ka na pat?" Sabi ni Paulo

"Ha? Wala pa ah"

"Ahhh wala pa. Haha. Akala ko si Bryan na eh." Sabi niya pa.

Sinamahan nila akong kumain at naglakad lakad kami sa Mendiola.

"Ang sarap talaga maglakad dito babe, parang safe na safe eh" sabi ni Dennis kay Paulo habang magka holding hands sila

"Nakakainggit naman kayong dalawa, nakakaasar haha"

"Haha sagutin mo na kasi si Marine. Nako, pag yun nawala sayo, kawawa ka haha" asar ni Dennis.

"Haha hayaan mo malapit na rin hehe" sabi kong ganun

Di naman napansin na ang layo na ng nalakad namen at andun na kami sa tapat ng school. Nagpaalam na ako sakanila na babalik na ako ng dorm.

Pero malayo palang ako, kita ko ng bukas yung pinto ng dorm ko.

Natakot ako at di ko alam gagawin ko.

Unti unti akong lumapit sa dorm at sinilip ko, patay yung ilaw kaya wala ako makita.

Dahan dahan ako pumasok at binuksan yung ilaw.

"SURPRISEEEEEEE!!!!!!!!" bati ni Marine saken,

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Wala lang, sabi kasi ni mama gawin ko daw sayo to eh." Sabi niya

Nakita ko yung loob ng dorm ko maraming lobo, iba't ibang kulay. May pagkain din sa lamesa, Spaghetti na luto daw ng mama niya at chicken.

May isang malaking shrek stuffed toy na kasing laki at sobrang lambot.

May kandila sa lamesa at may wine.

"Wag ka mag alala. Galing kay mama lahat ng yan" sabi niyang ganun.

Di ako makapaniwala sa nakikita ko. First time ko maexperience yung ganun.

Di ko napansin na may rose petals papunta sa lamesa. At dun nakatayo si Marine, naka ngiti saken, suot niya yung Blue V Neck shirt niya at naka pants na black na hapit at naka white converse shoes.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya saken

Biglang may sumilip sa labas ng bahay

"Okay naba Elmer? Alis na ako ah! Nako pasiyahin mo si Patrick kundi lagot ka kay mama" Si kuya Argie yun! Nasa labas at nagpaalam na saken.

"Bakit may ganito?" Tanong ko sakanya.

"Wala lang. Bawal ba? Gustong gusto ko nga to gawin sayo eh kaso walang budget haha. Si mama lahat nagbigay niyan. Salamat daw talaga" paliwanag niya

"Pero bakit...."

"Ops. Wag na magsalita. Samahan mo na ako rito" sabi niya saken.

Lumapit na ako sa kanya. Pinaupo niya ako at umupo na rin siya sa harapan ko.

"Oh kain na tayo nako masarap yan. Luto ni mama"

"Ang bait naman ng mama mo saken"

"Gusto ka niya talaga. Ewan ko ba, siguro alam niyang may namamagitan saten kaya ganun nalang maka react yun"

"Di ko alam sasabihin ko. Di ko to ineexpect" sabi ko sakanya habang paluha na ako.

"Hala lagot ako kay mama pag nalaman niyang umiyak ka. Wag ka umiyak"

Ngumiti ako. Ngumiti rin siya.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya.

"Sobra! Sobrang sweet mo" sabi ko sakanya habang nakangiti.

Napansin kong may sauce ng spaghetti sa labi niya at tinanggal ko gamit daliri ko.

Napatingin siya saken habang ginagawa ko un.

"Bakit ganyan ka makatingin?"sabi ko sakanya.

"Wala lang. Natutuwa lang ako" sabi niya

Biglang pumasok si Kuya Argie.

"Pre sorry nakalimutan ko to."

Binigay ni Kuya Argie yung isang garapong stick o at nutella. Tapos may maliit na box. Tapos nagpatugtog si Kuya ng kanta, Crazy For You ni Madonna.

