My Marine Love - Pinoy M2M St...

By absurd018

93.6K 2.6K 70

Sundan ang buhay ni Pat (isang Electrical Engineering Student) sa piling ni Elmer (isang Marine Engineering s... More

Part 1 (Intro)
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Extended Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
ELMER's POV(Before FINALE)
Part 40 FINALE

Part 16

2.2K 66 1
By absurd018

First day na ng klase ng second semester at di pa din mawala sa isip ko yung ginawa namen ni Marine nung isang araw.

"Nakatulala ka na naman diyan!" Sabi ni jenn saken habang naghihintay ng prof sa room.

"Ah may iniisip lang haha" sabi ko nalang

"Baka naman si Elmer yan haha" pang aasar niya

Sasagot sana ako pero pumasok na yung prof.

Same prof lang last sem, si Sir. Kenneth! Iba na dating niya ngayon, mas lumaki katawan at parang mas pumpogi.

"Good Morning class. So yung ibang mukha familiar, actually almost lahat ata familiar hehe so wag ng introduction ah? Attendance na lang." Sabi ni sir samen,

"Yes sir."sagot ng lahat.

"Mag attendance na lang ako tapos dismissed na"sabi pa ni sir.

Habang nag aattendance si sir, tinawag na niya apelyido ko.

"Ramos?" Sabi ni sir

"Present" sabi ko at sabi din ng isa kong kaklase.

"Uhm George Ramos?" Ah sir present. Sabi nung kaklase kong isa. Bago ata nameng kaklase sa subj na yun.

"Patrick Ramos?"

"Ah sir present po." Sabi ko naman.

May itsura din tong si George ah. Matangkad saken at moreno. Medyo payat pero yung saktong payat lang. Pansin kong puro kulay blue gamit niya kasi kulay blue bag niya. Blue din watch niya tapos yung eyeglass niya naman kulay blue yung sabitan.

Di na lang namen pinansin nila jenn yumg bagong kaklase pero napansin namen nung nasa next class na kami andun pa rin siya.

Yung prof namen sa English, gusto naka arrange kami alphabetically. So, magkakatabi kami ni Jenn kasi Pangilinan apelyido niya, Si George kasi Ramos siya at ako kasi Ramos din apelyido ko.

Kinausap naman ni Jenn yung bago nameng kaklase kasi umalis yung prof namen sa room.

"Uyy kuya transferee kaba?" Tanong ni jenn

"Ahhh hindi, nag stop kasi ako ng 1yr tas tinuloy ko lang ngayon hehe" sabi naman niya.

Malambing boses niya na gusto mo lang siya marinig magsalita maghapon.

"Ahhhh okay okay!" Ayun na lang nasabi ni jenn.

Di na kami nagkwentuhan kasi di naman din ako interesado hehe.

Nagtext si marine saken.

"Hi baby!" Text niya

Kinilig ako sa text niya saken.

"Wrong send ka?" Sabi ko na lang

"Hala hindi para sayo talaga yun EE hehe" sabi niya

"Anong meron bakit parang ang saya mo?" Sabi ko sakanya.

"Wala naman. Anong balak mo pagtapos ng klase?" Sabi naman niya

"Hmm wala naman. Hindi naman nagyayaya sila jenn eh hehe bakit?"

"Tara alis tayo! :)))"

"San naman tayo pupunta???"

"Sa SM Manila na lang" sabi niya.

At pumasok si Bryan, late siya sa klase buti walang prof, sinenyasan namen na seating arrangement kaya naman pumunta siya sa pwesto niya.

"Tara! Basta libre mo ha? Haha"sabi ko naman

"Hala sige sige tignan natin haha" reply niya

"Anong oras ba tapos ng klase mo???" Sabi ko habang kinikilig talaga sakanya.

"3PM din, diba tapos ng last subject mo, 3PM din?"sabi niya saken

"Hala pano mo nalaman????"

"Alam ko uli schedule mo hahaha" reply niya saken

"Napaka stalker mo saken haaha"

"Pag panget stalker pero dahil gwapo ako, admirer ako hahaha" sabi niya saken

Napansin ni jenn ngumingiti ako sa katext ko.

"Ayan ha? Walang pagkwento!" Sabi ni jenn saken habang nakangiti

"Hahhaa nextime na hehe" sabi ko sakanya.

Di ko napansin na di pala ako nakareply kay Marine kaya pala nagtext siya

"Labas ka ng room"

Sumilip ako sa labas nakita ko siya sa labas ng room, naka marine uniform, all white at black shoes. Super fit ng uniform at sobrang gwapo niya.

Nakita niya ako at ngumit siya. Shit! Sobrang gwapo talaga niya.

"Baliw ka bakit ka andito?" Sabi ko sakanya nung lumabas ako ng room para kausapin siya.

"Wala lang. Ang cute mo haha sige pasok kana uli!" Sabi niya saken

"Baliw ka!" Sabi ko pero deep inside sobrang kinikilig ako.

"Hahhaa pumasok kana dun"

Pumasok na ako pero pag talikod ko kinurot pa niya pwet ko.

"Hala ka!" Napasigaw ako bigla

"Hahahhahahaha ang cute mo. Walang nakakita hehe. Sige na tumakas lang ako sa room bye." At umalis na si marine.

Natapos na yung klase ko at nagkapaalamanan na kami nila jenn pero sabi ko may pupuntahan pa kami ni marine.

"OMG pat hahaha. Mag ingat kayo!" Sabi ni anna saken

"Balitaan mo ko pag kayo na ah hahaha" pahabol pa ni anna

Umalis na ako pero nasa labas na ng school si Marine.

"Wag kana magbihis. Tara na!" Sabi niya saken habang nakangiti

"Wait lang. Ilagay lang natin yung bag sa dorm." Sabi ko

"Ayy oo sige para walang sagabal." Sabi naman niya.

Pumunta na kami ng dorm at nilapag yung bag namen.

Naghilamos muna ako at nag toothbrush.

Nakaupo lang siya sa kama at hinihintay ako matapos.

"Sorry hehe tara na?" Sabi ko sakanya

"Hehe okay lang tara" tumayo na siya at lumapit saken.

Niyakap niya ako ng bigla.

"Bakit? Ano problema?" Sabi ko sakanya.

"Wala naman gusto lang kita mayakap." Bigla siyang kumawala at hinalikan ako sa noo.

Natahimik ako sa ginawa niya.

"Bakit ang tahimik mo?" Sabi niya saken.

"Ikaw pa lang humalik saken, syempre maliban sa parents, pero ikaw pa lang talaga." Sabi ko habang nakayuko

"Ayyyy sorry!!! Di ko alam so wala kapang first kiss???" Sabi niya

"Wala pa." Nahihiya kong sabi.

"Ay hehe ang cute. Sige hayaan mo bibigyan kita ng proper first kiss next time haha" sabi niya saken.

Nahihiya ako sa mga nangyayari.

"Magsalita ka naman diyan" sabi niya saken.

"Tara na sa sm manila hehe gutom nako libre mo ko ahhh" sabi ko nalang para matago yung kilig na nararamdaman ko.

Nasa SM Manila na kaming dalawa, nakaakbay lang siya saken at ako naman nakatungo kasi kinikilig ng sobra.

"San mo gusto kumain?" Yaya niya

"Kahit saan ikaw naman manlilibre eh" sabi ko naman

"Tara sa KFC" sabi niya saken.

Naka order na kami at nakaupo na para kumain.

"Ohh bakit ka naman nagyaya? Akala ko pa naman di ka na uli magpaparamdam." Sabi ko sakanyang may kasamang tampo.

"Hala nagtatampo siya oh hehe sorry." Sabi niya nalang.

"Bakit ba ganun ka? Na kapag may gagawin tayong dalawa eh bigla kang mawawala"

"Hala hindi naman sa ganun. May emergency lang" sabi niya habang kumakain.

"Palaging may emergency ganun?"sabi ko sakanya

"Basta simula ngayon magbabago na lahat hehe" sabi niya naman ng seryoso.

Natahimik ako at kumain muna.