"Ayan na bunso. Haha sorry ah. Sige na uwi na ako magtext ka na lang kung uuwi ka ah" sabi ni Kuya Argie

"Salamat kuya labyu!"

At umalis na si Kuya.

"Pano mo nalamang gusto ko ng Nutella at Stick O?" Sabi ko sakanya,

"E diba favr mo yan? Natanggap mo naman yung Nutella at Stick O last sem diba tapos may note na I miss you? Hehe korny ko pa nun di pako marunong magpakilala sayo nun. Nahihiya kasi ako." Sabi niya habang nakangiti

"Wait, ikaw nagbigay nun?"

"Huh? Oo. Korny ko no?" Sabi niya

Sa isip isip ko sabi ni Bryan siya nagbigay.

"Oh bakit natahimik ka?" Sabi niya

"Wala naman hehe salamat. Ang dami na neto." Sabi ko

"Alam mong hindi ako maperang tao. Pero lahat ng kung anong kaya kong ibigay, ibibigay ko sayo. Sana maramdaman mo to. Totoo kasi nararamdaman ko sayo, Gusto talaga kita." Sabi niya

Bigla akong naiyak.

"Lagot ka sa mama mo, pinaiyak mo ko hehe" sabi ko sakanya.

"Hinding hindi kita paiiyakin Patrick."

"Alam ko naman, naiiyak lang ako sa tuwa dahil may katulad mo, hindi ko alam kay Lord kung anong ginawa ko para bigyan niya ako ng katulad mo" sabi ko sakanya habang naiiyak pa rin.

"Ako ang nagtatanong niyan, kasi di naman ako mabuting tao. Anak. Kaibigan, wala akong paki sa mundo pero nung dumating ka, nagbago lahat" sabi niya

"Di ko inaasahan to"

"Susurpresahen kita palagi. Hindi kita hahayaang mabored saten."

Tumayo siya at nilapit niya yung upuan sa tabi ko.

Nilabas niya yung maliit na box na binigay ni Kuya Argie.

"Ano yan?" Sabi ko

"Promise ring. Isa sayo, isa saken. Promise ko na mag aaral akong mabuti para sa pamilya ko at para saten. Promise ko na habang suot ko to, Ikaw at ikaw lang mamahalin ko at wala ng iba. Hindi lang basta promise, gagawin ko talaga to." sabi niya saken habang naluluha siya.

Sorry kung hindi ako perpekto, pero lahat ng kaya kong ibigay sayo, ibibigay ko rin." Sabi ko sakanya

"ikaw ang perpektong tao para saken"

sabi niya at ngumiti.

Sinuot na niya yung singsing saken. Sinuot ko rin yung singsing sa kanya.

"Hinding hindi ko to huhubarin"

"Mahal na Mahal kita Patrick" sabi niya saken. Nakatitig siya sa mata ko at ramdam kong sincere siya. First time niya sinabi saken to kaya kinilabutan ako.

Ngumiti ako at Naiyak.

"Mahal na Mahal din kita" sabi ko sakanya.

Ngumiti siya ng malaki.

"Talaga?!!!!" Gulat niyang sabi

"Mahal naman talaga kita eh, gusto ko lang sabihin ngayon" sabi ko.

"Holy shit!!!! Talaga????? Wooooooh mahal niya ako!!!" Sigaw niya sa dorm.

"Wag ka maingay diyan uy!!!" Sabi ko sakanya

"So tayo na?" Sabi niya habang pigil yung ngiti niya.

"Oo tayo na" Sabi ko sakanya at niyakap niya ako ng sobrang higpit.

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 209 27
How well do I know you? All rights reserved, 2021
629K 39.4K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
60.9K 2.2K 28
Sa hinaba-haba ng panahong pag-aantay, ayan na nga sila, sabay-sabay pang dumating sa aking buhay. yes you read it right, "sila" it means maraming ta...
170K 8.3K 59
(COMPLETED) (bxb, BL, bromance) Dalawang magkaibang mundo, na nahulog sa pagmamahalan nila ng tudo, itutuloy ba nila? O isusuko na lang nila bigla? P...