"Ang cute mo no?" Sabi niya nalang bigla.

"Tigilan mo nga" nainis kong sabi sakanya

"Haha kinikilig ka eh. Wag mo na itago gusto ko makita kung pano ka kiligin"

Tinitigan niya lang ako sa mata at ngumingiti. Nagpapacute at sasabihing "uyyyyyy"

Di ko na napigilan sarili ko at ngumiti ako sakanya. Yung ngiting kilig. Yung ngiting gustong gusto ko siya.

"Ayan na!!! Sobrang cute mo" sabi niya habang nakangiti saken.

Nahiya ako pero kinikilig pa rin ako. Kumain na lang ako para di makapagsalita.

"Di ko alam kung bakit, di ko din alam kung tama pero di ko na mapigilan nararamdaman ko eh" sabi niya saken habang nakatingin sa mga mata ko.

"Ha anong ibig mong sabihin?" Sabi ko din habang nakatitig ako sa mata niya.

"Matagal ko na to nararamdaman. Iniiwasan ko nga eh"

"Pero sandali, totoo bang ex mo si JM?" Bigla ko na lang sinabi.

"Ha? Sino nagsabi sayo niyan? Assuming lang yun pero hindi naging kami nun!" Inis niyang sabi.

"Ahhh akala ko lang kasi" sabi ko

"Wala pa akong nakarelasyon kahit isa. Wala pa. Hindi naman ako yung tipong ligaw ng ligaw." Sabi pa niya

"Ehhhhhh ano ibig mong sabihin??" Sabi ko naman. Tinitignan ko pa din siya

"Wala, di ko lang matago nararamdaman ko. Nung una inis na inis ako sayo eh pero habang tumatagal, nakikita ko tunay mong ugali, kung ano ka. Kung ano mga gusto mo na talagang kakaiba. Nakikita ko din sayo kung gano ka karesponsable sa pag aaral at kung gano ka kabait bilang estudyante at isang tao. Nakakatuwa lang kasi lahat ng gusto kong makita sa isang tao, nasayo. Nasayo lahat ng hinahanap ko. Kaso di ko naman alam kung ako din hinahanap mo."

Medyo naiiyak ako habang sinasabi niya tong mga to saken.

"Sa una, yung nangyari saten sa CR, di ko alam pero nagiguilty ako bakit kita namulat sa ganun. Kakasabi mo lang kanina wala ka pang nahahalikan ibig sabihin first time mo rin yung nangyari saten sa cr nun"

Tumango na lang ako.

"Oh diba? Nagiguilty ako. Pero yung guilt na yun napalitan ng iba, di ko kasi maexplain. Sinubukan kong layuan ka pero ikaw hinahanap hanap ko eh. Parang ikaw lang gusto ko. Gusto ko lang talaga isure yung sarili ko. Kaso hindi lang ako sure, sure na sure ako. Sure ako na gusto kita at sure ako sa nararamdaman ko."

Di ko na napigilan yung pag iyak ko. Pinunasan niya yung mga luha sa mata ko at ngumiti siya saken.

"Sorry kung ngayon ko lang sinabi. Sana di pa huli"

Ngumit lang ako. Ngumiti din siya.

"Pwede ba kitang ligawan?" Sabi niya habang nakatitig sa mata ko.

Nakahawak siya sa kamay ko at wala kaming paki kung may makakita samen.

"Pwedeng pwede!" Sabi ko naman.

At ngumiti siya sa saya.

Continue Reading

You'll Also Like

147K 2.8K 25
BROMANCE BOYXBOY M2M > A Love story of Terrence and Lando. Originally written by Sir JOEMAR ANCHETA :)
14.1K 621 23
Sean and Uno love story
90.7K 3.3K 51
Hindi namalayan ni Ashton na marami na pala ang nagbago sa kanya sa lumipas na mga buwan. Hindi na siya ang dating Ashton na sunod-sunuran sa mga lal...
129K 1K 7
Mahirap at isang payak na pamumuhay ang kinagisnan ni Ezrael. Marami siyang pangarap sa buhay na gusto niyang matupad ngunit hindi sapat ang pangara...